Gabi lang ako makakakilos. Dahil pwedeng pagkamalang maligno sa gabi. Sa umaga kasi'y uling. Hindi nila na appreciate ang ganitong kutis. Napakaganda nito. Nasobrahan lang ng kaunti, pero sa mga mata ko'y gandang-ganda ako rito. "Tara na?" tanong ni Princess Charlot. Pupunta kami ng palengke, pero ang ayos nito ay waring kakabugin iyong mga nagsasagala. Naka-dress ito na lagpas sa tuhod ang haba. Ako naman ay casual na short at t-shirt lang. Puti ang t-shirt, kulay gray ang short. Tapos iyong sling bag ko na pinaglagyan ng wallet at cellphone. "Ready na ready. Parang ilang linggo mong pinaghandaan ang pagpunta natin sa palengke." "Tsk. Palibhasa wala kang sense of fashion." Pagyayabang nito. "Sorry naman. Sense of touch at sense of smell lang ang alam ko." Lumabas na kami ng kubo