Episode 3- Philip & Trexie

2366 Words
Biyernes ng Decembre. Nag-ayang makipaginuman si Fe sa bahay nila. Isa sa mga katrabaho ko. Grupo kami ng mga babae. Lahat naka assign sa back office ng kumpanya. Sumugod kaming lahat sa bahay niya. Kasama ang iba pa naming ka officemates. Pagkarating namin ay naghapunan muna kami bago sita umorder ng isang case ng beer. Nagsimula na kaming mag inuman. She turned on her videoke at nagkantahan. Si Fe yung tiga kanta habang kami naman tiga sayaw. Wala kaming hiyaan dahil bukod sa mag kakakilala kaming lahat at malapit na sa isa't-isa ay pawang mga babae naman kaming lahat. Ang iingay namin na para bang pagaari namin ang mundo. Walang KJ, lahat nakikisabay, lahat umiinom, lahat kumakanta at sumasayaw. Sa rami ng nainom ko pumatong na ako sa ibabaw ng lamesa at nagsasasayaw. Hindi sa pagmamayabang pero marunong din naman akong gumiling. "Guys! Guys! Let me introduce to you my brother-in-law's brother , Philip!" Narinig ko si Fe ngunit hindi ako huminto bagkus ay nagpatuloy ako sa pagiling sa ibabaw ng lamesa. "Hoy bruha! Tigil muna!" Ang hayop na to muntikan pa kong mahulok ng hilahin nito ang braso ko. Napatili pa nga ako, akala ko talaga tuluyan nakong mahulog ngunit naramdaman ko na lamang ang mga kamay sa magkabilang baywang ko upang alalayan akong wag tuluyang mahulog. Napahawak ang dalawang kamat ko sa mga balikat niya. Napahinto ako at napatitig sa mga mata niya. Sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang paghinto ng ikot ng mundo. He was intently staring at my both eyes as well. Kay ganda ng mga mata niya yung hindi naman siya nakangiti ngunit nangingislap ang mga iyon at sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang hindi normal na bilis ng kalabog mg puso ko sa hindi ko mawari na dahilan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakipagtitigan sa kanya. Naagaw lang ang atensyon naming dalawa ng tumikhim si Fe. Bahagya niya kong binuhat at dahan-dahan na binaba sa ibaba ng center table. Alinlangang nginitian ko siya sabay bitaw namin sa isa't-isa. "Philip." Mula sa mga mata niya ay bumaba ang tingin ko sa isang kamay niyang nakalahad. Nahihiyang tinanggap ko iyon upang makipagkamay sa kanya. "Trixie." pagpapakilala ko. Nginitian niya ko muli sabay pisil niya sa kamay kong hawak pa rin niya kasabay ng paggambala niya sa mga natutulog na nilalang sa bandang puson ko. May kung ano sa gawi ng pagkakahawak niya sa kamay ko.Ang gwapo niya, yung gwapong hindi nakakasawang tingnan. Moreno siya na mas lalong nakadagdag sa appeal niya bilang lalaki. 'Mula ng makilala ka aking mahal. 'Di nako mapalagay sa kakaiisp ko sayo.' muli ay kay bilis kong nabitawan ang kanyang kamay ng magsimulang kumanta si Reen. Bakit labis kitang mahal by Lea Salongga. Nawala bigla yung hilo ko mula sa ininom kong beer. Napaupo ako. Naging prim and proper bigla. "Alis na muna ako, galing pa ko work, magbibihis muna ako." paalam nito sa amin. Napasulyap ako sa kanya. Mabilisan lang sana ngunit nahagip pa rin nito ang mga mata ko. His lips weren't smiling but his eyes were. Kay bilis kong nagbawi ng tingin. Ramdam ko pa ang paninitig niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pang muli. Hinintay ko siyang bumalik. Ang tagal niyang makapagbihis. Hanggang sa natapos na lamang si Reen kumanta. Nagsimula na namang pumili si Fe at Solly ng mga kantang mapapasayaw ka talaga. Ang mga naunang kanta ay napigilan ko pa ang sariling umindayog. "Hoy! Anyari sayo? Naging si Maria Clara ka bigla! Sayaw na!" Untag sa akin ni May. "Ayoko. Nahihilo na ko." pagpapalusot ko. "Saan ka nahilo? Sa beer o sa gwapo?" Napalingon ako kay Anne, natawa ito ng inismiran ko. "Nahilo nga ako, muntikan na ngang mahulog diba?" Pinanindigan ko na ang pagsisinungaling ko. Napalingon ako sa malaking TV screen ng sumalang ang Unholy by Sam smith. Damn! Kay sarap ng igiling eh! Paborito ko pa sanang sayawin. Ilang minuto na naman yung lumipas naisip ko baka di na iyon lalabas ng kwarto. Napaangat ang tingin ko sa mg ka officemates ko ng magsitayuan na ang iba at nagsimulang gumiling. 'Mummy don't know daddy's getting hot At the body shop, doing something unholy He's sat back while she's dropping it, she be popping it Yeah, she put it down slowly' Pero ng sumalang na ang chorus 'di ko na napigilan ang sariling tumayo at igalawa ang katawan. Sinasabayan ko ang bawat beat ng malamyos na musika at dahil mangaagaw ako ng eksena hinubad ko ang suot na blazer, naiwan ang suot kong itim na tube. Naghiyawan ang mga kasamhan kong babae. Chinecheer akong sumayaw, mas lalo ko pa ngang pinag-igihan ang paggalaw ng balakang ko habang nasa itaas ang mga kamay ko. Napapikit ang mga mata ko ninanamnam ang ganda ng musika. 'Di ko alam ngunit basta na lamang akong napadilat dahil pakiramdam ko may nakatitig sa akin. I was right. He was there meters away from where I was dancing. Nakasandal ang braso nito sa hamba ng pintuan patungong kitchen. Nakakrus ang mga braso niya sa bandang dibdib. Nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa akin lamang. Na tila ako lang ang tao sa paligid ngunit na imbes na mahiya at tumigil ako, ay mas ginalingan ko pang sumayaw, yung mga titig niya ay nakadagdag lalo ng kumpyansa ko sa sarili lalo at bakas sa mga mata niya ang paghanga. Naengganyo pa ko lalong sumayaw lalo at alam kong may mga matang nakamasid sa akin. Hanggang sa mag-aya na ng uwian ang mga kasamahan ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Ni 'di man lang ako nilapitan muli ni Philip. Inasahan ko pa naman sanang hingan niya ko ng numero o kaya social media account lalo ng paglingon ko pabalik sa kanya ay 'di na ito mahagip ng mga mata ko. Ni 'di ko alam kung muli pa bang magkrus ang landas naming dalawa. At katulad nga ng kanta ni Reen. Kay tagal kong nakatulog, 'di ako mapalagay sa kakaisip ko sa kayan. Nakainom ako ngunit kay ilap pa rin ng antok ko. Mabuti na lamang at sabado bukas walang pasok dahil narinig ko na ang pagtitilaok ng manok ng makatulog ako. Tanghali na ng magising ako. Magisa lamang ako sa townhouse na pagmamay-ari ng mga magulang kong nasa probinsya. Regalo ito ng ate kong matagal ng naninirahan sa Canada. Bakasyonan lamang ito ng mga magulang ko kung sakaling maisipan nilang pumuntang siyudad. Di maiwan-iwan nina papa at mama ang probinsya, mas pinili nito ang simple ngunit mapayapang buhay sa bukid. I was cooking my brunch ng maagaw ang atensyon ko ng tumunog ang phone ko. Napakunot noo ako ng may nag pop-up na friend request notification sa instabook account ko. Tinignan ko ito upang mapagsino. Halus mapatili ako ng mabasa ang pangalan at makilala ang profile nito. It was him. Kay bilis kong nakapag responde sa friend request niya. Shît! Mura ko. Halos mangisay ako sa kilig. Di nga halatang type ko si Philip. Naghintay akong magmessage siya pero wala. Nabagot na ko. Naisip kong magpapapansin. Since friends na kami sa Instaboom naisip kong lahat ngvi post ko dadaan sa timeline niya kaya kahit gutom na gutom na ko at luto na ang ulam ay pumanhik ako paakyat ng kwarto upang magpaganda. I put a little blush on yung natural lang, nilagyan ko ng maskara ang mahahaba kong pilik mata. Mas inemphasize ang kilay at naglagay na rin ako ng eyeline. Panghuli ang liptint, yung mukhang natural rin akong tignan. Nakadalawang daang picture yata ako bago ako nakapili ng i popost ko sa aking story at sa timeline na rin. I was wearing only a spaghetti strap blouse, naka messy bun ang mahaba kong buhok. Klaro yung dalawang collarbone ko na mas nakadagdag sa kasexyhan ko. I waited for him to seen my story at mag react sa photo ko sa timeline ngunit dumaan ang ilang oras, nakailang check na ako ay ni mareact ay hindi nito ginawa. Nadismaya muli ako. Inis na iniwan ko ang cellphone sa ibabaw ng vanity table ko. Tumayo at tumalikod. Naisipan kong kumain na lamang dahil mukhang malilipasan ako sa gutom sa kalandian ko ngunit nakailang hakbang pa lang ako ng tumunog ang phone ko. Kay bilis kong nakatakbo pabalik at tinignan ang notification, nanlaki at at kay lapad ng ngiti ko ng nagreply siya sa story ko. 'Hi!' Yun lang pero parang nasa langit na ko ng mabasa ang mensahe niya. Nagisip pa ko kung anong irereply na di mapuputol ang conversation naming dalawa. 'Hi!' nag tipa ako ngunit agad ko ring binura. 'Hello!' muli ay binura ko. 'Oi!' binura ko ulit 'You're Fe's brother-in-law right?' tinipa ko, alam kong kapatid lamang siya ng brother-in-Law ni Fe so he will correct me at may conversation na agad kami. Ang galing ko. I pressed the send button. Agad naman niya itong sineen nakita ko agad na nagtitipa ito ngunit kay tagal rin niyang nakapagreply. Naisip ko na lang na baka nahirapan rin ito kung anong e rereply. 'Bilas.' napaismid ako ng mabasa ang reply niya. Nagisip pa talaga ako ng e rereply tapos one word lang reply niya. Shuta to ah! Di na ako nagreply. Nahiya na ako. Effort ko pa naman tapos ang chill lang niya, shuta. Balak kong iwan muli ang phone ko ngunit sa huli ay dinala ko pa rin patungong dining. Kumain na ako't lahat ay 'di na muli kaming nag chat na dalawa. Gabi. Nanood ako ng netflix sa sa laptop ko. Nang tumunog muli ang phone ko. Na excite muli ako ng mag pop up ang pangalan niya ngunit agad ring nadismaya ng muli ay 'Hi!' lamang ang laman nito. Di ko na ito nireplyan pa at nagpatuloy sa panunuod ng movie ngunit ilang minuto ang lumipas ay tumunog ang phone ko. May tumawag, unregistered number, sinagot ko. 'Kumusta.' hindi familiar sa akin ang boses ng lalaki ngunit ang lakas ng dating. 'Sino po to?' tanong ko. 'Ouch! Nakalimutan muna ako agad. Nakipagtitigan ka pa nga sa akin kahapon.' Mula sa pagkakadapa ko ay napaupo ako sa ibabaw ng kama. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko ng magkaroon ako ng idea kung sino siya. 'Ikaw yung isnatcher sa jeep? Paano mo nalaman number ko.' pagmaang maangan ko. 'Di ko alam kung maooffend ako sa sinabi mo pero tama ka isnatcher nga ako, balak ko sanang isnatch yung puso mo.' napakagat ako sa pagibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong mangiti, napapikit, kinurot-kurot ko ang sarili. Ang sarap magtititili! Kinalma ko ang sarili. Napabuga ako ng hangin sa dibdib. 'Hindi ako nakikibagbiruan. Sino ka.' 'Admirer mo.' seryosong saad niya. Bwesit! Ang hirap magpigil ng kilig! Ane be! Shino ke nge? Nais ko sanang isatinig buti at napigilan ko pa sarili ko. 'Seryoso. Sino ka?' saad ko. Ang maldita ng pagkakasabi ko. 'Philip… Sorry na.' 'Oi! Napatawag ka?' Kalma ko muling saad kahit kilig na kilig na ako. 'Gusto kita, gusto kong makilala ka pa, gusto kong ligawan ka.' bwesit! Heto na naman! Daig pang superhero sa bilis ah! Walang paligoy-ligoy. Straight to the point. 'Yun kung walang magagalit.' Magpapakipot pa ba ako? Gusto ko rin naman siya. Hindi lang gusto, gustong-gusto ko siya. Bago natapos ang usapan naming dalawa, kami na. Ganun ka bilis. Nilihim namin ang relasyon naming dalawa. Ayokong i judge ng mga ka workmates ko dahil ang bilis kong sinagot si Philip pero diba nga bakit ko pa patatagalin kung gusto ko rin naman siya? Pwede ko namang siyang kilalanin habang kami ng dalawa. Naniniwala akong lahat ng manliligaw magandang ugali pinapakita dahil nanliligaw nga pero kapag nasa relasyon na kayong dalawa, doon mo na makikita ang totoong kulay ng manliligaw mo. Linggo. Sinundo niya ko sa bahay dahil magsisimba kaming dalawa. May sarili siyang sasakyan. Senior programmer siya ng isang sikat at malaking kumpanya. Napangiti ako ng pagkababa niya ng sasakyan ay may dala itong bouquet. "Para san to? Sinagot na naman kita." "Kahit na, liligawan pa rin kita araw-araw." nakangiting saad nito sa akin. "Pa fall ka." "Yan nga goal ko, yung tuluyan kang mahulog sa kin katulad ng pagkakahulog ko sayo…" While saying those words ay mariin siyang nakatitig sa mga mata ko. Alam kong masyado pang maaga para maniwala sa sinasabi niyang nararamdaman niya para sa akin ngunit ng sabihin niya iyon habang makatitig sa mga mata ko tila ramdam na ramdam ko ang nilalaman ng puso niya. Kakatapos lang ng misa. Nagpaalam ako sa kanya saglit dahil naiihi na talaga ako. Nais ko mang pumunta mag.isa ay 'di niya ko pinayagan. Sinamahan niya ko. "I'll just wait here, babe." saad niya ng marating namin ang labas ng comfort room." Tumango ako at pumasok sa loob ng girls CR. Pagkalabas ko ay 'di ko siya mahanap. Hanggang sa mahagip siya ng mga mata ko. Nagsisindi ng candila. Nakapikit ang mga mata. Napahinto ako saglit, napatitig sa damit na suot niya. Kanina naka Teal green na polo shirt si Philip, ang bilis naman niyang nakapagpalit, nakadarkblue fitted V-neck T-shirt na siya ngayon, naka leather black jacket, sa kaliwang braso ay may nakasabit na helmet. Humakbang ako palapit ngunit muli'y napatigil ng hawakan niya ang kamay ng katabing babae. He intertwined their fingers together sabay halik sa likod ng palad nito ngunit imbes na masaktan ay 'di ko iyon makapa. "I, Joshua Del Ferro, promise to love you Jamille Reynes, till death do us part. ." Rinig kong saad niya sa babae. He clearly loves her, yung gawi ng pagkakasabi niya sa vow niya ay nakakapanindig balahibo… Marahan niyang hinalikan sa labi yung babae, sandali lamang pero bakas ang pagmamahal at respeto. Sinundan ko sila ng tingin habang papalayo sa akin. "Oh God! I was looking for you." napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Philip. "NagCR lang rin ako saglit, hinintay kita kaya pala ang tagal mong lumbas nakalabas ka na pala." Napatitig lamang ako sa kanya, kamukhang-kamukha niya talaga yung lalaki. Nilingon ko pa ito balik ngunit di ko na sila makita pa. "Hey… Are you okay?" nagaalala niyang tanong sakin. Siguro nagmamalikmata lamang ako. Hawig lang siguro ng features pero hindi eh. Nakatitig ako sa mukha nung lalaki. "Do you have a twin?" kapagkuwa'y tanong ko sa kanya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD