"Seniorito." Daig pa naman ang hari. Lahat ba naman ay nagsipagyuko para lang batiin ang lalaking kararating. "Dalvin." Bati no'ng birthday celebrant. Tumayo ito, bahagya pang hinawakan ang dress n'ya para iangat. Ano bang tingin n'ya sa sarili n'ya, prinsesa? Sinapo pa ng babae ang pisngi ng lalaki nang makalapit ito. Tapos hinalikan ang labi ng lalaki. Manliligaw pa lang, ibang level na ang closeness. Lips to lips. Siniko ako ni Princess Charlot. "Sa tingin mo pa lang ay parang punong-puno na ng judgement. Umayos ka nga ng tingin." Nananaway na ani nito. "Wala akong ginagawang masama. Ayos ang pagbati rito. Lips to lips. Pa-kiss nga." "Tsk. Sikat iyan si Ganda rito." "Ha? Ganda?" "Iyan ang pangalan n'ya." "Saan hango iyong ganda?" tanong ko rito. "Sa mukha n'ya. Idol ko