MR. GREYSON 2 HIDE

1442 Words
"I'm willing to marry, Iris." matapang na sinabi iyon ni Dustin sa Ginang. Ang mommy ni Iris. Kasalukuyan ngayon nakatira si Iris sa bahay ng mga magulang niya. Nakasanayan niya sa bahay ng Kuya Hermes niya pero ngayong mga nakaraang araw nang dahil sa nangyari ay hindi na siya natulog pa sa bahay ng nakatatandang kapatid nitong si Hermes. "Pero ayaw sa 'yo ng anak ko. Ayaw kong pilitin si Iris." "Please, Tita. puwede ko ba siyang makausap?" nagsusumamo na pakiusap ni Dustin. Ngunit kahit na anong pilit nito na makausap si Iris ay walang balak na lumabas si Iris. Walang balak na kausapin ang binata. Araw-araw nasa mansyon si Dustin para lang makita si Iris at makausap pero bigo siyang makita ang dalaga. Mailap pa rin sa kaniya si Iris kahit pa nga may nangyari na sa kanilang dalawa. Simula ng may nangyari sa kanilang dalawa ay halos hindi na siya makatulog dahil palaging nasa isip niya si Iris. Kung paano ito umungol ng gabing pinagsaluhan nila ang init ng kanilang mga katawan. Paano lumubog ang katawan ni Iris sa kama, paano bumaon ang mahahabang kuko nito sa kaniyang makinis na likod at kung paano ito sambitin ang kaniyang pangalan na may kasamang ungol Alam niyang naaalala ni Iris ang nangyari sa kanilang dalawa at nagustuhan ito pero sadyang matigas lang ang dalaga. Dalawang buwan na ang lumipas simula nang may mangyari sa kanila. Sinabi niya sa sariling huling beses niya ng pupuntahan pa si Iris sa bahay nito. Kapag hindi pa siya nito kakausapin ay susuko na siya at hindi na kukulitin pa ang dalaga. Nadatnan niya ang kaniyang kaibigan, si Hermes. "Anong ginagawa mo dito?" kaagad na tanong ni Hermes. Sinalubong ni Hermes ng masamang tingin si Dustin. "I'm here to talk to Iris. I want to marry her. If she still doesn't want to talk to me now, I'll go home and never see her again." sagot niya dito. "Magpapakasal na ako sa 'yo." biglang lumitaw si Iris sa kanilang harapan. Parehong nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Hermes. "Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Dustin. May bakas na ngiti sa labi. "Sinabi kong magpapakasal ako sa' yo, ayaw ko ng ulitin." "Sigurado ka ba diyan, Iris?" "Oo, Kuya. Pakakasalan ko na ang kaibigan mo. Tama naman siya eh! May nangyari na sa aming dalawa kaya kailangan kong tanggapin. Magpapakasal na ako sa kaniya." "Aasikasuhin ko kaagad ang kasal natin." masayang masaya na sabi ni Dustin. Hindi makapaniwala sa naging resulta sa huli niya na sanang pagpunta bahay nito. Inasikaso ni Dustin ang lahat at maging ang kaniyang Grandpa Gorge ay pabor na pabor kay Iris. After one week Natapos rin ang lahat. Hindi siya nakatulog kinagabihan dahil sa mangyayaring kasal. Naiisip niya pa lang na makakasama niya na sa iisang bubong si Iris ay napapakagat labi na lang siya habang nakatitig sa kisame. KINAUMAGAHAN... Sa sobrang excitement na makasal kaagad kay Iris ay napaaga ang pagpunta niya sa simbahan. Kasama ang kaniyang Mommy, Daddy at ang kaniyang grandpa Gorge. "Kinakabahan ka ba, son?" tanong ng kaniyang Dad. "Sobra." hindi mapakali sa kinatatayuan si Dustin. Iniisip niya pa lang na maglalakad na si Iris sa aisle palapit sa kaniya ay talagang pagmamay-ari niya na ang dalaga. Nasa Church na ang lahat. Ang Mom, Dad at Kuya ni Iris ay nasa simbahan na rin. Hinihintay na lamang nila ang bride. "Darating din 'yon. Huwag kang kabahan." tapik ni Hades sa kaniyang braso. "Lol. Ganito pala talaga ang ikakasal. Nakakapanginig ng buong katawan" sumbong niya dito. "Huwag kang mag-alala ganiyan din ako." dagdag pa ni Hades sa kaniya tsaka muling tinapik ang kaniyang balikat. Napapabuga siya ng hangin sa kawalan dahil wala pa rin si Iris na dapat ay nasa simbahan na. "Bakit kaya wala pa ang bride?" narinig niyang sabi ng isa sa mga bisita. Nagkakagulo na dahil wala pa rin si Iris. Kaagad niyang nilapitan ang Mommy ni Iris na hindi na rin mapakali sa kinatatayuan nito. "Bakit wala pa si Iris?" tanong niya kaagad dito. "Hindi ko rin alam. Nag-aalala na rin ako kung bakit wala pa siya. Tinatawagan ko pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko." Unti-unting bumagsak ang kaniyang mga balikat sa isinagot ng Ginang. Pinakalma ang sarili bago bumalik sa pwesto ng altar. Maghihintay pa rin siya sa pagdating ni Iris kahit isang oras na itong late. "Hindi na yata darating ang bride." narinig naman niya na sabi ng isang matandang babae. "Darating si Iris." sa isip-isip niya. "Hindi niya naman siguro ako ipapahiya dito." Pinaglaruan ng kaniyang sapatos ang sahig. Mahinang pinadyak - padyak ito. Pakiramdam niya wala ng pag-asa na darating pa si Iris. Niloko lang siya nito at pinaasa. Mas lalong nadagdagan ang inis niya sa dalaga nang marinig ang sinabi ng babaeng kararating lamang. "Hindi na darating ang bride! Wala raw ang bride sa bahay nito. Hindi mahagilap ng kapatid niya!" sumbong ng babae. Sinulyapan niya kaagad ang kinaroroonan ni Hermes ngunit wala na ito. Umuwi pala ito at hinanap si Iris. Mariing kumuyom ang kaniyang mga kamao. Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya na hinintay pa ang mapahiya pa ng sobra. Naglakad siya palabas ng simbahan. Kaagad na sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot ito. Hindi niya na nga pinakinggan pa ang pagtawag sa kaniya ni Don. Greyson, ang kaniyang lolo. Pagdating sa bahay ay doon ibinuhos ni Dustin ang galit. Kaagad niyang hinawi ang mga nakapatong na babasagin na gamit sa mesa. "Fvck it!" Isang malutong na mura ang pinakawalan niya tsaka muling nagpatuloy sa pagbasag ng mga gamit. "Sir." kaagad naman siyang nilapitan ng kanilang katulong. Naitulak pa niya ito kaya hindi na ito muling nagtangka pa na lapitan siya. "Huwag niyo kong pakialaman!" nanlilisik ang kaniyang mga mata na sinigawan ang kanilang katulong. "Balak mo pala na ipahiya ako, Iris! Ang ganda ng idea mo!" naglakad siya patungo sa kusina at ang mga babasagin naman sa dining area ang mga pinagdiskitahan niyang basagin. "Never show your face to me again! I don't know what I can do with you, Iris, when our paths cross again." muling ikinuyom ang kaniyang kamao. — FOUR YEARS LATER... Iris POV "Mommy! Mommy! Tingnan niyo po yung lalaking nasa screen ng TV." Nagtitimpla ako ng milk ni Danica nang biglang sumigaw ito. Kaya kaagad ko itong nilapitan sa sala. Si Danica ay ang bunga noong gabing may nangyari sa aming dalawa ni Dustin. Apat na taon na ang nakakalipas pero dala ko pa rin ang guilty na ginawa ko sa kaniya. Pinahiya ko siya sa maraming tao. Hindi ako tumuloy sa araw ng kasal namin. Kaya hindi na ako magtataka kung pati siya ay galit sa 'kin. Simula kasi ng umalis ako at hindi sumipot sa kasal namin ni Dustin ay hindi na rin ako kinakausap nila Mommy at Kuya. Kaya mag-isa kong binubuhay ngayon si Danica. Umalis ako at nagpunta sa Probinsya. Walang kaalam-alam sila Mommy kung nasaan ako. Ang buong akala nila ay nasa ibang bansa ako dahil 'yon ang sinabi ko sa kanila. Pagdating ko sa sala ay tumambad kaagad sa aking paningin ang mukha ng lalaking tinaguan ko ng ilang taon. Nang sulyapan ko si Danica ay seryoso itong pinapanuod ang kaniyang ama na may kausap na babae habang may hawak itong glass of wine. Commercial yata iyon sa bago nilang product na wine. Kaya ayaw kong binubuksan ang TV dahil palaging nakikita ni Danica ang Daddy niya sa TV. Kinuha ko ang remote at kaagad na in - off ang TV. "Mommy! Bakit niyo po pinatay?" angal ni Danica. "Tigil mo na panunuod ng TV Danica. Mag-study ka. Pagkatapos mo inumin ang milk mo pumasok ka na sa kwarto mo." utos ko sa kaniya. May strikto ang boses ko. "Nakita niyo po ba yung handsome guy kanina sa TV Mommy?" Kaagad na kumunot ang noo ko dahil ang tinutukoy na handsome guy ni Danica ay ang kaniyang ama. Walang iba kun 'di si Dustin. "Anong meron sa guy na iyon, Danica?" "I just noticed, my eyes are the same color as his eyes." Danica's eyes are brown, she inherited it from her daddy, Dustin "Many people have the same color eyes, Danica. Don't even think about the guy you saw earlier on TV okay?" hinawakan ko siya sa kaniyang magkabilaang balikat. Tumango-tango naman ito tsaka uminom ng juice. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na rin naman ito nangulit pa. Hangga't kaya kong itago si Danica kay Dustin, hangga't kaya kong buhayin mag-isa si Danica. Mamumuhay kami dito sa probinsya na kaming dalawa lang kasama ang nag-iisa naming katulong. I am Iris David 27 years old and willing to hide my daughter from Mr. Greyson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD