KILLIAN 02

1515 Words
CALIRAYA POV: It's been two days but Killian didn't call me, even Florida didn't contact me either, mukhang nag enjoy silang lahat sa bisita nila. Habang nakahiga ako sa kama ay biglang tumunog ang selpon ko, mabilis akong binuhayan ng sigla dahil sa tunog ng tawag..nakangiti akong dinampot ang selpon at ang ngiti ko ay naglaho ng makita kung sino ang tumawag. “Pa,” walang gana kong tawag sa kanya sa kabilang linya. “Anak, how are you? Kumusta kayo ni Killian?” Umayos ako ng upo, “I'm okay pa, don't worry inalagaan naman ako ni Killian ng m-maayos.” “Good, nice to hear that. I love you anak,” malambing niyang wika. Ngumiti naman agad ako, “I love you too, pa. Magpahinga ka riyan, malapit na kaming uuwi dyan. Miss na kita,” “Missed na rin kita anak, tandaan mo mahal na mahal kita.” Hindi ako sanay sa palaging pinapaalala ni Papa, wala siyang araw na hindi niya sinasabi sa akin kung gaano nila ako ka mahal ni mama. Kahit mawala sila sa mundo ay mahal pa din nila ako. Napatingin ako sa relo ko at napasinghap ng makitang alas dose na ng tanghali, kailangan ko ng bumaba dahil nag reserve ako ng table para doon kakain ngayong tanghalian. Mabilis akong tumayo at nagsuot ng mini skirt at Korean polo, dahil puti ang balat ko ay maganda ako tignan sa mga sinusuot ko kahit matatas o oversized ang mga ito dahil small size naman ang katawan ko. Tamang tama lang ang hinaharap ko at pang-upo ko, ang shape naman ng katawan ko ay curvy. Umaalon ang kulot na buhok ko. Lumabas ako sa hotel room habang bitbit ang kulay itim na handbag ko, suot ko din ang paborito kong two inches sandal ko. Pagdating ko sa lobby ay kaagad akong dumeretso sa restaurant kung saan ako nag reserve, “Hello ma'am good afternoon noon, may reservation po kayo?” magalang na tanong ng babae. Kaagad naman akong tumango at ngumiti, “Yes, under the name of Mrs. Santiago—” “S-santiago po? Killian Santiago?” naguguluhan na tanong ng babae sa akin. Mabilis akong umiling, “No, under the name of Caliraya Santiag—” “Pasensya na po ma'am, pero isang Santiago lang ang may reservation sa amin. Yon ay si Mr. Killian Santiago,” magalang na sagot ng babae. Pati ba naman rito? Hinohotel niya ang babae niya, umalis na nga ako sa bahay at pumunta naman sila dito. Huminga ako ng malalim, “May available pa kayo for reservation?” tanong ko na lang. Hindi kasi sila tumatanggap ng customer na hindi dadaan sa reservation nila. Nag-aalangan naman na umiling-iling ang babae sa akin, “Wala na po kaming available table po,” “You can join our table, Caliraya.” Mabilis akong napatingin sa likuran ko at nkita si Killian kasama ang isang babae na pulang-pula ang labi at kulang na lang ay maghubad ito ng damit. “Babe, you know her?” maarte na tanong ng babae. “No thanks, thanks for the offer but I have to go.” mabilis na saad ko at agad na naglakad palayo. Naglakad ako patungo sa exit ng maalala kong dala ko pala ang isang kotse ni Killian ay kaagad akong lumiko patungo sa parking area. Ngunit bago pa ako makalabas ay bigla nalang may humila sa akin. “What are you doing here? Siguro dito mo kikitain ang lalaki mo no?” nanlilisik na matang saad sa akin ni Killian. Masakit din ang kanyang pagkahawak sa pulsuhan ko. “What are you talking about Killian?” naguguluhan na tanong ko. “Huwag ka ng mag-deny, Caliraya. Alam ko ang mga galawa—” For the first time of my life, I slapped him. Hindi ako nananakit ng tao, dahil pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. Pero sumusobra na siya, “Don't you ever point finger on me, Killian dahil sa ating dalawa, ikaw ang may kabit at hindi ako—” “Correction, hindi ko siya kabit.” Malamig na saad niya sa akin. “Ede hindi! Huwag na huwag mo akong pagbintangan sa kasalanang hindi ko naman ginawa,” inis na pagsagot ko. I may talk him back, pero nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot. Takot ako sa kanya dahil malaking tao siya, baka bigla na lang niya ako ibalibag O di kaya'y, saktan na lang bigla. Mabilis kong hinablot ang pulsuhan ko ng makita ko ang babae na papalapit sa amin, kaagad akong tumalikod at naglakad na parang wala lang. Pagdating ko sa kotse ay kaagad akong napasandal, ang t***k ng dibdib ko ay sobrang bilis ang tuhod ko ay nangangatog. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, kaagad akong pumasok sa loob at doon tuluyang umiyak, I'm crying like a baby, I sob. Iniisip ko kung ano ba talaga ang kulang sa akin? Bakit ganito siya ka lupit. Umalis ako ng bahay because he bring his girl there at hindi ko kayang makita siyang may katabing ibang babae maliban sa akin. “Jesus Cali your twenty-eight already, don't cry. Wala lang talaga siyang puso, sarili niya lang ang iniisip niya.” Twenty-eight na ako habang si Killian ay thirty-five, ex-army siya, hindi ko lang alam kung bakit siya umalis sa militar. Wala din namang sinabi ang pamilya niya at isa pa, I respect his decision delikado rin naman ang kanyang trabaho kaya mas mabuting umalis na lang talaga siya. Nang mahimasmasan ay inayos ko ang hitsura ko at tsaka pinaandar ang kotse, gagala na lang muna ako sa mall tapos uuwi sa hotel, mag hihintay ng tawag kung kailan kamo babalik sa Maynila. Siguro ito na lang muna ang plano. Tulad ng plano ay, gumala ako sa mall. Nag shopping na din ako to distract my thoughts, kahit hindi naman magagamit ay namili din ako. I was about to exit when I notice his body built, nasa labas siya habang masamang nakatingin sa akin. Wala siyang kasama, Ano na naman ang ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba ako? Kailangan ko talagang dumaan sa kanya dahil nasa exit siya ng store na pinasukan ko, lalampasan ko na sana siya ng bigla na lang siyang nagsalita at nagpaguho ng buong pagkatao ko. “We need to go back, your father died…” Kung hindi niya ako hinila ay siguro dadaan muna ang puting uwak bago ako mabalik sa realidad, gusto kong umiyak pero parang naubos ko na ang mga ito. Gusto kong sumigaw pero parang nawalan ako ng boses, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Habang nasa kotse ako ay may kausap si Killian sa kanyang selpon, wala akong interes na pakinggan ito lalong lalo na ang babae niya ang kanyang kausap. Siguro kaya hindi ako naiiyak ngayon dahil nandito siya, makikita niya akong umiyak at hindi ko gusto yon. “Cry if you want, huwag ka lang babahing bigla dyan o di kaya'y maingay na iiyak,” malamig na turan niya. Akala ko magiging maayos ang kanyang turing sa akin dahil sa nangyari, pero bakit parang wala siyang pakialam? Hindi man lang niya ako tinanong kung ayos lang ba ako o pwede ba akong umiyak sa kanyang balikat. Pero bakit niya din naman pala yan sabihin sa akin e sa umpisa palang ay may galit na siya sa ama ko, dahil sa kasal. Mula sa pagkuha namin ng gamit ko sa hotel ay dumiretso na agad kami sa airport, kahit ang byahe sa eroplano ay para kaming hindi magkakilala dahil walang usapan na nangyari. Paglapag ng eroplano ay kaagad akong sumakay ng taxi, nasa akin naman ang wallet ko kaya may pamasahe naman ako. Tinawagan ko na din si Mommy tinanong kung saan si Papa, “Golden heart hospital po manong,” turan ko sa drayber ng taxi. Mabuti nalang talaga at hindi gaano ka traffic ngayon at mabilis lang akong dumating, binigyan ko ng bayad ang drayber at hindi na nag-abalang kunin ang sukli. Naiiyak akong pumasok sa hospital at kaagad na tinanong ang nurse station kung saan si Papa ngayon. Nasa labas ng morgue sina Mommy at Daddy ang mga magulang ni Killian, “Iha, bakit mag-isa ka lang?” nag-alala na tanong ni Mommy at mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko na lang sinagot ang kanyang tanong sa halip ay naglakad ako papunta sa loob. Maraming mga tinakpan na puting kumot sa loob, ngunit ang papa ni papa ang unang napansin ko. Nanginginig ang kamay ko at tuhod ko ng maglakad ako palapit sa kanya. Akala ko naubos na ang luha ko, naghintay lang palang mag breakdown ako. “P-pa… B-bakit mo ako iniwan? Bakit naman ngayon Pa?” umiiyak na saad ko sa kanya habang hinaplos ang kanyang pisngi. Malamig na siya, sobrang putla na rin ng kanyang mukha. Ang kanyang katawan ay halos hindi na magalaw, “A-ang gwapo mo po,” wika ko. “Sabihin mo kay mama dyan sa taas pa, miss ko na kayo mahal na mahal ko po kayo.” umiiyak na sambit ko ulit at niyakap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD