Chapter Three

1954 Words
"May allowance ka pa?" bulong ni Kuya King sa akin. Katabi ko siya sa couch, kompleto kaming pamilya rito sa sala. Nagkwekwentuhan sila. Siyempre, halos hindi ako makasabay dahil mukhang nananadya na naman si Papa Silas na ibahin ang topic sa tuwing napupunta na sa akin ang atensyon nila mama at ng mga kapatid ko. Kaya siguro nagdesisyon na lang din si Kuya King na kausapin ako. "Meron pa, Kuya." Sagot ko. Hindi na ako nauubusan ng pera simula no'ng maging cam girl ako. Pero siyempre tipid na tipid pa rin ako sa sarili ko. Dahil alam kong may mas higit pa akong dapat paghandaan sa pera na iyon. Kaysa sundin ang mga luho na luckily ay wala naman ako. "Really?" nakaguhit sa mukha ni Kuya King ang pagkamangha. Tumango ako bilang tugon. "Yes, Kuya." "Paano mo nakukuhang magtipid habang nag-aaral ka sa isang prestigious school kung saan alam naman nating masyadong mahal ang---" "Nagtitipid po ako. Iyong ibinibigay n'yo sa akin ang iniipit-ipit ko." It's a lie. Dahil daig pa ni Papa Silas ang collector kapag nakakakuha siya nang tiyempo. Kinukuha n'ya talaga. Kahit iyong ibinibigay mismo ni Papa Silas sa akin, binabawi n'ya sa tuwing nakakakuha siya nang pagkakataong mabawi iyon. "Pero it's normal namang gumastos, Lupita. Nakakapag-shopping ka pa ba? May new clothes and shoes ka ba? How about new phone and gadgets? Maganda pa ba ang takbo ng laptop mo? Let's by later." Patuloy pa rin ito sa pagbulong sa akin. Si Kuya Columbus ay umusog na rin sa side namin ni Kuya King at sinusubukan makinig sa usapan namin. Napapasulyap pa naman si Papa Silas sa amin. Kaya tiyak kong nag-iisip na naman ito nang masama laban sa akin. "Sama ako?" ani ni kuya Columbus. Pasimple ring nag-angat ng kamay si Kuya Stephen na mukhang gusto ring sumama. "Anong pinag-uusapan n'yo? Isali n'yo naman kami." Seryosong ani ni Papa Silas. Nagkatinginan tuloy muna kaming magkakapatid. Bago sumagot si Kuya Columbus. "Ipapasyal namin si Lupita, pa. Masyado siyang busy sa school. Kaya naman ipapasyal namin siya para makabawi kami sa kanya. Saka pare-pareho kaming hindi busy. Kaya chance na ito para gumala." "Oh, nice idea. Ipasyal n'yo ang bunso natin. Tiyak na stress na iyan sa school. Para namang makapag-unwind." Mahinahon din ang tinig nito. Napangiti ako, tipid na tipid dahil alam ko namang hindi talaga ito concern sa akin. Sila Mama Cora lang, at ang mga kuya ko ang may tunay na concern sa akin. Hindi kasali si papa. "Kailangan n'yo ba ng money? Pwede n'yong gamitin ang card ko. Kami ng papa n'yo ay rito lang muna sa house." Malumanay ang tinig ni Mama Cora. Iyong nakaka-relax na tinig na nanaisin mong marinig after nang nakakapagod na maghapon sa school o kaya sa work. "No need, Ma! May pera na kami." Nakangiting ani ni Kuya Stephen. Of course, nagwo-work na sila sa mga business na itinayo ni papa. Sinalo na nila ang posisyon ni papa. Ngayon sila na ang nagpapatakbo ng tatlong company. Habang si papa'y patuloy sa pagpapalago ng ilang business n'ya. "Okay. Lupita, kung may gusto kang ipabili sa mga kuya mo'y magsabi ka lang. Ewan ko ba naman sa 'yong bata ka. Kung bakit ba naman kasi ayaw mong gumamit ng card." Tinanggihan ko iyon. Dahil utos ni papa. Well, sa totoo lang no'ng mga oras na iyon ay willing talaga akong kunin dahil sa apartment na ako titira habang nag-aaral. Pero utos ni Papa Silas na tanggihan ko at, sabihin ko raw kay mama na cash na lang ang ibigay nila sa akin. Cash nga ang ibinibigay, pero kapag aalis na ako. Ipinapaiwan din iyon ni papa. "Opo, Mama Cora. Bubutasin ko po ang mga bulsa nila." Pabirong ani ko. Sabay yakap kay Kuya King na natawa bago nagsalita. "Feeling mo naman kaya mo. Millions na ang laman ng bank account ko, bunso. Gano'n kasipag ang kuya na mag-ipon. Para maibigay ko ang needs mo." "Ngi, bakit needs ko? Dapat nag-iipon ka na for your future family. No plans na mag-asawa?" pabirong ani ko. "Oh come on! Ii-spoil ka muna namin. Ipararanas muna namin sa 'yo ang mga bagay na deserve mo. Bago namin isipin iyan. Ikaw muna, bago iba." "Tsk. Hindi na kayo bumabata, King." Napatingin kaming lahat kay papa. Kontra talaga ito sa lahat ng bagay. "Tama si papa, dapat nga ang focus n'yo na ngayon ay magsimulang maghanap ng girl na pakakasalan." Pare-parehong umiling ang tatlong kuya ko. Mukhang pare-parehong hindi pa ready na mag-asawa at magkaanak. Nang magpasya kaming mamasyal ay iisang sasakyan lang ang ginamit namin. Si Kuya King ang driver namin. Pero kahit magkakasama kami sa sasakyan, may mga nakasunod pa rin sa amin na guards. Ganito ang buhay ng mga kuya ko, siyempre hindi ko buhay. Dahil hindi naman ako binigyan ng guards ni papa. Hindi rin ako ipinakilala sa madla, kaya walang panganib na dumarating sa akin. Hindi tulad nila kuya na nasanay na nga lang yata sa gano'n set up. Dahil mula raw pagkabata nila ay gano'n na talaga. Nakarating kami sa mall, naka-sunglasses pa ang mga ito, matatangkad din, at obvious na mga pogi. Kaya naman hindi maiwasang pagtinginan kami. Gusto ko na ngang umatras para lang hindi mapansin dahil sa kanila. Kaso si Kuya Columbus ay agad nang umakbay sa akin, si Kuya King naman ay hinawakan ako sa kamay. Si Kuya Stephen lang iyong pumwesto sa likuran namin na busy sa phone n'ya. Agad nila akong dinala sa shoe store. Panay ang iling sa bawat heels na ipinapakita nila. Habang nakaupo lang ako sa couch, at sila itong namimili ng mga design. Basta maganda at kasya, go. Hindi man lang nila tinignan ang mga presyo. Kahit tumanggi ako, kapag feeling nila ay bagay. Kinukuha nila. Ang dami nilang napili para sa akin. Hindi ko na lang tinignan kung magkano. Sila na ang nagbayad, ako naman ay naghintay lang sa kanila. Pagkatapos sa shoes, sa damitan naman. Hindi ko akalain na mahilig mag-shopping ang mga ito. I mean, alam na alam kasi nila ang ginagawa nila. "Sa jewelry naman." Seryosong ani ni Kuya Stephen. Ito namang si Kuya Columbus at Kuya King ay ready nang sumunod sa panganay naming kuya. Pero hinarang ko na sila. "Hindi na." Umiling na ani ko. "Last na." Pa-cute na ani ni Kuya Columbus sa akin. Ngunit umiling ako. "Promise last na. Tapos pipili lang kami ng isa na gift namin sa 'yo." Nilampasan na nila ako. Talagang hindi nagpaawat ang mga kapatid na hindi nila ako maibili ng gift. Sayang, kukunin lang din naman iyon ni papa sa akin. Napabuntonghininga na lang na sumunod ako. Pagdating ko sa jewelry store ay nagbabayad na si Kuya Columbus. Mukhang may napili na agad sila. Hindi na nga iyon ibinalot. Excited na lumapit si Kuya King at isinuot n'ya iyon sa akin. "Ang ganda 'no? Tama nga ako. Bagay na bagay sa 'yo." Pagyayabang nito. Napahaplos tuloy ako sa gintong kwintas na napili nila para sa akin. Maliit lang ang pendant no'n. Alam din nila talaga ang mas prefer ko pagdating sa alahas. Nakakapanghinayang lang, dahil kahit gusto kong i-keep lalo na ang regalo nilang ito. Hindi naman pwede. Nagkayayaan lang na kumain after namin sa jewelry store. Nagkaroon nang biglaang lakad sila Kuya. Dahil sa pagtawag ng isa sa kaibigan nila. "Kuya, magpapahatid na ako sa apartment ko. May service naman eh. Huwag n'yo na akong ihatid." "Are you sure? Malapit lang naman. Idadaan ka na namin." Umiling ako. Saka isa-isa silang niyakap. "Hindi na, Kuya Stephen. Puntahan n'yo na ang friend n'yo. Super nag-enjoy ako ngayong araw. Thank you so much po sa araw na ito." "Okay. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na." Muli akong niyakap ni Kuya Stephen. "Mauna ka nang umalis." "Kuya, hihintayin ko po kayong makaalis. Huwag na pong makulit." "Let's go na. Ihatid n'yo siya sa apartment." Bilin sa isang tauhan. "Yes, sir!" Sumakay na sila sa kotse. Umalis na sila. Nang hindi ko na sila matanaw ay napabuntonghininga ako. Hinarap ko ang tauhan na binilinang maghatid sa akin. Nakalahad na ang kamay nito. "Kuya, pwede ko bang i-keep ito?" ani ko na ang tinutukoy ay ang suot kong kwintas. Pero umiling ang tauhan. Wala akong nagawa kung 'di tanggalin ang regalong kwintas sa akin. "Aalis na po ako." Tango na lang ang naisagot ko. Dali-daling sumakay sa kotse ang tauhan. Saka sila umalis. Dala ang lahat ng mga pinamili ng mga kapatid ko para sa akin. Bagsak ang balikat na pinanood ko na lang na lumayo ang sasakyan. Ganitong-ganito si Papa Silas. Kahit na hindi n'ya pinaghirapan ang isang bagay, kahit pera naman ng mga kapatid ko. Siguro kung pwede lang pati pagkain ay bawiin, baka ipasuka n'ya pa sa akin. Gano'n kalupit ang Papa Silas ko. Ang kaya lang n'yang hayaang manatili sa akin ay ang apelyedo na gamit ko. Dahil ayaw no'n na makaabot kay mama ang mga ginagawa n'ya sa akin. Naglakad na lang ako patungo sa sakayan ng taxi. Uuwi na lang ako't magpapahinga. Siguro kung hindi ako niyaya nila kuya na maggala, baka nasa mansion lang ako't nakikipagkwentuhan kay Mama Cora. Pero dahil nga naggala kami, at tapos naman na. Uuwi na lang ako. Sumakay ako sa taxi. Nagpahatid sa apartment ko na malapit lang sa university. Pagdating ko sa apartment ay agad akong pumasok at pagod na ibinagsak ang katawan sa couch. Pero agad ding natigilan nang makitang may bisita ako roon. "Hi, Lupita!" magiliw na bati ng babae. Mukhang mahaba-haba ang naging tulog nito dahil may bakas pa ng unan. "Hi, Hea. What are you doing here?" pagod na tanong ko. "Well, bored ako. Wala akong makain sa unit ko. Kaya nagpunta ako rito." Classmate ko ito sa isang subject, at isa ito sa tanging tao na nakakausap ko sa school. Kaya malakas din ang loob na pumasok at lumabas ng apartment ko. Kahit na wala ako. May susi rin naman kasi ito. Gano'n din ako sa apartment n'ya. "May food sa ref. No'ng nakaraang araw ay nagpahatid si Mama Cora ko ng food ko." "Nakain ko na iyong nasa ref." Nakangising ani ng babae. Bumuntonghininga ako. As expected naman sa babaeng ito. "Gutom ka pa rin?" "Yes. Medyo matagal din akong nakatulog." Sinipat pa nito ang orasan at saka bumaling ulit ang tingin sa akin. "May pagkain ka bang dala?" "Wala. Pero pwede akong maghanda ng food natin." Naghubad muna ako ng sapatos saka iginilid iyon. Nakayakap na lumapit ako sa tsinelas ko. "Maghahanda muna ako." Paalam ko. Bumalik sa pagkakahiga si Hea. Saka tuluyan na akong nagtungo sa kusina. Hindi pa naman ako sobrang gutom, dahil marami rin akong nakain kanina. Pero kapag si Hea ang nagsabing gutom siya. Totoo iyon. Naghahanda na ako ng food nang mag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot ang tawag. "Mama Cora?" magiliw na ani ko sa ginang. "Anak, kumusta ang pamamasyal ninyo? Nag-enjoy ka ba sa gala ninyo?" "Yes, Mama Cora." Totoo naman. Kahit hindi ko naiuwi iyong mga gift nila Kuya sa akin. Masaya pa rin naman ako. "Inihatid ka ba ng mga kuya mo?" nakita kong tumabi sa Mama Cora ko si Papa Silas. Matamis ang ngiti nito, na sa totoo lang ay mas nakakatakot. Dahil alam kong may ibig sabihin. "No po. Pero inihatid po ako ng driver natin. Pati na rin po iyong mga pinamili namin nila kuya." "That's good. Oh s'ya, ibababa ko na. Para makapagpahinga ka. I love you, anak! Papa Silas, say bye!" utos ni mama sa aking ama. "Bye, Lupita. I love you, anak." "I love you too, Papa Silas. Bye po." Kumaway pa ako. Saka tinapos ang tawag. Inilapag ko sa lababo ang phone ko, saka kunwari'y naduduwal. Nakakakilabot naman kasi iyon. Ang plastic naman ni papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD