KILLIAN 01

1666 Words
Chapter 01 “Ano’ng sabi mo, Pa? Pumayag na sina Tita at Tito? Pumayag sa ano, po?” tanong ko sa tatay ko. Kumuha ng baso si Papa at nilagyan ito ng tubig mula sa pitsel. “Gaya ng sinabi ko kanina, dapat magpakasal kayo ni Killian. Iyon ang huling kahilingan ng Mama mo, kaya bago ako mawala sa mundo, kailangan kong tuparin ang hiling ng Mama mo.” Parang tumalon ang puso ko dahil sa narinig. Mahal na mahal ko si Killian! Kahit magmukhang stalker ako ay okay lang sa akin. Matatawag kong kababata ko siya dahil sabay kaming lumaki, kahit hindi naman kami gaanong nagkikita. Naalala ko pa noong ipinagtanggol niya ako sa mga nang-bully sa akin noon kapag nakikita niya ako, minsan naman napapansin ko na nagbulag-bulagan siya kahit nakikita niyang binubully ako ng ibang bata. Pero kahit ganun ay hindi man lang ako na disappoint, minsan iniisip ko din na baka baliw ako or ano. Ang saya na nararamdaman ko ay biglang nawala ng maalala ang katotohanan. Hindi ako mahal ni Killian, o kahit mapansin man lang niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang mga nakikita niya lang sa akin ay ang mga katangahan na nagawa ko. Matamlay akong umupo sa upuan. “Pero Pa, hindi ako mahal ni Killian o kahit mapansin man lang niya ako bilang babae, hindi bilang kapatid o ano.” Mahinang sabi ko. “Anak Caliraya, hindi naman problema kung hindi niya masusuklian ang nararamdaman mo, dahil darating naman ang araw na magugustuhan ka niya, lalo na kung ikasal na kayo.” Pag-alo ni Papa sa akin. Mabilis akong umismid. “Ang sabihin mo, pinapaalis mo na ako dito sa bahay.” Humalakhak ng malakas si Papa at mahigpit akong niyakap. “Palagi akong nandito, anak. Kahit mawala ako sa mundo, mananatili parin kami ng Mama mo sa tabi mo at gagabayan ka.” “Pa,” mahinang tawag ko sa kanya. Malungkot naman na tumingin sa akin si papa, alam namin ang sakit niya at wala itong lunas dahil huli na ang lahat. May cancer siya at kahit pwede siyang operahan ay inamin sa amin ng pinsan ko na doktor na baka sa operating table mabawian si papa ng buhay kung ipipilit namin ang gusto ko. Ayokong mawala si papa sa akin lalo na siya na lang ang nag-iisang pamilya ko maliban sa malalapit na relative namin, pero hindi ko din naman pwedeng pilitin ang katotohanan. Yumuko si papa at ilang sandali ay yumugyog ang kanyang balikat, hudyat na umiyak ito. “Ang hiling ko lang naman ay, maihatid kita sa altar bago ako mawala.” mahinang turan niya at hinawakan ang dalawang kamay ko, “Anak, mapanatag kami ng mama mo kung si Killian ang magiging asawa mo. Dahil kilala namin ang pamilyang Santiago, malaki din ang tiwala namin ng mama mo sa kanila.” Hindi ko mapigilan na hindi maiyak, “P-pa,” hagulhol ko. Kung wala lang talagang nag doorbell ay hindi matigil ang iyakan namin ni Papa kahapon, at ngayon ay nandito kami sa garden ng mga Santiago, nakasuot ako ng puting bestida. Ngayon ang kasal namin, kahit labag sa loob ni Papa ang gusto ni Killian ay pumayag na lang ito. Gusto ko talagang makasal sa simbahan at maglakad patungo sa altar, pero ngayon ay hanggang imahinasyon nalang ang lahat dahil ang gusto ni Killian ay civil wedding lang ang kasal namin. “Smile Caliraya,“ malamig na bulong ni Killian sa akin. Nasa harapan kami at kaharap ang magkasal sa amin, “Di’ba ito naman ang gusto ng pamilya niyo? Or should I say gusto mo?” mas lalong lumamig ang kanyang boses. Pakiramdam ko ay naiihi ako dahil sa kaba at lalong-lalo sa kanya, kung noon ay malamig na talaga siyang makikitungo sa akin ay ngayon naman ay parang gusto niya akong saktan lagi. Pinilit kung nginuso upang ipakita sa mga taong masaya ang kasal namin kahit na Civil lang. “Killian Santiago, tinatanggap mo ba si Caliraya Concepcion bilang asawa mo?” Kulang nalang ay lalabas ang puso ko dahil sa bilis ng pintig nito, malamig ang pawis ko at panay lunok naman ako ng laway. “I do,” mabibigat ang bawat pag bigkas niya. Gusto kong umiyak pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil baka masisira ang araw na ito ngayon at maging trending pa. Tumingin naman sa akin ang nagkasal, “Caliraya Concepcion, tinatanggap mo ba si Killian Santiago bilang asawa mo?” Huminga ako ng malalim bago sumagot, “I do,” “And now, you may kissed the bride!” anunsyo nito. Humarap bigla si Killian sa akin, ang dibdib ko ay parang lalabas sa katawan ko dahil sa kaba at takot na din. Alam ko na galit sa akin si Killian lalo na sa umpisa pa lang ay sinabi niya ng hindi niya ako gustong pakasalan pero dahil wala naman itong magagawa ay pikit-mata na lang daw nitong gagawin ang gusto ng mga magulang nila. I don't want to kissed him kahit na gustong-gusto ko naman, ayokong madagdagan ang kanyang galit sa akin. Ngunit napasinghap na lang ako ng hinawakan niya ang batok ko at hinalikan ako—ang kanyang sariling daliri. Upang magmukhang hinalikan niya ako ay ang hintuturo niya ay ginawa niyang panakip sa bibig ko at doon dumampi ang kanyang labi. Of course isang insulto yon para sa akin, pero wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko naman ang lahat. Kung ang buong akala ng lahat ay nasa honeymoon kami ay nagkakamali sila, dahil nandito lang kami sa Mindanao at nag stay sa isang bahay ng mga Santiago or should I say bahay mismo ni Killian dito sa Xavier estates. Malaki ang kanyang bahay ngunit walang kabuluhan dahil ako lang naman ang nandito, simula noong dumating kami rito ay hindi ko na siya nakita pang muli. Ako lang mag-isa at ang dalawang kasambahay na matanda at dalaga. “Ma’am, tumawag si Sir kung kumain kana ba daw? Kuhanan ko daw po kayo ng litrato,” ani ni Florida sa akin ang apo ni manang Maribeth. Huminga ako ng malalim, palaging ganito ang eksena, mula sa agahan hanggang hapunan ay kukunan ako ni Florida ng litrato upang ipasa kay Killian. Mukhang humingi ng litrato sina Mommy, ang ina ni Killian. Pumwesto na ako tulad ng ginagawa ko, smile beautifully and look at the camera. Nagpanggap akong parang kinikilig para magmukhang si Killian ang kumuha ng litrato. Ilang shot pa ang kinuha ni Florida bago umupo at pinasa kay Killian. “Tapos na?” tanong ko at pinagpag ang damit. Nahihiya naman na tumango siya sa akin, “Pasensya na po talaga ma'am, sumusunod lang ako sa utos ni Sir.” Naiintindihan ko naman ang ginagawa niya, malamang susundin naman talaga nila ang amo nila at baka masetanti pa sila. “Ayos lang, akyat na muna ako.” paalam ko at agad na naglakad paakyat. Wala namang kaso sa akin na ako lang mag-isa rito pero asawa niya din ako, nag-aalala kung saan siya ngayon at sino ang mga kasama niya. Pagdating ko sa silid ay kaagad akong dumapa sa kama at mahinang humihikbi, palaging ganito ang eksena ko buong araw at araw-araw. Nasasaktan ako sa mga pinagagawa ni Killian, kung gusto niyang hingin ang litrato ko hindi naman talaga kailangan na dadaan kay Florida e, yon ang nakakasakit para sa akin. One week later, I'm here at my favorite spot. Isang gazebo rito sa likuran ng bahay. Sobrang tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Nakita kong papunta rito si Florida ang kanyang mukha ay nag-alala, “Ma’am, pauwi po si Sir. Sabi niya po doon ka muna sa kabilang kwarto at huwag ka raw po lalabas hangga't walang pahintulot mula sa kanya.” Napatayo naman agad ako mula sa pagkakaupo, “H-huh? Bakit daw?” nagtataka na tanong ko. Bawa't araw ay palala ng palala ang pinagagawa niya sa akin. “M-may kasama po siya—” “Sino naman ang kasama niya at aabot pa na itago nya ako?” di ko mapigilang itanong. Ang inis na nararamdaman ko ay umusbong. “Uhm, si Miss Lera po.” nakayuko na sagot sa akin ni Florida. “Lera? Who's that?” tanong ko. Tumingin naman sa akin si Florida ang kanyang mata ay nagsasabi na nahirapan siya sa lahat, “Hindi naman po sa nanghimasok ako ma'am, pero bago kayo kinasal ni Sir, girlfriend niya na po si Miss Lera.” walang paligoy-ligoy na sagot sa akin ni Florida. Para akong dinurog ng piraso-piraso, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Dahil hindi naman imposible na kaya siya galit sa akin ay dahil may iba pala siyang pakasalan at hindi ako yon. “Galit ka ba?” tanong ko. Ayokong may magagalit sa akin na ibang tao dahil lang naging asawa ako ni Killian. “H-hindi naman po, ang ikinabahala ko lang ay baka makita ka ni Miss Lera at mag-aaway na naman sila at sympre po ayoko naman Pong mag-away kayo ni sir.” Hindi na ako umimik pa, kaagad akong tumayo at binitbit ang mahalagang gamit na dinala ko rito kanina. Pumasok ako sa loob at umakyat sa silid, pagpasok ko ay mabilis kong hinila ang maleta at pinasok ang lahat na damit ko, kahit ang passport ay dinala ko din. Kung ikukulong naman pala niya ako rito habang nagpakasaya sa feeling ng iba, mas mabuting sa hotel ako mag stay at hindi ko pa makikita ang harutan nila at baka mawala ako sa sarili. “Ma’am saan ka po pupunta?” taranta na tanong ni Manang Maribeth. “Manang, sa hotel nalang po muna ako mag stay habang may bisita si Killian rito.” sagot ko at inayos ang mga dala. “Pwede naman na dito ka lang, sabi niya lang naman na huwag ka lumabas sa silid mo hangga't walang pahintulot mula sa kany—” “Sa hotel na lang po ako,” sagot ko at agad na lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD