MR. GREYSON 6 RETURNED

1897 Words
Iris POV "Dustin..." nagmakaawa ako sa kaniya at ang boses ko ay nanghihina. Ibinalik niya ako sa loob ng casa. Ang buong akala ko kasi hindi niya na gagawin pa na ibalik ako dahil pumayag na ako sa gusto niya, pero hindi pala. Ibabalik niya pa rin pala ako. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya ng simulang lapitan ako ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan. "Sasama ako sa 'yo, please, wag mo' ko ibalik dito." pagmamakaawa ko. Bakit nga ba ako nagmamakaawa? Illegal itong ginagawa nila. Kasama si Dustin at alam niyang illegal ito pero hinahayaan niya ako at ibinalik pa niya ako dito. "I've changed my mind. I realized you're not good in bed. Mag-aaksaya lang ako ng oras at pera sa 'yo." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Pakiramdam ko, hindi niya na nirerespeto ang kanilang pagiging magkaibigan ni Kuya Hermes dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon. "Paano mo nasabi 'yan? Hahayaan mo lang ba ako dito na ibenta sa kahit na sinong lalaki? Illegal itong ginagawa nila sa' kin, Dustin. Huwag mo sabihing—alam mo 'to? Ikaw ba ang may pakana nito?" nagsimulang magduda ang isip ko. "Isipin mo na ang gusto mong isipin, Iris. Hindi kita isasama palabas sa lugar na ito. Magdusa ka." Nawalan ako ng pag-asa ng talikuran niya na ako. Hinawakan na rin ng dalawang lalaki ang mga kamay ko. Hinatak nila ako palayo sa kinaroroonan ni Dustin. Nakita ko rin ang paghakbang nito palabas. Tinawag ko pa ito at muling nagmakaawang isama niya ako palabas ngunit hindi niya man lang ako nilingon. Sunod-sunod na lang na tumulo ang aking mga luha. Paano na si Danica? Ang buong akala ko makakaalis ako dito dahil nandito si Dustin, pero hindi pala. Mali pala ang pagkakakilala ko kay Dustin. Binago nga ba siya ng ginawa ko sa kaniya noon? Nagpatangay ako sa dalawang lalaki at nawalan na ng pag-asa. Pero kailangan may pag-asa dahil kailangan pa ako ni Danica, ang anak ko. "Isalang niyo na ulit 'yan." utos ng babae. Natigilan ito nang matitigan niya ang aking mukha. "Ano bang iniiyak-iyak mo diyan? Bakit kasi hindi mo ginalingan? Gwapo na pinakawalan ka pa. Anong gusto mo? Sa matanda ka mapupunta? First time ng lalaking' yon dito at ikaw kaagad nagustuhan niya. Kita mo binili ka kaagad sa amin pero hindi ko akalaing ibabalik ka pa pala niya dito ah, sa ganda mong 'yan." Napaatras kaagad ako ng sunod-sunod nitong ibinuga ang usok ng sigarilyo. "Galingan mo kasi." pabalang na sabi nito. "Bakit hindi kayo ang sumayaw? Magaling naman kayo kaya bakit sa halip na sumalang pa kayo ng iba, kayo na lang ang sumayaw." sarkastika na sabi ko sa kaniya. Kaagad na tumaas at nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Aba! Sumasagot ka? Gusto mong bigyan ulit kita ng leksyon? Gusto mong ipagalaw muna kita sa mga bouncer ko bago kita isalang sa stage, huh?" Tumayo ito at tsaka lumapit sa akin. Kinabahan ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga lalaking nasa paligid namin nakabantay. Malalaki ang mga katawan. Paano nga kung totohanin ng babaeng 'to ang sinabi niya? Napaatras na naman ako hanggang sa makasandal ako sa matigas na bagay sa likuran ko. Nang lingunin ko ito, ang buong akala kong pader ang nasandalan ko ay ang isang lalaki pala na sobrang laki ng katawan. Hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Madam, kami na muna ang mauuna sa babaeng 'to bago mo isalang sa kanila." ngumisi ito. Kaagad umakyat ang kaba ko sa sinabi nito. Kaninang nagtapang-tapangan ako, ngayon, biglang umatras ang dila ko. "Kayo na muna bahala sa kaniya. Pagsawaan niyo muna bago niyo isalang sa matatandang customer." kaagad akong naalarma sa sinabi ng babae. Nanlaki ang mga mata ko ng simulang hawakan ng lalaki ang isa ko pa na kamay. "Ako lang ang pwedeng magsawa sa kaniya." Napalingon kaagad ako sa familiar na boses na nagsalita sa aming likuran. Nabuhayan ako at kaagad nakahinga ng maluwag nang makitang si Dustin iyon kasama ang dalawang lalaki na kasa-kasama niya kanina. Pakiramdam ko, safe na ako sa mga lalaking ito. "Mr. Greyson?" hindi makapaniwala na sambit ng babae. "Dustin?" kaagad na sambit ko rin. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan ko. Mula sa lalaking humahawak sa akin. Hinablot niya ang kamay ko mula dito. "How dare you touch my woman!" umigting ang panga niya. Sinamaan niya ng tingin ang lalaking may hawak sa akin kanina. Palihim akong napangiti dahil hindi ko inaasahang babalik pa siya. "Akala ko ba ayaw mo sa babaeng 'yan?" lumapit muli ang babae at nakapameywang pa. "Nagbago na ulit ang isip ko. Naisip kong pwede ko naman siyang pagtiyagaan." mapangmaliit na tingin ang iginawad ni Dustin sa akin. Ayos na yung sinabi niya kanina pero binawi niya rin. "Paano ba' 'yan? Doble na ang babayaran mo. Ibinalik mo siya kanina kaya siyempre may dagdag ka pa sa amin bago mo siya makukuha ng tuluyan dito." Walang pag-aalinlangan na dumukot ng wallet si Dustin tsaka kinuha nito ang isang card. "The money inside that card is worth five million. Are you happy now? Can I take this woman right now?" Nanlaki ang mga mata ko. Ganun din ang babae. "Wow! Five million plus another five million!" napasigaw sa tuwa ang babae. Hindi ako makapaniwala sa isinigaw ng babae. Talaga bang nagbayad si Dustin ng ganun kalaki para lang sa akin? Bakit ibang tao ang nakikinabang sa akin? "Pwede mo ng dalhin ang babaeng 'yan, Mr. Greyson. Wala na akong pakialam diyan. Bahala ka na sa babaeng' yan." ibinaling ng babae ang tingin niya sa akin tsaka mas lamapit pa. Tinapik niya ang balikat ko tsaka ito nagsalita. "Ginto ka pala. Sabi ko na nga ba, ikaw ang pinakamahal sa lahat ng mga babae dito. Akalain mong na-break mo ang record ng pinaka-best seller namin dito. Iba ka pala." mangha na magha na sabi nito habang tinatapik ang mga balikat ko. Anong akala mo sa 'kin? Tinda sa palengke. Best seller pang nalalaman ang bruhang' to. Sa loob - loob ko lang iyon. "Take this woman outside!" utos ni Dustin sa dalawang lalaki na kasama niya. Nagpatangay na lang ako kaysa sa dalawang bouncer ako mapupunta. Hinila nila ako palabas habang nagpaiwan pa sa loob si Dustin. Ilang minuto akong naghintay sa loob ng kaniyang kotse. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bra ko nakasabit sa back seat. Naiwan ko pala iyon kanina hindi ko naisuot pabalik ng hilahin ako ni Dustin palabas ng kaniyang sasakyan. Nakita niya kaya iyon? Napangiwi na lamang ako. Nakakahiya naman. Medyo umalis ako sa kinauupuan ko at yumuko para abutin ang bra ko sa backseat. Ngunit hindi ko naman maabot. Kaunting-kaunti na lang sana maaabot ko na. "Anong ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Dustin at ang ikinagulat ko ng paluin niya ang aking pang -upo. Nakatuwad kasi ako. An*mal na Dustin 'to! Kaagad akong bumalik sa pwesto ko sinamaan ko siya ng tingin ngunit ganun din siya sa akin. Masungit na mukha ang nasilayan ko. Inayos ko ang aking buhok. Inipit ko sa tenga ko. "Anong ginagawa mo?" muli ay tanong niya sa akin. Tumikhim naman kaagad ako. "A-ano kasi... ah... k-kukunin ko sana yung b-bra ko." nakangiwi na turo ko sa likuran kung nasaan ang bra ko. Parang paniki nakasabit. Awkward! Walang ibang binitawang salita na inabot niya iyon sa likuran. Tinitigan niya muna iyon bago ibinigay sa akin. "Isuot mo." utos nito pagkatapos isarado ang kaniyang kotse. "Huh? Isuot ko? Dito mismo sa harapan mo?" "Hindi mo ba narinig? Gusto mong ak—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa gusto niyang sabihin. "O-oo, i-ito na nga isusuot na." gumalaw ako ngunit nang ma-realize kong nakatingin siya sa 'kin. Natigilan ako. "Magbibihis ba talaga ako sa harapan mo?" tanong kong muli sa kaniya. "Why not?" tila wala lang sa kaniya. "T-tumalikod ka muna." Naningkit ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. "Ang dami mong arte. Magbibihis ka o huhubaran kita?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "O-oo, ito na nga magbibihis na." ayaw niyang tumalikod kaya ako na lang ang tumalikod sa kaniya para isuot ang aking bra. Pakiramdam ko pinapanuod niya ang pagbibihis ko. Likod ko ang nakikita niya kaya napapalunok ako. Pagkatapos ay pinaharurot nito ang kaniyang kotse. Ilang minuto ang byahe. Naimulat ko na lang ang aking mga mata ng may tumapik sa balikat ko. Nakatulog pala ako. Nasilayan ko kaagad ang mukha ni Dustin. Napabalikwas ako ng upo. "N-nasaan na tayo?" tanong ko. Namangha ako ng makitang may malaking bahay sa harapan ko. "B-bakit dito mo 'ko dinala?" kaagad na tanong ko sa kaniya. Kailangan ko ng umuwi, hinahanap na ako ni Danica. "Have you forgotten that I own you? You are mine, Iris. Every part of your body belongs to me." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nang dahil lang binili niya ako sa ibang tao ay pagmamay-ari niya na ako? Wala na ba akong karapatan sa sarili ko? Ano bang akala niya sa akin? Isda sa palengke na binibili? "Aalis na ako." kaagad akong gumalaw para lumabas sa kaniyang kotse. Kailangan ko ng umuwi. Nang makalabas ay kaagad niyang hinawakan ang braso ko. "Sino nagsabing uuwi ka! Sinabi ko na sa 'yong hindi ka aalis, mas lalong hindi ako papayag na uuwi ka. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Pagmamay-ari na kita, Iris. Kailangan ko pa bang ulitin sa 'yo? Lahat ng gusto ko, gagawin at susundin mo. Aalis ka lang dito kapag nagsawa na ako—" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Diyan sa katawan mo." mariin na sabi nito "Ito ang kapalit ng pagpapaasa mo sa' kin noon, Iris." dagdag pa niya. Bagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya. Pagsasawaan niya muna ako bago niya ako paalisin? "Ipasok niyo na ito sa loob!" utos niya sa dalawang lalaki na kalalabas lang sa sinasakyang van ng mga ito. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa hanggang sa mahawakan nila ang braso ko. "Ipasok niyo na sa loob 'yan!" muli ay utos ni Dustin. Tuluyan akong hinila ng mga ito papasok sa loob. "No! Hindi! Kailangan ko ng umuwi!" pagsisigaw ko at pagpupumiglas ko. Winakli ko ang mga kamay nitong nakahawak sa' kin. Nakaalis ako sa kanilang pagkahawak sa ngunit nakalapit naman kaagad sa akin si Dustin. "Kapag nalaman ito ni Kuya tiyak malalagot ka!" sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. Mas lumapit pa siya sa akin tsaka hinaplos ang aking baba. Hindi lang haplos ang ginawa niya, pinisil pa niya ito at dumiin ang kaniyang kuko sa baba ko. "That is... if your Big Brother still recognizes you as his sister. After what you did? I'm sure your family has abandoned you." Muling bumagsak ang aking panga sa sinabi niya. Pumatak ang aking luha. Napapikit ako at hindi nakapagsalita. Nasaktan ako sa sinabi niya. Paano nga kung kinalimutan na nila ako? Paano kung nagalit sila sa akin ng sobra dahil sa ginawa ko? "Huwag mo 'kong idaan sa iyak mo, Iris. Ipasok niyo na ang babaeng 'to!" muli ay utos niya sa mga ito. Muling lumapit sa akin ang dalawang lalaki at mahigpit na hinawakan ang magkabilaang braso ko. Hinila na nila ako ng tuluyan papasok sa loob. "Dustin!" tsaka lang ako nakapagsalita at napasigaw. Nilingon niya ako ngunit ibinalik rin kaagad ang paningin nito sa ibang direksyon. Nakita ko pa ang pagbunot nito ng cellphone sa bulsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD