MR. GREYSON 7 WAYS

1968 Words
THIRD PERSON'S POV "Sundan mo ang babaeng kausap ko kanina." utos ni Dustin nang makalabas ng elevator. Nakasalubong lang naman niya ang babaeng nagpabago sa kaniya. From being kind to being ruthless. Naisip niyang kaya siya pinagkaisahan ng babaeng mahal niya noon dahil sa pagmamahal niya dito ng sobra-sobra. Halos wala na siyang itinira. Ibinigay niya ang lahat ng effort para lang panagutan ang gabing may nangyari sa kanila ni Iris. Ngunit pinaasa lang siya nito. Sa araw ng kanilang kasal ay hindi siya nito sinipot. Palabas na siya ng building habang ang lalaking inuutusan niyang sundan si Iris ay nakasunod na rito. Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng kaniyang kotse ay kaagad na pinaharurot ito. "Mr. Greyson..." muling tumawag sa kaniya ang lalaking inutusan niyang sundan si Iris. Nasa kabilang linya ito at tila hinihingal pa. "What happened? Parang hingal na hingal ka?" "Sinundan ko kasi yung babaeng pinapasundan niyo sa akin. Hindi ko inaasahang dudukutin siya ng mga nakasakay sa isang itim na van." "What? Nasaan na siya? The fvck! Kaya ko nga pinapasundan sa 'yo para-" "Nasundan ko po siya boss. Nandito siya dinala sa isang casa." "Damn! Huwag kang aalis diyan." kaagad niyang pinaliko ang kaniyang kotse pagkatapos tanungin kung anong address at kung saan banda ang casa club na iyon. - Iris POV PUMASOK kami sa isang silid. Nang makapasok ay kaagad na binitawan ako ng dalawang lalaki. Sinuyod ko ang kabuuan ng kwarto. Huli na para habulin ko pa ang dalawang lalaki ng lumabas na ito at sinaraduhan ako. Ni-lock ang pinto at kahit na anong kalampag ko ay hindi ko mabuksan. "Dustin!" pagsisigaw ko sabay sa pagkalampag ng pintuan. Tama bang ikulong ako dito? "Dustin, ano ba! Pakawalan mo 'ko dito!" patuloy na pagsisigaw ko. Kung may kapitbahay sila sana marinig ako. Pero imposible yata na maririnig ako. Naloloka ka na, Iris. Hindi ka maririnig ng mga kapitbahay kaya manahimik ka na lang. Kausap ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng manahimik na lang dito at maghihintay kung kailan masapian ng kabaitan si Dustin para pakawalan ako. May anak ako na umaasa sa 'kin. Paano kung sasabihin ko na kay Dustin na may anak kami? Pero paano naman kung kukunin niya sa akin si Danica? No! Hindi pwede! Hindi ko sasabihin sa kaniya. Mananatiling sekreto' yon. Hindi pwedeng malaman ni Dustin. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Baka kapag nag-ingay pa ako ay pakawalan niya na ako ng tuluyan. Hindi ko tinigilan ang pagkalampag sa pintuan. "Dustin! Ano ba! Pakawalan mo nga ako dito! Wala kang karapatan na ikulong ako!" " If I were you, just shut up and relax, Iris. Kahit anong gawin mong pag-iingay diyan sa loob ay hindi kita palalabasin. Do you think I'm still the same as before? I've changed, Iris. You can't fool me anymore. If I were you, condition your body 'cause I know you will be tired and you might not be able to walk with what I will do to you." sagot ni Dustin sa labas ng pintuan. Natigilan ako sa sinabi niya. "Pakawalan mo' ko dito! May naghihintay sa akin sa— " muli ay sigaw ko. Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin nang ma-realize kong hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya about kay Danica. "Who is waiting for you?" ang seryoso ng boses niya. Naghanap ako ng ibang dahilan. Sino nga ba ang naghihintay sa' kin? Nakagat ko ang aking kuko sa kaiisip kung ano ang isasagot ko? "A-ano... ah... a-asawa ko." nakagat ko ang aking labi. Nagsinungaling ako para pakawalan niya ako. Siguro naman pakakawalan niya ako ngayong alam niyang may asawa na ako. Wala akong narinig na salita mula sa labas. Ilang segundo itong nanahimik. "Dustin!" tawag ko. "Mas lalong hindi kita palalabasin, Iris. Magdusa ka sa loob ng kwarto na 'yan. Pagsisisihan ng asawa mong naging asawa ka pa niya." Ano? Narinig ko ang mga yapak niya papalayo sa kwarto na kinaroroonan ko. Muli kong kinalampag ang pinto ngunit wala na ito sa labas. Mas pinalala ko pa yata ang sitwasyon. Bakit ko ba sinabing may asawa akong naghihintay sa bahay. Mukhang mas lalo pa yata siyang nagalit. Sumandal ako sa pader at padausdos na umupo sa sahig. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko para makausap man lang kahit sa phone si Danica. - Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng may kumakalabit sa tagiliran ko. Nasilayan ko ang isang babaeng may edad na. "Ma'am, kumain na po kayo." nginitian niya ako. "Ako nga pala si Izay, katiwala ni Sir Dustin dito." pakilala nito. Tiningnan ko kaagad ang pinto ngunit sarado iyon. "S-si Dustin, nandiyan ba siya?" "Umalis po. Hindi naman po yun nagtatagal dito. Minsan lang po iyon pumupunta dito kasi may bahay po iyon na inuuwian." "Inuuwian? Hindi ba't bahay niya 'to?" Umiling-iling ang may edad na babae. "Pumupunta lang po si Sir Dustin dito minsan. Pero ang bahay niya talaga na inuuwian ay ang bahay ng lolo niya. Si Don. Greyson. Oo, kilala ko' yon. Bakit niya ako dinala dito kung hindi naman pala siya dito umuuwi? Naisipan kong magtanong pa sa babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit naging interesado ako sa buhay ni Dustin. Pero kailangan kong malaman. "Ahm! Manang Izay..." "Bakit po, Ma'am?" "S-si Dustin ba walang asawa? I-I mean-" "Naku, Ma'am... ang ganda ng girlfriend ni Sir Dustin. Nasa ibang bansa nga lang. Girlfriend niya pa lang kasi nagpa-plano pa lang kasi silang magpakasal." Napaawang ang labi ko. Tila may kung anong tumusok sa bahagi ng dibdib ko nang marinig iyon. M-magpakasal? Bakit niya pa ako dinala dito kung may girlfriend na siya at plano na nilang magpakasal. Para ano? Para parausan niya? Naalala kong binili niya nga pala ako kaya niya ako dinala dito. "Sige, Ma'am, maiwan na muna kita. Nasa table na ang hapunan niyo at may damit kana rin po na pamalit nasa kama mo." paalam nito. Nilingon ko ang kama at may iilang damit na nakalagay doon. Habang sa mesa naman ay ang pagkain. Palabas na si Manang Izay nang maalala kong kailangan kong makahiram ng cellphone. Kailangan kong makausap si Danica. Kaagad akong tumayo para habulin ito sa pinto. "Manang Izay, teka lang po..." Nilingon niya ako at natigilan sa paglalakad. "Bakit?" "M-may cellphone po ba kayo? May kailangan lang akong tawagan." Dumukot ito sa kaniyang bulsa. "Heto oh, buti dala ko." Kaagad kong kinuha iyon mula sa kaniya. "S-salamat, Manang... sandali lang po ako. May kakausapin lang ako. Pwede ko bang dalhin sa banyo?" paalam ko dito. Tumango - tango ito. Halos takbuhin ko ang banyo sa kwartong ito at kaagad na sinarado ang pinto. Kaagad kong tinawagan si yaya Rosa. Buti na lang kabisado ko ang number nito. Nag-ring ngunit walang sumasagot. "Yaya, please pick up!" naglalaro na ang mga daliri ko at kinakabahan na rin dahil walang sumasagot. Ilang ulit kong tinawagan si yaya Rosa kaya kinakabahan na ako ng sobra. Nang muli kong tawagan ito ay nakahinga ako ng maluwag dahil may sumagot. "Hello!" sagot mula sa kabilang linya. Ang kaba ko ay unti-unting napalitan ng saya. "Yaya Rosa..." sambit ko. "Ma'am Iris?" "Opo, yaya ako nga po ito. Si Danica, nasaan siya?" "Nasa kwarto na po, Ma'am. Buti na lang po at napatawag kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin? Iyak ng iyak po siya buong maghapon at kahit ngayong gabi ayaw niyang kumain." Ang lalim ng paghinga ko ng marinig iyon mula kay yaya Rosa. Kawawa naman ang anak ko. "Yaya, pakibigay kay Danica. Gusto ko siyang makausap." naiiyak ako sa tuwa dahil kahit papaano ay makakausap ko na si Danica ngayon. "Sige po, Ma'am." narinig ko ang maingay na yapak nito. "Yaya Rosa, huwag niyo po pabayaan si Danica. Promise, magpapadala ako diyan bukas kapag naka-advance ako ng pera." "Advance? Nagtatrabaho na ho ba kayo, Ma'am?" "O-oo," pagsisinungaling ko kahit wala naman akong trabaho. Bahala na basta gagawa ako ng paraan para magkaroon ng pera. Kung kinakailangang gumiling ako sa harapan ni Dustin, gagawin ko na dahil wala na akong choice. Para sa anak ko, gagawin ko. Narinig kong binuksan ni yaya Rosa ang pintuan. "Nandito na po ako, Ma'am. Mukhang hindi pa tulog si Danica." "Please yaya Rosa pakibigay po kaagad sa kaniya." excited na akong marinig ang boses ng anak ko. "Danny, si Mommy mo." narinig kong sabi ni yaya. "Si mommy?" sa wakas narinig ko rin ang boses ni Danica. Sobrang miss na miss ko na siya. Napapikit ako. "Mommy?" ramdam ko ang saya sa boses ng anak ko ng tawagin niya ako sa kabilang linya. "Baby..." sagot ko. Kung nandito lang siya sa tabi ko niyakap ko na sana siya ng mahigpit. "Mommy, akala ko hindi na po kayo tatawag. Akala ko-" "Sssshhh... baby... nandito lang si Mommy. Hindi ako mawawala. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano okay?" pinutol ko na ang gusto niyang sabihin sa akin. "Hindi po kasi kayo tumawag kagabi. Miss na miss ko na po kayo kaagad. Mommy, umuwi na po kayo dito. Gusto ko po kayong yakapin. Gusto ko kayong makatabi sa pagtulog ko." ramdam kong umiiyak ito sa kabilang linya. Mariin akong napapikit at tumulo ang butil ng luha ko sa aking mga pisngi. "Malapit na umuwi si Mommy. Kaunting tiis na lang. Uuwi na rin ako. Sa ngayon, kailangan muna maghanap ng pera ni mommy. Huwag kang mag-alala pag uwi ko, mamamasyal tayo." "Talaga po?" "Oo, naman." Naramdaman kong napangiti ito. "Basta palagi kayong tatawag dito, Mommy. Hindi ako magpapasaway kay yaya Rosa at hindi rin ako magpapasaway sa inyo. Iintindihin ko po palagi ang sinasabi niyo. Alam ko po na ginagawa niyo po ito para sa akin kaya hindi ko po kayo pipilitin na uuwi mommy. Basta makausap lang kita sa phone ayos na po ako." Kinagat ko ang labi ko. Ang bait ng anak ko. Ang swerte ko sa kaniya. Naiintindihan niya palagi ang sitwasyon at bawat mga sinasabi ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung talagang four years old pa ba talaga ang batang ito sa galing niyang sumagot at umintindi. "Mommy, pwede niyo po ba akong kantahan? Hindi po kasi ako makatulog." "Okay sige." nagsimula akong kumanta ng paborito niyang kanta kapag gusto niya ng matulog. Ilang minuto ay hindi ko ma narinig ang boses niya. "Ma'am, nakatulog na po si Danica." boses ni yaya Rosa. Tulog na nga si Danica. "Mabuti naman at nakatulog siya." nakahinga na ako ng maluwag. Nakausap ko rin ang anak ko at nalaman kong ayos lang din sila. "Ma'am, kailangan ko po kasi ng pera para panggastos dito sa bahay. Wala na po tayong bigas tsaka po ang araw-araw na kailangan ni Danica sa school." Natigilan ako sa sinabi ni Yaya. Kailangan kong kapalan ang mukha ko para makakuha ng pera kay Dustin. "Bukas po magpapadala ako yaya. Huwag po kayong mag-alala gagawa po ako ng paraan. Makakahanap rin ako ng pera para maipadala diyan bukas. Basta huwag niyo po pabayaan si Danica. Kayo na po muna ang bahala sa kaniya." "Oo naman po, Ma'am. Parang apo ko na ang batang ito. Dito na ako tumanda sa inyo kaya kahit hindi niyo po ipaalala sa akin iyan Ma'am ay gagawin ko pa rin po iyang ibinibilin niyo. Napamahal na po ako sa inyo at lalong lalo na kay Danica." "Salamat po yaya." naging kampante ako sa sinabi ni yaya. Atleast alam kong nasa maayos na kalagayan ang anak ko. Alam ko naman na hindi niya pababayaan ang anak ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Ibinalik ko na rin ang cellphone ni Manang Izay. KINAUMAGAHAN... PINAGPLANUHAN KONG akitin si Dustin. Hindi ko alam kung nandito na ba siya or wala pa. Kailangan ko ng pera kaya kailangan ko gumawa ng paraan. Pero mukhang hindi ko kayang gawin ang plano ko. Susubukan ko na lang siyang kausapin at manghihiram ako ng pera sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD