Kabanata 18

2172 Words
Hapon na nang makabalik sila sa bahay. Gulat na gulat ang nanay ni Eva nang makitang kasama nito si Andrei. Tinakas kasi ni Andrei si Eva sa restaurant at hindi na rin nakapagpaalam si Eva kay Samuel. Kaagad nagpaalam si Andrei sa nanay at tatay ni Eva. Panay ang talak ng nanay ni Eva at nakakarindi na ang mala-armalite nitong bunganga. Kaya mabilis siyang lumabas ng bahay at naghanap ng bao na gagawin niyang uling dahil mamalantsa siya ng uniporme. Kumuha siya ng dahon ng saging at doon niya nilagay ang plantsa. Ngunit hindi pa siya nagsisimula nang sumigaw na naman ang nanay niya. "Evangilyn! May bisita ka!" sigaw ng nanay ni Eva na akalain mong nasa kabilang bundok si Eva samantalang nasa likod ng bahay lang siya. "Sino na naman, namamalantsa ako!" sigaw pabalik ni Eva. Ayaw niyang nadidisturbo kapag may ginagawa siya. "Inay naman matutupok iyong uling!" "Gwapo, anak!" sagot ulit ng nanay ni Eva na pasigaw pa rin. Kaya naman ay namilog kaagad ang mata ni Eva. "Gwapo raw?" tanong ni Eva sa sarili at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila. Kaagad namang sumilay ang matamis na ngiti ni Eva nang makita kung sino ang bumisita sa kanya. Si Samuel. "Vangie," tawag ni Samuel kay Eva kaya napangiwi si Eva habang ang nanay niya naman ay walang katumbas ang kasiyahan sa mukha. "Ang sweet naman ninyo, hijo. Binigyan mo pa ng palayaw itong anak ko." "Inay, professor ko siya!" sabi ni Eva dahil wala na namang preno ang bibig nito. "It's okay, Vangie. Wala naman tayo sa school at kaibigan kita sa labas." "Ay? Kaibigan lang pala," mapanuyang bulong ng nanay ni Eva sabay irap sa kanya. "Hijo, ipasok mo muna ang mga gamit mo dahil makulimlim ang kalangitan at baka umulan," sabi naman ng tatay ni Eva na siyang nagpatigil sa pag-uusap ng tatlo. Mabilis namang sinunod ni Samuel at tinulungan pa siya ng nanay ni Eva. "Para po ito lahat kay Vangie, ma'am. Kaunting regalo ko po dahil sinamahan niya akong magsimba kanina bagong salta lang po kasi ako rito," sabi ni Samuel na may paggalang. "H'wag mo na akong tawaging ma'am, hijo. Tita na lang… taga saan ka pala? saan ka dati nakatira?" usisa ng nanay ni Eva. "Sa Manila po. Matalik na magkaibigan ang papa ko at si Tito Jordan. Magkososyo sila sa negosyo na bagong pinapatayo nila ngayon. Kaya pansamantala ako muna ang mamahala sa parte ng papa ko kaya nag-sideline na rin po ako sa university para na rin makatulong kay Tito," mahabang litanya ni Samuel. Tumango-tango lang ang nanay ni Eva. "Ito pa po, maliit na tulong ko lang po ito para sa pang-tuition ni Vangie." "Naku, Samuel huwag na tsaka wala naman akong—" "Ay! Maraming-maraming salamat, hijo," putol ng nanay ni Eva sa sanang sasabihin niya at inakbayan pa siya nito. Lihim siyang kinurot sa tagiliran ni Aling Giday kaya lihim rin napadaing si Eva. "Bawal tanggihan ang grasya!” mariin nitong bulong kay Eva. “Malaking tulong ito, hijo. Napakabait mo naman nawa’y pagpalain ka pa ng Diyos." Malawak na ngiting sumisilay sa labi ng nanay ni Eva at parang may mga bituin sa mata nito na kumikislap-kislap pa. "Maraming salamat din po. Pagpalain din po kayo at sana po makasama ko palagi ang anak ninyo sa pagsimba," wika ni Samuel. "Pordios santo hijo, walang problema roon. Mabait na bata itong anak ko at palasimba pa. Madalas ko nga siyang tinuturuan mag-rosaryo sa gabi." "Inay, hayaan na po muna ninyo kaming makapag-usap ni Samuel," sabi ni Eva sa nanay niya dahil gumagawa na ito ng kuwento. Pagdating talaga sa pera napakagaling ng nanay niya sa pagpapanggap, bigla-biglang nagiging santa. "Ay, mabuti pa nga, anak. Paano, hijo? Maiwan ko muna kayo at gagawa ako ng meryenda ninyo," magiliw pa rin na wika ng nanay ni Eva kaya napairap na lang si Eva sa kaplastikan ng nanay niya. "Bigla kang nawala kanina, Eva. Nag-alala ako sa iyo dahil hindi ka na bumalik," saad ni Samuel nang sila na lang dalawa ni Eva sa bakuran nila. "Pasensya ka na Samuel kung hindi ako nakapag-paalam saiyo dahil bigla kasing sumakit ang ulo ko kanina kaya dumiretso na ako ng uwi pagkagaling ko sa banyo," pagpapalusot ni Eva at ginaya niyang umupo si Samuel sa bangko na pahaba. "Berting bumili ka nga ng mantika at gagawa ako ng maruya," sigaw na naman ng nanay ni Eva mula sa kusina nila kaya natigil ang pag-uusap nina Eva at Samuel dahil sa napakalakas na boses nito. "Giday naman, masakit nga iyong rayuma ko," reklamo naman ng tatay ni Eva. "Putang ina naman, Roberto! Kapag sigarilyo halos lumipad kang bumili. H'wag mo akong dramahan diyan sa kaartehan mo at baka tuluyan kang hindi makalakad!" "Sandali lang ah..." sabi ni Eva kay Samuel at iniwan ito saka pumasok sa loob. "Inay naman nakakahiya sa bisita. Iyang bibig ninyo talaga kahit kailan!" ngitngit ni Eva. "Putang ina kasi iyang tatay mo—" "Ako na nga ang bibibili! Nakakahiya kayo!" singhal ni Eva pero hinawakan siya ng nanay niya. "H'wag na, Eva. Atupagin mo iyong bisita mo at baka papakin ng lamok doon. Baka mawalan pa ng gana saiyo." "Inay nam—" "H'wag matigas ang ulo, Eva! Kapag nawala pa ang lalaki na iyan, pupulutin ka talaga sa kangkungan, tandaan mo iyan!" pagbabanta ng nanay ni Eva sa kanya at tinulak siya palabas ng kusina. Walang nagawa ang tatay ni Eva kung hindi ang paika-ikang naglakad palabas ng bakuran upang bumili ng mantika. "Are you sure he's okay?" pag-uusisa ni Samuel nang mapansin ang tatay ni Eva na hindi na maipinta ang mukha. "Oo, malayo sa bituka!" kibit-balikat na sagot ni Eva. °°°°° Maya-maya pa ay luto na ang maruya na hinanda ng nanay ni Eva at nagtimpla pa ito ng juice. Dinala niya muna ang pitsel ng juice kina Eva at Samuel habang hinihintay na maluto ang natitira pang saging "Bakit isang baso lang ito, Inay? dalawa po kami?" kunot-noong tanong ni Eva. "Wala naman kayong mga sakit kaya okay lang iyan para iwas hugasin," sagot naman ng nanay ni Eva sa kanya. Halata namang inaasar lang siya nito. "Your mom's right, Vangie. Para hindi ka na mahirapan sa paghugas," pagsasang-ayon naman ni Samuel at nagsalin na ito ng juice sa baso at tinungga. Lihim naman napangiti si Aling Giday kay Samuel saka sila iniwan sa labas. Sinundan ni Eva sa kusina ang nanay niya dahil naaamoy niya na ang maruya. Kukuha sana siya ng isa nang mabilis na tinapik ng nanay niya ang kamay niya. "Hindi ko iyan niluto para sa iyo, para kay Samuel iyan!" sabi pa nito kay Eva kaya halos malaglag ang panga ng dalaga. "May problema po ba?" Sabay napalingon ang mag-ina sa nagsalitang si Samuel. Hinawi nito ang kurtina kaya naabutan nitong nagbabangayan si Eva at ang nanay nito dahil lang sa maruya. "Ah, naku hijo, walang problema. Ito kasing anak ko hindi makapaghintay na dalhan ka ng maruya," pagsisinungaling na naman ng nanay ni Eva at biglang bumuluktot na parang tuta. Kaagad naman napawi ang pag-aalala ni Samuel na halatang naniwala sa rason ng nanay ni Eva. Dinala na ni Eva ang isang platong puno ng maruya sa bakuran nila kung saan sila naroroon ni Samuel kanina. "Hmm, masarap!" tango-tangong sabi ni Samuel kaya hindi na napigilan ni Eva ang sarilin kumuha ng isa at sinubo iyon kahit nakabantay ang nanay niyang masama ang tingin sa kaniya. Mabilis na lumipas ang oras at nagpaalam na si Samuel. Pinabaunan pa siya ng maruya ng nanay ni Eva. Ito na rin ang naghatid kay Samuel papalabas hanggang sa kalsada. Nakaupo si Eva at nakasandal sa bangkong gawa sa kawayan habang hinihintay ang pagbalik ng nanay niya. Malayo pa lang ay tanaw na ni Eva ang nanay niya na nakangiti. Naikot na lang ni Eva ang mga mata dahil alam niya na kung anong naglalaro sa utak nito. "Baka si Samuel na ang sagot sa kahirapan natin, anak!" Dismayadong napairap si Eva nang tama nga ang hinala niya. Ganito rin siya noon kay Peter. Halos ipagduldulan niya si Eva. Napabuga ng hangin si Eva at hindi pinansin ang nanay niyang mu-mukhang piso na naman halatang may pinaplano namang maghasik ng lagim. ~~~~ Naglalakad si Eva papasok sa eskwelahan habang naka-headset. "Vangie!" malakas na tawag ni Samuel kay Eva at hinawakan pa ang braso niya. "Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Eva dahil hingal na hingal si Samuel pero hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nitong taglay. "Kanina pa kita hinahabol. Tumakbo ako nang tumakbo. Hindi mo kasi ako naririnig, Vangie." Napangiwi na naman si Eva. "Sir Samuel, p'wede h'wag naman n’yo na akong tawaging Vangie. Ang baduy sa totoo lang,” pagtatapat ni Eva. "Fine and I'm sorry. Can I call you ahmm..." Napaiwas ng tingin si Samuel at napatingala sa taas at sunud-sunod ang ginawa nitong paglunok kaya hindi maiwasan ni Eva na titigan ang labi nitong natural na mapupula. Dagdagan pa ng paggalaw ng adams apple nito. "Baby..." Sabay na bigkas nina Eva at Samuel kaya sabay rin silang napatawa. Pero saglit lang iyon nang may malakas na bumusina sa likuran nila kaya sabay rin silang napatingin sa likuran nila—si Andrei. Mabilis na kinabig ni Samuel si Eva papunta sa kanya at doon lang napagtanto ni Eva na nakaharang pala sila sa daan. Hindi maalis-alis ni Eva ang tingin sa sasakyan ni Andrei hanggang sa lumagpas na iyon. Bukas ang bintana kaya tanaw ni Eva ang salubong na mga ang kilay ni Andrei kahit na nakasuot pa ito ng sunglass. Wala itong linggon-linggon kahit na binati ito ni Samuel. Pagdating ni Eva sa classroom ay tahimik ang lahat. Napansin din ni Eva na lahat ng bag ng mga kaklase niya ay nakatambak sa iisang sulok. Lahat ng cellphone ay nasa lamesa ni Andrei. "Good morning, sir," masayang bati ni Eva. Ito iyong kauna-unahang pagkakataon na binati niya si Andrei sa loob ng klase nito. Pero hindi sumagot si Andrei. Hindi rin ito nag-abalang sulyapan man lang si Eva. Nilagay ni Eva ang bag sa mga bag na nasa iisang sulok. "Your cellphone, Miss Cardenal!" galit na saad ni Andrei pero hindi nagpatinag si Eva. "Naiwan ko sa bahay, sir," pagsisinungaling ni Eva pero umigting lang ang panga ni Andrei. "You will give me your f*****g phone or I'll destroy it?" sigaw ulit ni Andrei at sinabayan pa ng pagsuntok nito sa sariling lamesa kaya ang ibang cellphone ay nasilaglagan sa sahig pero kahit isa sa mga kaklase ni Eva ay walang nag-atubiling lumapit upang kunin ang mga nalaglag na cellphone. "f**k, Eva! Ginagalit mo talaga ako?" sigaw ulit ni Andrei at napatayo pa ito kaya nagdikit-dikit ang mga kaklase niya na halatang nanginginig na sa takot. Ngunit sadiyang masaya ang araw ni Eva at ayaw niyang maglaho iyon. Tiningnan ni Eva si Misty na bakas ang takot sa mukha. Si Sandra na halos lumuwa ang matang nakakatutok kay Eva na para bang kakainin siya nito buhay. Pero dahil nasisiyahan si Eva na makita si Sandra na naiinis sa kanya ay mas lalo pa siyang ginanahan na inisin ito lalo. "Kinuha ni Sandra ang cellphone ko, sir. Nanonood kasi siya ng porn. Iyong cellphone niya kasi walang internet," taas-kilay na sabi ni Eva sabay ngisi kay Sandra. Pero mas lalo lang pala iyon naging kumplikado nang hinapit ni Andrei ang beywang ni Eva. Hindi kasi napansin ni Eva na nakalapit na pala si Andrei sa kanya. Kinapkap ni Andrei sa bulsa ng palda ni Eva ang cellphone niya pero hindi niya ito nahanap dahil inipit iyon ni Eva sa bra niya, sa pagitan ng kanyang dalawang dibdib. Nawindang naman ang mga kaklase ni Eva dahil sa naging ayos nila ni Andrei. Ang kamay ni Andrei ay nanatili sa likod ni Eva habang ang isang kamay niya naman ay nasa beywang ni Eva. "H'wag mo akong paglaruan. Kung hindi ay hahalikan kita rito," bulong ni Andrei sa punong-tainga ni Eva. Ngunit ikinangisi lang iyon ni Eva, "Sinong niloloko mo? Nasa harap tayo ng mga estudya—" Hindi na natapos si Eva sa sasabihin niya nang bigla nga siya nitong siilin ng halik. Namilog ang mga mata ni Eva at narinig niya ang pagsinghap ng mga kaklase niya. Kahit nga siya ay nagulantang din. Estudyante at professor naghahalikan sa harap ng klase. Sino ang hindi mawiwindang? Kinagat pa ni Andrei ang ibabang labi ni Eva at pinasok ang dila ito sa loob ng bibig niya kasabay nang paghapit pa nito sa beywang niya. Tinutulak na ni Eva si Andrei subalit masaydong matigas ang dibdib nito kaya hindi siya nagtagumpay. Nakakadala ang sarap ng halik nito kaya mahinang napadaing si Eva. Bago pa lumalim ang halikan nila ay binitiwan na siya ni Andrei. "I told you, don't play with me," hirap na samit ni Andrei sabay na pumaloob ang kamay niya sa ilalaim ng bra ni Eva at kinuha ang cellphone niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Eva ngunit agad niyang iwinaglit iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD