MR. GREYSON 8 SHAVE

2300 Words
Iris POV NANG pumasok sa kwarto na kinaroroonan ko si Dustin ay nagsimulang lumikot ang isipan ko. Gusto ko sana siyang diretsuhin na kailangan ko ng pera pero baka kapag sinabi ko 'yon magtataka at magtatanong siya kung para saan ang pera na hihiramin ko sa kaniya. Dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin nang tuluyang nasa harapan ko na siya. Amoy na amoy ko ang kaniyang matapang na pabango. Nanunuot iyon sa ilong ko. "Bumangon ka na diyan." walang emosyon na utos niya sa akin. Nakahiga pa kasi ako sa kama. Unti-unti kong iginalaw ang katawan ko at umupo sa kama. "Dustin..." panimula ko. Pakiramdam ko, hindi ako ito. Noon, kapag kinakausap ko siya halos pasigaw. Pero ngayon, tila naging maamo na ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko naman inaasahang sa lahat ng tao, kay Dustin pa pala ako hihingi ng tulong. Paano kaya kung kay Tinay ako hihingi ng tulong? Tinawagan ko siya at sinagot niya ang tawag ko, 'yon nga lang na-snatch ang phone ko. Ang malas ko ng gabing' yon. "What?" malamig na boses niyang tanong. "Gusto ko sanang humiram ng -" "Money?" he added. "If you're going to borrow money, I can't lend it to you unless you can dance and you can seduce me." Nalaglag ang tuka ko este ang panga. Sinasabi ko na nga ba. Hindi ito magbibigay na walang kapalit. Mas binigyan niya pa ng pera ang walang hiya na kumidnap sa akin kaysa sa isumbong ito sa mga pulis. "Mali ka. Ayaw ko ng pera mo. Gusto ko lang humiram ng phone mo, gusto ko lang tawagan si Tinay." sabi ko sa kaniya. Gumawa na lang ako ng ibang dahilan. Nagsinungaling na lamang ako. "Nasa ibang bansa sila Hades." sagot niya. "Ibang bansa?" mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Anong gagawin ko? It's time na ba para gawin ko ang sinasabi niya? Sasayaw ako sa harapan niya at aakitin siya? Paano naman kaya 'yon? T-tsaka hindi pwede ngayon, may dalaw ako. Napangiwi na lamang ako. Kailangan ko rin sabihin' yon sa kaniya. Wala akong kahit na anong gamit na dala. Kahit nga napkin wala ako dito. "D-Dustin..." nahihiya na tawag ko sa kaniya. "Hmmm...what is it again?" ang seryoso ng kaniyang mukha. "A-ano kasi, a-k-kailangan ko ng ano-ng-n-apkin..." napakamot ako ng wala sa oras sa aking batok. Kahit nakakahiya sa kaniya ay nasabi ko pa rin. Wala akong choice. Kapag hindi ko sinabi sa kaniya wala akong gagamitin. "Meron ka?" pagtataka niya. Tumango - tango ako habang kagat ang labi ko. Lumapit siya sa 'kin. Napaatras naman ako. As I backed away, he cornered me against the wall. I swallowed when he looked down at my chest. I just realized that I'm not wearing a bra. Kapag natutulog kasi ako nasasanay akong walang suot na bra. Kaagad kong tinakpan ng aking dalawang kamay ang dibdib ko. Lumipat ang tingin niya sa aking mukha. "Anong tinatakpan mo?" tanong pa niya. "Ano pa nga ba?" pagtataray ko. Tumaas at nagsalubong kaagad ang mga kilay ko. Maya maya lang ay may kumatok sa pintuan. Sabay kaming napatingin doon. "Come in!" sigaw ni Dustin. Pumasok ang dalawang babae may mga dalang paperbags. "Sir, nandito na po lahat ng gamit na pinabili niyo." sabi ng isang babae. "Ilagay niyo na lang diyan. Pwede na kayong lumabas." utos niya. Ano kaya ang mga laman ng paper bags? Nagpaalam na ang dalawang babae kaya kaming dalawa na lang sa loob ng kwarto. Sinarado rin ng mga ito ang pinto. "Be thankful for your period, it saved you. But after that. I will charge you for your debt." natulala ako sa sinabi niya. Debt? Kailan pa ako nagkaroon ng utang sa kaniya? Ano kayang gagawin niya sa' kin? Tinalikuran niya ako at naglakad palapit sa table na kinaroroonan ng mga paper bags. "Everything you need is here, including your napkin, bra, and panties, so get dressed, I'll wait for you outside. Kakain na, ayaw kong pinapahintay ako ng matagal, Iris." bilin niya tsaka naglakad palabas. Nawala rin ang kaba sa dibdib ko nang makalabas ito. Akala ko, may gagawin na siya sa 'kin. B-bakit ko ba iniisip yun? Burahin mo nga yang malaswa na nasa isip mo, Iris. Nang mabalik sa sarili ay kaagad kong tinungo ang table para tingnan ang mga laman ng paper bags. Una kong nabuksan ay mga underwear. Iba' t ibang klaseng underwear, mayroong t-bak at mayroon din normal lang. Sabagay mahilig talaga ako sa t-bak noon pa. Sunod na binuksan ko ay mga damit at pantalon. May shorts at meron din skirt. Ang hindi ko inaasahan ay ang makita ang iilang lingeries na kulay itim at pula. Namilog ang aking mga mata kasabay ng aking paglunok. Nagulat ako at nabitawan ang lingerie na hawak ko nang may biglang bumukas ng pinto. "Ma'am, sorry po hindi na ako kumatok. Pinatatawag na po kasi kayo ni Sir. Kakain na raw po." sabi nito. "Susunod na ako. Aayusin ko lang 'to." Binuksan ko pa ang isa pang paper bags at mga laman naman no' n ay mga pads. Panty liner at napkin, halos kompleto. May mga make up pa at lipstick. Sa wakas makakapagbihis na rin ako. Tinahak ko ang banyo at naligo. Mas pinili kong isuot ang shorts at kulay white na sando. Doon ako sanay kapag nasa bahay lang ako. Hindi ko nga pala bahay 'to. Nag-ayos ako ng buhok at slight make up ang nilagay ko sa aking mukha. Ilang beses na ba bumalik si Manang Izay dito? Dalawang beses na yata. Nang makababa kaagad kong hinanap ang kusina at dining area. Tumikhim ako ng makita kong nakaupo sa dining table si Dustin. Hindi na maipinta ang mukha nito nang makalapit ako. "Anong oras na?" panimulang tanong niya. "Alas otso na." sagot ko naman ng sulyapan ko ang wall clock. "Yes, I know. I waited here for a few hours. Ang tagal mo gumalaw. Magbibihis ka na lang aabutan ka pa ng isang oras." reklamo niya. "Naligo pa kasi ako at isa pa nag-shave pa ako." Kaagad kong tinakpan ang bibig ko nang ma-realize ang sinagot ko sa kaniya. Nasamid naman sa sariling laway si Dustin. "Nag-shave?" Napaubo ito hindi pa natuluyan. Kaagad naman na sinuyod ni Dustin ang kabuuan ko. Kung kanina ay hindi man lang niya ako tiningnan nang makalapit ako sa kaniya. Ngayon, nakatingin na siya sa 'kin. Hindi lang nakatingin, nakatitig pa. Bakit ba kasi ang ingay-ingay at hindi mapigilan ang bibig ko? Kahit ano na lang kasi ang lumalabas. Pahamak sa buhay ko. "I-I mean-nag-shave ako ng buhok sa legs ko. Ang kapal na kasi pangit tingnan." palusot ko. Tsaka niya tiningnan ang legs ko. "Kahit mag-shave ka pa ng buhok mo sa legs mo, pangit pa rin ang legs mo walang pinagbago." panlalait lang tuloy ang napala ko. "Sit down, don't pretend you're a princess here." utos niya. Hindi naman ako umaasta na princesa niya. "I forgot, Before you sit down, make me some coffee first." utos pa nito sa akin. Huminga akong malalim bago gumalaw at sinunod ang utos niya. Pagkatapos ko siyang ipagtimpla sa tulong ni Manang Rosa. Dumiretso na kaagad ako sa dining area at dinala sa kaniya. Ibinigay ko iyon sa kaniya. Inilapag ko sa harapan niya. Nang bawiin ko na ang kamay ko ay nabigla na lang ako ng maramdaman ang mainit na tumama sa aking balat. Hindi ko alam kung sinadya niyang tapunan ang kamay ko o nasagi niya lang iyon kaya natapon sa kamay ko. Napasigaw ako ng malakas sa hapdi ng balat na natapunan ng mainit na kape. "Damn! Hindi ka kasi nag-iingat. Tatanga-tanga ka!" sigaw niya sa pagmumukha ko. Hindi ko inaasahang sisigawan niya ako. Inihipan ko ang kamay ko pero wala man lang siyang pag-aalala sa akin. Wala man lang akong nakitang pag-aalala sa kaniyang mukha. Sabagay, alam kong sinadya niya 'yon. Napaupo ako at patuloy kong inihipan ang kamay ko. Kusang tumulo ang luha ko. "Ma' am, ayos na po ba kayo?" mabuti pa si Manang Isay nag-aalala sa 'kin pero si Dustin wala akong makitang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Let her Manang. Do your work in the kitchen. Don't help her. She can handle it on her own. She doesn't need our help." saway ni Dustin kay Manang Isay. Nang sabihin niya iyon ay sinamaan ko siya ng tingin. Umalis sa aking harapan si Manang tsaka bumalik sa gawain nito. " Huwag ka ng mag-inarte." Hindi ako nag-iinarte "Kumain ka na. " nagsimula na siyang kumain. Habang ako nasasaktan pa rin dahil sa napaso kong kamay. Tiniis ko na lang ang sakit at binalewala na lang. Kumain na lamang ako pagkatapos ay hindi ko na siya pinansin. dumiretso ako sa sala. Natigilan ako nang maagaw ang pansin ko ng nagsasalita sa TV. Kung hindi ako nagkakamali, mga tauhan sa club na pinagdalhan sa akin ng mga kumidnap sa akin ang nakikita ko sa TV. Nakaposas habang ini-interview sa presinto. Kahit papaano natuwa ako dahil sa wakas, nahuli rin ang mga illegal na gawain ng mga ito. Pero sino ang nagsumbong? Sino ang matapang na nagsumbong sa mga pulis? Habang paakyat ako ay naglaro sa isipan ko at may mga katanungan sa isip ko kung sino ang nagsumbong sa mga pulis. - Nagkulong ako ng kwarto. Dumating si Manang Isay kinagabihan, dinalhan niya ako ng pagkain. Kaya nagawa kong humiram ulit ng cellphone sa kaniya. Pinalabas ko muna si Manang Isay. "Yaya Rosa, pasensya na hindi ako naka advance ng pera." kaagad na sabi ko dito. Nagmamadali ako dahil baka biglang dumating si Dustin. "Ayos lang ma'am. Meron pa naman ditong budget hanggang bukas. Pero sa susunod na araw po ay wala na talaga. Ubos na ang iniwan niyo sa akin na budget dito sa bahay." Paano ba 'to? Ano na gagawin ko? "Gagawa po ulit ako ng paraan baka bukas makapag-cash advance na ho ako. Pwede ko ba makausap si Danny." "Pupuntahan ko lang sa sala. Umiyak siya kanina buti na lang pumunta rito yung kapitbahay natin kalaro niya. Ngayon kalmado na siya at naglalaro na ng kaniyang barbie sa sala." natigilan at napapikit ako sa isinumbong ni yaya Rosa sa 'kin. Ilang minuto bago ko narinig ag boses ni Danny. "Mommy?" damang dama ko ang tuwa sa boses niya. "Baby ko." tumulo ang luha ko at nabasag ang boses ko. Marinig ko lang ang boses niya nagpapagaan sa nararamdaman ko. "Mommy, kailan po kayo uuwi? Umuwi na po kayo please. Miss na miss ko na po kayo." napahilamos ako ng marinig ang sinabi ng anak ko. Umiiyak ito habang sinasabi iyon sa akin. "I'm sorry baby, hindi pa makakauwi si Mommy. May kailangan pa kasing gawin si Mommy. Promise ko sa 'yo uuwi rin si mommy, baby ko." pinunasan ko ang luhang bumagsak mula sa aking mga mata. "Baby?" Nanlaki ang mga mata na nilingon ko ang kinaroroonan ng pintuan. Tumambad sa aking harapan si Dustin. Kaagad kong pinatay ang call at itinago sa likuran ang cellphone. "Sinong kausap mo? Huwag mo na subukan na itago sa akin ang phone na hawak mo, Iris." umigting ang kaniyang panga. Nagmadali itong lumapit sa akin tsaka niya hinablot ang cellphone mula sa likuran ko. "Uuwi na ako." Iba ang sagot ko. Buti na lang at napunasan ko na ang luha ko sa aking mga pisngi. "Hindi ka makakauwi at makakalabas sa bahay na ito Iris." "Who are you to lock me up here, Dustin? I need money so if you're not going to lend me the money, you better send me home." nakipagtalasan ako ng tingin sa kaniya. "Why? Who's waiting for you and you're too excited to go home, huh, Iris? Your husband? Well, you can't fvcking leave this house!" "Wala kang pakialam kung may asawa akong naghihintay sa bahay! Hindi naman kita -" Hindi ko naituloy ang sasbaihin ng bigla niyang tinakpan ng daliri ang aking bibig. "Ayaw kong makarinig na kahit na ano diyan sa bibig mo, Iris! Hangga' t nandito ka sa pamamahay ko, akin ka! Akin ka lang! Naiintindihan mo?" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang kabigin ang aking bewang kasabay ng pagkuyumos ng halik sa aking labi. "Remember this, Iris. As long as you're in my house. You're mine! I own you. I can do whatever I want 'cause I own you. Now if you have a husband waiting for you. I don't fvcking care. Magdusa siya kakahintay sa 'yo pero walang Iris na darating sa bahay niyo." mariin na sabi niya sa sa aking pagmumukha. Napapikit - pikit ang mga mata ko. " Is this what you want? Money?" Naimulat ko ang aking mga mata kasabay ng panlalaki nito ng makita kong itaas niya ang iilang piraso na pera na papel sa aking harapan. "If this makes you happy, I will give it to you." Inihagis niya iyon sa aking harapan. Iilang pera na papel ang nagkalat sa sahig. "But you won't leave my house, Iris! I'm not done with you! I will make you feel the pain of shame that I suffered when you did not attend our wedding!" Muli niyang hinapit ang bewang ko at pinasadahan ng kaniyang daliri ang aking dibdib. "Save the day na pwede na kitang angkinin dahil hinding hindi kita palalakarin." napatanga ako ng bitawan niya ang aking bewang kasabay ng pagtalikod sa akin. Maging si Manang Rosa ay natulala. Napanuod niya at narinig ang mga sinabi ni Dustin. Natigilan si Dustin sa harapan ni Manang Rosa. Habang ako tulala pa rin sa sinabi niya. "Never let that woman borrow your phone again. If you do that again, you're fired!" Nanatiling nanigas sa kinatatayuan si Manang Rosa tsaka lang bumuka ang bibig ko. "Paano kung sabihin ko sa 'yong anak ko ang naghihintay sa' kin?" sigaw ko. Natigilan siya ng ilang segundo bago siya lumingon sa 'kin. "Anak?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD