Maaga na naman kami ngayon. Pagdating sa mansion ay kumilos agad kami. May mga iniluto silang kami nila Princess Charlot ang nag-assist. Dumating na sina Papa Silas at Mama Cora. Bahagyang natawa si Mama Cora sa ayos ko, pagbaba kasi nito ng sasakyan ay nakita n'ya ako sa gilid kasama ang mga kasambahay. Nakabihis din kami ni Princess Charlot katulad sa mga kasambahay. Pero nakita pa rin ako ni Mama Cora, kaya ito natawa. Pasimpleng hinawakan ni Papa Silas ang kamay ng ginang para patigilin si Mama sa pagtawa. Nanulis ang nguso ko. Pero siyempre, hindi ko ipinahalata sa ginang. "Glad to see you, Cora. Mabuti at sinama ka nitong kaibigan kong ito rito." "Aba'y ayaw akong maihiwalay sa kanya, Darrius. Ultimo nga mga out of the country meetings n'ya bitbit n'ya ako." Niyakap pa ni D