Sleep next to me "Dahan dahan" mahinang sambit ni Yulo habang inaalalayan ako sa pagtawid mula sa sanga ng puno patungo sa bintana ng kwarto niya. Mabuti na lamang at nakatugon ito sa mismong paraphet ng bintana kung kaya't di ako nahirapang lagtawin ang pagitan nito. Nang mapagtagumpayan ko ang pagbaba ay sumunod ng tumalon si Yulo. Hindi ko na mapigilan ang pagngisi na sinundan ng mahinang pagtawa ni Yulo. Nagkatinginan kami at napahagikgik na rin ako. "That was.. hilarious!" Tumawa ulit ako ng malakas. "Sssshh.. wag kang maingay marinig nila tayo" bulong ni Yulo na nagpipigil ng tawa. "Eh kasi.. para tayong tanga kanina! Can you imagine that?" Bumunghalit ulit kami ng tawa. Hanggang sa nagtagpo ang aming mga mata at bigla nalamang humupa ang tawanan namin. He cleared his throa