bc

Only Reminds me of you- A one shot story

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.0K
READ
tragedy
campus
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

One shot story compose of two to five chapters only.

Please read at your own risk. Bawal sa may sakit sa puso at bawal sa hindi open minded. Nakakasakit po ang istoryang ito, ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad.

Salamat

chap-preview
Free preview
Episode One- Joshua & Jamille
Namumugto na mga mata ko sa kakaiyak. Ang sakit sa dibdib, parang tinutusok ng isang milyong karayom. Wala akong ganang kumain, maligo, makipagusap o kahit na tumayo. Dalawang araw na akong nakahiga lamang sa kama, umiiyak, humahagolhul habang hinihintay ang text niya, tawag niya. Paano ba naman kasi pinagpalit ako ng jowa ko sa limang buwang buntis. Hindi naman siya ang ama pero willing siyang maging tatay. Kinalimutan niyang girlfriend niya ako, na kailangan ko siya, na mahal ko at ikamamatay kong mawala siya. He broke up with me dahil 'di ko maibigay sa kanya ang gusto, ang makipagsex dahil kay taas pa ng pangarap ko, magsasaka lang ang mga magulang ko at sila ang nagpapaaral sa akin dito sa siyudad kaya siguro pumatol sa sa buntis dahil alam.niyang makakatira siya agad. Napabalikwas ako ng bangon ng mag ring ang phone ko. Nahulog pa ako sa kama sa pagmamadali kong tumayo upang sagutin ang phone ko na nasa ibabaw ng study table ko. Nagbabakasakaling siya yung tumawag. Nadismaya ako ng makitang hindi pangalan niya ang nakarehistro sa screen. Ganun pa man sinagot ko pa rin yung tawag niya. It was my bestfriend Dianne. Nagaayang uminom kasama mga kaklase niya. Dahil nga broken hearted ako at gusto kong makalimutan kahit saglit yung sakit na nararamdaman sa puso ko pumunta ako. Busy ako sa pagiinom. Si Dianne lang naman kakilala ko nanonood lamang ako sa mga barkada niyang nagkwekwentuhan. Ang saya nila, nakikitawa na lang rin ako. Hanggang sa may humabol na isa. Kapatid ng isa sa mga kaibigan ni Dianne. Aminin ko gwapo, matangkad, maganda ang katawan, moreno, kaparehong pomorma ng ex ko. Umupo siya katapat ko. 'Di ko namalayan napatitig na pala ako sa kanya ng matagal natauhan lang ako ng iangat nito ang beer sabay ngiti sa akin, pilit na ngumiti ako. Ramdam ko ang mga paninitig niya sa akin ngunit 'di ko siya pinapansin, broken hearted ako, yung puso ko ang inaatupag ko. Tumayo ako. Pumunta ako ng dance floor mag.isa. Sumayaw ako, sumayaw ng sumayaw ako habang hawak sa isa kong kamay ang beer. Pilit kong inaaliw nag sarili upang kahit papano maibsan man lang ang nararamdamang sakit sa puso ko ngunit nakita ko na lamang ang sariling lumuluha habang sumasayaw. Hindi ko mauuto yung puso ko, kahit anong gawin kong aliwin ito 'di ko maitatago amg sakit at hapdi na nararamdaman nito. Inubos ko ang buong bote ng beer. Nakaramdam na ako ng hilo , di ko na kasi mabilang kung nakailang beer na ako. Nakaramdam akong parang masusuka na ako. Napatakbo ako ng CR. Ang pait ng panlasa ko, puro beer na yung sinuka ko dahil dalawang araw na akong hindi kumakain, napakaacidic ng suka ko. Nanghina ako pagkatapos kong isuka lahat ng laman ng tiyan ko. Naghilamos ako bago pasuray-suray na lumabas ako ng banyo. Insaktong pagkalabas ko ng banyo ay ang tuluyang pagkawala ng kamalayan ko ngunit alam kong hindi sahig ang binagsakan ko kung hindi mga braso. Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Nasa loob na ako ng silid ko sa boarding house ko. Kung paano ako nakarating rito yun ang hindi ko alam. Iba na rin ang suot ko. Naisip kong baka inuwi ako ni Dianne. Hindi na rin ako nagtanong sa kanya. Lunes. Kahit nakakatamad pumasok, kahit walang gana, kahit naghihinagpis pa yung puso ko ay pumasok ako sa eskwela. May pangarap pa ako at ayokong biguin ang mga magulang ko. Habang nasa loob ako ng jeep biglang tumunog yung cellphone ko. Kay bilis ko itong tinignan nagbabakasaling jowa ko na natauhan ngunit muli ay nadismaya ako ng makitang unregistered numbers ang tumatak. Nakadelete na naman ang numero ng jowa ko ngunit kabisado ko ang numero nito at natitiyak akong hindi niya numero ito. Binuksan ko ang mensahe at binasa ang laman nito. Napakunot ang noo ko ng ang laman ng mensahe ay "Kamusta pakiramdam mo." Nagreply pa rin ako, nagbabakasakaling jowa ko, nagpalit lang ng number dahil baka akala niya blinock ko siya. Napangiti ako, kinilig, oo ganun ako katanga! Ginago na't lahat isang text lang okay na agad. "Sino ka." kunwari 'di ko alam. Hindi ko hiniwalay ang titig ko sa cellphone ko, hinihintay ang reply niya. Sa paghihintay ko lumagpas pa ko sa school. Kakapasok ko lang sa gate ng tumunog muli ang cellphone na hawak ko kay laki ng ngiti ko habang hinihintay mabuksan ang mensahe niya ngunit ganun na lamang ang dismaya ko ng ibang pangalan ang sinabi nito. "Joshua, kaibigan ni Dianne. Yung late na dumating." Sa dismaya ko 'di na ako sumagot. Dinelete ko numero niya at blinock. Uwian. Nag-aabang ako ng sasakyan pauwi. Dinagdagan lamang ng walang masasakyan ang sama ng loob ko. Punuan na, ito yung pinakahate ko sa tuwing umuuwi ako, traffic na nga kay tagal ko pang makasakay. Napaatras ako ng may humintong bigbike sa tapat ko. Ang gara ng motor napakaastig. Mukhang mamahalin. Umiwas ako ng tingin ng hubarin nito ang suot na helmet. Ramdam kong napatitig siya sa akin ngunit 'di ko siya pinansin. Ayoko ring magmukhang assuming ngunit ng tawagin niya pangalan ko saka ko siya nilingon. Napakunot noo pa ko dahil di ko naman siya kilala pero pamilyar mukha niya. Di ko lang matandaan saan ko siya nakita. "Joshua, remember me? Kagabi." naalala ko kaagad siya. Napatango-tango ako. "Sabay ka na. Madadaanan ko naman pauwi boarding house mo." "Paano mo nalaman saan ako nakatira?" napatigil ito, nagiisip saglit. "Sinabi ni Dianne." sagot niya. "Ah okay. Sige, salamat na lang, mag jejeep na lang po ako." tanggi ko. Nakakahiya at isa pa di ko siya lubos na kilala. Di sa nagmamaganda ako pero di natin alam ang panahon ngayon. "Hindi ako masamang tao, I'm just concern." "It's okay po. Salamat." Umiwas ako, bahagyang lumayo, nagpara ako ng jeep ngunit nakailang para na ako pero walang humihinto punuan palagi. Napasulyap ako kay Joshua bumaba ito ng motorsiklo. Tinulungan niya kong makapara ng jeep. Nang lumipas ang halos isang oras ay nilapitan ko na siya. Naaawa na rin ako sa tao, di naman niya ko obligado ngunit sinasabayan niya ko. "Uwi ka na." "Oo, kapag nakasakay ka na." "Okay lang po ako." "Alam ko. Pero mas mapapanatag loob ko kapag nakasakay ka na saka ako uuwi." Nagulat ako ng pumara ito ng taxi. "Wala akong pamasahe." "Di niya ko pinakinggan, binuksan niya ang pintuan ng taxi at nagbigay ng pera sa taxi driver. Sinarado niya ang harapan na side at sinunod niyang binuksan ang likod. "Bayad na yan, sakay ka na. Don't worry nakasunod lang ako sa likod incase magloko yung driver." napakunot noo ito ng kinuha ko ang wallet mula sa backpack ko. Babayaran ko siya ayokong magkautang na loob sa kanya. "Just thank me. It's enough." di niya tinanggap ang bigay kong pera. "Please, sumakay ka na, para makauwi ka na at makapagpahinga." Napilitan akong sumakay. Sinarado niya ang pintuan. Di ko alam pero napapatingin ako sa likuran ko at nakita ko ngang nakasunod siya sa akin. Tila may kung anong humaplos sa puso ko sa ginawa niya. Ilang saglit lang huminto na ang taxi sa tapat ng gate ng inuupahan ko. Buong akala ko ay didiretso na si Joshua ngunit ng makitang nagmenor ito at dahan-dahan na ginilid ang motorsiklo ay hinintay ko itong makababa. Ang astig niyang tignan, ngayon ko lang na appreciate ang ang angas at lakas ng dating nito habang lulan ng kanyang motorsiklo. "Thank you." saad ko. "Walang anuman. Pahinga ka na." "Sige. Ingat ka sa biyahe." "Salamat." Pumasok ako sa loob, pagharap ko ay nasa harap pa rin ito ng gate hinihintay akong makapasok. Ngumiti ako sabay talikod. Kinabukasan. Pauwi na naman ako. Pahirapan na naman pumara ng jeep. Muli ay tumabi ako ng muling huminto sa harapan ko si Joshua dala muli ang kanyang magarang motorsiklo. Tinanggal nito ang helmet. Papara na sana ito ng taxi ng pinigilan ko siya. Nakakahiya na masyado. "May extrang helmet ka?" I asked. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito. Bakas ang saya sa mukha ng makuha ang ibig sabihin ko. "Ofcourse!" Kay bilis nitong nilapitan ang motor. Binuksan nito ang compartment at kinuha ang isa pang helmet na kulay pink. "Kanino to? Sa jowa mo?" tanong ko. "Kakabili ko lang niyan, para sa magiging jowa ko pa." saad niya sabay ngiti. Napatras ako ng isang hakbang ng lumapit siya, umiwas ako ng itaas nito ang isang kamay, dahan-dahan niyang tinanggal ang suot kong clip sa buhok. Bumagsak ang lagpas balikat kong buhok sa likod ko, may kung anong dumaan sa tiyan ko ng ayusin nito ang buhok. Nakatitig lamang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Nang makontento ay isuot na niya ang helmet sa akin. Ang bango niya, nakakaturn on. Amoy mamahalin, lalong nakakapogi. "I knew it, it fits on you." saad nito. Pati ang hininga niya ang sarap samyuhin. Sumakay ito pabalik sa motor niya. "Hop in." Nahihiyang lumapit ako, napahawak ako sa balikat niya at umangkas sa likod niya. Naiilang ako dahil yung style ng motor niya ay di maiwasan na lalapat yung dibdib ng angkas sa likod ng driver. Ni di ko alam kung saan ako kakapit, ang pangit kung sa likod ako kakapit. "Okay lang yumakap. Walang malisya, promise." tumaas ang kilay ko, natawa ito, nakita niya pala ako sa side mirror. Wala akong choice kung hindi yumakap sa kanya, char. May abs, infairness, matigas ha. Ang angas niya. Pakiramdam ko rin ang angas ko tingnan habang sumasabay sa bawat kambyo niya. Ingat na ingat ang bawat galaw niya. Nag enjoy naman ako. Sino bang hindi? Nakalimutan ko nga broken hearted pa la ako. Ilang saglit lang narating na namin ang boarding house ko. Dahan-dahan akong bumaba. Sumunod si Joshua. Kay bilis nitong humarap sa akin upang magkusang tanggalin ang helmet ko. "Thank you." "Walang anuman." "Mauna na ako." "Sige." Nakahiga ako sa kama. Katatapos ko lang maglinis ng katawan. Nakatingin lamang ako sa kisame ng boarding house ko. Kung kahapon di ako makatulog dahil sa sakit ng dibdib ko ngayon naman ay dahil kay Joshua. Parang magic na basta na lamang napagaan niya ang dibdib ko. May kirot konti dahil sa ex kong tarantado pero ngayon unti-unting gumaan dahil kay Joshua. Npalingon ako sa study table ko ng marinig kong tumunog ang phone ko. Tumayo ako nilapitan ito. Unregistered number ang nakaregistered sa screen. It was joshua, kabisado ko na ang huling tatlong numero nito. I opened his message. "Hi!" Yun lang ang laman. Binasa ko lang at binalik sa ibabaw ng lamesa, ngunit hindi ko pa man nabitawan ang cellphone ko ay muling tumunog ito. "Gising ka pa ba?" basa ko ulit sa mensahe niya. Muling tumunog ang cp ko. "Sorry sa disturbo, matulog ka na. Sweet Dreams. Goodnight." Ngunit kay ilap ng tulog ko. Maguumaga na ng makatulog ako. Uwian. Di ko alam ngunit nakita ko na lamang ang sariling hinihintay siya. Nagbabakasakaling maligaw ulit ito. Napasulyap ako sa pambisig ko na relo ng mapansing mukhang natagalan ang pagdating nito ngunit agad ko ring kinastigo ang sarili dahil wala naman akong karapatan. I gave up ng lumipas ang dalawampung segundong hindi pa rin ito dumating. Nagsimula na akong pumara ng jeep ngunit kay tamlay ko dahil umaasa pa rin akong darating siya. Nanghinayang pa ako ng may humintong jeep sa tapat ko at insaktong may bumabang ale. Mabigat sa loob na humakbang ako palapit sa pintuan sa likuran ng jeep ng biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako sa nagmamay.ari nito at ganun na lamang ang pagliwanag ng mukha ko ng masilayan ko si Joshua ngunit syempre di ako nagpahalata. "I'm sorry, may banggaan kasi kaya nahirapan akong lumusot. Is it okay with you sa motor ko na ikaw sumakay, please?" Napalingon ako sa jeep ng umandar na ito paalis. Napalingon ako pabalik sa kanya. "May magagawa pa ba ako? Iniwan na ako." "At handa naman akong tagasalo mo kahit ilang beses ka pang iiwan nila." seryoso niyang saad sabay ngiti sa akin. 'Di ko alam pero ramdam ko yung sinserida ng sinabi niya. Muli ay ingat na tinanggal nito ang clip ng buhok ko, inayos at sinuot sa akin ang helmet. Muli ay sumakay ako ng motorsiklo niya at hinatid niya ko pauwi sa boarding house. He took off my helmet. Paalis na ako ng tawagin niya ko. Napalingon ako sa kanya. "May malapit ba na kainan dito, okay lang ba samahan mo kong kumain? Nagugutom na kasi ako. Promise, treat ko." napaisip ako. Aminin ko lihim na nagdiwang ang puso ko dahil mas makakasama ko pa siya ng matagal. "Sa unahan, merong McBee." muling sinuot niya sa akin ang helmet at umangkas ako ulit. Kumain kami sa Mcbee. Napagalaman kong his a Mechanical Engineering student at sa isang sikat na unibersidad nagaral. Nasa second year college ako habang siya'y nasa third year na. May dalawa pa siyang kapatid isang babae at isang lalaki. Siya ang pinakabunso. Kay rami pa naming napagkwentuhan.Sa ikli ng panahon na nagkausap kami ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Lumabas kami ng McBee at napagpasyahang tumambay muna sa sea wall. Kay sarap ng hangin mula sa dagat. Napayakap ako sa aking sarili. Naramdaman ko na lamang ang paglipat ng jacket niya sa mga balikat ko. "Salamat" I said, nginitian lamang niya ako. Ang gaan niyang kausap, ang sarap din ng sense of humor niya napapatawa niya talaga ako. Ni di namin pareho namalayan ang paglipas ng oras. Nakahiga na muli ako sa aking kama, kung noong nakaraang araw luha ang nakapaskil sa pisngi ko ngayon nama'y ngiti. Nang tumunog ang cellphone ko kay bilis kong napatayo. Kung noon umaasa akong pangalan ng ex ko mababasa ko ay ang unregistered number ni Joshua ang pinalangin ko. Hindi nga ako nagkamali. It was him. "Hi! Gising ka pa? Damn! 'Di ako makatulog." "Bakit?" I replied. I walked near the edge of my bed. I sat down while waiting for his reply. "Dahil sayo." "Huh? Anong ginawa ko?" "Di ko rin alam basta alam ko ngumingiti ng kusa ang mga labi ko sa tuwing naiisip kita. Baliw na ba ako? O baliw na ako sayo..." I bit my lower lip para pigilan ang pagngiti ng mga labi ko ngunit kagaya niya kusang tumataas ang magkabilang gilid ng mga labi ko. Damn! Di ko nailagan yun. Napahiga ako sa kama habang nakalambitin ang dalawang binti ko. Napatakip ako sa aking mukha at napatili ngunit yung tiling walang ingay na lumabas sa bibig ko dahil baka mabulahaw ko ang ibang borders. Napatigil ako ng tumawag siya. Nakalimutan ko ng magreply. Kinakabahan ako. Di ko alam kung anong sasabihin kaya di ko sinagot ang tawag niya. Hanggang sa mawala na ito sa linya. "Galit ka?" Basa ko sa mensahe niya ng marinig kong tumunog ang phone ko. "Hindi." "Bakit ayaw mo kong sagutin?" "Basta lang." "Jam, pwede ba kong manligaw?" "Aray!" reklamo ko ng mabitawan ko ang cellphone at diretsang tumama ang screen sa mukha ko. Nabigla kasi ako ng mabasa ko mensahe niya. Nabitin tuloy ang kilig ko. Ang sakit shuta! Dali-dali kong kinuha ang phone at nag tipa dahil baka tumawag na naman muli ito. Nakita ko na lamang ang sariling nagreply ng "Oo." Puyat na naman ako. Di ako makatulog. Pareho lang pala ang in love at broken hearted ng epekto. Di makatulog, di makakain at lutang. Ang pinagkaibahan lang ay ang nararamdaman ng puso mas gusto ko pa rin ang feeling na masaya at laging inspired. Palabas ako ng gate ng boarding house ng mapatigil ako saglit dahil nasa labas siya hinihintay ako. "Anong ginagawa mo rito?" "Inuumpisahan na ang pangliligaw. Simula ngayon hatid sundo na kita." Uwian. Kay lapad na ng ngiti ko ng paglabas ko ng gate nasa labas na rin ito nakasandal sa kanyang motorsiklo. Nakakaproud. Ang gwapo niya sobra at mas lalo pa siyang gumwapo sa paningin ko ngayon ni di ko namalayan na may bitbit pa la siyang bouquet. Nang iabot niya sa akin ito saka lamang ko na pansin. Araw-araw may paflowers si mayora. Tinupad niya ang paghahatid sundo sa akin. Sa linggo nagsisimba kaming dalawa at ipapasyal niya ko sa mga sa tabing dagat o kaya'y sa tuktok ng bundok. Araw-araw unti-unting tumutubo ang nararamdaman ko para sa kanya. He treats me like a princess na kailanman di ko naranasan sa ex ko. Inaalagaan, minamahal, pinapahalagahan at sobrang nirerespeto niya ako. Ni kahit ang hawakan ako'y humihingi pa mg pirmiso. Kay tulin lumipas ng araw, linggo at buwan. Di ko namalayan na apat na buwan na pala siyang nanliligaw sa akin. Nasa tabing dagat kami ngayon. Magtatakip silim na hinihintay ang paglubog ng araw gaya ng nakagawian naming dalawa. "Josh..." sambit ko sa pangalan niya ngunit ang mga mata ko'y nanatili sa papalubog na araw. "Yes..." "Magagalit kaba pag sinabi kong..." napayuko ako. Ayokong tingnan siya ngunit ramdam ko ang maririin niyang mga titig sa akin. Kahit ang kalabog ng puso niya'y rinig na rinig ko. Kay lakas rin ng sipa ng puso ko, sobra akong kinakabahan. "Jam..." tawag niya sa akin ng nanatili akong tahimik. "Magagalit ka ba pagsinabi kong taman na..." patuloy ko. Napalingon ako sa kanya. Napatitig siya sa mga mata ko, na tila ba sinusuri kung seryoso ako. Kay bilis nangilid ng mga luha nito at bago pa man ito nagbawi ng tingin ay nakita ko ang paglandas ng luha sa isang bahagi ng kanyang pisngi palihim nia tong pinunasan, kay bilis ng kamay niya. "T-aman na, ano?" ng lingunin niya ko pabalik may pait na ngiti sa mga labi niya. "Na huminto ka na sa panliligaw mo sa akin..." sinalubong ko ang mga titig niya. Naawa ako. His reaction was so genuine... "Paano pag sinabi kong a-yaw ko-" napatingala ito upang pigilan ang pagpatak ng luha muli sa mga mata niya. "H-ayaan mo lang akong mahalin ka..." 'di ko na rin napigilan ang sariling maluha. Kay bilis ko rin itong pinunasan bago pa man niya makita. Tinignan niya ko muli. Nangingislap ang mga mata nito sa luha. Tinaas nito ang isang kamay at marahang hinawakan ang aking pisngi. Napapikit ako habang dinadama ang init ng palat niya. "Hayaan mo lang akong alagaan ka at manatali sa tabi tabi mo. Hindi naman ako nagmamadali . Masaya ako ikaw kasama ko, kahit walang label, kahit kaibigan lang muna sa ngayon. Maghihintay ako, Jamille. Hanggang sa handa ka ng mahalin ako... Kahit ilang linggo pa, buwan, taon, maghihintay ako... Hayaan mo lang akong ligawan ka araw-araw habambuhay...." Habang binibigkas niya ang bawat katagang iyon ay patuloy sa pag landas ang mga luha ko sa pisngi, panay naman ang punas niya ng mga ito. "Pinapahinto na kita dahil sinasagot na kita. Ayaw mo pa rin tumigil? Ayaw mo tayong magka level?" Last thing I knew he was already claiming my lips. I closed my eyes and tears dripped down my face as I responded wholeheartedly to his kisses.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook