Kay Hunter talaga ang pinakamataas na bid. Mas maganda ang offer dahil sa kasal na alok din n'ya. Si Mr. K, na check ko na. Hanggang 170 million ang offer n'ya. No marriage. Nacu-curious din ako sa taong iyon, kaya naman humarap ako sa laptop ko. Sinimulan ang dapat ay matagal ko nang ginawa. Kinontact ko ang owner ng pleasure site. She's my friend. Ilang saglit lang ay sumagot na agad ito sa tawag ko. "Napatawag ka?" ani ng babae. May suot itong makapal na salamin at halatang busy rin. Dahil kahit nagtanong na ito, sige pa rin ang pagtipa sa laptop nito. "May gusto lang akong malaman. Regarding sa isang follower ko." "Who?" ani nito. Sabay adjust ng salamin n'ya. This time ay huminto na siya sa pagtipa. Humarap na sa camera kung saan kitang-kita ko na siya. "Mr. K." Sagot ko rito.