THADDEUS
“Oh? Sino yang kausap mo? Ang lolo mo na naman ba?” Usisa ni Diego nang ibaba ko ang telepono.
Lumapit siya sa table ko at naupo.
“Si Kristel, kailangan ko siyang sunduin ngayon para sa dinner namin.” namomoblemang sagot ko sa kanya. Kung hindi pa niya pinaalala sa akin na ngayon ang gabi na inalok ko siya ng dinner noong last time kaming nagkita sa exibit hindi ko maalala.
“Ah, ngayon pala ang date niyo. Taman-tama kailangan ko ding umuwi sa amin dahil birthday bukas ng dad ko. Puntahan mo na siya.” Saad niya.
Nang makita niya akong walang reaction at nakatingin sa kanya ay kumunot ang noo niya.
“What? Akala ko ba si Kristel ang gusto ng lolo mo para sayo? Bakit parang ayaw mo siyang puntahan?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Tumayo ako at humarap sa glass wall.
“I'm just wondering bakit parang hindi ko nararamdaman na nagseselos ka?”
Naramdaman ko ang kanyang braso na pumaikot sa aking beywang at siniksik niya ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat.
“Kapag nagselos ako mag-aaway lang tayo diba? Kaya mabuti pang kaysa magalit ako intindihin na lamang kita. I know naman na kahit pa may mangyari sa inyo ng babaeng yun ako pa rin ang mahal mo.” naglalambing niyang sagot sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking tiyan.
“Diego, wala akong gusto kay Kristel. Alam mo naman na hindi ako attracted sa mga babae. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ako magkakaroon ng anak. We already tried IVF and surrogate but still failed. The doctor told me to try the natural way pero hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yun.”
Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
“Kung ayaw mo ako na lamang–”
“No, matalino si Grandpa. Kapag pina-DNA niya ang bata malalaman niyang hindi ko anak yun. Mas magkakaroon ako ng problema. That's why I need a child...”
Bumitaw ako sa kanya at inayos ko ang gamit ko.
“Ako na ang bahala sa ngayon si Kristel muna ang asikasohin mo.”
Tumango ako sa kanya at pagkatapos ay umalis na ako sa opisina. Ilang minuto lamang nasa harapan na ako ng kompanya ni Kristel. Bumaba ako sa kotse at akmang papasok na ako sa loob nang matanaw ko silang kakalabas lamang ng elevator with her dad.
“Thaddy!” Bulalas niya nang makita niya ako. Pinilit kong ngumiti sa kanya.
“Hindi ka late ngayon ah?”
Kaagad siyang humawak sa braso ko.
“Good evening Sir.” Bati ko kay Arturo Garcia.
“Good evening Thadeus, make sure iuuwi mo ang anak ko pagkatapos niyong magdinner okay?”
“Dad naman! Hindi na ako bata…dalaga na po ako puwede na akong mag-asawa eh.” Nakangusong sabi nito sa kanyang ama.
“Huwag po kayong mag-alala kakain lang po kami sa labas. Before nine nahatid ko na po siya sa inyo.”
“Good, yan ang gusto ko sayo. Alam mo naman nag-iisang anak na babae ko si Kristel. Kaya hinihigpitan ko yan. Sige na, umali na kayo.” Taboy niya sa amin. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinasakay sa kotse. Akmang sasakay na rin ako sa driver seat nang may babaeng lumapit kay Mr. Garcia.
“Ikaw na naman?!”
Napalingon ako kay Kristel nang bumaba ito at dinuro ang babae.
“Bakit? Sino siya?” Nagtatakang tanong ng ama ni Kristel sa babaeng mukhang hinang-hina na at wala sa sarili.
“Kayo po ba si Arturo? Ako po si Basha, anak ni Edna Matabungkay. Maari ko po ba kayong makausap?” Narinig kong sabi ng babae. Hangang sa hinarap na siya ni Kristel.
“Siguro inabangan mo talaga ang paglabas namin ano? Umalis ka na! Walang ibang anak na babae ang dad ko kundi ako lang!”
Tinulak niya ang babae at napaupo ito sa semento.
“K-Kailangan ko lang ang tulong mo. Wala akong intensyon guluhin kayo. Gusto ko lang tulungan mo ang mama ko na gumaling. May sakit siya ngayon sa puso at kailangan niyang maoperahan. Kung ayaw mo akong tangapin na anak mo okay lang sa akin na itakwil mo ako. Tulungan mo lang ang mama ko. Nagmamakaawa ako sayo!”
Awang ang labi ko nang tuluyan siyang lumuhod kahit pinagtatabuyan na siya ni Kristel.
“Sorry, pero hindi kita kilala at lalong hindi ko kilala ang sinasabi mong ina. Mabuti pa hija sa goberno ka lumapit o sa ibang tao ka na lamang lumapit. Wala akong maibibigay sayong tulong lalo pa't wala akong ibang anak na babae kundi siya lang.”
“Nagsisinungaling ka! Kilala mo si Edna, binigyan mo pa siya ng pera noon para hindi ka niya guluhin. Ako ang sanggol na bitbit ni Edna noon–”
“Dad, tumawag na tayo ng pulis. Baka modus lamang ang sinasabi ng babaeng yan baka myembro yan ng s!ndikato!” Sabat naman ni Kristel.
Lumapit si Mr. Garcia sa babaeng nakatayo na ngayon at nakakaawa ang kalagayan.
“Babaeng bayaran ang nanay mo, gabi-gabi hindi lamang isang lalaki ang nakakasama niya Sa kama. Sa tingin mo madaling mabibilog mo ang ulo ko? Kahit pa tunay na anak kita binayaran ko na ang serbesyo sa akin ng nanay mo ng malaking halaga kaya umalis ka na dahil kapag nagalit ako hindi mo magugustuhan na bumalik ka pa dito para huthutan na naman ako.”
Pagkatapos sabihin yun ni Mr. Garcia ay sumakay na ito sa kanyang kotse.
“Let's go, Thaddy.” Hila sa akin ni Kristel kaya pumasok na rin kami sa kotse. Napatingin ako sa harapan ng sasakyan dahil nanatiling nakatayo doon ang babae at naawa ako sa kanyang kalagayan.
“Sorry but i just want to know kung bakit parang wala kang reaction sa sinabi ng dad mo sa babaeng yun?” usisa ko nang makalabas na kami sa parking lot.
“I know my dad, hindi na mahalaga sa kanya kung anak man niya o hindi ang babaeng yun. Matanda na siya para dagdagan ang problema namin. Alam mo naman ang pinagdadaanan ng kompanya namin, Thaddy. Kaya sana matulungan mo si Dad.”
Paki-usap niya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
“Okay.” Tugon ko sa kanya. Pero nasa isip ko pa din ang babae kanina. Kung totoo man na nag-aagaw buhay ang kanyang ina mas nakaka-awa siya kung hindi siya tutulungan ni Mr. Garcia.
Pagkatapos naming magdinner ni Kristel ay umalis na din kami.
“Ayoko munang umuwi, na-stress ako sa babaeng yun. Puwede ba uminom muna tayo kahit sandali? Okay lang naman malate ako ng uwi binibiro ka lang ni dad kanina.” Nakangiting sabi niya sa akin. May paghimas pa siya sa braso ko.
“May morning meeting kasi ako bukas ng maaga, kaya kailangan ko na din magpahinga.” Sagot ko sa kanya. Itinigil ko ang kotse dahil nag-red ang traffic lights. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang kamay sa aking tiyan pababa sa aking hita.
“What are you doing? Stop this, Kristel.” Saway ko sa kanya. Inalis ko ang kamay niya ngunit binalik niya ulit sa aking braso.
“Thaddy, gusto kita…alam kong gusto mo din ako. Okay lang sa akin kahit mauna muna ang S*x bago ang kasal–”
“What?!”
Binitawan niya ako at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
“Thaddy, almost three months na tayong nagdedate wala naman atang masama kung gawin na natin yun. Pareho naman tayong single–”
“Please Kristel,” Napahilot ako sa sintindo ko dahil ayoko nang marinig pa ang lahat ng sasabihin pa niya.
“Bakit? Ayaw mo ba sa akin? Hindi ka naman siguro bakla diba? Actually, nagdududa na nga ako sayo eh. Kahit man lang kiss hindi natin ginagawa marami tayong time pero kapag nag-uusap tayo puro business lamang. Hindi pa puwedeng pag-usapan naman natin yung relasyon natin?”
“Oh common Kristel, wala tayong relasyon kaya bakit tayo maghah@likan?”
“Yun na nga eh! Kasi hindi po pa rin ako tinatanong kung gusto mo ba akong maging girlfriend! Gusto kita Thadeus, Gustong-gusto kita! Ako ba? Gusto mo rin ba ako?”
“I-I'm sorry Kristel…but i don't have romantic feelings for you.”
Lumagapak ang palad niya sa aking pisngi. Pagkatapos ay bumaba siya ng kotse. Hahabulin ko pa sana siya pero nakita kong nakasakay na agad siya sa taxi. Napabuntong hininga ako at nagdrive na lamang pauwi. Nabigla ako sa naging pagtatalo namin ni Kristel. Hindi ko dapat sinabi ang lahat ng yun.
Pabalik na ako sa condo ko nang mapatingin ako sa jeep na katapat ko sa kalsada. Namukhaan ko ang babaeng nakasilip sa bintana at blanko ang mukha. Sa tingin ko totoo ang sinasabi niya dahil may hawig sila ni Mr. Garcia at maganda rin siya. Pero…saan naman kaya ang tungo niya?
Namalayan ko na lamang na sinusundan ko na pala ang sinasakyan niyang jeep. Kung tama ako sa pagkakarinig. Basha ang kanyang pangalan. Tumigil ang jeep at bumaba siya sa tapat ng isang casino. Itinabi ko ang aking sasakyan at parang walang buhay siyang naglakad papunta sa gate nito. Hangang sa may babae na tumatakbo at lumapit sa kanya. Mahigpit niya itong niyakap.
Sino kaya ang babaeng yun? Kaano-ano niya kaya ang babaeng nagtatrabaho sa Casino? Panay iyak ng babae at panay din ang hagod nito sa kanyang likuran. Hangang sa may inabot sa kanya at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob. Samantala nag-abang naman ng masasakyan ang babae at sumakay ito ng tricycle.
Susundan ko pa sana siya nang tumunog ang phone ko.
“Hello?”
“How's your date with Kristel?” Usisa ni Diego.
“I don't think gusto pa niya akong makita muli pagkatapos niya akong s@mpalin.”
“What? Why? Ano ba ginawa mo? Pinuwersa mo ba?”
“I told her na hindi ko siya gusto.”
“Ano? Nasisiraan ka na ba? Paano kapag nalaman ng lolo mo? Sigurado ako ihahanap ka na naman niya ng ibang ireretong babae.”
Napasinghap ako sa naging reaction ni Diego, ayoko mang isipin pero parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari.
“Gusto niyang magt@lik kami sa kotse anong gusto mong gawin ko?” Disappointed kong sabi sa kanya.
“Love, kung mabibigyan ka niya ng anak diba mas okay yun? Tapos magpakasal kayo, kapag wala na ang lolo mo. Puwede mo na siyang hiwalayan tapos magpakasal tayo sa abroad at doon na tayo manirahan. Huwag mo na lamang isipin na babae ang ka-s*x mo–”
“Please stop it Diego! Sa haplos pa lamang ng babaeng yun kinikilabutan na ako tapos gusto mong pakasalan ko pa siya?” Inis kong putol sa sasabihin niya.
“Sige, para matapos na ang problema ako na ang bahala.” Wika niya sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Ako na ang bahalang humanap ng babae para sayo. Yung madaling bayaran at palayasin sa buhay mo. Pero kapag tinangihan mo pa ulit. Pupunta tayong dalawa sa lolo mo at aaminin natin ang relasyon nating dalawa. Pumili ka? Anak at mana o yang kaartehan mo?”
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
“Okay payag na ako.” Tugon ko para matapos na ang problema ko. Gusto ko lamang mabawi ko kay Lolo ang kompanya dahil simula nang mamatay si Dad ay inalisan na niya ako ng karapatang mamahala. At isa lang ang gusto niyang kundisyon. Ang mag-asawa ako at magkaroon ng anak.