MR. GREYSON 4 CONFRONTATION

1740 Words
Iris POV "Hi, Ma'am, welcome to Greyson Company! Good afternoon! What can I do for you?" kalalapit ko lang sa front desk. Binati na kaagad ako ng receptionist. Sinusuyod ko pa ang buong paligid ng building na ito. Tama ba talaga ang napuntahan ko. Pagmamay-ari ba talaga ito nila Dustin? Napaawang pa ang labi ko bago sinubukang magsalita. "Ahm! Itatanong ko sana kung pagmamay-ari ba ito ni D-Dustin?" walang paligoy - ligoy na tanong ko. "Excuse me, Ma'am? We do not provide any private information." "P-pero nandito ba si Dustin?" muli ay tanong ko. "You mean? Mr. Greyson?" tanong nito sa akin. Napatango na lamang ako. Tiningnan nito ang log book. "Do you have an appointment with Mr. Greyson, Ma'am?" muli ay tanong nito. "Appointment? Kailangan ba may appointment para makausap siya?" "Yes, Ma'am." Ano bang gagawin ko? Aatras na ba ako o ipagpatuloy itong nasimulan ko? Sigurado ba akong kaya kong makipag-usap kay Dustin? Pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam pero kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siya ngayon. Kaya bahala na. "Please, kailangan ko lang makausap si Dustin-I mean... si Mr. Greyson." kinakabahan ako kaya nanginginig ang kamay kong hindi mapakali. "You need to set an appointment with him first, Ma'am... Mr. Greyson is a busy person. Every minute is important to him." sagot nitong babae na ito. "Kailangan ko siyang makausap ngayon. Malayo pa ang uuwian ko kaya hindi na ako pwede pa magpa- set ng appointment para makausap siya." pangungulit ko sa receptionist na ito. Napailing ito ng wala sa oras tsaka dinampot ang telepono. Mukhang tatawagan niya si Dustin. "Mr. Greyson, meron po kasing nangungulit na babae dito sa front desk. Gusto niya raw po kayong makausap?" "Okay po, Sir." Tumango - tango na lang ang babae sa kausap nito sa telepono. Hindi ko man naririnig ang boses ni Dustin na kausap ng babae sa kabilang linya ay ang lakas na ng kaba na nararamdaman ko. Bakit nga ba ako kinakabahan? Si Dustin lang naman 'yan. Yung lalaking makulit at patay na patay sa akin. Baka isang sabi ko lang ay bigyan niya na kaagad ako ng hihilingin ko sa kaniya. Kakapalan ko na ang mukha ko ngayon. Wala na akong ibang matatakbuhan. "Ma' am, hindi po kayo pwede pumasok. Paalis na rin po si Mr. Greyson. Bumalik na lang po ulit kayo bukas or sa susunod na araw." Bagsak ang mga balikat ko sa sinabi ng receptionist. Akala ko kasi makakapasok na ako at makakausap ko na si Dustin ngayon. "Ganun ba? Hindi ba talaga pwede kahit sandali lang? Sandali lang naman ako. May sasabihin lang naman ako sa kaniyang importante." "Hindi po talaga pwede, Ma'am. Paalis na po kasi si Mr. Greyson-" hindi ko na pinatuloy pa ang gustong sabihin ng babaeng ito. Bigla na lang akong tumakbo papasok sa loob. Ang tanging narinig ko na lang ay ang mga pagsigaw niya. "Guard! Yung babae!" sigaw ng receptionist sa guard. Kaagad kong hinanap ang elevator. Bahala na kung saan ako babagsak pagkatapos nitong ginawa ko. Sanay naman ako sa ganito. Noon pa lang noong highschool pa lang kami ni Tinay. Sanay kami sa patakas na gawain. Pagpasok ko sa elevator nakita ko ang guard hinahabol ako ngunit hindi niya ako naabutan. Hindi ko alam kung saang floor ako lalabas pero bahala na. Kahit ano na lang ang pinindot ko. Mas pinili ko ang pinakahuling floor. Twenty six floor. Habang papalapit ay mas lalo naman lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hanggang sa marating ko ang twenty six floor. Nang bumukas ito at nang makalabas sa elevator ay ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang lalaking inaayawan ko noon. Namilog ang labi ko at ang laki pa yata ng pag-awang dahil natulala at napanganga ako. Sobrang laki ng pinagbago niya. He was wearing a black office suit that suited him very well. If he's handsome on TV, he's even more handsome in person. Hindi ko akalaing matutulala ako sa harapan niya dahil ang laki ng pinagbago niya. Hindi katulad noon na kung aalis at pupunta sa bahay ni Kuya nakapambahay lang ito. But now, he is very formal. Nagkasalubong ang aming mga paningin habang ako nakaawang ang mga labi. Siya naman ay nabigla at hindi yata makapaniwalang nasa harapan niya ako ngayon. Ilang segundo ay nagbago ang awra ng kaniyang mukha. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at naging matalim ang kaniyang tingin sa akin. Sinubukan kong tumikhim at ibalik ang pormal kong reaction. "D-Dustin..." sambit ko. Walang pagbabago ang kaniyang naging reaksyon. Matalim pa rin ang mga tingin nito sa akin habang walang imik at nakatitig sa akin. "D-Dustin..." muli ay sambit ko. "Who would have thought that you would be in front of me now, Ms. David?" panimula niya. Hindi pa rin maalis nito ang matalim niyang tingin sa akin. Nawala na rin ang dating awra niya na kapag kaharap ako palaging nakangiti at palaging may jokes na kasama kapag kinakausap ako. Sinuyod niya ang kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa. "Mas maganda pala yung nasa isip ko kaysa sa personal. What happened to you, Ms David? Hindi na kita nakilala. After how many years. Ganiyan lang pala ang masisilayan kong mukha. Mabuti na lang hindi natuloy ang kasal natin." tiningnan niya ako ng mapanglait na tingin. Sinuyod ko ang kabuuan ko at doon ko na-realize ang suot ko. I was wearing jeans pants and only a t-shirt on top. Ibang-iba sa mga sinusuot ko noon. Kahit na ganoon ang sinabi niya. Nilunok ko ang pride ko dahil kailangan ko siya. Kahit nakakahiya at nakakababa ang gagawin ko ngayon. Wala na akong pakialam. Kaysa makulong ako at hindi ko makakasama ang anak ko. "D-Dustin, n-nandito ako kasi-" "Now, you're back for what?" natigilan ako dahil hindi niya pinatapos ang gusto kong sabihin. Iris, ilabas mo yung tapang mo! 'Di ba matapang ka? Tumikhim ulit ako. "Mahal mo pa rin naman ako hindi ba? Kahit ganito ang porma at hitsura ko alam kong hindi ka pa rin nakaka-move on sa' kin." buo at confident na sabi ko sa kaniya. Hindi naman ako pangit. May nagbago lang sa akin dahil sa pagtatrabaho ko pero kaunti lang naman. Sexy pa rin naman ako at kahit papaano maganda pa rin ako. Narinig kong mahina niyang pagtawa. Tawa na may pangmamaliit. "Who told you that I am still fvcking inlove with you until now, Iris? After what you did to embarrass me on the wedding day? Maybe you've forgotten?" pagak ito na tumawa. Natigilan ako at napaisip. Kinagat ko ang labi ko. Humuhugot pa ng lakas ng loob. " D-Dustin...about that...I -I'm so-" "Excuse me, Iris but I have to go. I have more important things to do. I don't have time to talk to someone like you." Hinawi niya ako at dinaanan na lang na parang hangin. Nilingon ko pa siya habang kagat ko pa rin ng mariin ang aking labi. Pinagmasdan ko na lang ang pagsarado ng elevator tsaka nag-process sa utak ko na sundan siya. Nang bumukas ang elevator ay kaagad akong pumasok para maabutan ko pa si Dustin. Paglabas ko ay kaagad akong tumakbo at nakita kong palabas na si Dustin. Tinawag ko ito ngunit may humawak sa braso ko. "Miss, lumabas na ho kayo." natigilan ako, nilingon ang humawak sa braso ko. Isang guard. "Oo, lalabas na ako kaya bitawan mo ako!" sigaw ko. "Hindi pwede Miss. Kailangan kong makasigurado na lalabas ka sa building na ito. Ihahatid kita palabas." kaagad kong winakli ang kamay ng guard na nakahawak sa braso ko. "Sinabi kong lalabas na ako!" sigaw ko. Muli niya na naman hinawakan ang braso ko at hinila palabas. Hindi ko tuloy naabutan pa si Dustin. Napaupo na lang ako sa sahig. Wala na, wala na ang dating Dustin na patay na patay sa akin. Ang laki na ng pinagbago niya. Nawala na yung ngiti sa mga mata niya kun 'di napalitan ng matalim at galit na tingin sa akin. Anong gagawin ko? Palubog na ang araw pero hindi ko pa alam kung uuwi ba ako ngayon o matutulog na lang kung saan mayroong murang matutuluyan ngayong gabi. Naglakad-lakad ako habang bagsak ang mga balikat ko. Bigla akong natigilan nang maalala ang bestfriend ko, si Tinay. Tama! Si Tinay! Baka matulungan niya ako. Kaagad kong kinuha ang aking phone sa loob ng shoulder bag. Naka-save lang sa phone ko ang number ni Tinay pero hindi ko tinatawagan. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ito pa rin ba yung gamit niya. Sinubukan kong tawagan iyon at hindi naman ako nabigo dahil nag-ring naman ito. Nabuhayan ako ng pag-asa ng marinig ang boses ni Tinay. Sobrang na-miss ko ang babaeng ito. Hindi ko man lang siya nagawang tawagan dahil kasama iyon sa pagtatago ko. Kapag tinawagan ko siya pwedeng malaman nila Dustin kung nasaan ako. Pero ngayon, hindi ko pala aakalaing kay Dustin pa ako humihingi ng tulong at ngayon naman kay Tinay. "Yes, hello!" sagot ni Tinay sa kabilang linya. Sobrang nakaka-miss ang boses ng babaeng ito. "Ti-" hindi ko naituloy ang pagsagot ng biglang may humablot sa kamay ko ng phone ko. Nang lingunin ko ito ay kaagad na tumakbo ang isang lalaking naka-itim at naka hood jacket. Tangay niya ag cellphone ko. Nagsisigaw ako pero wala naman makakarinig dahil nandito ako sa hindi matao na lugar. Hinabol ko pa nga ito pero hindi ko na naabutan. Natigilan ako sa pagtakbo. Hingal na hingal na tumigil habang hawak ko ang mga aking mga tuhod. Ang malas ko! Paano na? Paano ko matatawagan si Tinay? Paano ko matatawagan si Danica sa probinsya? Tumulo na lang bigla ang butil ng luha ko. Hindi pa man ako nakakabawi sa aking hininga nang may biglang humintong van sa tapat ko. Natigilan ako, nang makita kong naka-bonnet ang mga lumabas mula dito ay nagsimula akong mataranta. Sinimulan kong tumakas at tumakbo ngunit huli na dahil nakalapit na kaagad ang mga ito sa akin at kaagad hinawakan ang mga braso ko. "T-teka? S-sino kayo?" ang lakas ng kaba ko. Nanginginig ang boses ko. "Sumama ka na lang sa amin!" sagot ng mga lalaking ito. Mas lalo akong kinabahan. "Saan niyo ko dadalhin?" hindi ko na napigilan pa ang paghatak ng mga ito sa akin palapit sa van at sapilitan akong pinasok dito. Ang huling naalala ko ay ang pagtakip nila sa ilong ko at naamoy ko ang mabahong chemical mula sa panyo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD