'Di na ikaw Hindi natapos ang pangungulit ni Eustace sa akin mula nang araw ding nagkita kami sa terminal ng jeep. Hindi ko alam pero hanggang sa ospital na pinapasukan ko ay natunton niya. Ewan ko nalang kung pati ang paninirahan ko pagsamantala sa puder ni Yulo ay napag alaman na din niya. Wala na din naman akong pake. Malaman man nila o hindi wala na akong kinatatakutan. Tutal alam na din naman ni Ada. At ano pang rason para itago ito sakanila? Araw araw ay nakaabang siya sa labas ng ospital at inaantabayanan ang uwian ko. Pati ang iba't ibang shift ko ay nalaman niya. He's some kind of a stalker and it creeps me out. Hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa niya lalo pa ngayon at nagiging mas malalim ang pagtitinginan namin ni Yulo. "Hey!" Sigaw niya habang lakad takbo akong sinu