Iris POV "Anak?" Natigilan ako ng ilang minuto dahil naging interesado siya sa magiging sagot ko. "I—mean... inaanak ko. Hinihintay na ako ng inaanak ko. Iniwanan kasi ako ng kaibigan ko ng isang napakagandang bata. 'Inaanak ko naman kaya tinanggap ko na lang at ako na ang nagpalaki sa kaniya." nakangiwing sagot ko. Hindi ako nakakasigurado kong nagdudududa siya o maniniwala siya sa kasinungalingan ko. Hindi siya umimik. Nanatiling nakatitig sa akin. Kinakabisado ang bawat galaw ko. Mahahalata niyang nagsisinungaling ako kapag hindi ko kinalma ang sarili ko dito sa kinatatayuan ko. Kaagad akong napalingon sa aking likuran nang biglang magsalita si Manang Isay. "Excuse me po, Ma'am, Sir." Dinaanan kami ni Manang Isay. Napaatras na naman ako ng sinubukan ni Dustin na humakbang palapit