MR. GREYSON 5 CASA

2563 Words
Iris POV NAGISING akong nakahiga sa maliit na kama. Kasyang-kasya lang ang katawan ko. Kaagad akong napabalikwas sa pagkakahiga at kaagad na umupo nang maalala ko ang nangyari. Kaagad kong hinanap ang orasan. Wala man lang orasan sa kwarto na ito. Sa sulok ay mayroong iilang sexy nighties na naka-hanger at mga sexy underwear. Napangiwi ako. Anong klaseng lugar 'to? Bakit may mga ganiyan sa kwarto na ito? Kaagad kong naalala si Danica. Ang anak ko. Hindi' yon makakatulog at mag-aalala 'yon sa' kin dahil hindi ako nakatawag sa kaniya. Kailangan kong makaalis dito. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang sakit ng pulsuhan ko. Hindi lang pala ako nakakulong, kun 'di naka - posas pa ang isa kong kamay. "s**t! Anong kalokohan' to?" Pilit kong hinuhubad ang posas sa kamay ko pero mas lalo lang itong sumisikip at mas lalong nanakit ang kamay ko dahil sa pagpilit kong tanggalin ang posas. Sumigaw ako pero tila wala namang makakarinig at makakatulong sa akin. Rinig na rinig sa kinaroroonan ko ang ingay mula sa labas. Narinig may bumubukas ng pinto kaya hinintay kong mag-open iyon. Lumuwa mula sa pintuan ang isang babaeng puno ng kolorete ang mukha. Pulang-pula pa ang labi nito. Sinamaan ko ito ng tingin habang papalapit ito sa akin. "Anong ginawa niyo sa akin?" kaagad na tanong ko sa kaniya habang hindi nawawala ang galit sa aking mukha. "Relax sweety, mamaya - maya naman ay magugustuhan mo ang mangyayari sa 'yo." ngumisi ito. Mas lalo akong na-curious. Anong sinasabi nito? Lumapit pa ito sa akin. Napalingon ako sa may pintuan ng may biglang pumasok na naman doon. Sa pagkakataong ito, dalawang lalaki na malalaki ang katawan naman ang sumunod sa babaeng ito. Bigla akong kinabahan. Ano ba talaga itong pinagdahan nila sa 'kin? "Dalhin niyo ang babaeng' yan sa akin." utos ng babaeng pulang-pula ang nguso. Nagawa pang magsigarilyo sa harapan ko. Naalarma ako ng lumapit sa akin ang dalawnag lalaki. Kabadong-kabado ako dahil sa laki ng mga katawan nito. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin. Paano kung patayin nila ako? Hindi! Hindi pwede! May anak pa ako. Hinihintay na ako ngayon ni Danica. "Pakawalan niyo 'ko dito please!" nagsimula akong magmakaawa. Kailangan kong gawin para sa anak ko. Kapag nagmatigas ako ay baka hindi ko na talaga masilayan ang anak kong si Danica. "Sinabi ko naman sa' yo, relax ka lang makakawala ka rin dito. Like I said, kanina... makakaalis ka rin dito —kung gagalingan mo at hindi nakakunot ang noo mo mamaya sa harapan ng mga customer. Kapag ginawa mo 'yon maraming bibili sa' yo at kapag nabili ka, doon ka lang makakaalis dito sa kinaroroonan mo." muling ngumisi ang babaeng naninigarilyo habang nag-eenjoy ito na ilabas ang usok sa kaniyang bibig at ilong. "Ano?" ngayon pa lang ay ang bilis na ng kalabog ng dibdib ko. Ano na lang mangyayari sa akin ngayon? "Let's go, boys! Hurry up!" muling utos ng babaeng ito sa dalawang lalaki. Nagsimulang hawakan ang aking mga braso ng mga ito. Naunang maglakad ang babae palabas ng pintuan. Napapitlag ako ng hilahin ako ng dalawang lalaki na ito palabas. "Saan niyo 'ko dadalhin? Ano ba? Huwag niyo' kong hawakan!" sigaw ko sa dalawang ito pero tila wala silang narinig. Dere-deretso lag ito na naglakad habang hila pa rin ako. Nang makalabas sa pintuan ay mas lalong naging maingay sa pandinig ko ang paligid. Ngayon ko nalaman at na-realize, nandito ako sa bahay aliwan. Mas lalo akong natakot at kinabahan sa mangyayari sa akin mamaya. Paano pa ako makakatakas? Dinala nila ako sa isang kwarto na puno ng mga malalaswang damit. Sa harapan ngalaking salamin doon nila ako pinaupo. "A-anong gagawin niyo sa 'kin?" Lumapit sa akin ang isang bakla na puno rin ng kolorete ang mukha. "Darlen, ayusan mo ang babaeng ito dahil mamaya ay ebebenta ko na ito sa mga mayayamang negosyante." utos ng babae tsaka lumabas. Kasama ko na lang ngayon ay ang bakla na nasa likuran ko. Baka naman ngayon, makakahanap ako ng paraan para makatakas. Ang malas ko na sobra. Na-scam na ako ng kaibigan ko, maebebenta pa yata ako sa mga matatandang mayaman. Hindi pwede! Hindi ako papayag. "Aayusan kita kaya huwga kang malikot. Masama akong magalit." paalala ng baklang ito. Humarap kaagad ako sa kaniya para magmakaawnag tulungan ako. Ngunit umiling-iling lang ito at muli akong pinatalikod para ayusin ang buhok ko. Maging ang mukha ko ay nilagyan ng kolorete. Pulang lipstick at naging katulad na rin ako sa babae kanina. Nang matapos akong ayusan nito. Napangiwi akong nakatingin sa salamin. "Please, maawa ka tulungan mo naman akong makaalis dito." "Sinabi na ngang hindi pwede eh! Ang tigas pala ng ulo mo." nakita kong nag-iba ang awra ng kaniyang mukha. Akala ko matutulungan ako ng baklang 'to pero hindi rin pala. Iniwan niya ako at lumapit sa mga malalaswang damit at kumuha siya doon ng pula at tila swimsuit na yata iyon. Inihagis niya iyon sa akin. Habang ako takang-taka na tiningnan ang attire na nasa aking harapan. "Isuot mo." utos nito. "Ano?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Isuot mo, huwag kang mag-inarte. Hondi oobra ang arte mo dito. Ngayon, isuot mo na 'yan dahil mamaya magsisimula na ang performance mo." "Ayoko! Ayaw kong isuot' yan." pagmamatigas ko. "Maghintay kang ako ang maghuhubad sa 'yo kung ayaw mo pa isuot yan!" "Ano?" wala akong nagawa kun' di sundin na lang ang sinabi nito. Nagkunwari akong isusuot iyon pero humanap lang talaga ako ng tiyempo. Nang hindi ito nakatingin sa akin ay tumakbo ako patungo sa pinto. Ganun na lang ang tuwa ko nang mabuksna ko ito pero nawala rin kaagad iyon nang makasalubong ko ang isang lalaking mas malaki pa ang katawan sa dalawang lalaking nagdala sa akin kanina. "Ipasol mo nga ang babaeng 'yan! Ginagalit ako ng bruha na' yan." utos ng bakla tsaka ko namalayang hinawakan na ako ng lalaki at umangat ang paa ko sa sahig. Binuhat na pala ako nito tsaka pinasok muli sa loob. Nang ibaba ako ay kaagad akong sinikmuraan ng bakla. "Aw!" halos mangiyak-ngiyak ako sa sakit dahil sa ginawa nito. "Ngayon, magmamatigas ka pa rin ba?" ang tulis ng tingin nito sa akin. Hawak ko ang sikmura ko dahil sa sakit. "Ngayon, isuot mo na ang damit na 'yan! Huwag mo sayangin ang oras ko dahil marami pa akong gagawin. Marami pang susunod sa' yo. Hindi ka VIP para bigyan ng special treatment dito." muli ay sabi nito. Tumulo ang luha ko. Nanginginig na hinawakan ang sexy nighties. " Doon ka magbihis. " turo nito sa isang maliit na pintuan. Wala akong ibang choice kun 'di sundin na lang ang utos nito. Napuno ng luha ang aking mga mata at pisngi. Habang sinusuot ko ang nighties na red ay wala rin naman paghinto ang pagsinghot ko at pagtulo ng luha ko. Hindi ko akalaing mapupunta ako sa ganito. Kuya, nasaan ka na ba? Mommy, daddy Nasambit ko na lang ito sa kawalan. "Ano? Hindi ka na ba lalabas diyan?" sigaw ng bakla. Kaagad kong pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim bago tuluyan na lumabas. Kapag nagmatigas pa ako ay baka hindi na lang suntok sa sikmura ang aabutin ko. "Prepare yourself isasalang ka na." bilin nito sa akin. "A-anong isasalang? Saan?" "Sa mga customer. Maghintay ka kung may magkaka-interesado sa 'yo kapag may nagkainteresado sa' yo at willing na bilhin ka makakaalis ka dito kaya galingan mo ang performance mo. Gumiling ka." Tiningnan niya ako at sa aking paa. "Sa tingin ko naman pagkakaguluhan ka sa stage dahil maganda at sexy ka. Ibang-iba sa ibang mga babae dito. Kaya lumabas ka na." muli au utos nito sa akin. Sanay akong magsuot ng swimsuit, two piece or one piece pero itong suot ko, mas malaswa pa sa suot ng mga babae sa beach. Halos ayaw kong gumalaw. Tinatakpan ko ng aking mga palad ang aking katawan. Nag-umpisa na naman tumulo ang luha ko. Nasa stage na ako ngayon at nasa akin naka-focus ang ilaw. Hiyang-hiya ako dahil sa aking harapan ay mga lalaking kakaiba ang mga tingin. Matatanda at meron ding kasing edad ko lang pero mga mukha namang hayok sa laman. "Sayaw!" utos ng mga lalaki sa ibaba ng stage. Tinakpan ko ang aking dibdib at ang aking pagitan ng mga hita. Ayaw kong kumilos. Ayaw kong sumayaw. "Ano ba? Hindi ka ba sasayaw? Sumayaw ka muna bago ka namin ikakama!" nagpanting ang aking mga tenga sa narinig. Mas lalo akong napaiyak. "Ano ba? Sumayaw ka na!" lumapit sa akin ang isang babae at ibinulong iyon sa akin. Hindi pa rin ako gumalaw. Ayaw kong sumayaw. Parang gusto kong tumakbo at tumakas. Nanginginig ang mga paa ko. "Sayaw! Sumayaw ka!" sigaw ng mga lalaki. Muli ay may lumapit sa aking babae at bumulong. "Bumaba ka na dahil may customer ka. May bumili na sa 'yo." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hinila niya ako paalis sa stage. Isinuot sa akin ang itim na jacket. May lumapit sa aking dalawnag lalaki. Sa ngayon, maliliit na ang kanilang katawan. "T-teka, saan niyo' ko dadalhin?" nagpupumiglas ako habang hawak nila ang braso ko at palabas na rin kami. Dapat ba 'kong matuwa dahil makakaalis na ako dito o dapat akong matakot dahil baka kung sino ang bumili sa akin? Habang tinatahak namin ang itim na sasakyan ay mas lalo akong kinabahan. Hindi nakakatuwa. Nakaalis nga ako sa impyernong lugar na iyon pero hindi ko alam kung anong klaseng impyerno pa ang naghihintay sa akin sa paglabas kong ito. Binuksan ng mga ito ang magarang kotse at itinulak ako papasok sa loob. Nang makapasok ay kaagad na dumapo ang aking paningin sa lalaking nasa driver seat. Ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita at makilala ang lalaking nasa harapan ko. Walang iba kun 'di si Dustin. Pinaalis niya ang dalawang lalaki at kaming dalawa na lang. "Nagulat ka ba?" lumingon ito sa akin. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. "Ikaw?" "Yup, alam mo ba kung magkano ang bili ko sa' yo? Nagsayang lang ako ng pera sa isang katulad mo, wala namang kaganda - ganda ang katawan." pangmaliit nito sa akin. Sinuyod niya ang kabuuan ko. Tinakpan ko kaagad ang dibdib kong nakaluwa sa harapan niya. Hindi ko pala na-zipper ang itim na suot kong jacket. " Huwag mo ng takpan. Nakita ko na 'yan kanina." kaagad naman na sabi niya. Hiyang-hiya ako. Napalunok ako. "Anong ginagawa mo dito? Bumibili ka ng mga pokpok?" tanong ko sa kaniya. "So, do you consider yourself a hostess?" Natigilan ako sa sinabi niya. "H-hindi ako pumasok dito ng kusa. Kinidnap nila ako kaya ako napunta sa lugar na ito." "I don't want to hear your explanation. Gusto kong bawiin mo sa performance mo ang pera na sinayang ko sa 'yo." blanko nitong sabi sa akin. Napaawang ang labi ko. Anong gusto niyang gawin ko? Paliligayahin ko siya? "Do you know how to dance? Start now!" utos niya habang hindi nakatingin sa akin. "Why would I do that?" "Because you're paid! I bought you, Iris. So now, all you have to do is pleasure me!" hindi pa rin ito nakatingin sa akin. Seryoso ang kaniyang paningin sa harapan. "Hindi ako sasayaw at hindi kita paliligayahin. Anong akala mo sa 'kin pokpok?" "Hindi ka pa ba pokpok sa lagay na 'yan?" sa pagkakataong ito ay muli niya akong tiningnan. Nanliliit ako sa aking sarili. "Uulitin ko sa 'yo hindi ako pokpok!" mariin na sabi ko sa kaniyang pagmumukha. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kaniyang kotse ngunit kaagad niyang nahawakan ang kamay ko at kaagad nakalapit sa leeg ko ang kaniyang mukha. Kinilabutan ako ng maramdaman ang hininga niya. Tila napako ako sa kinaroroonan ko. Pinakiramdaman ang hininga niya na nasa leeg ko. "There is nothing you can do 'cause you're already paid, Iris." bulong nito sa akin tsaka dinampian ng halik ang leeg ko at gumapang pa sa aking tenga. Kaagad ko siyang itinulak. Kaagad na sumama ang tingin niya sa akin. Kinabahan ako bigla. Napatili na lamang ako ng kabigin niya ang bewang ko at kaagad na kinuyumos ng halik ang labi ko. Pinisil niya ang bewang ko kaya umawang ang labi ko dahilan para makapasok sa loob ang kaniyang dila. Pilit ko siyang itinutulak pero hindi ko magawang makawala sa kaniya. Narinig kong binuksan nito ang zipper ng jacket na suot ko at hindi ito nabigo dahil nagtagumpay siyang nahubad 'yon sa' kin. "Dustin! A-ano ba?" sa gitna ng mga halik niya nagpumiglas ako pero wala pa rin akong kalaban-laban dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin ngayon. Namalayan ko na lang na ang suot kong nighties na ngayon ang pinupuntirya niya. Pinunit niya ang suot kong tila bra at itinapon kung saan. Doon ako naalarma ng umabot na sa dibdib ko ang kaniyang mga palad at pinisil ng sobra ang aking kabilang boob. Napalakas ang pagtulak ko sa kaniya. Nakawala ako sa mga marahas na haplos niya. "Hindi mo na 'ko ulit makukuha, Dustin. Hindi ako papayag!" sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. Kumunot ang kaniyang noo. "Gusto mong bumalik sa Casa na' yon?" turo niya sa pinanggalingan ko. Hindi ako nakasagot. Dumukot ito sa kaniyang bulsa at inilabas ang wallet. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang dumukot ito ng five hundred pesos at itinapon sa harapan ko. "Five hundred pesos for your boring performance." nalaglag ang balikat ko at napaawang ang labi ko. Hindi ko akalaing tutulo na lang bigla ang luha ko. Ganito na ba kababa ang tingin niya sa akin? Babayaran niya ako ng five hundred pesos dahil sa performance. Hindi pa nga ako nag-perform. Baliw ba ang lalaking 'to? Kinuha ko ang jacket sa sahig at isinuot iyon. Hindi ko na makita ang bra ko na itinapon niya kung saang sulok ng kaniyang kotse kaya wala akong suot na kahit na ano sa loob ng jacket. Binuksan niya ang kotse at kaagad na may tinawagan. Maya maya lang ay dumating ang dalawang lalaki. "Ibalik niyo na siya sa loob." utos ni Dustin sa mga ito. Ano? Ibalik sa loob? "You'd rather go back inside than perform in front of me, wouldn't you? Now get out!" he pointed outside Kinabahan ako. Babalik ako sa loob? Hindi ko alam kung anong naghihintay pa sa akin sa loob. "D-Dustin..." sambit ko. "Higitin niyo na siya palabas at ibalik niyo sa loob!" utos ni Dustin sa mga ito kaya napatingin ako sa kaniya na tila nagmamakaawa ang mga mata kong huwag niya na akong ibalik pa roon. "D-Dustin..." muli ay sambit ko ng simulang hawakan ng dalawang lalaki ang braso ko. Tuluyan akong nalabas ng dalawang lalaki at hinihigit na nila ako papasok sa loob. Kaya wala akong choice kun 'di tawagin muli ang pangalan ni Dustin. Titiisin ko na lang ang panlalait at pambabastos niya sa akin kaysa bumalik sa loob at pagkaguluhan ang katawan ko ng mga matatandang manyakis. "Dustin!" sigaw ko. "What?" "G-gagawin ko na ang gusto mo. H-huwag mo lang ako ibalik sa loob. P-please!" kumawala ako sa dalawang lalaki at kumaripas pabalik sa kinaroroonan niya Ngumisi ito. "Bibigay ka rin naman pala paayaw-ayaw ka pa. Hindi ka naman virgin para mag-inarte pa." pahabol na sabi niya. Doon sumama ang loob ko at palihim na tumulo ang luha ko. Hindi na ako virgin dahil siya ang nakakuha no'n. Tapos ganito sasabihin niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD