Chapter 3

1619 Words
Yulo "Saan kayo galing?" Mahina ngunit may diin ang bawat kataga na pinakawalan ni Yulo sa akin. Pakiramdam ko ay nagtatahip ang aking dibdib sa talim ng mga titig niya. Pilit kong tinatagan ang loob ko at pinatigas ang ekspresyon sa mukha ko. I faced him with a cold look. "That is not your concern anymore" malamig kong sagot. Napansin kong naikuyom niya ang mga palad niya sa kanyang mga hita. He gritted through his teeth and glared at me "Fray! You dont know what you're risking out! Hindi ka ba natatakot?" He hissed I clenched my jaw "bakit ka ba nakikialam?" Gusto kong manggigil sa pinaghalong inis at galit sa pangingialam ng taong katabi ko ngayon. "Dahil alam kong mali!" Singhal niya. Magkatabi kasi kami sa pinakalikod na banda ng coaster, at malamang na ang iba sakanila ay hindi naman nakikinig sa usapan namin dahil tulog na tulog na ang mga ito. "yulo bakit ba? Kung ano man ang gawin ko, wala ka ng pakialam! Saka bakit ba ang dumi ng utak mo? Nag usap lang kami!" I muttered. Talagang mauubos na ang pasensiya ako sa pangingialam niya. kung bakit naman kasi nagpatangay ako sa Eustace na iyon kanina. Hindi ko naman kagustuhan na sumama sakanya. I feel guilty. I feel Guilty a lot about everything I had done to my Best friend. But she doesn't have to know--ako nalang ang lalayo. Kahit na masakit. All this time ay nagpanggap ako sa harap ng maraming tao. I deceived all of them.. I made lies.. But those were just white lies to protect my bestfriend. At kahit kailan hindi nila ako maiintindihan. Itong taong katabi ko lang na ito, of all people ang nakakaalam kung ano ang totoo sa pagitan namin ng boyfriend ng bestfriend ko. "May pakialam ako Fray, dahil kaibigan ko rin iyong taong linoloko ninyo! Dahil alam kong mas masasaktan ka kapag nalaman niya ang lahat! Kaya tigilan niyo na!" Mahina ngunit nakakatakot na singhal niya, hindi parin nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya, na tila ba may tigreng nagkukubli sa likod ng pagkatao na iyon sa sobrang bagsik nitong makatingin. "Please Yulo. Leave us alone. Wala kaming masamang ginagawa. I'm just protecting my bestfriend" nagbaba ako ng tingin. At pilit na kinakalma ang aking pakiramdam. "No. I cant just stand here and watch the two of you pulling a deadly stunt to hurt other people!" "M-mahal k-o siya" i stuttered Bumuntong hininga ulit ito. "Hindi ka niya mahal. Wala siyang alam sa salitang pagmamahal. Hahayaan mo ba na mapaglaruan niya kayong dalawa?" "Pero nauna naman ako" "Nauna ka man o hindi mali parin iyang ginagawa ninyo. Nagpapanggap kang concern sa kaibigan mo at innosente sa harap niya, well in fact--nakuha ka na ng boy---" Hindi na siya nakatapos ng dumampi sa kanya ang palad ko. Napangiwi siya sa sakit, Alam kong malakas ang ibinigay kong sampal sakanya--nasaktan ako dahil mas masakit pa sa pamimisikal na pananakit ang mga salitang binitawan niya sa akin. He does not even know anything about how I feel. No one dared to ask how I really feel. it was always me Fray--a shadow of my bestfriend, and invisible to others. they will only notice me if I did something wrong. they will just look at my flaws but not at me--the real me. for them it was always Ada-maganda, mabait, vulnerabe, bubbly and all. Iyon ang dahilan kung bakit pilit akong nagkukubli sa pagkatao kong puno ng kasinungalingan. No one will ever give me the benefit of the doubt. People are too judgmental, kasama na si Yulo sa mga taong iyon --na inakala kong makakaintindi sa akin. Pero hindi rin pala.My tears rolled down my cheeks voluntarily. I can feel the searing pain that pangs beneath my chest. "Tot! Ano bang nangyayari? Why did you slapped him?" Hindi ko napansin na nakadalo na pala ang barkada sa amin. Ada was staring at us with a questioning look on her face. Agad kong pinahid ang mga luhang kumawala sa pisngi ko at bumaling sakanya. "W-wala. We were just--" "Having a lover's quarrel. Selosa kasi itong si Fray" putol ni Yulo, na nakangisi na habang hawak hawak ang pisnging dinapuan ko ng kamay. Nanlalaki ang mga mata kong binalingan siya kasabay ng pag "ayiiiiiee" ng iba sa mga kaibigan namin. Nakangisi naman si Ada sa akin, at bumaling kay Yulo "LQ? Hoy! Liniligawan mo bestfriend ko?" Sita niya dito, pero hindi maitago ang tuwa sa mga labi niya. Hindi parin ako makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. Ibinaling ko ang tingin ko kay Eustace na ngayon ay madilim na ang mukhang nakatitig sa akin, pakiramadam ko ay huhulasan na ako ng dugo. I bit my lower lip and looked away. "Kami na. She's MINE. Kaya kung sino man ang magtangkang lumapit sa GIRLFRIEND KO. Better back off o manghihiram kayo ng mukha sa aso" aroganteng pamamalita ni Yulo na ang mga mata ay nakatuon kay Eustace. They are both glowering at each other, na para bang nagmumurahan na sa klase ng pagtititigan. I'm already close to damnation. Gusto kong magmura at sabunutan ang lalaking katabi ngayon kundi lang dahil sa mga matang nakatingin sa amin ngayon. I want to kill him right now. Right here. Shit! Napapitlag ako ng bigla nalang akong akbayan ng bwisit na si Yulo. "Mahal ko.. Kiss mo na iyong cheek ko, ang tigre mong magalit" malambing niyang turan, habang ako ay hindi parin makapagsalita sa bilis ng mga pangyayari. "Tot! Unfair ka! Bakt hindi mo sinasabing mag on na pala kayo nitong si Yulo! Kainis! At ikaw naman Yulong pangit! Ikaw ang unang naging boyfriend nitong si Fray!!! Bwisit ka hindi mo man lang ba siya niligawan?" Paninita ng kaibigan ko. "Ah eh.. Whirlwind romance---" Hindi na naituloy ni Yulo ang sasabihin niya ng may biglang tumikhim ng malakas "Lets go back to our own seats. Nakakaabala lang tayo sa ON GOING ROMANCE ng mga taong iyan" malamig at mapanganib na usal ni Eustace na ang mga tingin ay nakapukol sa mga braso ni Yulo na nakaakbay parin sa akin. Agad namang tumalima ang iba at nagsibalik na sa kanya kanyang mga upuan. Si Ada ay wala naring nagawa kundi sumunod sa boyfriend nito. Naiwan akong nakatanga habang ang sira ulong Lalaki sa tabi ko ay ngingisi ngisi pa. Agad ko namang tinanggal ang braso niya sa balikat ko tsaka ko siya tintigan ng masama. "What was that for!?" Paninita ko He just shrugged his shoulders and closed his eyes. Lalo akong nainis at pinaghahampas ang mga braso niya. "Impakto kang talaga!!! I hate you! I hate you!" Patuloy parin ang paghampas ko sa mga braso niya ng hulihin niya ang mga kamay ko. His eyes were already serious, staring at me darkly "one more, and im gonna take your mouth with mine until your lips get sore" banta nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at akma sana akong magsasalita ng may sumigaw sa harapan. "HINDI BA KAYO TITIGIL NA DALAWA! KE BAGO BAGO NIYO PALANG NAG AAWAY NA KAYO! KUNG GUSTO NIYO BUMABA KAYONG DALAWA NG COASTER AT SA GITNA KAYO NG DAAN MAG AWAY AT MAGLAMPUNGAN! MGA ISTORBO!" Galit na sigaw ni duero sa unahan, natahimik naman kaming dalawa at nagsukatan ng tingin. If staring could only kill.. Pareho na kaming bulagta sa sahig. "I meant it. From now on tatahimik ka na dahil hahalikan talaga kita" inis na binitawan niya ang mga kamay ko at tumingin nalang sa daan. Padabog akong humalukipkip at umiwas ng tingin sa kanya. Bwisit talaga. Ng hindi ako makatiis ay akma sana akong tatayo ng bgla niyang hawakan ang aking mga kamay. "Dito ka lang" mahina at mariin niyang sabi. Inirapan ko lang siya at iwinasiwas ang kanyang mga kamay na madiin na nakahawak sa palapulsuhan ko. Ngunt hindi ito nagpatinag, mas hinigpitan pa lalo nito ang pagkakadiin ng hawak sa kamay ko. "Nakakainis ka na talaga!" Singhal ko. "I will tell her your secret if you continue struggling. From now on ako na ang boyfriend mo. Hindi ka na pwedeng lapitan ni Eustace" he announces with his eyes murderousy glaring at me, as if he's putting me into a pedestal. "You cant just manipulate me like that! Hindi dahil may alam ka ay hahawakan mo na ako sa leeg!" Inis kong sambit He smirked "Im serious. Kung patuloy kang magmamatigas, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko sa bestfriend mo" asik niya. Bigla ay namutla ako. Paano nga kung malaman ni Ada ang lahat? I cant lose her. I cant lose both of them. Kahit mahal ko si Eustace, mahal ko rin si Ada, at kung malaman nya man ito, baka manganib ang buhay nya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko "you are blackmailing me Yulo" I hissed. "If that's what it takes" sagot nito ng walang gatol Ibinukas ko ang aking mga mata at pinandilatan siya "you dont have the right to interfere with us!!" "Well, I do now. Since I am the only person who's in knowledge of all these bullcrap, Im already involve. And from now on.. Im extinguishing your oblgation to your ex lover. EX. Means wala na dapat kayong ugnayan, dahil ako na ang papalit sa lugar niya" may diin niyang sabi. Nagulat ako. Ano bang ibig niyang sabihin? Oh s**t! "He's not my lover! Wala kaming relasyon!" I defended. He smirks "lokohin niyo na ang lahat. Wag ako. Alam ko ang lahat" Napaawang ang labi ko. How can he be so judgmental? Hindi ba pwedeng mahal ko lang iyong tao pero wala naman talagang namamagitan sa amin? Kahit kailan wala na talagang makakainitindi sa pinagdadaanan ko. I sighed. At hindi na muling nakipagtalo pa sakanya, sasakit lang ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD