KILLIAN 04

1461 Words
CALIRAYA POV: Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, lalo na noong kumakain kami ni Michael kanina. Ang titig ni Killian ay sobrang dilim, para bang nagseselos siya kung hindi ko lang alam na wala siyang gusto sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at maingat na pumasok. Sobrang dilim ng paligid nang biglang— “Lalaki mo ba 'yon?” ang mabigat na boses ni Killian. Nasa likuran ko pala siya, at madilim ang kanyang ekspresyon. Palihim akong huminga ng malalim. “Hindi—” “Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” galit niyang tanong. “Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pagtataksil.” Gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya. Ang kapal naman na tawagin akong traydor kung siya naman ang may kabit sa aming dalawa. “Hindi ko siya lalaki at hindi rin ako nagtataksil.” “Ano ang tawag mo sa ginawa mo ngayon Caliraya? Hindi mo ba itinuturing na pagtataksil ang pagkain mo kasama ang isang lalaki?” pang-iinsulto niyang tanong. Imbes na sagutin ang kanyang paratang, naglakad ako patungo sa aking silid. Kahit naririnig ko ang kanyang pagtawag, hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa loob, kusang tumulo ang mga luha ko. Hindi nga ako umangal nang nagdala siya ng babae sa bahay sa Cagayan, wala siyang narinig na sumbat ng nalaman kong nambabae siya. Tapos makikita niya lang akong nakipag-dinner sa isang lalaki, pagtataksil na ang bintang niya? Ang kapal talaga. Umiiyak ako habang nakadapa sa malambot na kama, nakatakip ang unan at doon bumitaw dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Habang umiiyak, biglang may kumatok. "Caliraya, lumabas ka!" galit na boses ni Killian mula sa labas ng silid ko. Mas lalo akong naiyak dahil sa kanyang pagsigaw. Imbes na sundin ang kanyang gusto, tinakpan ko na lang ang dalawang tenga ko upang hindi siya maririnig hanggang sa nakatulugan ko ang mga nangyari. KILLIAN POV: “What did you do, you idiot?!” I whispered to myself while looking in the large mirror. I took a deep breath before leaving the bathroom. I grabbed my black leather jacket and left the room. I wanted to have a drink alone. Before I reached the door, I looked into Caliraya's door. It was closed, and it looked like she was asleep. I drove my black Ferrari to the club I always go to. It's exclusive, no women are allowed in unless you ask. The owner of the club, Jairus, is a friend of mine. Pagdating ko, kaagad kong nakita ang mga kaibigan ko. Napamura ako nang maalala na niyaya pala ako kahapon na mag-inuman ngayon. “Yow! Mukhang badtrip ka. Caliraya na naman ba?” Jake said, tapping my shoulder. Hindi ako umimik, dumeretso ako sa counter at agad na umorder ng matapang na alak. Walang paligoy-ligoy na inubos ko ang sinalin ng bartender. “So, ano na naman ba ang nangyari? O dapat ba'ng sabihin kong, ano ang katangahang ginawa mo?” tanong ni Jake. Umiling ako, ayaw kong sabihin ang nangyari. Ayokong mandamay ng tao sa malaking problema na pinasok ko. “Sige na, pare, anong silbi na kaibigan mo kami? Nakikita kita, simula noong kinasal ka kay Caliraya, nag-iba ka—” “Paano nag-iba?” nagtataka kong tanong. “Kapag inimbitahan ka namin na mag-inuman sa club ni Cloud, hindi ka na sumasama. Kahit si Lera ay hinahanap ka dahil huling magkasama raw kayo ay noong sa Cagayan pa. Ano ba'ng nangyari, pare?” Hindi ako nakasagot. Naguguluhan ako. Kapag kasama ko si Lera, palagi akong badtrip, lalo na kapag nakikita ko si Caliraya na hindi man lang nagseselos. Mukhang okay lang sa kanya na mambabae ako. “Wait! Huwag mong sabihin sa akin na…” “Manahimik ka, Jake,” inis kong sabi. Agad kong tinungga ulit ang alak. Hindi na lihim sa akin na may gusto si Caliraya sa akin. Kahit noong mga bata pa kami, kakaiba na ang kanyang kinikilos. “Woah! Tinamaan nga—” Awtomatikong hinablot ko ang kwelyo niya. “Sabi ko, manahimik ka. Huwag ngayon, Jake, wala akong mood makipagbiruan.” Madilim na turan ko at pabalang na binitawan siya. Hindi man lang siya nagalit dahil tinawanan niya lang ako habang naglalakad patungo sa ibang kaibigan namin. Kapag naubos ko ang binigay ng bartender, mabilis niya na naman itong sinalinan. Ngunit napahinto ako sa pag-inom ng maalala ang malaking ngiti ni Caliraya kanina doon sa loob ng restaurant kasama ang pesteng lalaking 'yon. “Ah—mother fûckèr! Shít! Shít! Shít!” galit na sigaw ko, sinisipa ang highchair na katabi ko lang. Hindi ako inawat ng bartender, habang ang mga kaibigan ko ay nakabantay lang, para bang inaabangan ang susunod na mangyayari. Hinihingal akong umupo ulit at inayos ang suot na leather jacket. “Isang bote,” utos ko sa bartender. Agad naman siyang sumunod, may halong takot ang kanyang mga galaw. “Wazzup man! Long time no see?” Migs said, tapping my shoulder. Halatang kakadating lang niya. Masama ko siyang tinignan. “Woahh! Relax man, hindi ako ang kalaban mo,” natatawa na saad niya at agad akong iniwan upang makalapit sa iba. Kumukulo ng sobra ang dugo ko at nanginginig ang mga kalamnan ko. Gusto kong manakit ng tao ngayong gabi. Tahimik kong tinungga ang isang bote ng alak, parang bakal na hindi man lang tinablan sa pangit ng lasa. Lumapit si Cloud sa akin at tahimik na umupo sa tabi ko. Mukhang problemado rin siya. Pareho kami ngayong gabi. CALIRAYA POV: Nagising ako kinaumagahan na maga ang mata. Matamlay akong tumayo at inaayos ang higaan. Pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo upang mag-ayos. Habang nagto-toothbrush ako, biglang tumunog ang selpon ko. Dali-dali ko itong dinampot sa ibabaw ng kama at tinignan kung sino ang tumawag. Si Mommy. “Hello Mom, good morning,” pagbati ko. Mabuti na lang at hindi paos ang boses ko dahil sa pag-iyak kagabi. “Iha, where are you?” Nangangamba ang kanyang boses. “Po? Nasa condo po ako. Bakit po?” Kunot-noo kong tanong. “Naaksidente si Killian kaninang madaling araw, Iha—” “P-po?! Saan po siya ngayon?” Natataranta na ako. Ang himbing ng tulog ko, tapos naaksidente na pala ang asawa ko? “Nasa Polymedic hospital kami ngayon, Iha,” “Papunta na po ako, Mom,” taranta kong turan, at agad na pinutol ang tawag. Hinila ko ang unang damit na nakita ko, wala na akong pakialam kung ano yon. Basta-basta ko na lang hinila ang mga iyon. Pagkatapos kong maligo ng mabilisan, sinuot ko ang damit at lumabas ng kwarto, nakasabit pa ang suklay sa buhok ko. Hindi na ako nag-abalang mag-make-up o kahit sunscreen, wala na akong pakialam sa mga iyon. Mabilis kong minaneho ang kotse patungo sa Polymedic Hospital. Naiinis ako ng maipit ako sa traffic. “God! Please iligtas niyo po siya,” naiiyak na wika ko sa sarili ko. Iisipin ko pa lang na mawala siya, para na akong mabaliw. Pagka-green ng stop light, mabilis kong pinaandar ang kotse. Mabuti na lang at hindi pa puno ang parking space sa harap ng hospital, kaya doon na ako nag-park. Mabilis akong lumabas ng kotse, nanginginig ang mga binti ko at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pagdating sa nurse station 1, kaagad akong lumapit. “Good morning, miss. Itatanong ko lang sana kung saan ang room number ni Mr. Santiago?” “Kaano-ano niyo po siya, ma’am?” magalang na tanong sa akin ng nurse, ang mga mata niya ay nakatuon sa screen ng monitor. “I’m his w—best friend,” sagot ko. Ang pait na nararamdaman ko ay para akong nilamon. Hindi ko pwedeng sabihin sa ibang tao na asawa niya ako dahil isang lihim na kasal ang nangyari sa amin. “Nasa third floor po, ma’am, room eighteen, left side,” magalang na sagot sa akin ng nurse. Ngumiti ako ng pilit. “T-thank you,” bulong ko, at kaagad akong naglakad patungo sa elevator. Pero nasa itaas pa ang elevator, ang tagal makababa! Lumipat ako sa hagdan at doon dumaan. Hinihingal ako, at ang pawis ko ay tagaktak. Naglakad ako kahit nanginginig ang mga binti ko. Nakakunot ang noo ng mga nurse at ibang tao habang pinagmamasdan ako. Malapit na ako sa room nang biglang nakunot ang noo ko dahil sobrang ingay ng silid. Tawanan at asaran ang naririnig ko sa loob. Sinilip ko ito, at nakita ang mga magkakaibigan na nagtatawanan. Si Killian ay naka-binda ang kanyang kamay, at may babaeng nakaupo sa kanyang tabi. Ang mga luha ko ay nag-unahang bumuhos. Halos hindi na ako makakita dahil sa luha ko. Ang pagkataranta ko kanina ay parang wala na lang, dahil may ibang babae na palang nag-aalaga sa kanya at kasama ng mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD