Iris POV
"You are the most famous to create a new flavor of wine this 2023 Mr. Greyson. How does it feel to be famous now?"
"Same feeling as before. Nothing has changed." sagot ni Dustin sa Boy Agunda show. First time nitong inanyayahan for interview sa show na ito.
With his grandfather Don. Greyson.
"Ito ba ang apo niyo ay may balak pa magpakasal, Mr. Greyson? Pwede ba naming malaman kung sino ang babaeng nagpapatibok na ngayon sa puso ng nag-iisa niyong apo, Don. Greyson?" sa ngayon ang tinanong naman nito ay si Don. Greyson.
"By the way, she is in the US now. We are just planning the wedding. We will get there soon." sagot muli ni Dustin.
"Sinisigurado ko lang na slowly but surely. Kapag madalian kasi pwedeng mapurnada." tila hugot na sagot ni Dustin dito.
Tinutukoy niya ba yung nangyari noon na kasal sana namin noon pero dahil hindi ako sumipot kaya napurnada.
"Mommy!"
Dali - dali kong pinatay ang TV nang marinig ko ang boses ni Danica. Hindi ko akalaing mapatitig ako sa kaguwapuhan ni Dustin.
Ang laki ng kaniyang pinagbago. Kung gwapo na siya noon. Mas lalo pa ngayon. Lalo na sa gupit ng buhok niyang bagay na bagay sa kaniya.
Pero sino yung babaeng nasa US? Ako ba? Ang buong akala kasi nila nasa Ibang bansa ako. Hindi pa rin ba siya nakaka-move on sa 'kin?
"Mommy, bakit niyo po pinatay kaagad yung TV?" Lumapit sa akin si Danica tsaka umupo sa kandungan ko.
"May palabas kasi sa TV Dani na bawal sa' yo, I mean sa mga batang katulad mo." pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng anak ko. Nakabihis na ito ng uniform. Papasok na ito sa Day care. Hindi ako ang maghahatid sa kaniya kun 'di si Yaya Rosa.
"Gano' n po ba? Papasok na po ako, Mommy" Habang nakaupo ako sa sofa ay umakyat ito sa sofa para abutan ng halik ang aking pisngi.
"Okay, baby. Take care. Maliligo na rin si Mommy papasok na sa work." sabi ko dito tsaka ginantihan ng halik sa pisngi.
Lumapit na rin si Yaya Rosa at nagpaalam na sa akin. Tanaw ko ang likod palabas sa hindi ganoong kalakihan naming bahay.
Pera nila Mommy ang ginamit ko para maipagawa ang bahay na ito. Sapat lang din ang sahod ko para sa araw-araw namin dito sa bahay. Ang ibang pera na ginagastos ko dito sa bahay ay pera pa rin nila Mommy at Kuya na nasa ATM ko. Mabuti nga hindi pa rin nauubos. Mahigit tatlong million kasi ang laman ng ATM ko. Bigay pa nila sa akin yun noong dalaga pa ako habang nakatira ako sa bahay ni Kuya Hermes. Wala akong ibang naipatayo sa pera na iyon kun 'di itong bahay at kumukuha rin ako sa pera na iyon para pambayad ko buwan-buwan kay Yaya Rosa. Ngayon, walang wala na akong balita about sa kanila Mommy, Daddy at Kuya.
Ang natirang pera ko ay ginamit ko para makapagsimula ng negosyo. Nakihati ako sa ka-work mate kong si Daniela para sa naisipan naming negosyo. Magpapatayo kami ng botique.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang mag-ring ang phone ko.
Nang sulyapan ko ang aking phone. Isa sa ka-workmate ko ang tumatawag sa akin. Day - off ko pero bakit tinatawagan ako ni Ana. Ano kaya ang kailangan nito?
"Ana? Bakit ka napatawag?" kaagad na sagot ko sa tawag nito.
"Nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin?"
"Si Daniela, nag-resign na. Umalis na kanina lumipad na papuntang Korea." balita ni Ana sa akin. Napaawang ang labi ko at tila napako sa aking kinauupuan. Nanigas ang mga paa ko at hindi nakapagsalita.
"S-sigurado ka?"
"Oo, ano ka ba naman. Close kayo pero 'di mo alam?"
Napakapit ako ng mahigpit sa aking kinauupuang sofa.
"Uy! Nakakagulat ba? Bakit' di ka na nakapagsalita diyan? May problema ba?" sunod-sunod na tanong ni Ana.
"Yung pera ko nasa kaniya." tanging nasambit ko. Kinakabahan ako.
"Ano? Anong pera?" naguguluhang tanong ni Ana.
Wala silang kaalam-alam sa plano namin ni Daniela. Plano namin na umalis na bilang sales lady at magpapatayo na lang kami ng negosyo pero ano tong nabalitaan ko? Umalis siya patungong Korea? Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Paano na yung plano namin? Yung lupa na bibilhin namin naka-plano na. Nasa kaniya lahat ng pera na dapat pambayad namin.
"Yung pera ko na dapat ay para sa negosyo namin ay nasa kaniya." patuloy na sumbong ko kay Ana.
"Ano?" Kaagad na tumili si Ana sa kabilang linya. "Magkano?" dagdag na tili niyang tanong sa akin.
"Five hundred thousand." nanghihina na sagot ko. Paano kung balak talaga ni Daniela na takasan ako? Paano na? Paano na ang pera na dapat ay gagamitin ko sa panimula ng negosyo. Iyon na lang ang natitirang pera ko.
"Bakit mo naman pinagkatiwala sa kaniya? Jusko naman. Paano na 'yan? Umalis na. Mukhang na-scam ka na ng babaeng' yon."
"Hindi pwede. Yun na lang ang pera ko." hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. "Tatawagan kita ulit. Ibababa ko muna ang tawag mo. Tatawagan ko si Daniela." kaagad na pinatay ko ang call ni Ana at kaagad na tinawagan si Daniela.
Ngunit ilang beses ko ng tawag sa kaniyahindi niya sinasagot hanggang sa hindi ko na ito ma-kontak pa. Nanlumo akong napaupo sa sahig.
Paano na?
Kulang ang sahod ko bilang sales lady.
Hindi ko pa rin tinantanan ang pagtawag kay Daniela ngunit wala na talaga.
—
TWO WEEKS LATER...
Paulit ulit na pumupunta sa bahay ang supplier ng tela na nakuha na namin ni Daniela. Kasalukuyan nasa kay Daniela ang mga tela at mukhang isinama pa niya ito sa ibang bansa. Hindi pa pala niya ito nababayaran kaya ngayon ako itong hinabol ng supplier para bayaran ang mga tela na naitakbo ni Daniela. Dalawa kami na pumirma sa kasunduan after one week namin babayaran.
"Wala ho sa akin ang mga tela. Nasa kay Daniela." paliwanag ko sa mga ito.
"Miss David. Kayong dalawa ang pumirma dito na after one week babayaran ang mga tela na naitakbo ng kaibigan mo. Kaya sagot mo rin ang lahat ng ito."
Napahilamos ako ng sarili kong mga palad sa aking mukha.
Ito yung napapala sa masyadong nagtitiwala. Ngayon ako ang mahihirapan na buohin ang five hundred thousand para lang maibayad sa supplier na ito.
Nawalan na ako ng five hundred thousand. May problema pa akong isa na ang hirap lutasin.
Bakit ko nga ba pinagkatiwalaan si Daniela? Daniela, nasaan ka na ba? Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito.
"Kapag hindi mo nabayaran ang five hundred thousand pesos, Ms. David. Magkikita na lang tayo sa korte." pahabol ng babaeng ito tsaka tumalikod palabas ng bahay ko.
Pasalampak akong napaupo sa sofa. Mabuti na lang wala dito si Danica at Yaya Rosa. Kapag nagkataon, magtatanong ang anak ko sa akin.
INIISIP ko kung saan ako kukuha ng pera para ipambayad ko kay Yaya Rosa at sa supplier na kaaalis lang. Dalawang buwan ko ng hindi nasasahuran si yaya Rosa. Mabuti na lang pumayag siyang isabay ko na ang dalawang buwan na babayaran ko sa kaniya. Ang problema, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera? Sumasakit ang ulo ko sa dami kong problema.
Nagpaalam ako sa may-ari ng pinapasukan kong damitan sa mall. Lumuwas ako ng Manila hindi kasama si Daniela. Iniwan ko muna siya kay Yaya Rosa. Nag-aaral kasi ito kaya hindi ko siya puwedeng isama.
Ipapakilala ko sana siya kina Mommy pero naisipan kong huwag na lang. Sa huli, sila Mommy pa rin pala ang tatakbuhan ko sa oras ng kagipitan.
Habang tanaw ko ang gate ng bahay. Nasa harapan na ako nito. Tila ang laki ng nagbago. Ilang taon ba akong nawala? Four years? Four years akong hindi dumalaw sa bahay na ito kaya naninibago ako.
"Ma'am, ano po ang kailangan nila?" tanong sa akin ng guard na nagbabantay sa gate. Hindi ko ito kilala.
"Sila Mommy at Daddy ba nandiyan?"
"Sino po ang tinutukoy niyo, Ma'am?"
"Si Mrs. David." sagot ko.
Tila napaisip ang guard sa sinabi ko.
"Pasensya na ho, Ma'am. Hindi ko po iyon kilala."
"Huh?"
"Baka po ang tinutukoy niyo ay ang dating may-ari ng bahay na ito. ibenenta na po ito, Ma'am. Iba na po ang may - ari nito."
Napaawang ang labi ko sa sinabi nito.
Ebenenta nila Mommy ang bahay? Nasaan sila? Saan sila nagpunta? Kusang tumulo ang butil na luha sa aking pisngi.
Ang hirap pala ng hindi mo alam kung nasaan na ang pamilya mo. Noong umalis ako, hindi ako nahirapan dahil alam kong nandito lang sila sa bahay na ito pero ganito pala kasakit sa feelings na wala kang kaalam-alam kung nasaan ang pamilya mo.
Ganito rin siguro ang naramdaman nila Mommy at Daddy noong umalis ako na wala man lang paalam sa kanila.
Karma ko ba 'to?
"M-may alam ba kayo kung nasaan na sila ngayon?" nang makabawi ay kaagad kong tanong sa guwardya na kaharap ko
Umiling-iling ito. "Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po alam eh! Pero narinig ko lang sa mga maids dito na nasa ibang bansa na raw ang dating may-ari ng bahay na ito." bagsak ang mga balikat ko sa sinabi ng guard.
Wala akong kaalam-alam. Nasa ibang bansa na pala sila Mommy at Daddy. Hindi ko na alam kung sana ko sila hahagilapin?
Pagkatapos ng pag-uusap namin ng guard ay pinagsaraduhan na ako nito ng gate.
Bagsak ang mga balikat kong naglakad sa high way para sumakay na ng jeep.
Pupuntahan ko si Kuya Hermes. Baka sakaling nandito siya at matulungan niya ako.
Mas lalong bumagsak ang mga balikat ko nang malamang wala rin si Kuya Hermes sa bahay nito. Matagal na raw hindi umuuwi si Kuya sa bahay niya.
Pabagsak akong napaupo sa gilid ng kalsada. Saan ako pupunta ngayon? Saan ako hihiram ng pera kung lahat sila wala na dito?
Sinulyapan ko ang aking dalang bag dahil sa ringtone ng cellphone ko na naririnig. . Kinuha ko ang aking phone mula sa bulsa ng aking shoulder bag.
Si Yaya Rosa tumatawag. Kaagad kong sinagot ang tawag nito.
"Yaya Rosa..." nakangiting sagot ko. Ayaw kong ipaalam sa mga ito na walang nangyari sa lakad ko. Baka mamaya ay iwan na kami ng tuluyan ni Yaya Rosa.
"Ma'am, gusto raw po kayo makausap ni Danny."
"S-sige po, yaya pakibigay po."
Danny ang nakasanayan naming itawag kay Danica.
"Mommy, anong oras po kayo uuwi?"
Natigilan ako sa itinanong ni Danny sa akin.
Hindi ko nga alam kung makakauwi kaagad ako. Hahanap pa ako ng paraan para magkaroon ng pera.
"Hindi ko pa alam, baby. Tatawag ako kapag pauwi na ako okay?"
"Sige po, Mommy. Love you, Mom. Ingat po." alam kong nag-flying kiss pa si Danny sa kabilang linya. Gawain niya kasi iyon.
Napakalambing ng anak ko.
Paano na 'to? Uuwi ba ako kahit wala akong napala sa lakad ko?
Sumakay ako ng jeep.
Pauwi na sana ako at papunta na sa bus station nang makita ko ang whole body billboard ni Dustin. May hawak itong wine.
Naalala kong dahil sa wine na iyan kaya nabuo si Danny. Nawala ako sa pag-iisip at isinuko ko sa kaniya ang p********e ko.
"Dustin..." sambit ko.
Biglang nag-sink in sa akin ang lahat. Ano kaya kung lalapitan ko si Dustin? Paano kung mauuto ko pa rin ito hanggang ngayon? Paano kung isang salita ko lang ay mapapatawad niya kaagad ako sa ginawa ko?