Malakas ang kabog ng dibdib ni Eva habang binabagtas ang kagubatan papasok sa mansyon. Marami siyang katanungan kaya para masagot ang mga ito ay buong tapang siyang bumalik sa mansyon para makausap ang binata.
“Eva? Ikaw ba ‘yan? Saan ang lakad mo at para kang ikakasal diyan sa ayos mo?”
Sinipat ng dalaga ang sarili at napalunok siya nang mapagtanto niyang nakasuot pala siya ng gown na kulay puti. Pangkasal talaga ito dahil pinag-ipunan niya talaga ito mula sa baon at suweldo niya sa mansyon. Gusto niya kasi pagdumating na si Senyorito Andrei ay makasal sila kaagad at dumating na ang araw na ‘yon.
“Donya Isabel, magandang hapon po, bumalik po ako,” masaya niyang sabi.
“Oh, hija? May gusto ka pa ba? Teka, saan ka pupunta at mukhang ayos na ayos ka. Hanggang ngayon tinatawag mo pa rin akong donya. Hindi ba at sinabi ko na sa iyo noon pa na tita na lang ang itawag mo sa akin?” nakangiti rin na tugon ng donya.
“Ahm… pasensya na po. Mapapagalitan po ako ni nanay baka sabihin niya po hindi ko kayo ginagalang bilang amo po,” nakayukong saad ni Eva.
“Hija, maraming aspeto sa pagrespeto hindi nama—”
Hindi natapos ang sasabihin pa sana ng donya nang marinig nila ang sunod-sunod na pagkabasag ng isang bagay na nagmumula sa isang silid.
“Hija, mabuti pa umuwi ka muna kasi hindi maganda ang timpla ng anak ko, eh. Bumalik ka na lang bukas,” pakiusap ng donya.
“Pero po... nandito ako para sa anak ninyo, Tita Isabel. Mahal ko po ang anak ninyo. Simula nang magkamulat ako, kahit bata pa ako noon alam ko po na mahal ko ang anak ninyo at ganoon din siya. Nangako po siya na pakakasalan niya ako sa tamang panahon. Ito na po ‘yon, tita,” walang pag-alinlangan na saad ni Eva.
Ginagap ng donya ang kamay ni Eva at hinawakan ang mukha niya. “Masaya ako, hija, at nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo sa anak ko.”
“Kung ganoon po, gusto po ninyo ako para sa anak ninyo?” masiglang tanong ni Eva.
“Hija, kung sino man ang gusto ng anak ko, gusto ko na rin. Isa pa Eva, kilala na kita. Mabait ang iyong ina at nakita ko kung paano ka palakihin ni Aling Giday. Hindi ko man nasubaybayan ang pagdadalaga mo pero alam kong mabait ka. Alam kong mabuti kang bata dahil mabuti ang iyong ina.”
Sa narinig ay niyakap ni Eva kaagad ang ginang at sumilay naman ang matamis na ngiti ng donya.
“Masayang-masaya rin po ako dahil tanggap po ninyo ako,” nakangiti niyang tugon at hinalikan pa ni Eva kamay nito.
“Goodmorning, Madame Catriona!”
Sabay-sabay na turan ng mga kasambahay sa bagong dating kaya napakalas silang dalawa at sabay na napatingin sa pintuan.
“Good morning din po,” masigla rin tugon ng babae.
“Catriona, hija, napakaganda mo. Masaya akong nakabakasyon ka rito sa mansyon. Kumusta naman si Matthew at Catalina?” masayang bungad ni Donya Isabel sa babae.
“Salamat po, tiat, sa imbitasyon na makapunta ako rito. Maayos po sina Mama at Papa. Busy po sila sa pag-aasikaso sa kasal ni ate,” tugon ng babae.
“Gano’n ba? Pupunta ako sa kasal ng inaanak ko. Nagtatampo na nga iyon dahil palagi akong hindi nakakadalo sa t’wing may mga importanteng ganap ang inaanak ko. Kaya babawi ako sa kanya ngayong kasal niya,” ngiting saad ng donya. Nagtawanan pa sila hanggang sa napansin si Eva ng magandang babae. Napamaang naman si Eva nang binalingan siya nito.
“Hi,” ngiting bati ng babae kay Eva. Hindi siya nakakibo at tila naestatwa siya sa kinatatayuan. Kung hindi pa siya siniko ni Arya, kasambahay rin sa mansyon ay hindi pa siya makapagsasalita.
“H-hi r-rin po,” nauutal na sagot ni Eva dahil nakakalutang ang kagandahan ng babae. Para itong diyosa at ang bango-bango pa. Nanliit sa sarili si Eva.
“Tita Isabel, pinabibigay po pala ni mama,” baling ng babaeng nagngangalang Catriona. Pati pangalan niya ay napakaganda rin.
“Salamat, hija,” tugon ng donya at kinuha niya sa kamay ng magandang babae ang maliit na box.
“Nag-abala pa ang mama mo, pakisa—”
Naputol na naman ang sasabihin ng donya nang umalingawngaw na naman ang mga babasaging kagamitan.
“Ano po ‘yon, tita?” tanong ni Catriona.
“Naku, si Andrei. Nagwawala na naman. Mainit na naman ang ulo,” kagat-labing saad ng ginang.
“Gano’n po ba. Pupuntahan ko po, tita,” pag-aalalang sambit ng babae.
“Mabuti pa nga, hija. Alam mo naman na ikaw lang ang nagpapakalma sa batang iyon. Sa iyo lang iyon nakikinig. Kahit ang ama niya sumasakit na ang ulo sa kanya,” tugon naman ng donya.
“Sige po, excuse me,” nagmamadali ang babaeng pumasok papuntang balkonahe kung saan nanggagaling ang tunog ng mga nabasag na gamit.
Hindi maiwasan ni Eva na sundan ang likod ng babae at napakagat-labi siya habang pinagmamasdan na naglalakad si Catriona. Para siyang beauty queen. Matangkad, balingkinitan ang katawan, at sumasabay ang kanyang puwet sa kanyang paghakbang. Sa tingin niya ay magkasing-edad lang ito at si Andrei.
SINUNDAN NI Eva ang babae at tinanggal niya ang tsinelas habang hawak niya ang laylayan ng kaniyang bistida. Dahan-dahan ang kanyang paghakbang upang hindi makagawa ng ingay papasok sa balkonahe. Kaagad na tumambad sa kanya ang mga bukas na bintana at puting kurtina na sinasayaw-sayaw ng hangin.
Agaw pansin din ang malaking kabinet sa gilid at halatang mga antigo ang mga kagamitan. Kumunot ang noo niya nang sumilay sa malaking salamin ang isang pintuan na bahagyang nakaawang. Lumapit siya sa salamin at pinakatitigan niya ang pintuan. Bigla siyang lumingon mula sa likod at totoo nga na may isa pang kwarto rito sa balkonahe. Sa tagal ng panahon na pabalik-balik niya rito ngayon niya lang napansin na may isa pa pa lang silid dito na animo’y sadyang itinago dahil magkakakulay at magkakaparehas ang disenyo ng dingding at ng pinto. Kung hindi nakaawang ang pintuan iisipin mong dingding lang din ito lalo na’t wala man lang itong doorknob.
Naglakad siya papunta sa pintong iyon. Habang papalapit ay parang may bumubulong sa kanya na ‘wag siyang tumuloy. Subalit kusang humahakbang ang kanyang mga paa.
Maingat niyang hinila ang pinto upang makapasok ang kaniyang ulo at napansin niya na may maliit na liwanag na nanggagaling sa maliit na lampshade sa gilid. Kaya nilakihan niya pa ang pagkakabukas ng pinto dahil hindi niya maintindihan ang pag-uusap ng dalawang tao sa loob.
“I called you many times Cath. I didn’t sleep much. I was worried about you.” Tinig ng isang lalaki.
“Love, I’m sorry. I just wanna—”
Hindi natapos ang pagsasalita ng boses ng babae kaya pumilit na si Eva na pumasok sa loob at namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang dalawang pares na naghahalikan. Parang pinako ang kaniyang mga paa kung kaya’t hindi siya nakagalaw. Mula rito ay kitang-kita niya ang lalaking nakapikit habang hinahalikan ang babae at alam niyang si Catriona iyon dahil natatandaan niya ang suot nitong kulay pulang bistida.
Pero ‘yong lalaki ay hindi niya pa nakikita nang maayos dahil natatabunan ito ng ulo ng babae. Tanging matang nakapikit lang ang nakikita niya.
Kitang-kita niya ang pagtatanggal ng lalaki sa suot ng babae at ang pagkalas ng bra nito mula sa likod. Ang babae naman ay tinatanggal ang damit ng lalaki hanggang sa pang-ibaba na lang ang natira mula rito.
Lumuhod ang babae at tinanggal ang salawal ng lalaki. May ginagawa ito sa ibaba ng lalaki pero hindi ‘yon ang tinuunan niya ng pansin kung hindi ang lalaking nakapikit at bahagyang naka nganga.
Siya ‘yong lalaki kanina ibig sabihin siya si senyorito? Siya na ba si Andrei?
Hindi makapaniwalang tanong ni Eva sa sarili dahil napakaguwapo ng binata. Malaki ang pangangatawan at mas lalo itong pumuti. Ngayon niya lang din napansin na may kulay pala ang mga mata nito. Noong bata pa kasi sila ay lagi itong may suot na eyeglass, maitim, long hair, at patpatin. Pero ngayon ibang-iba na ang hitsura nito.
Katulad ko hindi niya rin ba ako namukhaan? O, baka sadyang kinalimutan niya na talaga ako? Nagniniig sila ng Catriona na ‘yon, ibig sabihin may relasyon sila?
Sunod-sunod na tanong ng isip ni Eva.
Biglang kumislot ang kaniyang puso at ang mga tubig na nagbabadya sa kanyang mga mata ay tuluyan nang nagsilaglagan. Nang magmulat ng mata ang lalaki ay natatawa pa itong hinawakan ang balikat ng babae at hiniga sa kama habang magkalapat ang kanilang mga labi.
HINDI ALAM ni Eva kung paano siya nakalabas sa kwartong iyon. Napansin niya na lang na naroon na siya sa malaking bato kung saan doon niya sinuko ang pagkabirhen sa lalaking nangako sa kanya. Kung saan doon sila ni Andrei nangako sa isa’t isa, na siya lang ang babae sa buhay nito at pakakasalan siya.
Napatawa siya nang mapakla nang mapagtantong bakit ba siya
naniwala sa Andrei na ‘yon kung sa simula pa lang ay hindi na ito tumupad sa usapan. Ngayon may kasalo pa ito sa kama. Pangakong-bata lang pala ang lahat ng ‘yon. Mabilis niyang pinahid ang luha sa pisngI at naglakad pabalik ng bahay na laglag ang balikat.
Napakalupit naman ng kapalaran ko. Parang kahapon lang, ako pa ang kayakap mo.
Ako pa ang kahalikan mo. Ako pa ang dahilan ng mga ngiti mo. Binububuo ko pa lang ang mga pangarap natin pero tila hanggang pangarap na lang talaga.
Sayang ‘yong mga pinagsamahan nating dalawa. ‘Yong ating masasayang ala-alang niluma na ng panahon. Parang basurang kay dali mong itinapon.
****
Umuusbong na ang haring-araw kaya tumatama ang magandang liwanag nito sa bukas na bintana sa maliit na kwarto kung saan sumisinghot-singhot si Eva dala ng ilang gabing pagtangis mula ng unang masaktan ang kanyang puso.
Tinakpan niya ng unan ang mukha dahil nagsisimula na naman magtatalak si Aling Giday na nagsisilbing alarm clock niya tuwing umaga.
"Bumangon ka na riyan, Eva! Ako napupuno na talaga ako sa iyo!" malakas na sigaw ni Aling Giday.
"Ayaw ko ngang pumasok, Inay!" inis na sagot ni Eva.
Mabilis na lumapit si Aling Giday sa nakahigang si Eva at pinalo ang pwet nito.
"Aray ko naman, Inay! Ke aga-aga nagiging armalite na naman ang bibig ninyo!"
"Paaanong hindi kita puputakan! Tatlong araw ka ng hindi pumapasok sa eskwelahan! Kung tutuusin, Evangilyn, napakaswerte mo, dahil kahit kapos tayo napapag-aral kita! Ako nga noong araw, ilang bundok pa ang nilalakad ko! Ilang ilog pa ang tinatawid ko, para lang makapasok dahil desidido akong makapagtapos para sa magandang kinabukasan ko! Pero ano? nakatapos ba ako? hindi!" Dahil si lola't lolo mo hindi ako sinuportahan. Anong sabi nila? walang silbi ang libro sa pagtatanim ng palay. Hindi mo magagamit ang papel at lapis sa pagkokopra! Kaya kahit elementarya hindi ko natapos! Tapos ikaw tatamad-tamad ka! Ano ba ang gusto mo? ang magaya sa akin? ang lumaking labandera at mamamatay na labandera pa rin!" mahabang pangaral ni Aling Giday kay Eva kung kaya't walang nagawa ang dalaga kung hindi ang tumayo at nagmamakatol na maghanda para sa pagpasok sa eskwelahan.
°°°°°
Nilakad ni Eva ang medyo may kahabaan at lubak-lubak na kalsada. May iilan siyang nakakasabayan sa paglalakad na kapwa niya rin estudyante sa Fuentebella University na pag-aari ng mag-asawang Donya Isabel at Don Jordan Fuentebella.
Sila ang pinakamayaman sa lungsod. Bukod sa University may pag-aari din silang mga bangko, hospital, hacienda, at mga resort. Sabi ng mga kasambahay sa mansyon may mga negosyo rin sila sa Maynila. Ganoon sila kayaman kaya lahat ng tao ay tinitingala sila.
"Eva, bakit ngayon ka lang pumasok? May sakit ka ba?" Agaw-atensyon ng kakalase at masasabi niyang kaibigan na rin na si Misty.
"Ah, oo. Nagkasakit ako. Pero, okay na ako ngayon," pagsisinungaling ni Eva.
"Buti naman. Ngayon kalang yata um-absent kaya nakapagtataka. Ay, maiba ako. Alam mo na ba? kyahhh!" tili nito at tumatalon-talon pa.
"Ang alin ba?" iritadong tanong ni Eva dahil sa lahat ng ayaw niya ay iyong O.A. 'Yon bang nauuna pa ang tawa o kilig kaysa sa salita. Naiimbyerna siya kapag ganoon.
"May bago tayong professor," sabi ni Misty. "Substitute siya. Pero may gosh! Ang gwapo niya at ang bata pa niya! Twenty-seven years old lang siya. Kyahhh!"
"Guys, nariyan na si Prof!" tili ng isang estudyante na kaklase ni Eva.
Natanaw nga nila ang kotse diumano ng bagong profesor.
"Sinong may polbo?" tanong ng isang estudyante.
"Oh, ito polbo. Pahiram din ng lipshiner, bilis! Paparating na si Prof!" sabat naman ng isa pa.
"Wahhh! Eva, halika na at maupo na tayo. Para magmukha tayong mabait kay Prof!"
Inis na winaksi ni Eva ang kamay ni Misty at inikutan ito ng mga mata. "Tsss. Kala ko kung ano na!" boring na sambit ni Eva at kunot-noong pumasok na sa silid-aralan nila.
Binuklat ni Eva ang notebook na hiniram niya kay Misty at nagsimulang magsulat dahil kailangan niyang humabol sa mga takdang-aralin na sa nakalipas na tatlong araw na pag-liban niya sa klase.
"Good morning, sir!" malakas at sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase ni Eva.
"Good morning." Walang kabuhay-buhay na sagot naman ng bagong professor.
Pinagpatuloy naman ni Eva ang pagsusulat at narinig niya na lang ang pagtawag ng attendance nila para sa araw na iyon.
Pansin ni Eva sa mga kaklase niya ang sigla sa paraan ng pagsabi ng present ng mga ito. Nagkibit-balikat na lang si Eva at nagpatuloy sa pagsusulat hanggang sa tinawag na ang apelyido niya.
"Miss Cardenal."
"Present," tamad na sagot ni Eva.
"Miss Cardenal," pag-uulit na tawag ng propesor kay Eva.
"Present!" malakas na sagot ni Eva habang hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin.
"Kate Evangilyn Cardenal!"
Napakunot-noo si Eva at nahampas niya pa ang sinusulatan dahilan para malaglag ang ballpen niya sa sahig.
"Present nga po, Sir. Paulit-ulit?" Hindi niya na napigilan na hindi magtaas ng boses at tingnan ito.
Ang kaninang inis sa mukha ni Eva ay biglang naglaho at nanlambot ang mga tuhod nang makilala kung sino ang profesor nila.
"Andrei..." sambit ni Eva at nanatiling nakatuon ang paningin niya sa madilim nitong aura.
"Get one sheet of paper," maawtoridad at bakas sa boses nito ang galit kaya mabilis silang nagsilabasan ng mga papel.
Tumayo si Andrei at nagkuha ng chalk. May sinusulat siya sa blackboard kaya kumuha na rin ng papel si Eva. Napakagat-labi si Eva nang mabasa ang nakasulat sa board.
May enumeration at essay kaya hindi maiwasan ni Eva na kabahan.
Hindi kasi alam ni Eva ang pinapasagutan ni Andrei at hindi rin kasi siya katalinuhan para sagutin ang essay nito na aabot pa sa fifty words at kailangan ay english pa.
Sinipat ni Eva si Andrei na ngayon ay nagbukas ng laptop kaya pasimple siyang lumingon kay Misty para sana mangopya subalit parang may third eye yata ang kanilang profesor kaya napansin siya nito kaagad.
Tumayo si Andrei at nakapamulasang naglakad-lakad sa gitna para bantayan kung sino ang nangongopya.
Mahinang napabuga ng hangin si Eva at napansin niyang paunti-unti na lang silang natitira sa loob dahil ang iba ay nakapasa na samantalang si Eva ay kahit number one wala pa ring sagot.
Hindi maipasa ni Eva ang papel niya dahil tinitingnan ni Andrei ang mga papel na pinapasa ng iba saka palalabasin kaya alam niyang kahit ipasa niya ito, hindi pa rin siya makakalabas.
Ang limang studyanteng natira ay naging tatlo, naging dalawa, hanggang sa si Eva na lang ang natira.
Ilang minuto pa ang lumipas wala pa ring pagbabago sa papel ni Eva. Tiningnan niyang muli si Sir Andrei na ngayon ay naka-cross arms na nakatingin din sa kanya. Mabilis siyang nagyuko ng ulo at para hindi mapahiya ay pinuno niya ng number ang papel para may maipakita lang na may sagot siya.
"I might be late for my next subject, Miss Cardenal. Make sure you're gonna perfect it!"
Mas lalong napayuko si Eva sa sinabi nito at dinoble-doble niya pa ang pangalan niyang sinulat sa taas ng papel. Hanggang napansin ni Eva ang pagtunog ng sapatos ni Andrei at sa nasa harapan niya na ito. Napapikit nang mariin si Eva nang kinuha ni Andrei ang papel niya.
"f**k! Late na ako ng ten minutes sa kahihintay ko sa papel mo at hanggang ngayon wala kang nasagot kahit isa?"
"Sir, a-ano kasi... a-absent p-po kasi ako n-ng ta-tlong a-araw..." utal-utal na paliwanag ni Eva
"So, kasalanan ko pa? ako ang mag-a-adjust—" Hindi nito natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone niya sa bulsa kaya sinagot niya kaagad.
Biglang nalungkot si Eva nang marinig ang sinabi ni Andrei sa kausap sa cellphone. Alam niyang si Catriona ang tumawag kay Andrei. Mahirap pa ring tanggapin ang katotohanang hindi na talaga siya ang tinitibok ng puso ni Andrei. Hindi na siya nito kilala.
Iniisip ni Eva kung paano niya sasabihin kay Andrei na ito ang dahilan kaya hindi siya pumasok ng tatlong araw. Simula nang makita niya si Catriona, at nakita niyang may ginagawa sa kama ang mga ito ay bigla na lang siyang nanlumo. Nawalan ng lakas ng loob para kausapin pa si Andrei.
Ang tingin niya kay Andrei ngayon ay isang amo, mataas na tao na kailangan respituhin.
"Babe? Ay, sorry. May klase ka pa pala— Eva?"
Napaayos ng upo si Eva nang makita si Catriona sa pintuan. Nakasuot ito ng bestidang kulay dilaw at nakapusod ang mahaba nitong buhok. Napakaganda niya talaga. Halatang anak-mayaman siya.
"Ikaw nga? estudyante ka pa pala? sabagay... bata ka pa," masayang sabi ni Catriona at lumapit kay Eva.
"Hi po, Ma'am Catriona," nakangiting sabi ni Eva pero ang ngiting yun ay unti-unting naglaho. Napaiwas ng tingin si Eva nang kinabig ni Andrei ang beywang ni Catriona at hinalikan sa pisngi. Itinaas ni Andrei ang damit ni Catriona dahil litaw ang maputi nitong cleavage.
"Oh, pasensya na. Nakakadisturbo ba ako sa klase ninyo?" nakangiti pa ring sabi ni Catriona.
"No, babe. We are almost done. You can go out now, Miss Cardenal!"
Mabilis na tumayo si Eva nang sabihin iyon ni Andrei sa kanya. Baka nga nakakadisturbo siya sa mga ito, sa isip ni Eva.
"Wait, Eva, may ibibigay ako sa iyo."
Napalingon si Eva kay Catriona dahil sa pagpigil nito sa kanya. Inabot ni Catriona kay Eva ang isang bagong cellphone.
"Naku! Hindi ko po iyan matatanggap, Ma'am Catriona. Ang mahal po niyan!"
"Ano ka ba, Eva. H'wag mo na akong tawaging ma'am. Cath na lang, okay?" sabi ni Catriona na may ngiti pa rin sa mga labi niya. "Tsaka binili ko talaga ito para sa iyo. Kasi hiningi ko ang number mo kay Tita Isabel pero sabi nila wala ka raw cellphone, kaya binilhan kita. Alam mo kasi gusto kitang maging kaibigan. Alam mo bang mapili ako sa kaibigan? ayaw ko sa mga maldita at maarte. Una kong tingin sa iyo, alam kong mabuti kang tao. Kaya mabuti ka rin kaibigan. Sana maging magkaibigan tayo, Eva. Dahil wala akong ibang kaibigan dito sa bayan ninyo."
"Ahh... Salamat, Ma'— Cath pala. Napakaganda ninyo at napakabait pa. Makakaasa po kayong magiging mabait akong kaibi—"
"You don't know her well, babe. H'wag ka munang magtitiwala. Hindi porke at tauhan siya namin ay mabuti na siyang tao," Pinutol ni Andrei ang sinasabi ni Eva at parang karayom na tumusok iyon sa puso ng dalaga.
"Ano ka ba Andrei! napaka-judgemental mo naman. Kaya nga makikipagkaibigan, eh para makilala ko iyong tao," tugon naman ni Catriona.
"Ahh, sige, Cath. Mauuna na ako, may klase pa ako. Salamat ulit!" sabi pa ni Eva. Hindi na hinintay pa ni Eva na makasagot si Catriona at kaagad na siyang tumakbo palayo sa dalawa, dahil ayaw niyang makita nila ang pagtutubig ng mga mata ni niya.
Napasandal si Eva sa pader malapit sa banyo at doon niya binuhos ang nagbabadya niyang mga luha.
"Kung makapagsalita ang lalaking iyon, parang hindi niya ako kilala at para bang wala kaming nakaraan!" Pinahid kaagad ni Eva ang pumatak na luha sa pisngi niya.
Napatingin si Eva sa kamay niyang nakahawak sa box ng cellphone na galing kay Catriona. Nagtataka si Eva kung bakit ang bait ni Catriona sa kanya? Iyon kasi ang madalas niyang mabasa sa mga pocketbook.
Iyon bang suplada na kaagaw ng bidang babae sa bidang lalake. Iyong character ng babaeng mayaman at mataray na naghahabol sa bidang lalake. Tapos ayaw sa kanya ng bidang lalake, dahil nga sa masama ang ugali niya. Tapos 'yong ending, ang bidang lalake at babae ang magkakatuluyan kasi mabait ang bidang babae.
Pero nagtataka si Eva kung bakit baliktad sa totoong buhay. Ang bait ni Catriona at binilhan pa siya nito ng bagong cellphone. Bakit gusto siya ni Catriona na maging kaibigan? Natanong din ni Eva sa sarili kung ano ang magiging papel niya sa buhay nina Andrei at Catriona. Ang maging tulay at maging advicer sa kaibigan at sa lalaking mahal niya simula't sapul? Hindi yata niya kakayanin ang ganoon.
~~~
Malumbay na umuwi ng bahay si Eva nang matapos ang klase niya.
"Mano po, Inay," mahinang sabi ni Eva sa nanay niya.
"Anak, pumunta pala rito si Pasing. Kailangan daw ng mansyon ng tagaluto kasi lumuwas ng Maynila ang kusinera, mag-aalaga raw sa bagong panganak na anak niya," saad ng nanay ni Eva sa kanya.
"Pero bakit ako? Nag-aaral ako, Inay!" pangangatwiran ni Eva.
"Alam iyon ni Donya. Sa umaga ka lang naman magluluto dahil busy silang mag-asawa sa trabaho at sa gabi ang donya na ang magluluto. Sasahuran ka naman nila. Isa pa, kahit hindi ka pa swelduhan wala tayong magagawa dahil nakikitira lang tayo at kahit sa paso wala tayong lupa. Kaya h'wag ka ng mag-inarte riyan!"
"Ano pa nga ba!" pagmamaktol na saad ni Eva at kaagad na pumasok sa ku warto niya.
Nagpalit siya ng damit at kinuha niya ang maliit na baul sa ilalim ng katre niya. Kinuha niya ang lahat ng laman niyon.
Bitbit niya ang mga papel papuntang likod-bahay at binuhay ang posporo. Sinindihan niya iyon isa-isa. Pinanood niya ang pagkasunog ng mga papel hanggang sa naging abo ang lahat ng iyon.
Sa tuwing naalala niya si Andrei noon, madalas siyang nagsusulat. Sa pamamagitan ng papel at ballpen ay kinakausap niya si Andrei. Gumagawa siya ng mga love letter at may mga disenyo pa ng puso. Nagsusulat siya tuwing pasko, valentines, birthdays at sa tuwing dumarating ang Mayo deysi syete, dahil espesyal sa kanya ang araw na ito. Ito ang araw kung saan sila nagtapat ng pagmamahal at pangako nila sa isa't-isa na magpapakasal sila sa tamang edad. Pero hindi na iyon mangyayari pa.
Naalala niya pa, palagi siyang napapalo noon ng nanay niya dahil iyong kalendaryo nila ay puno ng malaking check ang bawat number. Binibilang niya kasi ang araw na dumaraan para alam niya kung ilang taon, buwan, at araw pa ang bibilangin niya para sa pagbabalik ni Andrei.
Simula nang umalis si Andrei, palagi siyang umiiyak noon at sabi sa kanya ng mga trabahador sa mansyon, dapat daw na kalimutan niya na lang si Andrei. Dahil baka masaktan lang daw siya sa pagdating ng panahon. Pero sinasabi ni Eva sa kanila na mahal siya ni Andrei, dahil iyon ang sabi nito sa kanya.
Ang sabi naman ng nanay niya, pangakong bata, at batang pagmamahal lang daw iyon.
"Tama silang lahat. Dapat nakinig ako sa kanila. Dahil katulad ng pagbago ng panahon, nagbabago rin ang tao."