HINDI maisip ni Eva kung paano siya nakauwi ng bahay dahil kanina pa lumilipad ang isipan niya. Iyong gumagalaw nga ang mga paa niya pero kung saan-saan napupunta ang mga iniisip niya.
Hindi na rin sila nakapanood ng sine kasi bigla na lang umalis si Eva sa restaurant na iyon. Nang makita niya si Misty na papasok sa loob ng restaurant ay hinila niya ito palabas. Hindi rin sila napansin nina Andrei at Catriona dahil panay lampungan ang mga ito. Nakakabastos man pero wala ng pakialam si Eva kahit magalit pa si Catriona sa kanya. Hindi niya na kasi talaga kayang makaharap pa si Andrei. Baka bigla na lang siyang humagulhol ng iyak sa harap ni Andrei. Ayaw niyang pagtawanan siya. Ayaw niyang kaawaan siya.
°°°°
Katulad kahapon ay maagang nagising si Eva at maaga niyang natapos ang pagluluto.
Habang nagluluto siya ng ulam ay sumusubo rin siya ng kanin at umiinom ng kape. Tinulungan siya ni Aling Pasing maghanda sa mesa. Nang matapos ay kaagad siyang nagpaalam dahil ayaw niyang magpang-abot pa sila ni Andrei. Isa pa, nahihiya rin siya kay Catriona dahil sa hindi na siya nakapagpaalam kahapon.
"Eva, okay ka lang?"
"Huh? Ahh, Carlo, ikaw pala. A-ano uli iyon?" tanong ni Eva na napakamot pa sa ulo niya.
"Sabi ko kung anong oras ang uwi mo? Ano ba ang last subject mo?"
"Ahh... ano... ano nga 'yon? Teka, tingnan ko lang sa white card ko," sabi ni Eva at kinuha ang bag mula sa likod niya. Binuklat niya ang notebook dahil doon nakaipit ang schedule niya.
"Ito oh—"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang hinapit siya ni Carlo sa beywang niya. Dahil halos magkasingtaas lang sila ay aksidenteng nahalikan niya si Carlo. Mabuti at sa pisngi lang.
"Eva, okay ka lang ba talaga? Kasi hindi mo narining ang pagbusina ni Professor Andrei."
"Hah? Ah, sorry. O-okay lang ako, C-carlo. P'wede mo na akong bitiwan," nauutal na sabi ni Eva dahil magkadikit na ang mga katawan nila at ang isa nitong kamay ay nasa beywang niya pa.
"Oh, Sorry! Nga pala, p'wede ba kitang makausap mamaya?"
"Nag-uusap naman na tayo, ah?" wika ni Eva habang naglalakad sila papunta sa klase nila.
Biglang hjinawakan ni Carlo ang kamay ni Eva nang malapit na sila sa room kaya napaharap si Eva kay Carlo.
"G-gusto kita, Eva."
"C-carlo..."
"Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para mapatunayan ko sa iyong seryoso ako."
"H-hindi ko pa alam, Carlo, binigla mo ako."
"Hindi kita mamadaliin, Eva. Willing akong maghintay."
"Car—"
"Ehem! Ano, bro? Nakapagtapat ka na ba?"
"H'wag mong sasagutin 'yan, Eva! Babaero 'yan!"
"Naku, Eva. Paiiyakin ka lang niyan!"
"Ako na lang sagutin mo! Liligaya ka pa sakin!"
Napuno ng hiyawan ng mga ka-buddy ni Carlo ang buong classroom.
"Gago! Magsitigil nga kayo! Panira kayo, eh!" saway naman ni Carlo sa mga kaibigan niya at napakamot pa sa ulo.
"Ah, pasok na tayo. Magsisimula na ang klase," saad ni Eva at nauna ng pumasok.
"Get a lengthwise paper!" maawtoridad na sabi ni Andrei.
"Teka? Bakit quiz kaagad? Hindi man lang siya nag-attendance?" reklamo ni Eva sa isipan niya. Kukuha na sana siya ng papel sa bag niya nang biglang may naglagay ng papel sa desk niya.
"Papel muna sa ngayon. Balang araw, pera na ang i-aabot ko sa iyo para sa pangkonsumo sa gatas ng anak natin."
Lihim na napahagikhik si Eva dahil sa sinabi ni Carlo.
"Ballpen! Balang araw—"
"Number two!" malakas na wika ni Andrei kaya biglang nataranta si Eva.
"Ano ba 'yong number one?"
"Carlo ano yung numb— taena! Kahit ang isang ito ay wala pa rin naisusulat. Kahit pangalan sa taas wala."
"Number three!"
Napakamot sa ulo si Eva pero si Carlo ay ngingis-ngisi lang.
"Number five!"
"Teka, wala pang number four, hindi ba?" tanong ni Eva sa kaklase niyang nasa likuran niya.
"Mind your own paper!"
"One!"
"Two!"
"Three!"
"Four!"
"Five!"
"Pass your paper!" sigaw ni Andrei, "Miss Cardenal will collect all the papers."
Hindi maproseso sa utak ni Eva kung bakit siya ang inatasan nitong mangolekta ng mga papel. Hanggang sa halos itakip na lang ng mga kaklase niya sa mukha niya ang mga papel.
"Sir, excuse me? Can I go out? Masakit 'yong tiyan ko," sabi ko ni Eva at bigla na lang kumaripas ng takbo palabas ng room habang bitbit ang mga papel.
Pagdating niya sa banyo ay wala siyang sinayang na oras kung hindi ang kopyahin ang mga sagot ng matatalino niyang kaklase.
°°°°°°°
NAGSASAMPAY si Eva ng mga damit sa mansyon dahil Sabado ngayon. Kaya balik-labada sila ng nanay niya.
Pinauwi niya na ang nanay niya dahil mga puting damit na lang ang huling lalabhan niya. Kasalukuyan niya ng sinasampay ang mga iyon.
"Ano ka ba naman, Andrei! Napakaseloso mo! Sinabi ko naman sa iyo na ex ko na ang lalakeng 'yon! Nagkataon lang na nagkita kami at nagkumustahan. Ano nga naman ang magagawa ko, eh sadyang maganda lang talaga ako."
"s**t, babe! Just please cancel the contract so we can start our preparations for our wedding. I can't wait to be your husband already. My parents are both getting old. They want—"
"Babe, we both agreed. You know naman na hindi pa p'wede!"
Hindi matapos-tapos ni Eva ang pagsasampay dahil sa naririnig na pag-uusap ng dalawang pamilyar na tinig. Kumikirot na naman ang puso niya. Nasasaktan na naman siya!
Kaagad siyang umalis doon at napadpad sa ilalim ng puno ng mangga. Sumandal siya sa malaking puno at doon iniyak ang lahat ng sakit. Kailan ba niya matatakasan ang kanilang nakaraan?
Ilang minuto na ang lumipas at patuloy pa rin sa pag-iyak si Eva. Nag-angat siya ng tingin dahil puno na ng sipon ang ilong niya.
Sumisinghut-singhot pa siya nang may mapansin siyang panyo sa tagiliran niya. Kaya tumingala siya sa taas para tingnan kung sino ang may ari ng panyo.
Kinuha niya ang panyo at kaagad na nagpahid ng mukha.
"Can I sit here?" sabi ng estranghero.
"Ahh, oo naman. Salamat pala sa panyo, lalabhan ko na lang."
"No worries. How are you feeling?"
"Ba't ang gwapo niya!" sigaw ng isipan ni Eva. "Ahmm, m-medyo o-okay na. Salamat."
"Don't mind me, keep crying."
Nakagat ni Eva ang labi niya. Bigla siyang nahiya.
"Ahm, saan ka galing? Ngayon lang kasi kita nakita rito. Dayo ka ba?"
"I haven't eaten my lunch yet, come with me!" sabi ng lalake at parang hindi narinig ang tinanong ni Eva.
"Aba't teka! Hindi ako basta-basta sasama sa 'yo! Mamaya masamang tao ka pala! Baka engkanto ka pa!"
"What's engkanto?" kunot-noong tanong ng lalake pero hindi pa rin maipagkakailang sobrang guwapo nito.
"H-hindi ko alam sa English, eh. Teka nga lang, sino ka ba kasi?"
"I'm Peter Dwayne Lannister," pakilala ng lalake na walang kangiti-ngiti sa mga labi nito. Hinihila na nito si Eva.
"Ah, ako pala si Evangilyn Cardenal. Nice to meet you," pakilala naman ni Eva habang naglalakad sila. Pero hindi kumibo si Peter.
Kumunot ang noo ni Eva nang binabagtas nila ang daan pabalik sa mansyon. Kaya nang makita niya ang planggana sa isang tabi ay kaagad siyang kumalas sa pagkakahawak ni Peter.
"Sandali lang, Peter. Iyong mga nilabhan ko pala!"
Pinagpatuloy ni Eva ang pagsasampay at panaka-naka niyang nililingon si Peter na naka-cross arms habang kunot ang noo.
"Ang gwapo niya talaga! Paano kaya siya napadpad dito? Saan kaya ito galing?" naitanong ni Eva sa sarili.
"Peter, hijo? Bakit nandiyan ka? Halika sa loob, kakain na tayo. Eva, hija, kumain ka na rin. Tara na."
"Sige po ,Donya Isabel, tatapusin ko lang po ito," sagot naman ni Eva.
"Peter, tulungan mo naman ako, ohh" nakangusong saad ni Eva.
"I don't know how to do that," sagot naman ni Peter. Umirap lang si Eva at pinagpatuloy ang ginagawa.
Matapos magsampay ni Eva ay kaagad na hinawakan ni Peter ang kamay ni Eva. Hinila na siya nito papasok sa loob mansyon. Halos takasan si Eva ng dugo sa katawan nang lahat ng tao ay sa kanila nakatingin.
Pilit na binabawi ni Eva ang kamay sa pagkakahawak ni Peter pero mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya.
"You two are late," wika ni Don Jordan.
"I'm sorry, Tito. I've waited for Evangilyn to finish the laundries."
"Naku, mabuti naman at kaagad ninyong nakakilala ang isa't isa kahit sampung taon na ang nakalipas," sabat ni Aling Pasing sa usapan kaya napakunot-noo si Eva dahil hindi niya iyon maintindihan.
"A-ano p-pong ibig ninyong sabihin na magkakilala kami dati pa?" tanong ni Eva at diretso ang mga matang nakatingin kay Aling Pasing.
"Hindi mo ba natatandaan, Eva? Halos magsuntukan nga si Peter at Andrei, dahil ayaw ni Andrei na nilalaro ka ni Peter, eh!"
"Woah? Talaga po?" tanong naman ni Catriona na nasa tabi ni Andrei. Pero si Andrei parang walang narinig at patuloy pa rin sa pagkain.
"Ibig sabihin matagal na silang magkakaibigan simula pa noong pagkabata? Bakit wala man lang nabanggit sa akin si Andrei tungkol kay Eva?" pagpapatuloy ni Catriona.
Napayuko si Eva sa huling sinabi ni Catriona. Nasaktan siya sa sinabi nito na parang balewala lang talaga siya kay Andrei.
"Those are old stories, aren't they?" saad ni Peter na nasa tabi pa rin ni Eva.
"Yeah, what is past is past. We were young and stupid. So, let's just forget it," bored na sabat ni Andrei at uminom ng tubig.
"I agree," sang-ayon ni Peter. "This is Evangilyn now, she grew up into a beautiful woman! I like her before and I like her even more now. Gusto ko siyang ligawan, kaya bumalik ako rito."
Biglang napaharap si Eva kay Peter dahil sa hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito. Lalo pa at sa harap pa mismo ng mga amo niya.
"We can't decide hijo. It's up to her," wika ni Don Jordan.
"Peter, mabuting bata si Eva at mabuting bata ka rin. Pero ang mapapayo ko lang doon ka sa nanay ni Eva humingi ng pahintulot."
"Opo, Tita Isabel. Gagawin ko po 'yan, maraming salamat. Please excuse us, yayain ko lang po si Eva kumain sa labas."
"Aba teka—"
Walang nagawa si Eva kung hindi ang sumunod kay Peter. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya ang mga nangyayari.
"Teka nga lang, Peter. Kilala mo ako? Hindi kasi kita matandaan."
"I know. Kasi wala kang ibang nakikita kung hindi si Andrei. Ayaw mong makipaglaro sa akin noon kasi ang gusto mo lang ay si Andrei. Hanggang ngayon, gusto mo pa rin siya, hindi ba? Kaya ka kanina umiiyak kasi nasasaktan ka na may mahal na siyang iba. Hindi na ikaw ang prinsesa niya. He have Catriona now, and soon magpapakasal na sila. Bakit gusto mong manatili sa alaala ng kahapon, Eva? Hindi ka magiging masaya kung patuloy kang namumuhay sa nakaraan. Isipin mo naman 'yong kinabukasan mo, isipin mo naman 'yong sarili mo. Gusto mo ba habang buhay ka na lang ganyan? Nasasaktan ka, samantalang siya masaya sa iba? Is that what you want?"
Tumutulo na ang luha ni Eva kasi tagos sa puso ang mga sinabi ni Peter.
"I am here, Eva. Handa kang damayan at ipaglaban," wika pa ni Peter at hinapit si Eva sa beywang saka niyakap nang mahigpit.
Tuluyan na siyang napahikbi dahil sobrang sakit ng nararamdaman niya. Pakiramdam niya ngayon lang siya nakahanap ng kakampi.
Panahon na para atupagin niya naman ang sarili.
"Tinatanggap kita, Peter."
Kung natuturuan nga talaga ang puso, ngayon pa lang pag-aaralan ko na.