KILLIAN 03

2005 Words
Caliraya POV Isang linggo akong hindi makausap ng matino. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang ama ko. “Iha? Iha? Please, come out.” Hindi lang si Mommy o si Daddy ang pumunta dito sa silid ko upang sabihin na kakain na. Wala akong gana sa lahat, at sa isang linggo ay walang Killian na nasa tabi ko. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako sa mundo. Wala silang pakialam kung ano ang mangyari sa akin. Matamlay akong tumayo. Ang buhok ko ay sabog na sabog. Nakasuot pa rin ako ng pajama. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad si Mommy. Ang kanyang mga mata ay malungkot lalo nang makita niya ako. “Iha? Fix yourself. The breakfast is ready.” Tumango ako kay Mommy. Bago ako pumasok ulit sa silid, pinanuod ko muna siyang bumaba ng hagdan. Nang hindi ko na siya makita ay pumasok ulit ako at nagbihis. “Ma’am, bababa na raw po kayo.” ani ng kasambahay habang nagsusuklay ako ng buhok. “Susunod na po ako, Ate.” sagot ko at tinignan ulit ang hitsura bago maglakad palabas. Pagbaba ko ay dumiretso agad ako sa hapag-kainan. Nadatnan ko si Mommy at Daddy na tahimik na nakaupo at hinintay ako. “Good morning po,” mahinang turan ko at tsaka umupo sa bakanteng upuan. “How are you, iha?” tanong ni Dad. “I know, sa lahat ng nangyari ikaw ang mas naapektuhan, but iha, kailangan mong tumayo at ipagpatuloy ang araw mo dahil panigurado na hindi matuwa ang papa mo, kapag nakita ka niyang nalugmok.” Ang mga salita ni Mommy ay para akong tinusok ng ilang milyon na karayom. Alam ko naman ang ibig sabihin nila at tama sila. Hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ako, at mas lalong hindi talaga magugustuhan ni Papa at Mama na makita nila ako sa ganitong kalagayan. Habang susubo ako ng kanin, tumulo na lang bigla ang luha ko. Tumango-tango ako habang nakayuko. “Yes, Mom, Dad. Don’t worry,” mahinang saad ko. “Babalik na po ako mamaya sa bahay namin ni Killi—” “Iha, hindi ka namin pinapaalis,” agap ni Mommy. “Sinasabi lang namin na, huwag ka nang magmukmok at umiyak. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang araw, hindi humihinto.” Tumango ulit ako. “I know, Mom. Kailangan ko naman po talagang umuwi dahil nandoon po ang asawa ko,” aniya ko. Sa mga araw na lugmok ako, wala si Killian sa tabi ko, o kahit man lang supladohan niya ako, wala. Malungkot na tumingin sa akin ang dalawa. Alam nila na hindi maganda ang pagitan namin ni Killian at umaasa sila na magiging maayos ang lahat. “I’m sorry, iha, dahil sa inasta ng anak namin. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil dadating ang araw na magiging maayos kayong dalawa.” si Mommy. Pagkatapos ng agahan ay muli akong bumalik sa taas at nag-ayos ng sarili. Pinasok ko lahat sa maleta ang mga gamit ko at nagbihis. Ngayon ako uuwi sa condominium unit namin ni Killian. Regalo ni Mommy at Daddy iyon sa amin nang ikasal kaming dalawa. May bahay naman ako at may bahay rin si Killian pero gusto ni Mommy na doon kami titira pansamantala hanggang matapos ang renovation ng bahay ni Killian. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na masayang nakikipag-usap sa isang babae. “Lorebel, sweetheart, you’re so nice. Killian is okay, and besides, his wife is here. You already know her, right?” nakangiting saad ni Mommy. “W-wife? Killian already has a wife?” gulantang na saad ng babae. Hindi ako tuluyang bumaba. Huminto ako at pinakinggan ang kanilang pag-uusap. Alam kong hindi maganda ang makikinig sa ibang usapan, pero na-curious ako sa babae. May something sa kanya na hindi ko ma-explain. “Yes, sweetheart. Sayang lang at hindi ka nakadalo sa kasal nila,” “Hindi ko po nabalitaan, Tita. Kailan lang sila kinasal?” Napataas bahagya ang kilay ko. Bakit sobrang kuryoso siya sa aming mag-asawa? Mukhang may ibang gusto ang babaeng ‘to kakaiba ang kutob ko sa kanya. “Sorry, hindi namin na anunsyo dahil sa kagustuhan ng bride, and we respect her.” Napabuntong-hininga ako. Alam ko naman bakit ako ang ginawa nilang rason. Magtataka naman talaga ang mga tao dahil biglang kasado ang nag-iisang Killian Santiago at wala man lang balita na naganap. At kapag ang magiging rason nila ay kagustuhan ko na private wedding, hindi na mag-usisa pa ang mga tao. “Ah, okay, Tita. Nakakapagtaka lang. So, alis na po ako. Dumaan lang talaga ako rito para ibigay sa ‘yo ang pasalubong ko.” paalam ng babae. “Kakadating mo lang ba galing sa Saudi?” “Yes po, Tita. Sinadya ko po talagang huminto rito dahil sa pasalubong ko sa ‘yo. Atsaka madaanan ko naman ang bahay niyo papunta sa destinasyon ko.” “Nag-abala ka pa, sweetheart, but thank you for this.” ani ni Mommy at ngumiti. Nagyakapan ang dalawa bago tuluyang nakaalis ang babae. Tsaka lang ako gumalaw sa hagdan at nagpanggap na walang narinig. “Iha, ready ka na? Ihatid ka na namin ng Daddy mo.” “I’m okay, Mom. Si Manong Edmon na lang po ang maghahatid sa akin.” “Ayos ka lang ba talaga?” panigurado na tanong niya. Mabilis naman akong tumango. “Yes, Mom. Wala din naman si Killian doon. Baka may importanteng pinupuntahan.” Hindi nag-stay si Killian sa condo. Kapag nandoon ako, palaging umaalis. Hindi man lang magsabi kung saan o kailan uuwi. Basta-basta na lang ito aalis at biglang uuwi, pero aalis na naman ulit. “Ganon ba? Sige, mag-ingat ka do’n. Dadalaw na lang kami ng Daddy mo do’n.” Paglabas ko sa bahay ay kaagad kong tinawag si Manong Edmon at umalis na. Pagdating ko naman sa condo, tulad ng inaasahan ko, walang Killian akong nakita. “Ma’am, saan ko po ilagay ang maleta niyo?” tanong ni Manong. “Diyan na lang po sa sofa. Salamat po.” Pagkaalis ni Manong ay kaagad akong naglibot sa buong condo. Tulad ng dati, walang kabuhay-buhay ito. Sobrang plain at kulay gray and white ang disenyo. Habang naglilibot ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Akala ko ay si Killian. Ang matalik kong kaibigan pala. “Khala, bebs, I missed you!” lambing na ani ko. Sa kabila ng sakit na naranasan ko ngayon, hindi pwedeng hanggang iyak lang ako. “You don’t need to pretend, bebs. I know what’s happened. I’m sorry, at wala ako dyan nang pumanaw si tito.” “Ayos lang talaga ako, bebs. Kumusta ka na? Si Tita ayos na ba siya?” tanong ko. Huling tawag niya kasi sa akin ay nasa US ang dalawa dahil doon operahan si Tita. Atsaka hindi ako demanding. Alam ko naman na busy ang kaibigan ko kaya madalang lang talaga kaming mag-uusap. “Uuwi pala ako bukas diyan, pwede ng i-byahe si Mama.” excited na saad ni Khala sa akin. “Really?! I’m so excited to meet you again, Beb. By the way, nakausap mo na ba ang sinasabi kong may-ari ng isang nightclub diyan?” tanong ko nang maalala ang huling pag-uusap namin. Balak kong magtayo ng branded clothes store doon sa US. Khala and I always talk about the soon-to-be business namin. Ako ay magtatayo ng clothes store habang siya ay spa and massage services naman. Yong huling nagtayo kasi ng negosyo doon ay mali ang nakuha nilang spot, nightclub pero hindi naman bagay doon dahil wala gaanong gumagala sa lugar na yon na mga party people. Kaya iniwan ng na unang renters kaya ang gusto ng may-ari ay ibenta ito or rentahan ulit. Nalaman ko lang din ang tungkol niyan ng nag chat sa akin ang batchmate ko, sinabi niya kung interesado ba raw ako sa vacant space na yon. Ang may-ari kasi ay ang kapatid ng husband ng batchmate ko. “Y-yeah, but beb. Are you sure na kukunin mo yon?” alanganin na ani ni Khala. Nangunot naman ang noo ko, “Why? Pangit ba? Maliit lang ang spac—” “Hindi naman maliit ang space, hindi din pangit pero beb. Hindi talaga siya for business spot, sobrang tahimik ng lugar na yon, akala ko noon ang sinasabi mo is itong katapat kung saan kami nag stay ni mama, pero hindi pala.” Mas lalong lumalim ang gitna ng noo ko, “What do you mean?” “Mali ang info ang nakuha mo, yong sinabi ng batchmate mo noong highschool mali yon, dalawa pala ang vacant space nila at iba-iba ang location, at ang natira ay yong tahimik na spot.” explain niya. “Really? How about dyan sa malapit sa inyo ni tita? Maganda ba for business?” “Not sure though, pero maganda. Perfect for business siya dahil maraming katabing establisyemento rin.” “Balitaan mo ako, beb. Bonding tayo kapag dadating kana, I missed you.” Maghapon lang akong nakatunganga. Natapos ko na rin ang mga gawaing bahay, pero walang Killian na umuwi. Alas sais ng gabi nang nagpasya akong kumain na malapit na restaurant. Tinatamad kasi akong magluto, atsaka ako lang naman ang kakain. Wala akong kasama. Nagbihis ako ng kulay itim na bodycon at pinarisan ko ng flat sandal din. Matangkad ako kaya hindi na kailangan pang mag-2 inches na sandals. Bitbit ang wallet ay lumabas ako sa condo at dumiretso sa elevator. Habang naghihintay akong makababa, huminto ito at pumasok ang isang gwapong lalaki. Pero kahit gwapo siya, wala pa rin itong panama kay Killian. “Dinner?” biglang tanong ng lalaki. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagkamot naman agad siya sa kanyang ulo nang hindi ako umimik. “I’m sorry, bago lang kasi ako sa condominium at hindi ko alam kung may resto ba sa loob o kailangan pang lumabas—” “Hindi mo alam na may restaurant dito sa loob?” tanong ko. Umiling naman agad ito. “Nope, kakabalik ko lang kasi dito sa pina—” “Kung hindi mo mamasamain, sumama ka na lang sa akin. I’m gonna dinner outside, may malapit naman na restaurant.” bukal sa loob na pagyaya ko. Mukhang hindi naman siya masamang tao. “Hindi ka takot? I’m stranger, tapos yayain mo ako.” puna niya. Kaagad akong umiling. “Kung hindi ka masamang tao, why not? And beside maraming tao ang kumakain doon.” Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko. Ilang sandali ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. “By the way, I’m Michael and you are?” “Caliraya. I’m Caliraya.” sagot ko at tinanggap ang kanyang kamay. “Let’s go?” Marahan akong tumango at sabay kaming lumabas sa elevator. Hindi na namin kailangan pang sumakay dahil pwede namang lakarin. Malapit lang naman. Atsaka baka aabutin kami ng isang oras bago makarating doon kung gagamit pa kami ng sasakyan dahil sa sobrang traffic. “Saan ka pala galing?” hindi ko mapigilang itanong habang naglalakad patungo sa pupuntahan namin. “I’m from New York,” sagot niya habang nakangiti na nakatingin sa akin. “Half Filipino?” tanong ko, dahil ang kanyang kutis ay hindi sobrang puti, hindi rin maitim. Tamang-tama lang. Atsaka maayos siyang magsalita ng Tagalog. “Yes, my mother is a Filipina and my father is a New Yorker.” Napatango naman ako sa kanyang sagot. “Ang husay mong mag-Tagalog,” komento ko. Nagkamot ulit siya sa kanyang ulo. “Almost ten years akong nanirahan dito sa Pinas at ngayon lang ako nakabalik because of work.” “Wow? What is your work by the way?” I asked. “I’m a representative from a New York company,” “That’s good. Pasok na tayo?” ani ko nang tumapat kami sa entrance ng Italian cuisine restaurant. “Sure!” Nakangiti akong pumasok sa loob, ngunit ang ngiti ko ay biglang nawala nang makita ko ang asawa ko. “Killian,” mahinang bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD