Lunes ngayon at maaga na namang nagising si Eva. Medyo nakasanayan niya na ang routine niya tuwing umaga. May mga ilaw pa sa labas ng mansyon nang makarating siya. Gamit ang duplicate na susi ay nakapasok siya sa loob.
Kaagad siyang nagsaing sa rice cooker at nagbukas ng spam, hotdog, at itlog. Panaka-naka siyang humihigop ng kape habang hinahalo ang itlog nang bigla siyang nagulat. Nabitawan niya ang mug at naibuga niya pa ang kape sa bibig niya nang may yumakap sa kanya mula sa likod niya.
"s**t! I'm sorry. f**k! Don't move," wika ni Peter at natataranta itong nagsisigaw na pumasok ulit sa loob. Napapikit na lang ng mariin si Eva dahil makakabulabog panigurado si Peter ng mga natutulog pa!
Hinubad ni Eva ang suot na damit dahil natapunan ito ng kape banda sa dibdib. Napalingon siya sa mga boses na nangagaling sa sala at nakita niya si Andrei, Catriona, at Donya Isabel na nagmamadaling lumapit sa kanya.
Bigla binuhat ni Peter si Eva at pinaupo sa isang silya.
"Hija, ano ba ang nangyari at wala kang damit? Teka..." sabi ni Donya Isabel at nagmamadaling pumasok sa loob.
"Anong nangyari sa iyo, Eva?" tanong naman ni Catriona.
"Ano kasi... si Peter ginulat ako habang umiinim ako ng kape. Bigla niya akong niyakap sa likod kaya ayon at nabitiwan ko 'yong tasa... Aray! Mahapdi!" reklamo ni Eva nang binuhusan ni Peter ng maraming alcohol ang sugat niya sa paa dahil tumilapon doon ang ibang bubog.
"Tiisin mo lang. This is the best way to heal your wounds," sabi pa ni Peter.
"Hala, Eva? Totoo ba iyang boobs mo?" tanong naman ni Catriona.
"Oo—"
"Oh, my! Totoo nga! Nakakainggit ka naman. Sinalo mo na lahat!" tili ni Catriona at hinawak-hawakan ang dibdib ni Eva.
Biglang nagulat si Eva nang lumapit sa kanya si Andrei na kanina pa tahimik. Hinubad nito ang suot na damit at tinakip sa dibdib ni Eva na tanging bra lang ang nakatabon.
"Naku, Sir Andrei, h'wag na po. Salamat po pero nakakahiya po," sabi ni Eva at tinanggal ang damit ni Andrei na nilagay nito sa kanya. Inabot ni Eva pabalik kay Andrei ang damit nito pero hindi natuwa si Andrei, dahil umigting ang panga nito. Pero walang pakialam si Eva at binigay na lang ang damit ni Andrei kay Catriona
Kaagad namang hinubad ni Peter ang damit niya at itinakip iyon kay Eva. Kinuha naman iyon ni Eva at sinuot.
"Salamat, Peter," nakangiti sabi ni Eva.
"What happened here? Are you guys, okay?" Tinig iyon ni Don Jordan na nakasunod sa asawa nito.
"You f*****g kidding me, Dwayne?" You woke us up early for this nonsense matter! "dismayadong wika ni Andrei.
"Pasensya na po," hinging paumanhin ni Eva sa mga ito lalo na kay Don Jordan. Tumango lang ito at tinapik sa balikat ang anak niya saka tumalikod.
Maya-maya pa ay sinubukan ni Eva na tumayo dahil hind naman ganoon kalala ang natamo niyang sugat.
Si Peter ang nagpatuloy sa pagluluto. Hindi inakala ni Eva na marunong pala ito sa kusina. Lumapit si Eva kay Peter at niyakap siya mula sa likod habang nagpiprito ng spam.
"You're so sweet, babe!"
Napangiti na lang si Eva sa likod ni Peter. Sobrang naantig ang puso niya dahil sa kabutihan nitong pinakita sa kanya sa nakalipas na mga araw. Dahil kahit mayaman ito ay hindi naman ito mapangmata.
"f**k! I might be late today! I've been waiting for food and until now it's not cook yet! Because you're doing something else! You're the one being paid here, Eva! Why you let others to do what you should be doing?" Malakas na naman na singhal ni Andrei na siyang nagpapitlag kay Eva. Kaagad na lumayo si Eva kay Peter.
"Pasensya na po, Sir Andrei. Maaga pa naman po, alas singko pa lang po."
"Do not apologize to him, Eva. It's not your fault, it's mine and I'm responsible—"
"Would you guys shut up! Kanina pa kayo nagbabangayan! Ang sakit ninyo sa tainga!" sigaw ni Don Jordan. "Peter, I think you need to go home."
"Pero, baby. H'wag mo naman paalisin si Peter. Kadarating niya lang," paanunuyo ni Donya Isabel sa asawa nito na ngayon ay nasa kusina na rin.
"Baby, he has his own house! Hindi p'wedeng nandito siya kung lagi lang naman silang mag-aaway dahil kay Eva. Kahit mga binata na sila ay parang mga isip-bata pa rin," mahabang turan ng don kaya napakagat-labi na lang si Donya Isabel at sumunod sa sala.
Hindi na nakakibo si Eva at naglagay na lang ng pinggan sa mesa kasi nagi-guilty siya. Pakiramdam niya siya ang nakasira sa magandang samahan nina Andrei at Peter.
ISANG linggo nang nanliligaw si Peter kay Eva at nagpaalam na rin ito sa nanay niya kung p'wede ba siyang ligawan. Walang naging problema sa nanay ni Eva, bagkus ay natuwa pa ito.
Napag-alaman din ni Eva na magkasosyo pala ang tatay ni Peter at si Don Jordan sa negosyo. Magkasingedad lang sina Andrei at Peter. Katulad ni Andrei ay nakatapos na rin si Peter sa pag-aaral.
"Good morning, Eva!" nakangiting bati ni Carlo kay Eva.
"Good morning din."
"Eva, para sa iyo pala," sabi ni Carlo at binigay kay Eva ang isang rosas na parang bagong pitas pa.
"Carlo, ano kasi. Ayaw kasi kitang paasahin. Ano kasi—"
"Okay lang, Eva. Ang totoo niyan, next semester ay lilipat na ako ng school, sa Manila."
"Hah? B-bakit, ayaw mo ba rito?" tanong ni Eva at hinarap si Carlo.
"Hindi ko nga rin alam, eh. Bakit marami akong bagsak na subject, nag-aaral naman ako nang mabuti. Kaya nang nakita ni Mommy 'yong grades ko ay nagdesisyon siyang ilipat ako sa Manila. Kaya Eva, gusto sana kitang makasama ngayon. Ililibre kita sa canteen. Halika!"
Nagpatianod na lang si Eva at tumambay muna sila sa canteen, habang kumakain ng fries— ang huli nilang in-order.
"Ikaw, Eva? Anong plano mo pagkatapos mong mag-aral? Hanggang dito ka na lang ba? I mean, ayaw mo bang makipagsapalaran sa Manila? Mas maganda ang buhay ro'n at mas maraming oportunidad para sa mga kagaya mo."
"Hindi ko alam. Ayaw kasi ni Nanay roon. Hinde ko rin siya p'wedeng iwan. Kami na nga lang dalawa ang magkasama, magkakalayo pa kami," sagot naman ni Eva at tumango-tango lang naman ito.
~~~~
NAGKAHIWALAY na sila ni Carlo dahil sa iisang subject lang naman sila magkaklase. Pumasok na si Eva sa second subject niya kay Andrei.
Pagkarating ni Eva sa klase niya ay dire-diretso lang siyang pumasok na parang hindi nakita si Andrei.
May limang minuto pa naman bago mag-start ang klase kaya nakipagkwentuhan muna si Eva kay Misty.
Umupo si Misty sa tabi ni Eva at kinalikot ang cellphone ni Eva. Gumawa si Misty ng f*******: account ni Eva pero walang picture.
Maya-maya pa ay siniko ni Misty si Eva at humahagikhik pa habang nakatuon pa rin sa cellphone ni Eva.
Namilog ang mga mata ni Eva nang mapagtanto niya kung ano ang tinatawa-tawa ni Misty.
"Ano 'yan? Bakit may ganyan diyan? Hindi ko 'yan alam, ah?" mahinang tanong ni Eva.
"Hinanap ko lang sa Google," sagot naman ni Misty. "Pasensya na, Eva. Tatangalin ko na la—"
"Okay lang. Paano mo hinanap? Patingin ulit," sabi ni Eva at humagalpak naman ng tawa si Misty na siyang nakaagaw ng atensyon ng mga kaklase nilang naroon. Pati si Andrei ay nakatingin na sa kanila. Pero mabilis na naibaba ni Eva ang mga mata niya nang magtama ang mga paningin nila ni Andrei.
"Malibog ka rin pala!" Humalakhak na si Misty. "Balik na ako sa upuan ko."
"Ganito pala talaga iyon? Hala ang laki naman ng ari ng lalake? Paano kaya iyon nagkasya sa babae? Tapos ang ganda pa ng babae at ang gwapo naman ng lalake! Bakit kaya sila nagpapakuha ng litrato? Hindi ba sila nahihiya? At saka bakit walang dugo? Hindi na kaya birhen 'yong babae?" Kung ano-ano na lang ang naitatanong ni Eva sa sarili habang nanonood nang nagtatalik sa cellphone niya.
"Ay kabayo!" Napatili si Eva nang biglang may humalbot ng cellphone niya. Pag-angat ng tingin ni Eva ay mukha kaagad ni Andrei ang nakita niya.
"Patay!" tili rin ni Misty na nakakagat pa sa kanyang kuko.
"What is this, Miss Cardenal?"
Samantalang walang mahagilap na palusot si Eva. Kaya napakagat-labi na lang siya at sinalubong ang matatalim na tingin ni Andrei.
"A-ano... k-kasi..." Nauutal na si Eva at naghahanap ng p'wede niyang gawing rason. Pero wala pa rin siyang maayos na naiiisip.
"See you in my office after class."