Iris POV "Manang, saan po yung kwarto ni Dustin?" nang makababa ako ay dumiretso ako sa sala at sinilip ko ang labas ng glass house. Walang bantay ngunit sa gate ay may tatlong security na nakabantay. Meron sa likod at meron din sa harapan. Sinadya 'to ni Dustin. Ang sabi ni Manang Isay sa akin, dalawang security guard lang daw ang mayroon dito. Isa sa main gate at isa sa back gate. Ngayon dinoble na ni Dustin ang mga nakabantay. Sinisigurado niya yata talagang hindi ako makalabas. Namalayan ko na lang ang sariling tinatahak na ang kusina at hinahanap si Manang. Nakita ko siya sa kusina. Hininto nito ang ginawa at hinarap ako. "Bakit, Ma' am? Bakit niyo po hinahanap ang silid ni Sir Dustin. Wala po siya dito ngayon." Ano nga ba isasagot ko? Ano bang idadahilan ko kung bakit hinahanap