Chapter Two

1295 Words
"Mama Cora!" kaway ko sa matandang babae na abala sa pagdidilig ng halaman. Halata sa mukha nito ang gulat nang makita akong palapit dito. Bilang lang kasi sa aking kamay ang mga araw na nagagawi ako rito sa mansion ng mga Aguarde. Gano'n siguro talaga kapag iilang tao lang ang nagwe-welcome sa 'yo. Agad na ibinaba ng ginang ang regadera, sa apron na lang din nito ipinunas ang kamay. Bago pa ako tuluyang makalapit ay nahubad na rin n'ya ang apron saka ako niyakap. "Anak, bakit ngayon mo lang ako binisita? Miss na miss na kita, anak!" nasa tinig nito ang pagrereklamo. Napahagikgik ako, saka bahagyang lumayo riot. "Busy sa school, Mama Cora. Alam n'yo naman ako. Ginagawa ko talaga ang best ko para makapagtapos ng may mataas na karangalan." "Anak, baka naman masyado mong prine-pressure ang sarili mo. Alam mo naman kami ng papa mo, ayos lang sa amin kung ano ang kayanin. Ang Papa Silas mo'y strick lang naman sa tatlong kuya mo. Pero sa 'yo ay hindi naman." Dahil hindi naman ako anak ni papa. Hindi malapit ang loob sa akin, mabait lang ito kapag nakaharap si Mama Cora. Pero kapag ako lang ang kaharap nito'y para itong Diyos, na dapat sambahin ng mga tauhan nito . . . ako rin, kailangan ko ring sambahin ito. Dahil hindi naman ako parte ng pamilya nito. Apelyedo lang nito ang dala ko, hindi ang dugo nito. Kaya talagang malayo ang loob nito sa akin. "Nasaan po si papa?" tanong ko rito. Hindi ko rin naman nais banggitin pa ang ama, kaso bilang anak ay parang required na lang ding itanong. "Halika, tiyak kong matutuwa iyon na umuwi ka." Sa lahat ng tao sa malawak na compound na ito, si Mama Cora, Kuya Stephen, Kuya Columbus, at Kuya King lang ang tiyak kong magagalak na makita ako na umapak sa napakalawak na lupaing ito. Nilagpasan namin ang mansion. Sa training area sa compound na ito kami nakarating. Nakita ko agad ang mga kapatid ko na busy sa pagbaril sa kanilang mga target. Nagsasanay na naman sila. Iyon ang libangan nila sa tuwing narito sila sa mansion ng aming ama. Hindi naman na nila kailangan matuto pa. Sa dami ng bodyguard nila, handa ang mga bantay na protektahan sila. Ako ang bunso, pero ako lang iyong walang bodyguard. Wala naman akong problema roon. Kahit kasi maglibot-libot ako'y komportable akong makakaikot dahil hindi naman ako kilala ng lahat. Sikat ang angkan namin. Maliban sa akin. Ipinakilala ang tatlong lalaki sa madla, pwera sa akin. Iyon lang din ang isa sa desisyon ng ama ko na sobra kong sinang-ayunan. Hindi ko kailangan mag-pretend sa lahat, nakakakilos ako nang malaya . . . pwera siyempre kapag kaharap ang aking ama at ang mga tapat nitong tauhan. "Lupita!" excited na ani ni Kuya King, nang mapansin ako nito. Nahinto tuloy sa ginagawa ang lahat. Iyon ang hindi nagustuhan ng aming ama. "Focus! Balik sa ginagawa." Sigaw nito sa mga tauhan at mga anak n'yang lalaki. "Lupita, batiin mo ang iyong ama." Udyok ng aking ina. Ang ngiti nito'y napakagaan. Sa lahat ng tao rito, si Cora Aguarde lang ang kayang magpatiklop sa isang Silas Aguarde. Dahil narito ang babae, tumayo si Papa Silas sa kinauupuan at lumapit sa kinatatayuan namin. Agad nitong niyakap ang asawa at pinatakan nang halik ang noo. "Napakaganda mo naman, mahal ko." Magiliw na ani ng matanda. "Aba'y sa mga mata mo lang yata ako maganda, mahal ko. Narito si Lupita, na miss tayo kaya naman umuwi." Saka lang bumaling ang tingin ni Papa Silas sa akin. Malawak ang ngiting yumakap ako sa aking ama. Sinubukan ko namang kunin ang loob nito. Pero para itong lion, napakailap. Maamo lang ito sa kanyang may-bahay. Hindi ito tumugon sa yakap ko, kaya naman lumayo agad ako at kumapit sa braso ng aking ina. "Mabuti naman at narito ka." Pormal ang tinig ni papa, may pilit na ngiti. Siyempre narito si Mama Cora at nagmamasid. Kung wala ay tiyak kong para lang akong hangin na hindi nito napansin. "Wala po kasing pasok bukas. Kaya naman nagtungo na ako. Niyaya rin po kasi ako nila kuya na pumasyal dito. Dahil narito nga rin po sila." Magalang na sagot ko. Ngumiti pa na palagi ko namang ginagawa kapag nakaharap silang lahat sa akin. "Mahal ko, matagal pa ba ang ginagawa n'yo? Pwede bang tama na muna iyan?" naglalambing na ani ni mama. Halatang nagalak ang mga kapatid ko. Pero hindi masyadong ipinahalata sa takot na mapagalitan ng aming ama. "Pwede namang magpahinga muna. Halika, mahal ko." Hinawakan nito ang kamay ni Mama Cora at iginiya na paalis. Naiwan naman ako na nakatanghod lang sa mag-asawang paalis. "Lupita, halika rito." Tawag ni Kuya Columbus na nagpupunas nang pawis n'ya. Humakbang naman ako palapit. "Kuya!" masayang ani ko sa tatlo. "Baka masapol mo iyong target. Tulungan mo nga kami, ang dami na naming naubos na bala. Pero hindi pa rin kami sinuswerte." Bakas sa tinig ni Kuya King ang pakiusap, at pagrereklamo na rin. Halata ngang kanina pa sila. Mainit din kasi, kaya bakas sa mukha nila na nabilad na sila. Namumula na ang balat nila at pawis na pawis. "Hindi ko kaya iyan. Kita n'yo naman, ang layo-layo." Reklamo ko sa mga ito. "Kaya mo iyan, Lupita." Ipinatong ni Kuya Stephen ang baril sa palad ko. Napatitig naman ako roon, ang nguso'y nanunulis dahil makulit sila. "Hindi ko nga sabi kaya, eh!" reklamo ko. "Hindi mo pa sinubukan. Dali na, itinuro na namin sa 'yo noon ang basic. Subukan mo lang, para makapagpahinga na kami. Hindi raw kami pwedeng tumigil kapag hindi pa natamaan ang target. Iniangat ni Kuya King ang baril na hawak ko. Saglit ko lang sinulyapan ang target, saka kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak. Ang tingin ko'y na kay Kuya King na ulit. Nanunulis ang nguso, at walang pakialam sa target. "s**t! Bunso, tinamaan mo." Manghang ani ng mga ito. Agad kong tinignan ang target, nanlaki ang mata ko nang makita kong bullseye iyon. "Tsk. Hindi naman ako ang may gawa n'yan. Hawak ni Kuya King ang kamay ko. Iyan na nga iyong baril n'yo." "Ayos na rin. Tara na, pwede na tayong magpahinga." Excited na inakbayan pa ako ng dalawa sa kapatid ko. Nagreklamo agad ako dahil sa mga pawis nila. "Kadiri!" tili ko. "Ang arte mo, bunso. Halika rito. Ipapaamoy ko ang pawis na pinaghirapan ko." Agad akong kumawala at tumakbo palayo sa kanila. Hinabol naman nila ako hanggang sa makapasok kami sa mansion. Ang malakas na tinig namin habang naghahabulan ay agad na naglaho nang tumikhim ang aming ama na katabi sa mahabang sofa ang aming Mama Cora. "Tapos na ba ang ipinagagawa ko sa inyo?" istrikong tanong ni Papa Silas. Agad kaming nagkatinginan apat. "Yes, pa. Pwede na ba kaming magpahinga?" "Of course!" singit ni Mama Cora na agad hinaplos ang braso ni papa. Mukhang balak pang tumutol pero wala na ring nagawa pa. Isinama na ako ng mga kuya ko sa ikalawang palapag ng mansion. Kahit ang tatlong lalaking ito ay walang idea sa sekretong trabahong pinasok ko. Walang kaalam-alam na kaya ako nakaka-survive sa araw-araw dahil sa trabaho kong iyon. Isa akong cam girl, kumikita sa pamamagitan nang paghuhubad sa harap ng camera. Habang libo-libong kalalakihan ang nanonood. Akala ng mga kakilala namin na malaprinsesa ang buhay ko. Pero ang hindi nila alam . . . lahat ng pera na ibinibigay nila Mama Cora ay hinaharang ni Papa Silas. Tikom na lang ang bibig ko sa bagay na iyon. Thankful na nga Ako dahil inampon nila ako noong sampung taong gulang pa lang ako, binigyan ako ng pamilya. Hindi man mahal ng ama, at hindi tanggap. Mayroon naman akong Mama Cora, at tatlong kapatid na nagparamdam na parte ako ng pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD