“QUIET!"
Biglang umalingawngaw ang tinig ni Andrei kaya nagsitahimik ang mga kaklase ni Eva. Hindi rin maiwasan ni Eva na hindi matawa. Iyong mga mukha kasi ng mga kaklase niya ay parang lobo na puputok dahil kinakagat nila ang kanilang mga labi at hinahawakan ang tiyan. Marahil ay pinipigilan nila ang pagtawa.
Tumayo si Eva at tumabi kay Carlo dahil bakante iyon ang katabing upuan nito.
"Ehem," tikhim ni Marlon na kaklase rin ni Eva.
Ang isang tikhim ng kaklase ni Eva ay nadagdagan ng isa at isa pa. Hanggangsa naging tatlo. Animo'y nang-iinsulto kay Andrei dahil hindI sila nagpapaawat.
"Parang mga sira ang mga ka-buddy mo," mahina at natatawang sabi ni Eva kay Carlo.
"Kinikilig lang ang mga iyan. Akala mo walang mga girlfriend," sagot naman ni Carlo.
"Mga isip-bata kamo," dagdag pa ni Eva habang nagsusulat.
"Saan ka na ba?" tanong ni Eva.
"Number five na ako, ikaw?" tanong naman ni Carlo kay Eva.
"Number three pa lang ako," sagot naman ni Eva.
"Bagal mo namang magsulat," tukso ni Carlo kay Eva.
"Ang lalaki kasi ng ulo ng mga nasa unahan!" reklamo ni Eva. "Patingin na lang sa notebook mo."
Hinawakan ni Eva ang kamay ni Carlo para sana hawiin iyon sa notebook nitong nagtatakpan, subalit bigla na namang umalingawngaw ang boses ni Andrei.
"Go back to your permanent seat, Miss Cardenal. Or you'll be absent today, how about that?"
Walang nagawa si Eva kung hindi ang bumalik sa upuan niya at pinagpatuloy ang pagsusulat.
Natapos sa pagsusulat si Sandra sa blackboard at isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase ni Eva. Tumayo siya at bitbit ang notebook na palabas ng room nila ngunit nandoon si Andrei sa pinto. Isa-isang tinitingna ang mga notebook ng mga kaklase niya.
Napairap na lang si Eva at umupo na lang sa pinakaunahan. "Ano ba ang akala niya sa amin, nasa elementary pa at kailangang bantayan?"
"Bahala nga siya! Basta, rito ako uupo sa unahan. Kung sabihin niyang absent ako dahil hindi ako nakaupo sa upuan ko, wala na akong pakialam! Buti nga kung absent ako para makalabas na kaagad ako ng room!" sabi ni Eva sa isipan niya.
Dumaan si Andrei sa harap ni Eva. Kumunot lang ang noo niya at pabaling-baling ang tingin sa board at sa papel niya.
Pinagpatuloy ni Eva ang pagsusulat at hinihintay itong magsalita pero wala na siyang narinig galing kay Andrei. Hanggang sa natapos na siya ay nanatiling tahimik si Andrei. Lumapit si Eva sa lamesa nito.
"Sir, pa-check po," saad ni Eva na hindi tinatapunan ng tingin si Andrei. Nilagay ni Eva sa lamesa nito ang notebook niya para matingnan na. Gustong-gusto niya nang lumabas.
"No need. Get out!"
Umiigting ang panga ni Eva ng lumabas siya ng room. Pakiramdam niya ay nananadya si Andrei.
~~~
Bumaba si Eva at Misty sa tricycle nang makarating na sila sa bayan. Hindi maiwasan ni Eva ang mamangha sa dami ng tao. Iba't-ibang klase ng paninda sa bangketa at maiingay na vendor ng mga sorbetes ang naririnig niya.
"Halika na, Eva. Magsasara na ang botika," wika ni Misty at nagpatianod na lang si Eva sa paghila niya.
"Pabili ng chin chan soo. 'Yong orange lang. Ikaw Eva, ano ang bibilhin mo?"
"Wala," sabi ni Eva. Sa totoo lang, marami siyang gustong bilhin. Gusto niya ng bagong damit, sapatos, at bag. Siya kasi iyong tipo ng babae na materialistic. Kaso wala naman siyang pambili. "Napkin nga lang, hirap ko pang bilhin!"
"Halika't ililibre na lang kita. Kain tayo ng tokneneng!" saad ni Misty kay Eva at hinila na siya nito.
"Teh, dalawang isaw, at tiglimang kikiam," sabi ni Misty sa tindera at binalingan si Eva, "Gusto mong gulaman?"
"Sige," maikling sagot ni Eva at kinuha na rin ang isaw na inabot sa kanya ng tindera.
"Ganda, bilhin mo na ito, tatlo singkwenta na lang, ohh!" Agaw pansin na sigaw ng isang baba kay Eva e at inaabot nito sa kanya ang panty na hello kitty. Umiling-iling si Eva. Hinde naman ito naging makulit at umalis na.
"Eva?"
Sabay na napalingon sina Eva at Misty sa babaeng tumawag sa pangalan ni Eva.
"Catriona?" naisatinig ni Eva.
"Eva, bakit hindi ka nag-reply sa text ko sa iyo kaninang umaga?" nakangusong sabi ni Catriona nang makalapit siya kina Eva.
"Hi po, Miss Catriona! Napakaganda po ninyo. Mas maganda po kayo sa personal!" bati ni Misty kay Catriona na halatang namamangha.
"Thank you! Kaibigan ka ba ni Eva? Ako pala si Catriona. Anong pangalan mo?"
"Mis—"
"Babe? Nandito ka lang pala. Bigla kang nawala sa tabi ko."
Parang kulog ang kabog ng puso ni Eva nang biglang sumulpot si Andrei. Bakas sa mukha ni Andrei ang pagkairita pero nang magtama ang paningin nila ni Catriona ay bigla itong umamo.
"Oh, Eva. Since nandito na rin kayo, sumama na kayo sa amin. Nag-aya kasi si Andrei manood ng sine."
"Sige po, Miss Cat—"
"Naku! Hindi na. Nakakahiya naman! Makakaabala lang kami sa inyo," sabi ni Eva at siniko nang bahagya si Misty.
"Naku! Okay lang po iyon, Miss Catriona. Isang karangalan iyon! Ang makasama ang sikat na model at may-ari ng school namin! Nakakahiya naman kung hindi kami sasama. Hindi naman po kami bastos at pasensya na po rito kay Eva. Gutom lang po talaga kasi siya," nakangiting paliwanag ni Misty kaya naman ay pasimpleng kinurot siya ni Eva sa tagiliran na binalewala lang ni Misty.
"Ganoon ba? Sige, kumain na muna tayo bago manood ng sine. So, tara na?"
"But, babe its our fifth anniversary! Gusto kitang masolo," sabi naman ni Andrei na halatang naiinis na.
"Babe!" nakapamaywang na wika ni Catriona kay Andrei at sinamaan niya ito ng tingin.
"Fine, you're my boss! They'll go with us," tugon ni Andrei at mabilis niyang ninakawan ng halik si Catriona sabay ngiti.
"Wow! Ang sweet naman! Mapapa-sana all ka na lang talaga," kinikilig na sabi naman ni Misty. "Sana may Andrei din ako. Iyong gwapo na, mayaman, at sobrang mapagmahal pa!"
Inakay na ni Misty si Eva. Nakasunod na sila kina Catrion at Andrei.
"Hoy, bakit hindi maipinta ang mukha mo?" sabi ni Misty at nilingon si Eva. Sinamaan lang ni Eva ang kaibigan.
"Bakit ba masyado kang feeling close kay Catriona? Dapat hindi na tayo sumama kasi date nila ito! Hindi mo ba na gets na anniversary nila ngayon?" Napiyok pa si Eva sa huling salitang nabanggit.
Naitanong niya lang sa sarili na matagal na palang magkarelasyon ang dalawa? Limang taon... limang taon na pala sila!
Samantalang siya ay sampung taon na naghintay. Naghintay lang pala siya sa wala.
Napakagat-labi si Eva saka napatingala sa kalangitan.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Misty.
"Tumitingala para umatras ang luhang gustong pumatak," wala sa sariling sagot ni Eva.
"Hah? Bakit, umiiyak ka ba?"
"Hindi naman, napuwing lang ako," pagdadahilan ni Eva.
"Patingin nga," sabi pa ni Misty.
"H'wag na, nawala na," pagsisinungaling ni Eva.
"Eva, hali na kayo nang makapag-order na."
Mabilis namang naglakad si Misty at inaakay niya si Eva.
Umupo ilang magkakaharap na apat. Katabi ni Eva si Misty habang magkatabi naman sina Catriona at Andrei.
"Miss Catriona, Hi! Oh my God. She's so gorgeous. Grabi sobrang ganda nga niya talaga."
"Para akong nanliliit sa sarili ko."
Iba't-ibang tinig ang naririnig nila sa paligid at lahat iyon ay papuri kay Catriona.
"Can we take picture, Miss Catriona?"
"Miss Catriona, can you say hi to my vlog?"
"Can I hug you, Miss Catriona?"
Patuloy na hiyaw ng mga tao.
"Oh sure!" nakangiting sagot naman ni Catriona sa mga ito.
Nakita ni Eva ang pagtiim-bagang ni Andrei at sinamaan pa nito ng tingin ang mga tao. Pero wala pa rin itong nagawa nang tumayo si Catriona at isa-isang pinagbigyan ang request ng kanyang mga fans.
"Eva, saglit lang. Si Mama tumatawag," wika ni Misty na tinanguan lang ni Eva.
Naiwan sina Andrei at Eva sa mesa at parang biglang sumikip ang paligid para sa kanilang dalawa.
Itinuon na lang ni Eva sa ibang direksyon ang kanyang mga mata pero ang buo niyang atensyon ay nasa kay Andrei pa rin.
"So your nickname is Eva?" Basag ni Andrei sa katahimikan na pumapagitan sa kanilang dalawa ni Eva.
"Hmm," tamad na sagot ni Eva. Dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Matutuwa ba, maiinsulto, o kaya naman ay maiinis.
Talagang kinalimutan na nga siya ni Andrei na kahit ang nickname niya ay hindi nito matandaan.
"Mas matanda siya sa akin ng limang taon, pero siya pa itong nakalimot sa aming dalawa. Ayaw nga niya ng palayaw ko na Eva noon, kaya tinatawag niya akong Princess. Kasi ako raw ang prinsesa ng buhay niya," sabi ni Eva sa kanyang isipan. "Tapos ngayon—"
"Listen to me, Miss Cardenal!"
Napaayos kaagad ng upo si Eva nang marinig ang malamig na tinig ni Andrei.
"I want you to stay away from my fiancé!"
Napatingin nang diretso si Eva kay Andrei at napakurap-kurap pa ng mga mata. Hindi niya kayang salubungin ang mata nitong walang kabuhay-buhay, baka hindi niya mapigilang maluha sa harap nito.
Para siyang naputulan ng dila nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung saan banda siya nasasaktan. Kung doon ba sa pagbabanta nito o doon sa sinabi nitong fiancé?
"You're not a good influence—"
"I'm sorry, guys. Natagalan ako. Wala pa ba ang mga pagkain?"
Hindi natuloy ang sanang sasabihin ni Andrei nang biglang dumating si Catriona. Yumuko si Eva at kinuyom ang dalawang palad dahil nanginginig ang mga iyon.
"Uhmm... excuse me muna, Miss Catriona. Punta lang ako ng ladies room," paalam ni Eva at mabilis na tumalikod. Hindi niya na hinintay na magsalita ito.
Napasandal si Eva sa likod ng pinto ng banyo at doon niya binuhos ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan.
Hanggang kailan siya magiging ganito?
Hanggang kailan siya magdurusa?
Hanggang kailan siya magmamahal?
Hanggang kailan siya sa aasa?
Hanggang kailan siya magpapakamartir?