Napapakamot ng ulo si Eva. Kahit madilim ay maaaninag sa maganda nitong mukha ang inis, dahil sa sunud-sunod at maingay na tilaok ng manok ng kanilang kapit-bahay. Ipipikit pa sana niya ang mga mata ngunit naalala niya na ngayon pala ang simula ng pagseserbisyo niya sa mansyon.
Iritado siyang bumangon at pipikit- pikit pa ang mga mata na binuksan niya ang bintanang gawa sa kahoy. Kinuha niya ang maliit na kawayan at itinukod iyon sa gitna dahilan para mas lalong mainis ang dalaga dahil sa madilim pa ang paligid. Hindi siya sanay na bumangon sa ganitong oras.
Yakap ni Eva ang sarili at parang matandang hirap maglakad ang hitsura niya hatid ng malamig na tubig. Hawak ang balde at tabo ay pauwi na siya ng kanilang bahay. "Hindi kasi talaga ako sanay maligo ng ganitong oras, kainis!"
Nagbihis lang ang dalaga ng maikling short na cotton at spaghetti na puti. Bitbit ang bag, doll shoes, at uniporme ay nagsimula na siyang maglakad papuntang mansyon.
°°°°
Pagdating ko sa mansyon ay wala akong sinayang na oras at kaagad na nagluto ng umagahan. Mag-a-alas syete na ng umaga nang matapos ako sa paghain at naglagay na rin ako ng pinggan para sa kanilang apat. Napahinto ako sa isang pinggan na nilagay ko. Iyon ang pinggan ni Ma'am Catriona.
"Nagsasama na ba sila?" tanong ni Eva sa sarili. Nakakatawa man pero naisip ni Eva na sana siya na lang ang nasa kalagayan ni Catriona.
Sana ako na lang siya... paulit-ulit itong naiisip ni Eva.
"Eva, ano na?"
"Huh?" Napakurap si Eva at kaagad na nilingon si Aling Pasing.
"Ang sabi ko kung may laman na ang termos at magkakape muna ako," sagot naman ni Aling Pasing.
"Ah. Naku! Wala pa po, Nanay Pasing. Mag-iinit na po ako ng tubig," sabi ni Eva at dali-daling nagtungo sa kusina.
"Ako na lang, Eva. Hindi ba at may klase ka pa? Maghanda ka na kasi si Senyorito Andrei ay parang gising na. Maestro mo siya, hindi ba? Bakit hindi na lang kayo magsabay?"
"Oo nga, hija. Sabay na lang kayo ng anak ko. Para hindi ka na maglakad," tinig ni Donya Isabel, na gising na rin pala.
"Good morning po, Tita Isabel. Naku! Gustuhin ko man po pero nakakahiya po. Isa pa, professor ko po si Senyorito Andrei, ayaw ko pong pagtsismisan sa school. Baka tuksuhin ako ng mga kaklase ko po, nakangiting paliwanag ni Eva at naintindihan naman iyon ng donya.
Sa totoo lang, gusto ng iwasan ni Eva si Senyorito Andrei. Hangga't maaari, ayaw ni Eva na makita ito. Pero alam niyang mahihirapan siya dahil dalawang subject ni Eva na ito ang maestro.
Nagbihis na si ng uniporme niya at nilagay sa bag niya ang suot niyang damit. Pinatungan niya na lang ng palda ang suot niyang short. Hindi na siya nagpalaam pa kay Donya Isabel at Don Jordan dahil narinig niya ang boses ni Catriona at Andrei na nagkakasiyahan. Nilisan niya kaagad ang mansyon dahil baka ma-badtrip lang siya kapag nagpang-abot pa silang tatlo.
~~~
KATULAD kahapon ay parang mga kiti-kiti ang mga classmate ni Eva. Pati si Misty na kaibigan niya ay hindi rin nagpaawat.
"Oh? Bakit parang Biyernes Santo 'yang mukha mo? Ang aga-aga para kang nalugi," sabi ni Misty kay Eva pagkaupo niya.
"Paano ako hindi maiinis? Tingnan mo nga iyang mukha mo. Napakaputi tapos iyang leeg mo maiitim, para kang sinubsob sa abo," inis na saad ni Eva.
"Eh, kasi ubos na iyong chin-chan-sue ko kasi pati sila Sandra ay nakikigamit din. Mamaya bibili ako. Samahan mo ako papuntang bayan, ha?" sagot naman ni Misty kay Eva.
"Bakit ka kasi nagpapaganda? Dati, wala ka namang pakialam diyan sa mukha mo. Kahit nga polbo hindi ka naglalagay. Tapos ngayon kung ano-ano na ang pinapahid mo!"
"Bakit ba ang init ng ulo mo at ang mukha ko ang pinagdidiskitahan mo? Meron ka ba ngayon?" tanong naman ni Misty.
Inismiran ni Eva ang kaibigan at binaling ang atensyon sa cellphone niyang nag-vibrate.
"Hi, Eva. Goodmorning! Si Cath ito, ahmm.. Nandyan na ba si Andrei? Hind ko na kasi siya nahatid eh."
Umikot ang mga mata ni Eva at dismayado niyang pinatay ang cellphone nang mabasa ang mensahe ni Catriona sa kanya.
"Wow! Touch screen! Kailan ka pa nagkaroon nito?" manghang tanong ni Misty at biglang hinablot nito ang cellphone sa kamay ni Eva.
"Teka, Catriona? Hindi ba siya iyong jowa ni Prof?" kunot-noong tanong ni Misty kay Eva.
"Paano mo nalaman?" tamad na tanong ni Eva.
"Paano ko hindi malalaman? Eh may pakpak ang balita. Nalaman ko kina Sandra dahil nakita nila kahapon na magkasamang papalabas ng campus iyong dalawa. Ni-search nila sa f*******: si Sir Andrei at iyong babaeng kasama niya. Nalaman nila ang pangalan dahil maraming tag si Sir Andrei kaya nalaman nila na Catriona ang pangalan. Hinanap din nila sa Google at alam mo ba ang nakalap nilang impormasyon?"
"Ano?" mabilis na tanong ni Eva.
"Oy, interesado siya!" tukso ni Misty kaya mabilis siyang binatukan ni Eva.
"Sa lahat ng ayaw ko ay iyong pabitin, kaya ano nga!" malakas na tanong ni Eva.
"Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan hindi ko sasabihin sa iyo. Ganito kasi iyon. Ate niya pala si Catherine Berlin, iyong sikat na designer sa London at iyong boyfriend ng ate ni Catriona ay anak ng presidente ng—"
"Si Catriona ang pinag-uusapan natin hindi iyong ate niya!" putol ni Eva sa sasabihin ni Misty. Napaismid naman si Misty at pinanlakihan lang ni Eva ito ng mata. Nagpatuloy ito sa pagkukwento.
"Pinapaganda at hinahabaan ko iyonng kwento pero ayaw mo, fine!" Si Catriona at Professor Andrei ay nakatakdang ikasal sa susunod na taon!" walang paliguy-ligoy na saad ni Misty kaya biglang napalunok si Eva.
"Ngayon, p'wede ako naman ang sagutin mo? Kailan ka pa nagkaroon ng mamahaling cellphone at bakit may kontak ka kay Catriona? Close kayo, ghorl?"
"Good morning, sir!"
Sabay-sabay at masigla na namang bati ng mga kaklase ni Eva.
"Hindi pa tayo tapos, ghorl! May utang kang tsismis sa akin, babaita!" singhal ni Misty at binalik ang cellphone kay Eva. Bumalik na siya sa upuan niya.
Binuklat ni Eva ang notebook at nagkunwaring busy sa pagsasaulo dahil ayaw niyang makita si Andrei. Araw-araw na lang palaging sumasakit ang puso niya dahil sa araw-araw ding nababalitaan niya tungkol kina Catriona at Andrei.
Nahiling ni Eva na sana matapos na ang dalawang taon para makatapos na siya sa kolehiyo at hindi niya na makikita pa si Andrei. O kaya naman sana makapanganak na kaagad si Aling Dolores para makabalik na ito at umalis na si Andrei.
"Sir, excuse me. Iyong assignment pala natin noong Monday, hindi po ninyo nakuha," maarteng saad ng kaklase ni Eva.
"Oo nga po, sir! Nasagutan na po namin," pagsasang-ayon ng isa pang matalinong kaklase ni Eva.
"Ganoon ba? Okay, pass your assignment and thank you for reminding me, Miss Alcaraz."
Nakuyom ni Eva ang kamao, at tinapunan nang masamang tingin si Sandra. Sinalubong naman nito ang tingin niya at ngumisi.
"Papansin! Letse!" mahinang sabi ni Eva pero may diin.
"Is there any problem, Miss Cardenal?" malakas na tanong ni Andrei.
"Nothing, sir," mahinang tugon ni Eva at binalik ang atensyon sa notebook.
"Pass your assignment, Miss Cardenal," malakas na sabi ni Andrei.
Tumayo si Eva at lumapit sa maestro. Kinakabahan siya pero hindi niya iyon pinahalata. Binuklat niya ang ibang papel na nakalagay sa mesa ni Andrei at pinagitna niya ang papel niya sa mga ito. Bumalik siya kaagad sa upuan niya.
"Akala niya ba wala akong assignment ?" Ngumisi pabalik si Eva kay Sandra.
Pagkatapos mag-attendance ni Andrei ay may tinawag itong willing na magsulat sa blackboard. Pag-angat ng tingin ni Eva ay nakita niya ang malapad na likod ni Sandra na nagsusulat sa blackboard.
"Papansin na, sip-sip pa!" sabi ni Eva sa isipan niya at nagsimula na ring magsulat.
"Carlo, ulo mo!" sabi ni Eva dahil hindi niya makita ang sulat sa blackboard. Nakaharang kasi ang ulo nito.
"Bakit? Malaki ba?" tanong ni Carlo sa halip na sagutin si Eva.
"Oo, kaya hindi ko makita! Tabi ka nga muna!" sagot naman ni Eva.
"Gusto mong makita?" nang-aasar na tanong ni Carlo na nagpakunot sa noo ni Eva.
"Matagal ko nang nakita ang ulo mo at malaki, kaya tuma—"
" Oy! Malaki raw!" At nagsitawanan ang mga kaklase ni Eva.
"I smell something fishy!" sabat ni Misty kaya sinamaan siya ni Eva ng tingin.
"Oopps, sareh, besh," sabi ni Misty at nag-peace sign pa.
"Buds, h'wag naman masyadong bulgar! Alam namin na may gusto ko kay Eva, pero hindi mo siya makukuha sa ganyang tirada!" sabi pa ng isang kaklase ni Eva kay Carlo.
Tawanan ng mga kaklase ni Eva.