CALIRAYA POV:
Alas siyete ng gabi na ako nakauwi sa condo, sobrang dilim ng pagdating ko. Papasok na sana ako sa kusina ng may narinig akong ungol mula sa kabilang kwarto, ang guest room.
Nangunot ang noo ko, imposibleng umuwi si Killian dahil nasa hospital pa yon hindi pa pinapauwi sabi ni mommy. Dahan dahan akong naglakad patungo sa guest room at habang papalapit ay mas lalong narinig ko ang ungol ng babae.
“Fûck! Babe! You're so hot—ah!”
“Sige pa! Isagad mo! Oh my god! Lunukin ko yan!”
Ang dibdib ko ay sobrang lakas ng kabog, nagsimulang nanubig ang mata ko habang nanginginig ang tuhod ko. Imposibleng ibang tao ang nandito na dalawa lang naman ang may access ng condo na ito walang iba kundi ang asawa ko at ako.
Dahil may diwang ang pinto ay mas naririnig ang ungol ng dalawa, dahan dahan akong sumilip at nakita ang kanyang ginawa. Ang dalawang binti ng babae ay nakataas habang si Killian ay walang saplot na nakatayo at bumabayo sa babae. Parang sarap na sarap sila pareho na hindi nila ako napapansin.
Tuluyan ng bumuhos ang luha ko at agad na tumalikod, hindi ko masikmura ang kanilang ginawa. Nasusuka ako, nasasaktan at nagseselos na sana ako ang nasa sitwasyon ng babae. Ano kaya ang pakiramdam na galawin ng isang Killian Santiago, umiiyak ako habang dinampot ang sling bag at lumabas sa condo.
Ayokong mag stay doon at baka sugurin ko lang ang haliparot na babaeng yon, “B-beb…” umiiyak na turan ko sa kaibigan ko. Naglalakad ako patungo sa elevator ng tinawagan ko siya.
“Hey, what happened? Why are you crying?” nag-aalala na tanong ni Khala sa akin.
“I-i saw it. Why? Why did he do this?” hagulhol na sumbong ko kay Khala.
“That bastard again?” may inis na turan niya.
Hindi ako umimik. Umiiyak lang ako habang nasa loob ng elevator. “Pick me up, please…”
“Alright. Stay where you are right now. Hintayin mo ako,” mahinang sagot niya.
Pagdating ko sa baba, mabilis akong lumabas at umupo sa isang silya na pagmamay-ari ng coffee shop. Pasinghot-singhot ako dahil sa sipon. Halos di ko na rin makita ang mga taong dumaan dahil sa luha ko na tumulo. Ilang minuto ang lumipas nang makita ko si Khala na bumaba sa kanyang Ford na kulay itim na kotse. Naka-pajama nga lang ito nang bumaba.
“Beb, are you okay? May masakit sa iyo?” nag-aalala na tanong ni Khala sa akin.
Mabilis ko siyang niyakap at humagulgol ulit. “Ang sakit, ang sakit sakit. Bakit niya na kayang gawin ito sa akin?”
“Sabi ko naman kasi sa iyo, wala kang mapapala sa tarantado na lalaking iyon. Ano? Kaya pa? Hiwalayan mo muna kasi, dahil ang sarili mo lang ang niloloko mo, Cali.” Seryosong turan ni Khala.
Parang umatras ang luha ko nang marinig ang sinabi ni Khala sa akin. Hindi ko talaga kaya na iwanan siya. Ewan ko ba sa sarili ko.
Kahit masama ang tingin ni Khala sa akin dahil nakuha niya ang pananahimik ko, “Tara, doon na lang muna tayo sa bahay. May nurse na si mama, doon tayo sa tambayan.”
Nagmamaneho si Khala, patungo kami sa kanilang bahay. Habang ako ay sumisinghot-singhot pa din. Tahimik kami pareho. Gusto kong mag-rant sa sakit na nararamdaman ko ngayon, pero takot ako sa katotohanan. Pagdating namin, tulog na si Tita, kaya dumeretso kami sa kanyang kubo. Isang kubo na may kwarto at aircon, kaya maganda ito tambayan.
Retired politician ang ama ni Khala, habang si Tita ay teacher. Five years nang patay ang ama niya, at nagkasakit naman si Tita, kaya huminto sa pagtuturo. Kaya ang kaibigan ko na ang nagtataguyod sa kanyang ina at nag-provide sa mga gastusin. Ang isang negosyo ng kanyang ama noon ay nagsara dahil kukulangin ang kanilang kita sa araw-araw sa sahod ng mga trabahante.
Isang designer si Khala sa isang clothing company, kaya naman lubos na nagpapasalamat si Tita sa anak. Atsaka matalik na kaibigan ko siya. Kahit anong nangyayari, kami lang ang nagdadamayan simula pa noon.
“Beb, di mo ba talaga iiwan si Killian?” biglang tanong ng kaibigan ko.
Nahinto ako sa pagmumuni-muni at napatingin sa kaibigan. Hindi na ako umiyak dahil pakiramdam ko ay naubos na ang lahat, atsaka naiilang ako sa kaibigan ko. Alam ko naman ang punto niya, pero hindi ko kaya.
Bumuntong hininga ako. “Tsaka na kapag di ko na kaya, beb.” Mahinang bulong ko.
“Hayst, bakit ba napaka-martir mo? Kung sana nakikita ni Tito ang ugali ni Killian, ay panigurado nauna pa iyon na tutol sa kasal.” Nag-aalala siyang tumingin sa akin. “Kung sakaling magising ka sa realidad, pwede kang tumakbo sa akin. Handa kitang tulungan sa gagong iyon. Basta kapag aalis ka, huwag ka ng bumalik.”
Naiintindihan ko ang kanyang punto, kaya naman ay mabagal akong tumango. “Thank you, beb.”
KILLIAN POV:
Alas dos na ng madaling araw, at walang Caliraya ang umuwi. Galit kong kinuha ang selpon at tinawagan siya. Ngunit out of reach ang kabuuang selpon. Dinayal ko ang numero ni Mommy, at baka nandoon lang ito tumambay. “Mom,”
“Iho,” napapaos na sagot ni mommy, at halatang nagising ko sa tawag.
“I’m sorry to call you at this time, Mom. Pero nandyan ba si Caliraya?” tanong ko.
“Si Cali? Wala siya diyan sa inyo? Iho, wala siya dito. Hindi din siya tumawag simula kaninang umaga.” May pag-aalala na sagot ng ina ko.
Problemado akong umupo sa sofa. Kapag may mangyari sa babaeng iyon, ako ang mananagot. Baka nagpunta na naman sa lalaki niya. “Baka nandoon sa lalaki niya, Mom—”
“Iho, huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi gagawin ni Caliraya iyan. Kilala ko ang batang iyon. Baka nandoon lang sa kaibigan ko, may pinuntahan na importante.”
“Mom, remember, isang kaibigan lang meron siya, maliban sa lalaking kakilala niya lang at sumama na agad siya.” Madilim na saad ko. “Tignan mo nga kung hindi siya makati, isang beses niya lang nakilala ang tao at sumama na agad siya—”
“Iho, stop it. Hindi kita tinuruan ng ganyang ugali,”
“Totoo naman kasi, Mom. Kung alam mo lang.” Ani ko pa. Baka nga nasa lalaki talaga siya ngayon, dahil wala namang balita na umuwi ang kaibigan niya mula sa ibang bansa.
Pumikit ako habang nakasandal sa sofa. Kapag talaga umuwi iyon, malilintikan ko talaga siya.
Biglang tumunog ang selpon ko, at napatingin sa screen. Speaking of the bítch! “Where are yo—”
“Y-your such an idiot! Kung alam mo lang kung gaano kita ka m-mahal, ang tanga-tanga ko talaga. Minsan na nga lang ako magmahal, sa isang taong walang puso pa!”
Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Caliraya na lasing. “Your drunk? Woman, anong oras na at lasing ka?!”
“G-ganyan ka naman, e! Lagi kang galit sa akin. Kahit ang pag-ngiti ng konti ay hindi mo magawa! Kahit nga bigyan mo ako ng regalo, kahit yong mumurahin lang, wala! Buti pa yung babae mo, binigyan mo ng bag na naghahalagang 100k. Sana all na lang talaga, fûck you!”
Hindi ako nakaimik. Ibang-iba siya ngayon. Nagagawa niyang sigawan ako, samantalang noon ay takot naman ito. Tignan nga natin bukas kung kaya niya akong sigawan.
“O-oh di ba? Hindi ka makasagot? Ano pa ba ang hinahanap mo sa babae, Killian? Maganda naman ako, ah! Maganda ang katawan ko, kaya ko ding makipaghalikan sa paraang gusto mo, malaman naman ang dibdib ko, kahit ang pang-upo ko ay malaman naman. Kaya hindi talaga kita naiintindihan. Bakit di mo ako kayang mahalin? B-bakit?”
“Caliraya, lasing ka. Saan ka ngayon? Sunduin kita.” Malamig na turan ko.
“H-huwag n-na. Dyan ka na sa babae mo. Wala ka namang pakialam sa akin, kaya huwag na. Ako na ang bahala sa sarili—”
“WHERE ARE YOU??” Naiinis kong hinagis ang selpon ko nang pinatayan niya ako ng tawag. That woman, bukas talaga masasaktan ko talaga siya.