Iris POV HABANG sakay sa taxi ay walang tigil ang pagluha ko. Kailangan masalinan na kaagad si Danica ng dugo pero heto ako nasa taxi pa rin dahil traffic. Pumunta ako sa mansyon ng Greyson. Ang sabi ng guwardiya ay ngayon ang kasal ni Dustin. Ibinigay nito sa akin ang location ng simbahan. Kahit makakagulo ako sa kasal niya wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maligtas ang anak ko. Maligtas si Danica. Bakit nagkataon pa na kasal ni Dustin? Sa wakas umusad din ang mga sasakyan at nagtuloy-tuloy rin ang taxi. Nang makarating sa simbahan ay wala akong pinalampas na oras. Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay tinakbo ko na kaagad ang simbahan. Maraming dumalo sa kasal at sigurado akong pagtitinginan nila ako. Bahala na. Wala na akong pakialam. Nakahinga ako ng maluwag