"Ito ang pinakamataas na parte sa hacienda ng mga Salazar. Sa south ang entrance at exit. May ilog sa parteng iyon, iyan din ang source ng tubig sa barrio at sa kanilang mga taniman." Tumakas ako sa kubo. Sumunod lang ang lalaki sa akin. Nasa bintana kasi ito nang gumapang ako sa ilalim ng papag, paglabas ko'y huling-huli ako nito. Pareho kaming nakaitim na outfit. Facemask ay itim din. Ngayon, narito kami. Sa kadiliman ng gabi ay nagmamasid. "Uunahin nating itumba ang mga lihim na tauhan ni Darrius Salazar. Maalerto man siya, mababawasan pa rin ang pwersa n'ya. Makakatulong din sa mga tao sa barrio iyon. Grabe na ang pagmamalupit sa kanila." Seryosong ani ko. "Mas maganda kung umisip tayo ng paraan para mawala sa focus ang pamilya ni Salazar. Isang malaking distraction upang hi