Kabanata 15

1626 Words
Tinatahak ni Eva ang daan papasok sa unibersidad habang mahina niyang sinisipa-sipa ang nayuping lata ng sardinas. Hindi niya kasi inakalang iiwan siya ni Peter nang gano'n-gano'n na lang. Umalis daw ito kaninang madaling araw pabalik ng Manila ayon kay Catriona. Napag-alaman din ni Eva na may gusto pala si Peter kay Catriona at ginamit lang siya nito para mapalapit ulit siya kay Catriona. Umupo si Eva sa upuan na semento at pinagmamasdan ang mga estudyanteng pumapasok sa campus. Sa bawat galaw ng mga estudyante ay makikita mo ang karangyaan ng mga ito. Magmula sa bag, sapatos, relos, at kahit sa kulay puting uniform ng mga ito, halatang alaga sa Ariel at downy dahil matingkad ang mga kulay. Samantalang ang kay Eva ay ni minsan hindi ito nakatikim ng powder na sabon o downy. Bareta lang sapat na kaya nag-aagaw ang itim at puti. Sa dami ng mga taong pumapasok ay ang tanging nakaagaw ng atensyon ni Eva ay ang dalawang pares na masakit sa mata. Si Catriona at Andrei. Maraming matang nakatingin sa dalawa at ang iba ay kinukuhanan ng picture si Catriona at hiyawan ng mga lalaking estudyante na karamihan ay galing sa Department ng Criminology at Engineering. Bigla namang kumunot ang noo ni Andrei at kinabig niya sa beywang ang nobya at pilit niyang tinatago ang mukha nito sa mga estudyante. Maya-maya pa'y pumasok na sila sa loob. ~~~ Pumatak ang alas otso y medya. Tumayo si Eva at naglakad-lakad. Hanggang sa napadpad siya sa malaking sa puno ng Acacia dito lang din sa loob ng campus. Umupo siya sa upuan na gawa sa kawayan at may lamesa ring gawa sa kawayan na may pinturang kulay blue. Nagtatayugan ang mga iba't ibang halaman sa paligid. Pakiramdam tuloy ni Eva ay nasa paraiso siya dahil sa masarap na pakiramdam ng hampas ng hangin at makikinang na mga bulaklak. Sumandal siya sa kawayan at mataman na pinagmamasdan ang dahon ng puno na sinasayaw-sayaw ng hangin. Kinuha niya ang cellphone sa bag at nilagay sa tainga ang headset. Sumasabay siya sa awit sa cellphone niya. Alipin ako, na umiibig sa iyo. Bakit 'di magawa na magtampo? Paano ba ito? 'Di ko kayang gawin. Ikaw ay aking limutin kahit sinasaktan? O bakit ba sadyang ikaw pa rin? Alam ng puso ko. Ikaw sa akin nagbabago? Ngunit ang damdamin kung bakit ba hindi niya maamin? Alipin ako, na umiibig sa iyo. Bakit laging ikaw pa rin sa puso ko? Alipin ako ng yakap mo't mga halik. "I am amazed." Napabalikwas si Eva nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa likod niya. Dahil sa sobrang pagkagulat ay nalaglag pa si Eva sa lupa at natapilok pa ang isa niyang paa. Kasabay no’n ay ang pagtunog ng cellphone niya na sumabay sa pagkahulog niya sa lupa kaya nakita niya ang pangalan ni Catriona sa screen. Siya ang tumatawag Bigla namang nilapitan ng lalaki si Eva at ang kaagad na nakita ni Eva ay ang kulay puti nitong rubber shoes na walang kadumi-dumi kahit katiting. "I'm sorry, miss. Nagulat kita," sabi ng lalake at halatang nag-aalala ito base sa tinig niya. Inakay nito si Eva hanggang sa makaupo ulit siya. Kunot ang noo ni Eva dahil sa masakit ang paa niya, "Punyemas ka naman kasi, nanggugulat ka naman!" "Damn! I'm sorry, I didn't mean it. I'm sorry, I really am," sunod-sunod na hinging paumanhin ng lalaki ngayon ay nakahawak na sa kamay ni Eva habang ang isang kamay ay nasa likod niya. Kaagad na nag-angat ng tingin si Eva para sana murahin ulit ang lalaki, pero kasabay nang ihip ng hangin ay ang pagbago rin ng mood ni Eva. "Okay lang. Ikaw po pala, Professor," mahinhin na sabi ni Eva at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang pagtili. Ang guwapo-guwapo kasi talaga ni Professor Samuel kahit nakakunot ang noo niya. Bakas pa rin ang perpekto nitong mukha lalo na ang kulay abo niyang mga mata. "Aray, Masakit pala. Masakit pala iyong paa ko!" pag-iinarte ni Eva para aluin siya ni Samuel na nangyari naman. "f**k! Don't move, hihilutin ko," wika ni Samuel at umupo sa tabi ni Eva. Tinanggal niya ang sapatos ni Eva kaya naman inangat pa ni Eva ang paa. Ngayon lang ulit napansin ni Eva na tumutunog pa rin ang cellphone niya kaya naman ay sinagot niya na iyon. Hindi kumikibo si Eva kahit naririnig niya ang boses ni Catriona dahil nakakonekta naman ito sa headset. "Aray..." impit na sabi ni Eva. "Masakit ba? Tiisin mo para—" "Titiisin ko po, Sir Samuel. Masakit naman talaga sa una pero habang tumatagal mas lalong sumasarap kaya idiin mo pa," mahinang sabi ni Eva. Hind naman kumibo si Samuel pero nakita ni Eva ang paglunok niya. "Where the hell are you, Miss Cardenal?" Tinig ni Andrei ang narinig ni Eva sa kabilang linya. Imbes na sagutin ay mas lalo lang nang-asar si Eva at ginalingan niya pa sa pag-arte. "Shit... m-masarap na, Samuel," malanding sabi ni Eva. "Hindi na ba masakit?" tanong naman ni Samuel na walang kaalam-alam sa mga pinaggagawa ni Eva. "Sobrang sarap!" sabi pa ni Eva at pinigilan ang matawa at itinuloy pa ang pag-arte, "Sige pa... malapit na. Pakiramdam ko nasa himpapawid ako kaya please, sige pa at diinan mo pa para ramdam na ramdam ko iyong sarap." Nang makuntento si Eva ay nagsalita ulit siya, "Ay, teka! Patayin ko lang itong cellphone ko, may tumatawag eh, disturbo lang sa atin." Umiwas naman ng tingin si Samuel at namumula ang dalawang pisngi. "Hayop ka, Eva! Ang bastos mo!" singhal ni Eva sa isipan,” Pero tao lang din ako may kalandian din sa katawan kaya hinayaan ko lang si Samuel na hawakan ang paa ko." "How are you feeling now?" tanong ni Samuel. "Feeling better," tugon naman ni Eva. Natatawa pa siya sa sarili niya dahil nagsasalita pa siya ng English na bihira lang mangyari. "You're funny, ang sarap mong kasama," saad ni Samuel at sumilay na naman ang kanyang pamatay na ngiti. "Mas masarap ka," prangkang sabi ni Eva at sinalubong ang tingin nito. Nawala ang ngiti ni Samuel at nakaawang ng bahagya ang kanyang bibig. Halatang nagulat sa sinabi ni Eva. "You're so funny, Miss Evangilyn Cardenal, right?" "Yes, sir. My name is Evangilyn Cardenal, Eva for short. But if you call me baby outside the school, sino ako para tumanggi, hindi ba?" sabi ni Eva sabay kindat. "f**k! You're so unbelievable!" sabi naman ni Samuel at tumawa nang tumawa. "Hind ako nagbibiro, baby, kaya halika na may klase pa tayo," banat pa ni Eva at inakay naman siya ni Samuel. Hindi naman pumalapag si Samule. Magkahawak-kamay silang papalabas ng garden. Pero binitiwan din ni Eva ang kamay nito nang makalabas na sila sa garden dahil baka may makakita sa kanila. ~~~ Malalawak ang mga ngiti nina Eva at Samuel sa isa't-isa nang pumasok sila sa second subject ni Eva na Math 2. Ngunit ang mga ngiti nila ay napawi nang sumalubong sa kanila ang sabog na kilay ni Andrei na palakad-lakad sa harap ni Catriona. Nakaupo naman si Catriona sa upuan at nang makita sila Eva ay bigla itong napatayo na bakas ang pagkairita sa mukha. "Saan kayo galing? Anong ginawa ninyo kanina? Anong ginawa mo kay Eva?" galit na tanong ni Andrei at bigla niyang kinwelyuhan si Samuel. Pinalo naman ni Eva ang braso ni Andrei at pilit na inaalis ang kamay ni Andrei kay Samuel. Galit namang binitiwan ni Andrei si Samuel na tanging pagngisi lang ang sinukli kay Andrei. "And you, Miss Cardenal. Bakit hindi ka pumasok sa subject ko? Kailan ka pa natutong mag-cutting classes? H'wag mong sayangin ang pagpapaaral sa iyo ni Mama!" mahabang turan ni Andrei kaya sinalubong ni Eva ang tingin niya. "Na-late po ako, Sir," boring niyang sagot. "Bakit ka na-late? It's better late than absent, Miss Carde—" "Sam, anong ginagawa mo rito?" naputol ang pagbulyaw ni Andrei kay Eva dahil sa sumabat si Catriona sa usapan. "I am the new professor here and I saw Eva walking down the Acasia tree so I followed her, wanna know why I followed her?" nanghahamon na tanong ni Samuel. "Hinde na bale, wala naman akong pakialam!" maarteng sagot ni Catriona. "Sandali nga lang, magkakilala kayo?" sabat ni Eva dahil umigting sa tainga ng dalaga sa pagtawag ni Catriona kay Samuel ng Sam. "He’s my ex!" sabat ni Catriona at tinaasan pa ng kilay si Eva. "That's enough!" Si Andrei sa baritonong boses. "Your class starts now," dagdag pa ni Andrei at hinawakan ang nobya sa kamay saka sabay na lumabas. Tiningnan ni Eva si Samuel at biglang lumukot ang mukha nito kaya hindi maiwasan ni Eva ang mapanguso. Kung hindi dahil sa dalawang istorbo na iyon, hindi magbabago ang mood ni baby Sam Sam ko. ~~~~ Kanina pa nginangatngat ni Eva ang ulo ng ballpen niya habang nagdi-discuss si Samuel. Hindi siya interasado sa lesson nito dahil totoo lang ang bobo niya sa Math. Ang iniisip niya ay kung paano siya makakaupo sa unahan na hindi nagri-reklamo ang nakaupo roon. Kailangan niya itong kausapin na magpalit sila ng upuan. Syempre may plan b siya, kung hindi madadala sa maayos na usapan, eh 'di idaan sa dahas. "Class, I promise that you will learn a lot from me. I will teach you everything I know. So I want you to help yourselves learn as well. Right, Miss Cardenal?" Nabitiwan naman ni Eva ang ballpen niya at tumayo kaagad na parang kaharap ang isang commander. "Sir, yes, sir!" malakas na sabi ni Eva at sumaludo pa kay Samuel. Sumilay naman kaagad ang ngiti sa mga labi ni Samuel at tumalikod. Nakagat naman ni Eva ang ibabang labi. Umupo siya ulit at hinawakan pa ang dibdib niya. Baka kasi sumabog iyon dahil sa sobrang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD