"S-igurado ka ba sa mga information na ito?" pangsampung tanong ko na iyon sa aking tauhan. Hindi pa rin makapaniwala. Muli kong tinitigan ang larawan na hawak. Black and white iyon, pero sapat na iyon para makilala ko ang babae. "Opo. Ito rin po ang information ng L na iyan. Alam ko pong nabasa n'yo na. Pero in denial pa rin kayo. Pero tama po ang mga information na dinala ko. Tiyak akong tama ang lahat ng iyan." Tumango ako. Dinampot ko ang sobre na naglalaman nang makapal-kapal na pera. Sabay abot dito. "Salamat, sir!" "Sinobrahan ko pa iyan. Lahat ng mga nalaman mo tungkol sa kanya ay mananatiling sekreto. Naintindihan mo ba?" "Opo." "Pwede ka nang umalis." Saka ko dinampot ang lahat ng mga papeles na ibinigay nito. Saka ko dinala ang lahat ng iyon sa kwarto ko. Pinakatit