Kabanata 9

1409 Words
Pinagpapawisan na si Eva habang maliliit ang mga ginagawang hakbang papunta sa office ni Andrei. Kinakabahan na siya nang sobra-sobra. Napabuga na siya ng hangin at atras-abante pa ang ginagawang paglalakad. Tutuloy ba siya o hindi? Pero baka kapag hindi siya tumuloy ay mas madagdagan pa ang galit ni Andrei sa kanya. "Ah, bahala na!" Lakas-loob siyang kumatok sa pinto ng office ni Andrei. Napapakagat-labi pa siya habang patuloy sa pagkatok. "Come in!" Napabuntonghininga muli si Eva at pumikit nang mariin bago pinihit ang seradura. "Good morning, Sir," nakayukong bati ni Eva nang makapasok na siya. Tumayo si Andrei at hawak niya ang cellphone ni Eva. Kinuha niya kasi ito nang nasa room pa sila. "Are you aware what kind of video you're watching, Miss Cardenal? Did you know it's not good for the students, don't you?" "Yes, Sir." "So, why are you watching it?" tanong pa ni Andrei habang nakapamulsa ang isang kamay. "A-ano... k-kasi..." Napakagat si Eva sa ibabang labi niya. Wala talaga siyang mahagilap na sasabihin. "A-ano... k-kasi, Sir,” kanina pa iniisip ni Eva kung paano sasabihin na si Misty ang may kagagawan niyon. Kaso naisip niya rin na kaibigan niya si Misty at isa pa siya ang may ari ng cellphone. "Stop biting your lips just answer, me!" Galit na sabi ni Andrei kaya mas lalo siyang kinakabahan. Gusto niya na lang magpakain sa lupa! "Kuan Sir, libangan!" pagrarason ni Eva at napakagat siyang muli sa kaniyang ibabang labi dahil sa walang kuwentang sinabi niya. "It's not a valid reason, Miss Cardenal! Why don't you read books and study hard instead of watching porn? You are a student of this known and respected university. As the President of this school, I will not allow anyone to disgrace it. This is your first warning, if you do it again, you'll be kicked out, understood?" "Yes, Sir." "Get out." Malamig na pagtataboy ni Andrei kay Eva. "Sir, 'yong cellphone..." sabi ni Eva sa mahinahon na tinig. "It's not yours. It's my girlfriend—." "P-pero, Sir. Binigay niya po iyan sa akin," giit ni Eva. "No. Pinahiram niya lang ito sa iyo. Bakit hindi ka na lang magpabili kay Peter, tutal mapera naman 'yon. Tiyak na hindi lang cellphone ang maipabibili mo sa kanya," nakangising sagot ni Andrei. Tumalikod na si Eva at pabalang niyang sinara ang pinto. "Ano ang akala niya sa akin? Mukhang pera? Manggagatso? Oo at girlfriend niya ang nagbigay niyong cellphone sa akin pero hindi naman yata magandang tingnan na kunin niya iyon sa akin. Napaka-immatured naman niya! Buwesit talaga siya." °°°° Hind pa rin maipinta ang mukha ni Eva nang pauwi na siya ng bahay nila kinahapunan. "Mano po, Inay." "Oh, Eva. Dito pala galing iyong guwapo mong manliligaw. Kailan mo ba iyon sasagutin?" bungad ng nanay ni Eva sa kanya. "Hindi ko alam, Inay." "Hoy, Eva. Baka naman umaasa ka pa kay Senyorito Andrei? Aba! Gumising ka, Evangilyn! Ikakasal na iyong tao. Bakit hindi lang iyong Patre ang sagutin mo?" "Peter, Inay!" pagtatama ni Eva. "Ay! Kasehudang Patre o Peter, basta ay mapera sunggaban mo na! Ang kasabihan ng mga matatanda, h'wag na h'wag mong tanggihan ang grasya kaya magbihis ka na dahil pupunta tayo ng mansyon." "Bakit? anong meron, Inay?" nagtatakang tanong ni Eva at napaharap siya bigla sa nanay niya. "Death anniversary daw noong nanay ni Don Jordan kaya kinumbida tayo ni Donya Isabel. Hindi tayo p'wedeng tumanggi kaya magbihis ka na at tutulong tayo sa paghahanda." ~~~ Kaunti lang ang tao. Walang ibang bisita kung hindi ang mga katrabaho lang ng donya at don, mga kasosyo sa negosyo at mga trabahante. Maraming mga pagkain kaya busog na busog si Eva. Nasa kusina lang siya naghuhugas ng mga pinggan. Kasama niya ang mga ibang tagasilbi na ngayon ay nagkanya-kanyang mga balot na dahil mag-a-alas diyes na ng gabi. Nagsiuwian na rin ang mga bisita. "Anak, matagal pa ba iyan? antok na ako, eh!" "Medyo, Inay. Maghuhugas pa ako ng mga pinaglutuan. Mauna ka na lang umuwi," sabi ni Eva. "Oh siya, sige. Ihahatid ka naman daw ni Patre." "Sige, Inay. Ingat po." Eksaktong alas onse na ng gabi nang matapos sina Eva sa pagliligpit. Pumunta siya sa loob ng mansyon dahil pauwi na siya. Sabi kasi ni Peter kay Eva ay ihahatid siya nito pauwi. Nalibot na ni Eva ang buong mansyon pero hindi niya nakita si Peter. "Baka umuwi na siya?" sabi ni Eva sa sarili habang nakanguso. Ang huli niyang pinuntahan ay ang veranda. Medyo madilim at tanging ang silaw na galing sa ilaw sa poste ang siyang naging liwanag niya. Bukas ang mga bintana pero nakasara ang mga kurtina kaya hindi gaanong maliwanag sa loob. May naaninag si Eva na bulto ng tao. Nakahilata sa kahoy na upuan na pahaba. "Peter," tawag ni Eva dahil alam niyang si Peter iyon. "Peter," tawag ulit ni Eva pero hindi pa rin ito sumasagot. "Peter." Niyugyog na ni Eva ang balikat ni Peter nang makalapit siya. "Tapos na akong maghugas Peter, uuwi na ako," mahinang sabi ni Eva habang tinatapik-tapik ang mukha ni Peter. Bigla siya nitong kinabig kaya napasubsob siya sa dibdib nito at sa isang iglap ay napailalim siya. Siya na ngayon ang nakahiga at nasa itaas niya na si Peter. "Pe—" Naputol ang sanang sasabihin ni Eva nang sinunggaban na siya nito ng halik. Nanatiling mulat ang mga mata ni Eva. Napapatanong tuloy siya sa kanyang sarili kung bakit siya nito hinahalikan. Nagsimulang kumibot ang labi nito. Kinagat ni Peter nang bahagya ang ibabang labi ni Eva at nang napanganga siya ay kaagad na pinasok ni Peter ang dila niya sa bibig ni Eva. "Hmm..." mahinang ungol ni Peter. Gustong itulak ni Eva si Peter dahil hindi pa naman sila magkarelasyon. Ngunit namamanhid ang buong katawan ni Eva. Naging marahas ang paraan ng paghalik ni Peter na halatang nanggigil. Ginalugad niya pa iyon at pakiramdam ni Eva ay namamaga na ang mga labi niya. Naglakbay ang halik ni Peter sa leeg ni Eva habang hinahaplos ang mga braso niya. Bumaba hanggang sa mga hita niya at bumalik sa taas— sa mga dibdib niya. "Ohh..." napahalinghing si Eva nang marahang nilamas ni Peter ang dibdib niya. Hindi nagtagal ay pumasok ang kamay ni Peter sa loob ng blusa ni Eva at minasahe ang mga iyon. Napakagat-labi si Eva dahil sa sensasyong nararamdaman niya ng mga sandaling ito. Nakakadala. Nakapanghihina. Nakakagigil. Hinawi ni Peter ang bra ni Eva pababa at bigla nitong sinunggaban ang dibdib niya. "Ahh, Peter..." ungol ni Eva at napasabunot siya sa buhok nito. Napadaing si Eva nang napahigpit ang hawak ni Peter sa isa niyang dibdib at sinipsip ang u***g ni Eva. Ilang sandali pa at iniwan ni Peter ang dibdib ni Eva at hinalikan siyang muli sa mga labi niya. "Hmm..." halinghing muli ni Eva. "I want a baby now." Napamulat bigla si Eva ng mata. "I want a baby, Cath. Please, I want a baby." Biglang pumatak ang butil ng luha galing sa mata ni Eva. Ang buong akala niya ay si Peter ang lalaking kahalikan. Pero si Andrei pala. Ang masakit pa roon ay napagkamalan siya nitong si Catriona. "I love you, babe..." Parang binuhasan si Eva nang malamig na tubig at hindi siya makagalaw kahit na patuloy ito sa paghalik sa kanya. "Andrei..." Mahinang bulong ni Eva at napakagat ito ng mariin sa ibabang labi dahil pinipigilan ang paghagolhol. Napabalikwas naman ng bangon si Andrei nang makilala niya ang boses ng dalaga. Napakurap si Eva nang maaninag na si Andrei nga ang lalake dahil sa tumama sa mukha nito ang silaw ng ilaw mula sa labas. "f**k! What are you doing here?" galit na sigaw ni Andrei kaya napabangon si Eva at inayos kaagad ang sarili. "Si P-peter—" Hindi natapos ni Eva ang sasabihin nang biglang kumirot ang puso niya dahil pinahid ni Andrei ang mga labi nito gamit ang kaniyang kamay Napasabunot pa si Andrei sa buhok niya at naihilamos ang dalawang palad sa mukha niya na para bang pinagsisihan niya ang nangyari.Na para bang isang malaking problema ang nagawa nito. Alam ni Eva na mali iyon sa sitwasyon nila dahil may karelasyon na si Andrei. Pero wala ng mas sasakit sa puso niya sa katotohanang pinandidirihan siya ni Andrei. Kahit na alam niyang mali ang ginawa nila kanina pero hindi niya pa rin maiwasan ang masaktan. Subrang mahal niya talaga si Catriona Mapait na napabulong si Eva sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD