KILLIAN 07

1355 Words
CALIRAYA POV: Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at maingat na pumasok, hindi ko alam kung nandito na ba sa bahay si Killian o wala. Pero mas maigi parin na mag-ingat lalo na sa katangahan na ginawa ko kagabi. “Saan ka galing?” Natutop ko ang sariling dibdib dahil sa kaba, hindi ko siya napansin dahil nasa likuran pala siya ng pintuan. Ang kanyang mata ay nanlilisik dahil sa galit at gumagalaw pa ang kanyang panga. Mukhang galit nga siya. “U-uhmm...—” “Of course, bakit pa ako magtatanong? Malamang galing ka sa lalaki mo, ano? Satisfied ka? Magaling ba? Ihanda ko na ba ang divorce paper?” nang-uuyam na turan niya. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi, “W-what? Lalaki? Sino ang may lalaki? A-ako b-ba?” nauutal na sagot ko. Ang mga luha ko ay pilit kong pinipigilan. “Alangan namang ako? Malamang ikaw, Caliraya Concepcion.” duro niya sa akin. "Is that how you think of me? K-killian? I'm your w-wife—" "Correction, you wouldn't be my wife if it weren't for your father's plan, at kung ipapapili ulit ako? Pipiliin ko ng kumontra sa gusto niyo.” Sobrang sakit na mga salita ang kanyang binabato sa akin na kailanman ay hindi ko lubos maisip na ganyan pala kababang uri na babae ang tingin niya sa akin. Isang easy to get lang, at marumi na akala mo'y iba't ibang lalaki na ang nakagalaw. Nag-unahan na tumulo ang luha ko, “H-hindi mo ba talaga ako kayang m-mahalin?” nauutal na tanong ko sa kanya. Ang tuhod ko ay nagsimulang nanginig habang ang palad ko ay pinagpapawisan, hindi pa ako handang marinig ang sagot niya ngunit ito na yata ang panahon upang marinig ang kanyang sagot. “Hindi, at hinding-hindi kita magugustuhan kailanman.” Para akong nabingi dahil sa kanyang agarang sagot, nanginginig ang labi ko ng magsalita ako. “B-bakit?” halos pabulong na tanong ko sa kanya. “Ayokong makasal sa anak ng babaeng muntik ng sumira sa pamilya nami—” Hindi ko siya pinatapos sa kanyang pagsasalita at agad ko siyang sinampal. Hindi ko gusto ang kanyang mga binibintang tungkol kay mama. Hindi itinago ni mama sa akin ang lahat. Dahil si Tito at si mama ay ex-lovers noong highschool days nila, at nalaman ni mama na ang kapitbahay namin ay sila pala. Kaya naging mag-close ang dalawang pamilya, and Killian misunderstood it. Hindi ko gusto ang binibintang niya sa yumao kong ina. “Huwag kang mambintang, Killian! Tinatanggap ko ang pang-iinsulto mo sa akin, pero huwag mong idadamay ang pamilya ko!” umiiyak na sigaw ko. Hindi ko talaga ugaling sumagot sa kanya, dahil pakiramdam ko ay mas lalo siyang lumalayo sa akin. “Sinisigawan mo ako?” malamig na ani niya sa akin. Napahinto naman agad ako at nanlamig, “U-uhm—” “Ang lakas ng loob mong sigawan ako! Bukas na bukas kukuha ako ng diborsyo! Sawang-sawa na ako sa kaartehan mo! Bakit ba hindi ka na lang mawala? Huh?!” Para akong natuod sa kinatatayuan ko dahil sa kanyang sinabi. “G-gusto mo akong mawal—” Naputol ang pagsasalita ko ng tumunog ang kanyang selpon na nasa kanyang bulsa. Sabay kaming napatingin doon at akala ko ay hindi niya sasagutin dahil sa away namin. Ang kaninang galit niyang mukha ay biglang umamo, “Hello Mom? Yes, yes, why?” Napahinga ako ng palihim ng si mommy pala ang tumawag, akala ko babae na naman niya. “Nasa Pinas na si Lorebel? Kailan pa?” parang sabik na tanong ni Killian sa kanyang ina. Nangunot naman ang noo ko ng marinig ang pamilyar na pangalan. Ano na naman ang ginagawa ng babaeng 'yon sa bahay ni mommy? “Sure! Sure! Ayaw sumama ni Caliraya kaya ako na lang ang pupunta.” Nakangiti na sagot ni Killian, maaliwalas ang kanyang mukha samantalang kanina ay halos kainin niya na ako ng buhay. “H-huh?” nalilitong pag-react ko. Hindi ko naman sinabi na hindi ako sasama. “Yes mom, I will tell her.” Pagkatapos ng tawag ay madilim ulit siyang tumingin sa akin, “Stay here. Kung gusto mong pumunta, sumunod ka na lang, but after 1hr.” Hindi ako nakapag-salita ng umalis siya, para siyang kabute na biglang susulpot at biglang mawawala. Nanghihina akong umupo sa sofa, parang may something sa kanya na di ko masabi. At bakit nandon na naman ang babaeng 'yon? Wala akong alam tungkol sa kanya, malapit naman ako sa pamilyang Santiago pero di ko nabalitaan ang tungkol sa babaeng 'yon. Tulad ng sabi ni Killian ay after 1hr ako pupunta. 2 hrs na ngunit nasa harapan pa din ako sa malaking salamin ko sa kwarto ko. Suot ko ang kulay pulang fitted dress, at dahil may katangkaran ako, masarap tignan ang legs ko. Maputi din naman ako. Isang bag ang dala ko habang naglagay ako ng very-light na make-up. Nang makuntento sa itsura ay naglakad ako palabas, at timing naman na tumunog ang selpon ko. Tumambad sa akin ang nakarehistro na pangalan ng ina ni Killian. “Hello mom?” pagsagot ko. “Iha, asan kana? Killian said may pinuntahan ka?” Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita, “Yes, but papunta na ako dyan mom. May ipapabili ka ba?” tanong ko. “Wala na iha, namili na silang dalawa. Alam mo na, medyo matagal na silang hindi nagkikita at mukhang sabik na magkwentuhan ang dalawa, just come here if you want, basta hindi kami naka-istorbo sa lalakarin mo.” Turan ni mommy. Ang boses niya ay bahagyang nanginginig, at parang may itinatago siya sa akin. Gusto ba talaga nilang pumunta ako, o may iba pang dahilan? “Wow! Matagal na ba silang magkakilala mom? Sobrang close kasi sila.” Alanganin na tanong ko, pakiramdam ko ay may something na hindi sinasabi ni mommy. Biglang tumahimik ang kabilang linya. Akala ko naputol ang tawag, ngunit hindi naman. "Mom? Nandyan ka pa ba?” “U-uhm, yes, yes, iha. May kinuha lang ako, hintayin na lang kita rito. At excited na rin akong makilala ka ni Lorebel, mabait na bata 'yon, iha, paniguradong magkakaintindihan kayong dalawa.” Ang boses ni mommy ay parang pilit na nakangiti. Gusto kong tumawa, mabait? Bakit hindi ko nakikita ang kabaitan niya? “Okay po,” huling tugon ko at naputol ang tawag. Parang may something na mali sa mga sinabi ni mommy. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang kutob ko at mangyayari pagdating ko doon. Sana lang mali ang hinala ko. Minaneho ko ang kotse ko patungo sa mansyon ng mga Santiago, 30 mins lang naman ang byahe. May nadaanan akong fruitstand kaya naman ay bumili na lang ako dahil nahihiya akong walang dala. Apple at grapes ang binili ko dahil paborito ni mommy ang grapes habang paborito naman ni Daddy ang apple. Pareho silang may diet plan kaya kokonti lang ang kanilang kinakain maliban kung may handaan, lalo na kapag may bisita silang mahilig kumain. Pagdating ko ay pinarada ko muna ang kotse ng maayos. May nakita rin akong usok sa likuran ng bahay at mukhang nagiihaw sila. Kabado akong pumasok na dapat sana ay hindi ko naramdaman ngayon, pero kakaiba ang sitwasyon ngayon. Parang may makikita ako na dapat hindi ko makita. Pagdating ko sa loob ay wala kahit isang tao, kahit katulong ay wala. Kaya naman nilagay ko muna sa lababo ang pinamili kong prutas at inasikaso muna. Hinugasan ko ito ngunit napahinto ang paghuhugas ko ng may narinig akong kaluskos mula sa labas ng kitchen. "K-killian, h-hey! Makikita tayo ni Tita— ahh!" Natutop ko ang sariling bibig ko, nanginginig ang buong katawan ko. Kahit kabaliktaran ang kinikilos ng katawan ko, sinunod ko ito. Sumilip ako at doon ko nakita ang kanilang ginagawa. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot: ang makita sila, o ang marinig ang tunog ng mga halinghing ni Lorebel. Ang kamay ni Killian ay nasa ilalim ng palda ni Lorebel, habang hinalikan niya ang leeg nito. Nakayakap rin si Lorebel kay Killian. Para akong tuod habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ang paningin ko ay para bang nakapirmi sa nakakadiring eksena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD