Kabanata 17

2167 Words
Isang linggo narin simula nang maging professor ni Eva si Samuel. Mabait ito at maunawain kaya hindi maiwasang mahulog ang loob ng mga estudyante sa kanya. Kahit si Eva ay aminadong humahanga na sa maestro niya. Bihira lang kasi ang mga guwapong mayaman na mabait. "Nak, saan lakad mo? bihis na bihis ka, ah?" puna ng tatay ni Eva sa kanya. Nagkikilay si Eva sa bakuran nila. Madilim kasi sa loob ng bahay nia, kaya dinala niya ang basag na salamin sa labas para mapantay niya nang maayos ang kilay. "Magsisimba po, Itay," sagot naman ni Eva. Maayos na ang relasyon ni Eva at ng itay niya. Napatawad niya kasi ito. "Purbida, Eva! Kung kailan umalis na si Patre, saka ka naman nagpapaganda! Magsisimba ka lang pero puno ng kolorete iyang mukha mo. Kahit libutin mo ang buong lungsod wala ng mas hihigit pa sa yaman ng manliligaw mo na iyon. Malaking isda na sana, pinakawalan mo pa! Napakaarte mo kasi akala mo naman maganda ka!" Napairap na lang si Eva sa pagtatalak ng nanay niya. Hindi niya rin nga alam kung bakit ang energetic nito palagi. Gayong wala naman siyang iniinom na bitamina! magtataka siya kung maging mabait ito, siguro pagputi ng uwak! Nagmartsa si Eva papasok sa loob ng bahay nila at kaagad na kinuha ang maliit niyang sling bag na binigay pa ni Donya Isabel. ~~~~ Malalaki ang hakbang ni Eva papuntang kalsada at doon nag-abang ng tricycle patungong Makiling Cathedral. Pagkarating niya roon ay kaagad na kumaway si Sir Samuel sa kanya na naghihintay sa bukana ng simbahan. Hindi mapantayan ang malaking ngiti na sumilay sa kanyang labi habang papalapit si Eva sa kanya. "You're so beautiful. Bagay na bagay sa iyo ang bestida mo," sabi ni Samuel at pinasadahan niya ng tingin si Eva. Hind naman mawala-wala ang ngiti ni Eva at napapakagat-labi pa dahil talaga namang kinilig siya. "Let's go. The mass will start in five minutes." Kagat-labi pa rin si Eva nang hinawakan ni Samuel ang kamay niya at hinila papasok. Sunod-sunod ang paglunok ni Eva nang malapit na silang makapasok sa simbahan. "Sandali," wika ni Eva nang malapit na sila sa pinto kaya napalingon si Samuel sa kanya. "Why?" tanong naman ni Samuel. "Hindi ko yata kayang pumasok diyan, baka hindi magkasya ang sungay ko," pilyang sabi ni Eva. Saglit na napanganga si Samuel pero kalaunan ay napahagalpak na ng tawa. Naagaw nila ang atensyon ng mga taong pumapasok at lahat ng tingin nila ay nasa kay Samuel. Bakas ang mga paghanga sa mga mata nila pero si Samuel ay tila walang pakialam na pinagtitinginan siya ng mga tao. "Bahala na si batman," ani Eva at hinawakan ang kamay ni Samuel papasok. Ginaya ni Eva ang ginawa ni Samuel na mag-sign of the cross. "Mabuti na lang at marunong ako kahit hindi ako palasimba. Si nanay kasi hindi rin iyon palasimba. Kaya ganoon na rin ako. Dati nga kapag may mga taga-ibang baryo na pumupunta sa bahay para magpalaganap daw ng salita ng Diyos ay hinahabol ni Inay ng walis tingting dahil istorbo lang daw sila sa trabaho niya, " sa isip ni Eva. "Don't worry, hangga't nandito ako palagi tayong magsisimba, hanggang sa mapamahal ka na sa simbahan at tanggapin ang Diyos ng buong-buo sa puso mo," wika ni Samuel. Napakurap si Eva nang marinig ang sinabi ni Samuel. Akala niya kasi sa isip niya kasi sa isip niya lang iyon nasabi. Napalakas pala. Panay ang hikab ni Eva habang nagsasalita ang pari. Kung mas boring ang subject na history ay mas malala pala ito para kay Eva. Bukod sa nakakainip na nakakaantok pa. Tumayo ang mga tao samantalang si Eva ay nanatiling nakaupo. Tiningnan niya si Samuel, nakapikit ito at kumibot-kibot ang bibig. Lahat din na kinakanta sa simbahan ay alam niya at nakikipagsabayan siya. Parang nahiya tuloy si Eva sa sarili niya. Kalalaking tao ni Samuel ay dinaig pa siya. Pakiramdam ni Eva ay hindi sila bagay. Anghel kasi si Samuel samantalang siya ay demonyo. Dap— Hindi na natapos ni Eva ang tinatalak ng isip niya nang hinalikan siya ni Samuel sa pisngi niya. "Peace be with you," wika ni Samuel sabay ngiti. Lumingon pa si Samuel sa kaliwa, kanan, likod at harap, yumuyuko sa mga tao. Hinawakan ni Eva ang pisngi kung saan siya hinalikan ni Samuel. Titili na sana siya nang may makita rin siyang nagsisimba na naghahalikan din ang mga ito sa pisngi. Sumalampak siya ulit ng upo at bumuntonghininga, samantalang si Samuel ay lumuhod pati na rin ang mga tao. "Akala ko ay may ibig sabihin ang halik na iyon. Normal lang pala iyon," dismayadong sabi ni Eva sa isipan niya. Natapos ang misa at nagpahuli sina Eva at Samuel dahil sa dami ng taong nagsisilabasan. "Ano ang pakiramdam mo? Anong natutunan mo sa sinabi ng pari?" tanong ni Samuel. "Wala akong naintindihan tsaka nagugutom ako," pagtatapat ni Eva. "Hindi bale, sa mga susunod na linggo mag-e-enjoy ka na sa pagsisimba," sagot ni Samuel na nakangit pa rin. Tumango si Eva sabay ngiwi. Sa totoo lang kasi ayaw niya talagang magsimba. Napasubo lang siya dahil kay Samuel. °°°°°° Hindi magkandaugaga sa pamimili si Eva. Kung p'wede lang lahat ng laman dito sa loob ng Gaizano Mall ay bibilhin niya. Apat na kariton ang nakapila at punong-puno ng laman. Lahat iyon ay pinakarton ni Samuel. Pagkatapos nila sa grocery store ay pumunta naman sila sa bilihan ng mga bag, damit, at sapatos. Ang balak lang kasi nila Eva kanina ay kakain lang. Ngunit mukhang good vibes sila ngayon ni tadhana dahil umulan nang malakas kanina. Nabasa ang doll shoes niya at nadulas sa paglalakad. Dahil iyon sa mantika na pinahid ni Eva sa doll shoes niya para sana kuminang. Kaya binilhan ni Samuel si Eva ng bagong sandal. Sinabi rin ni Samuel kay Eva na may shares daw sila sa mall na ito kaya libre lang siyang kumukuha kahit anong gusto niya. Hindi na nagpakipot pa si Eva. Kasi bawal tanggihan ang grasya, kaya halos lahat ng makita niya ay kinukuha niya at wala namang reklamo si Samuel. "Bagay ba?" baling ni Eva kay Samuel nang sinukat niya ang kulay maroon na dress. Litaw na litaw pa ang cleavage niya. "Masyado—" "Gusto ko ito, baby!" putol ni Eva sa sanang sasabihin ni Samuel. I-iling sana si Samuel pero umismid ang mukha ng dalaga hanggang sa sinang-ayunan na lamang ito ng binata dahil talagang masyadong lantad ang dibdib ni Eva sa bestidang napili nito. Napabuntonghininga na lang si Samuel habang nakapamulsa. "Alright, baby," tugon ni Samuel kaya lumapit pa si Eva sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Kinikilig ako!" malakas na tili ni Eva. "Sam?" Naputol ang tawanan nina Eva at Samuel dahil sa pamilyar na boses. "What are you doing here?" Boses ni Andrei iyon kaya napairap na lang si Eva. "Ano sa tingin mo?" supalpal ni Eva kay Andrei. "Hi, Eva," nakangiting bati sa kanya ni Catriona. "Oh? Hi, Catriona! Pinag-shopping lang ako ni baby Sam-Sam," pagmamalaki ni Eva na halatang nagpapainggit. "Baby Sam-Sam? ginawa mo namang bata si Samuel," maarteng sabi ni Catriona. "Ginyawa myu nyaman batya shi Sham!" Panggagaya ni sabay na inirapan niya si Catriona na halos hindi makapaniwala. "It's okay, Cath, it doesn't matter and besides it's awesome! Though it sounds corny but I like it," tugon ni Samuel kaya lumawak ang pagkakangiti ni Eva. Napaiwas naman ng tingin si Catriona na halatang napahiya. Akala niya siguro kakampihan siya ni baby Sam Sam ko, tsk, buti nga! "Ano naman ang ginagawa ninyo rito, Cat?" boring na tanong ni Eva. "Naglalambing kasi ako kay Andrei. Gusto kong manood ng sine. Pero nawalan ako ng gana, gusto ko nalang kumain," maarteng sagot ni Catriona at ikinawit pa ang kamay kay Andrei na ngayon ay blanko ang mukha. Nang magtama ang mga mata nina Eva at Andrei ay kaagad na dumapo ang mata nito sa dibdib ni Eva at biglang napatiim-bagang. "Oh, really? Kakain din kami. Gusto ninyong sumabay na lang kayo?" nakangising yaya ni Eva. Akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya, letse siya! "Sure," nakangiting sagot ni Catriona na halatang napipilitan lang. °°°°° "So, inampon ka ba ni Sam o nagpaamon ka? Mukhang marami kang pinamili. Sabagay, ganoon talaga kapag first time na mag-shopping. Lahat bibilhin hangga't may pagkakataon. That's good, Eva. Hindi naman magtatagal dito si Sam. Kaya habang nandito pa siya samantalahin mo na." Uminom muna ng tubig si Eva dahil talaga namang tinamaan siya sa sinabi ni Catriona. "Ampalaya ka ba?" taas-kilay na tanong ni Eva kay Catriona. Magkaharap silang apat ngayon sa isang restaurant at hinihintay ang mga in-order na pagkain. "W-What? W-Why?" naguguluhang tanong ni Catriona. "Ang bitter mo kasi," nakangising sagot ni Eva na ikinakunot ng noo ni Catriona. "Sa tingin mo? Ikaw lang dapat ang p'wedeng makaranas ng karangyaan dahil sa anak-mayaman ka? Bakit hindi mo na lang tanggapin na tapos na kayo ni Samuel? Tapos na ang masasayang araw ninyo." "Excuse me, here's your order." Namayani ang katahimikan at tanging tunog ng kubyertos ang maririnig sa kanilang apat hanggang sa binasag iyon ni Andrei. "Samuel, you know what you're doing is wrong. You are a professor and she is your student. When Dad finds out, he will be angry with you because you are ruining the good reputation of the university," litanya ni Andrei halatang gustong kampihan ang nobya niya. "I’m not doing anything wrong and we are out of school. Pero kapag nagalit si tito ay aalis ako. Pinagbigyan ko lang naman ang hiling ni Tito Jordan," sagot ni Samuel. Umiling lang si Andrei at nagpatuloy na sa pagkain. "Paano kayo nagkakakilala ni Sam, Eva?" baling na naman ni Catriona kay Eva at pinunasan ang bibig niya gamit ang table napkin. Hindi nagpatalo si Eva at kinuha rin ang table napkin niya at dinampi-dampi iyon sa bibig niya. Tumaas ang kilay ni Catriona kaya naman ay maarteng hinawi ni Eva ang ilang hibla ng buhok niya papuntang likod. "Mahabang kuwento, baka mainggit ka lang," tugon ni Eva na ikinairap lang ni Catriona. Naiinis talaga si Eva kasi akala niya mabait si Catriona pero ngayon lumalabas na ang totoo nitong ugali at mas mahaba pa ang sungay nito kaysa kay Eva. "Bakit naman ako maiinggit? May Andrei naman na ako at isa pa mas matagal ang pinagsamahan namin ni Sam kaysa sa inyo. Maliit pa lang kami kilala na namin ang isa't-isa kasi magkakaibigan ang mga magulang namin. Kaming tatlo, parehas kaming galing sa mayayamang angkan at matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit close kami sa isa't isa." Natigilan si Eva sa sinabing iyon ni Catriona. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig ngunit pilit niyang tinatagan ang sarili upang hindi siya magmukhang talunan kahit na wala naman talaga siyang sinabi. "Anak-mayaman ka nga pero wala ka naman sinabi sa gawaing bahay. Bakit marunong ka bang maglaba? Maglinis o mamalantsa? Magluto? Hindi, 'di iba? Kasi ang alam mo puro pasosyal lang! Tsaka, h'wag ka nang umasa sa sinasabi mong magkababata kayo ni Samuel kasi hanggang doon na lang iyon at hindi na muling maibabalik pa!" mahabang turan ni Eva. "Really? Paano ka nakasisigurong hanggang doon na lang iy—" "Kasi dumaan din ako riyan!" putol ni Eva sa sasabihin ni Catriona. "Dumaan kami riyan ni Senyorito Andrei, at bago kayo nagkakilala ako ang nauna!" madiing sabi ni Eva at nang mag-angat ng tingin si Andrei ay buong tapang itong sinalubong ni Eva. Mata sa mata! "Iyong akala ninyo kayo na sa isa't-isa! Iyong akala mo hindi na matatapos ang masasayang araw ninyo! Iyong mga pangako niya sa iyong ikaw lang ang mamahalin niya at pakakasalan balang araw?" sabi pa ni Eva at nakipagsukatan ng titig kay Andrei na nanatili rin ang tingin sa kanya. Tanggapin mo na lang na sadyang pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana!" mahabang litanya ni Eva at uminom ng tubig at walang anu-ano ay tumakbo siya palayo sa kanila saka dumiretso sa ladies room. Napasandal siya sa dingding dahil sobrang bigat pa rin ng dibdib niya. Inis niyang pinupunasan ang luha sa mga mata niya. Kaytagal niya nang gustong isumbat iyon kay Andrei. Akala niya maiibsan ang poot sa dibdib niya pero bakit tila mas lalong sumikip lang? Pilit niyang sinasabing tanggap niya na. Tanggap niys na pero hindi pa rin pala. Napakasakit pa rin. "Eva." Bigla nawindang si Eva sa tinig na iyon kasabay ng paghapit sa beywang niya at sinandal siya malapit sa salamin. "Andrei." Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla-biglang hinalikan ni Andrei si Eva. "Princess..." Bigla nanlumbay si Eva sa binigkas ni Andrei. Kaytagal... Kaytagal na panahon niyang hindi narinig ang salitang iyon. Sa mga oras na ito pakiramdam niya bumalik ang kanilang kahapon. Nagsituluan na ang mga luha ni Eva nang maramdaman niya rin ang luha ni Andrei na pumatak sa pisngi niya. Ngunit umiling-iling si Eva—hudyat ng pagsuko. Tapos na ang kahapon Andrie, at gusto na kitang kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD