Chapter Thirty-four

1493 Words

"Umiyak ang bunso natin." Hawak-hawak ni mama ang kamay ko. Papasok kami sa dining room. Mugtong-mugto ang mata ko. Sa narinig nila na inanunsyo ni Mama Cora ay agad napatayo ang mga kapatid ko. Lumapit at parang lahat ay gustong silipin ang mukha ko. Nakayuko lang kasi ako. "What happened?" tanong nila. Sinubukan ni Kuya Stephen na iangat ang mukha ko. Pero nanatili pa rin akong nakayuko. Inalalayan na lang nila akong naupo. "Anong nangyari?" si Papa Silas na ang nagtanong. "Namatay iyong daddy ng kaibigan n'ya." Si Mama na ang sumagot no'n. "Namatay? Bakit nakikiiyak ka?" medyo sarcastic na ani ni papa sa akin. Hindi siya fan ng mga ganitong klase ng drama. Hindi tuloy naitago ang tunay n'yang kulay. "Silas... iyong palang kaibigan n'yang si Hea. Anak ni Florito." "What?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD