Malawak ang bayan ng Apolina. Waring sa bawat sulok ng bayan ay may mga pamilyang naghahari. Yaman at connection ang labanan. Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa bayang ito ay bumungad na sa akin ang pagmumukha ng mga target ko. Nasa isang malaking tarpaulin sila. Pinakamahuhusay na negosyante sa taong ito. Suarez. Salazar. Martinez. Lopez. Rodriguez. Aguarde. Nasa tarpaulin ding iyon ang aking ama. Oo nga pala, si Papa Silas ay rito rin ipinanganak sa bayang ito. Sa lahat ng mga magkakaibigan. Isa siya sa ipinanganak sa mahirap na pamilya. "Magandang umaga po, ikaw po ba si Lupita?" tanong ng babaeng lumapit sa akin. "Yes, it's me." Tipid na sagot ko rito. "Akin na po ang maleta mo. Ako po si Caramela. Personal assistant po ni Sir Tauren. Pinasusundo po n'ya kayo." Akmang kuk