Iris POV "Inuulit ko, Iris. AKO BA ANG AMA?" mahina ngunit mariin na tanong ni Dustin sa akin. Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko na ba sa kaniya ang totoo. Paano kung ilayo niya sa akin si Danica? Ilang taon kong itinago sa kaniya si Danica kaya sigurado akong magagalit siya. Paano kung kunin niya sa akin ang anak ko or anak namin? Kung galit siya sa akin noon dahil sa hindi ko pagsipot sa kasal namin. Mas lalo siyang magagalit ngayon kapag sinabi ko sa kaniyang anak niya nga si Danica na ilang taon kong itinago. "Iris?" untag nito tsaka ako nagsimulang magsalita. "H-hindi." pumikit ako para kumuha ng lakas na loob magsinungaling ulit. "Hindi mo anak ang batang tinatago ko sa 'yo. Itinatago ko lang sa' yo ang anak ko dahil baka pagkamalan mo