CALIRAYA POV:
Umiiyak akong umuwi sa condo. Mabuti na lang talaga at walang gaanong tao ngayon sa condominium, kaya hindi nila nakikita ang itsura ko. Habang palapit ako sa condo, biglang tumunog ang selpon ko. Kaagad ko itong kinuha at nakitang si Mommy ang tumawag.
“Mom,” mahinang turan ko, pilit na pinipigilan ang hikbi. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
“Iha, where are you? Akala ko ba papunta ka na sa hospital?” nagtataka na tanong ni Mommy.
Binuksan ko muna ang pintuan bago sumagot, “Y-yeah, pumunta na ako, Mom. He said he's okay. Hindi niya na daw ako kailangan pa kaya umuwi na lang ako, and besides, may kikitain ako ngayong araw.” Pilit kong pinasigla ang boses ko, pero ramdam ko ang panginginig nito.
“O-okay, are you okay? Parang matamlay ang boses mo ngayon,” nag-alala na tanong nito sa akin.
Lumunok muna ako bago inayos ang boses. “Yes, Mom, no worries. Bye-bye.” Ako na mismo ang pumutol sa usapan at agad na dumeretso sa kwarto ko at nagbihis ng damit. Akala ko magiging maayos ang araw ngayon, pero mali ako. May panibagong sakit na naman akong dadalhin.
Umiiyak lang ako ng umiiyak habang nakadapa sa kama. Bandang alas dose ng tanghali, tumunog ang selpon ko. Akala ko si Mommy, pero ang kaibigan ko pala.
“Beb, asan ka na? I thought susunduin mo kami ni Mama ngayon?”
Kaagad akong napabalikwas ng tayo nang marinig ang sinabi ng kaibigan ko. Nakalimutan ko na ngayon pala ang dating nila, at nangako akong ako ang susundo sa kanilang dalawa. “God! Caliraya, twenty-eight ka palang, pero sobrang makalimutin mo na,” mahinang saad ko sa utak ko bago inayos ang pagtayo.
“I’m sorry, beb, nakatulog ako. Kagagaling ko lang sa hospital—”
“Anong ginagawa mo sa hospital?! May sakit ka ba?” taranta at nag-aalala na tanong ni Khala sa akin.
“I’m okay. Naaksidente raw si Killian kaninang madaling araw, sabi ng mama niya,” may pait na tono sa boses ko.
“Kailangan ko na bang mag-condolence sa pamilyang Santiago?”
“Gaga, gasgas lang naman ang natamo niya,” natatawa kong turan kahit na ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib.
“Ay sayang, sana na tuluyan na at nang maramdaman niya ang nararamdaman mo.”
“Ikaw talaga, saan na kayo? O kaya, meet na lang tayo mamaya?” tanong ko.
“Malapit na kami sa bahay. Meet na lang tayo later, dinner date tayo.”
Ngumiti naman agad ako. Na-miss ko ang gaga. “Sure! Miss na kita sobra!”
Pagbaba ng tawag, bumalik ako sa pagkakadapa. Hindi na umiyak, pero sobrang sikip pa rin ng dibdib ko. Nang tumunog ang tiyan ko, bumangon na ako at nag-asikaso ng makakain. Hindi pwedeng tumunganga lang ako at maghintay sa wala.
Pagdating ng alas-kwatro ng hapon, nag-umpisa na akong mag-ayos sa sarili ko at naglagay ng kaunting make-up sa mukha. Para hindi lang ako magmukhang maputla.
“Beb, asan ka na? Nandito na ako sa meet-up place natin.” tanong ng kaibigan kong si Khala.
Naipit kasi ako ng traffic kaya medyo natagalan akong makarating. “I'm in the middle of traffic, beb. I'm sorry. May banggaan yata sa unahan dahil may ambulansya.”
Dito ako dumaan dahil walang traffic, at something came up, at naipit ako sa traffic. Hindi din ako makapag-U-turn dahil may mga kotse akong katabi.
“Oh, sige hintayin kita rito. Mag-ingat ka sa pagmamaneho,”
Napabuntong-hininga ako nang maputol ang tawag. Habang nasa traffic, bigla akong napatingin sa unahan sa left side, at nakita ko si Mommy at Daddy. Nakabukas ang bintana ng kanilang kotse, kaya malaya kong nakikita ang loob. Si Lorebel, malaki ang kanyang ngiti habang nasa likuran ng kotse. Mukha silang masayang pamilya na nagkukwentuhan. May something talaga sa babaeng ‘to.
Paunti-unti ang usad ng traffic hanggang sa nakalabas ako ng tuluyan, pinarada ko ng maayos ang kotse bago lumabas at naglalakad papasok sa coffee shop na paborito namin ni Khala.
“Beeeeb!”
Kaagad akong napatingin sa unahan at nakita ang bestfriend kong si Khala. “OMG! You're so beautiful na, beb.” puri ko. Ang kanyang itim na buhok noon ay naging blonde na at naging kulot.
“Tse! Bolera ka talaga kahit kailan. So how are you here? Same pa din?” tanong niya. “Ay wait! Hindi mo na kailangan pang sagutin iyan dahil alam ko ang sagot mo.”
Nangunot naman ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. “Sagot sa?” maang ko.
“Ikaw pa rin ang babaeng nagpapakatanga sa lalaking wala namang pakialam sa iyo,” natatawa na turan niya.
Napangiwi naman agad ako. “Huwag mo namang ipamukha sa akin,”
“Sorry, sorry. Pero beb, wala ka ba talagang balak na makipag-annul sa kanya?” usisa ni Khala sa akin.
Hindi ako nakaimik, not because ayaw ko, pero di ko talaga naisip ang ganon. “You already know my reason, beb.”
“Nah! Alam ko naman. Alam kong minahal mo talaga siya ng totoo, pero ang tanong kasi beb is mahal ka ba niya? Kahit konti lang, di ba hindi? Sinasayang mo lang ang panahon mo sa wala e,”
Hindi ako umimik. Hinahayaan ko lang siya dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Ewan ko ba sa sarili ko, kahit gaano kasakit hindi ko talaga siya magawang iwanan.
“Beb, kung iiwan mo siya, makikita mo ang halaga mo. I guarantee you, mas magiging maayos ang buhay mo.” turan ni Khala, at hinawakan ang dalawang kamay ko. “Beb, hindi naman sa nanghimasok ako sa buhay mo, pero wala ka talagang mapapala sa paghihintay sa gagong iyon. Kita mo na? Kahit malalaman mong nambabae siya, wala pa din siyang pakialam.”
Gusto kong umiyak dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Alam ko sa sarili ko na katangahan ang ginawa ko, pero hindi pa talaga sumusuko ang puso ko na bitawan siya. “P-pero mahal—”
“Hindi iyan sapat na rason upang maghintay ka sa wala, beb. Hindi iyan pag-ibig kundi nagpakamartir ka sa kanya. Kahit alam mong hindi ka niya magawang mahalin, sige ka pa din ng sige.” Malumanay ang kanyang boses. “Sinasayang mo lang ang kaligayahan mo. Sinasayang mo ang panahon na sana ay naging masaya ka sa buhay mo.” May pait na turan niya.
Huminga ako ng malalim. “Thank you, beb. Salamat at nandyan ka para sa akin, pero hindi ko kayang iwan siya. Mahal na mahal ko siya,” humagulgol na saad ko.
“Oh god! Caliraya, akala ko ba Valedictorian ka? Saan mo ba iniwan ang utak mo at mas ginamit mo ang puso mo?” May inis na turan ni Khala. “But of course, nirerespeto ko din ang desisyon mo, pero sana ay maisip mo ang sarili mo bago ang ibang tao.”
Hanggang iyak lang ang isinagot ko sa kaibigan ko. Ilang minuto pa akong umiyak hanggang sa huminto. “Excuse me, beb. Powder room lang ako,” paalam ko sa kaibigan ko na may tinitignan sa kanyang selpon. Isang tango lang ang kanyang sagot, kaya agad akong tumayo at naglalakad patungo sa powder room.
Pagdating ko sa loob, kaagad akong pumasok sa isang cubicle, at umihi. Ngunit napakunot ang noo ko nang may marinig akong nag-uusap habang papasok.
“Ang swerte mo naman, girl. Si Killian Santiago talaga? Masarap ba? Daks?” hagikhik na tanong ng isang babae.
“Swerte talaga! Alam mo bang noong isang araw binilhan niya ako ng tig-100k na sling bag? For bag lang ha? Super swerte ko talaga sakanya. Gwapo na, masarap pa, at bonus na ang yaman.” Sagot ng isang babae. Pamilyar sa akin ang boses, kaya dali-dali kong tinapos ang pag-ihi ko at lumabas.
Nadatnan ko ang dalawang babae: isang hindi ko kilala, habang si Lorebel naman ang isa. Hindi ako kilala ni Lorebel dahil hindi niya pa ako nakikita. Ngumiti sa akin ang dalawang babae at lumabas. Habang ako ay nakatunganga lang habang nakatayo. Hindi nag-proseso ang lahat. Hindi niya ako binilhan ng regalo kahit sa birthday ko. Kahit mumurahin man lang ay wala. Pero ang babae niya ay nagawa niyang bilhan ng tig-100k na bag? For bag only?
Kung hindi lang dumating si Khala, ay hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Naghugas ako ng kamay at pinipigilan na hindi ulit maiyak.
“You okay?” tanong ng kaibigan ko.
Marahan akong tumango. “Yes, I'm sorry natagalan ako.”
“It's okay. Tapos ka na?” tanong ni Khala habang nagre-retouch ng make-up.
Tumango lang ako, at sabay kaming lumabas.