NAGKUNWARI akong mag-banyo para makapasok sa loob ng private room. Nang makitang lumabas ang isang nurse ay kaagad akong pumasok sa loob. Madali ko lang naman nahanap ang pangalan ni Danica dahil siya ang kauna-unahan. Kaagad kong pinalitan iyon ng ibang sample hair and cotton buds na mayroong kaunting saliva. Nakaplano na ang lahat kagabi. Pumunta ako sa kapitbahay ng palihim na hindi nalalaman at napapansin ni Danica na lumabas ako ng kwarto. Nang madaanan ko naman sa sala sila Drake at Dustin ay pareho na rin itong mahimbing na natutulog. Mabuti na lang gising pa ang kapitbahay namin dahil nanunuod pa rin ito. "Aanhin mo ba yung buhok ng anak ko, huh, Iris?" tanong ng kapitbahay ko. "Wala po, meron lang kasi akong gagawin." sagot ko dito. Pagkatapos ay lumabas rin kaagad at bumalik