A night with him Nakailang shot na ako ng tequila ngunit hindi pa ako tinatamaan, samantalang iyong kasama ko halos humalik na sa sahig sa pagkakadukdok. Napapangiwi nalamang ako sa itsura niya. Hindi pala siya sanay uminom saka siya mag-aaya sa lugar na katulad nang kinaroroonan namin ngayon. Kunsabagay mayabang lang naman talaga siya, at pinatunayan niya ngayon sa akin na puro hangin lang ang dala niya. We were inside a club near the seaport in Poro Point La Union tonight. Kanina nung inaya niya ako dito hindi na ako nag alinlangang sumama, kailangan ko ng outlet at ito ang alam kong paraan. "Huy.." Kinalabit ko siya sa tagiliran. Nag angat naman siya ng tingin na ang mga mata'y halos hindi na maimulat sa sobrang kalasingan. He smiled "ang gan..da mo pala e.." Napakunot ang noo ko at