His secret girlfriend Ilang buwan pa ang nakalipas ay naging maayos naman ang takbo ng pakikitungo namin sa isat isa ni Yulo. We are civil to each other although hindi talaga maiiwasan ang palagian naming bangayan. Hindi na nga ata makukumpleto ang bawat araw namin ng hindi nagtatalo. Kung minsan nga ay siya nalang itong unang nakikipagbati kahit na ako naman itong laging nauuna. Minsan inaya niya ako sa isang party, akalain ko bang ipapakilala niya akong girlfriend maiwasan lang ang mga haliparot niyang flings at ex girlfriends? At hindi lang iyon-- hinalikan pa niya ako sa harap ng maraming tao. After that party naligo siya ng mura sa akin. Pinagsasapak ko siya at iniwang nakanganga. I was really mad that time. Ginawa niya akong newsflash sa isang buong linggo. Sumikat ako sa internet