Maraming matang nakatingin sa dalaga ng mataman nitong pinapanood ang mga habal-habal na dumadaan habang nakaupo sa pahabang upuan na semento sa labas ng unibersidad.
Bakas sa mga mata nakamasid ang paghanga habang pinagmamasdan ang nakaupong si Eva na sa isang banda lang ito nakatingin pakiwari mo'y napakalalim ng iniisip.
"Eva?"
"Evangilyn?"
"Hoy, Cardenal?"
Samu't-saring na tawag ng tatlong kababaihan ng mapansin nila ang kaklaseng lutang, ngunit hindi pa rin nila makuha ang atensyon nito kaya pumasok na lang ang tatlo sa loob.
Sa di-kalayuan naman ay tanaw ng binatang si Andrei ang napakainosenteng mukha ni Eva. Aaminin niyang nagu-guilty siya dahil nasaktan niya ito. Alam niyang nangako siya dito sampung taon na ang nakakaraan.
Ngunit pinaghiwalay sila ng tadhana.
Noong una ay hindi niya matanggap, lagi mainitin ang ulo niya at pasaway sa magulang maging sa exclusive na paaralan ay naging sakit siya ng ulo ng mga kaklase at mga guro. Pero nang dumating ang panibagong babae sa buhay niya ay tumino siya. Dahil sa katauhan ni Catriona ay nakalimutan niya si Eva. Ang minsan naging prinsesa ng buhay niya. Si Catriona ang pumuno sa pangungulila niya dito. Sa tulong ni Catriona ay naibaon niya sa limot ang lahat, maging ang ala-ala nilang dalawa ni Eva.
Ngayon na nagbalik siya hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman para kay Eva.
Hindi niya akalain na subrang laki ng pinagbago nito, Tama si Peter lumaking napakagandang dalaga ni Eva. Aaminin niyang na miss niya rin ang dalaga.
Kahit saang sulok ng bahay siya mapunta ay bumabalik sa kanya ang nakaraan nila na masayaang nag-uusap. Nilalaro niya ito para hindi na ito maghanap ng iba pang kalaro.
Ngunit iba na ngayon, binata na siya at dalaga na si Eva. Pangalawa, may Girlfriend na siya at mahal niya ito.
Napabuntong hininga ang binata at pumasok ng kotse at painaharorot palayo sa dalaga.
°°°°
Magtatakip silim nang nakauwi ng bahay si Eva. Wala naman masyadong activity sa school pero pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya.
"Andito na ako Ina— ikaw?”
Biglang nabuhay ang diwa ng dalaga at kumukulo pa dugo nito nang makita ang pinakahayupak na tao na ayaw na hanggang maari ay ayaw na niyang makita pa!
"A-anak…”
"Wag mo akong matawag tawag na anak hayop ka!”
"Evangilyn!” Sinita ni Aling Giday ang dalaga at sinalubong nito at galit na hinawi ang kurtina at lumabas galing kusina.
Kapag ganitong tinatawag siya ng Ina sa buo niyang pangalan ay alam niyang galit ito pero mas galit ang dalaga dito at pinakita niya iyon sa kanya na hindi siya natinag at sinamaan ito ng tingin kaya biglang umamo ang mukha ng Ginang.
"A-anak, ‘wag naman ganiyan, ama mo pa rin 'yan,” Paki-usap ni ALing Giday.
"Ama? At kailan pa ito naging ama sa akin. Ano ito Inay? bakit narito ang taong ‘yan?”
"A-anak, a-ano kasi…bumalik na siya sa atin buo na ulit tayo...”
"Hindi! Ayoko Inay…palayasin mo ‘yan dito o ako ang lalayas… mamili ka,” mariin turan ni Eva.
"G-giday...tama naman ang anak natin wala akong kwentang ama. A-alis na ako lang para hindi na kayo mag-away mag-ina," mangiyak ngiyak na sabi nito pero hindi niya si mapapaniwala sa kadramahan niya ang si Eva.
"Hindi, hindi ka aalis Berting!”
"Inay na—“ ngunit pinutol nito ang sasabihin ni Eva.
"Sa ayaw at sa gusto mo hindi aalis ang tatay mo! wala kang utang na loob, kahit baliktarin man ang mundo tatay mo pa rin siya at anak lang kita kaya ako ang masusunod!” Sigaw ni Aling Giday sa mukha ng dalaga.
"Ganiyan ka na ba karupok Inay? pagkatapos tayong abandonahen ng sampung taon tatanggapin mo siya ng ganon na lang? Oo ama ko siya at siya ang nagdala sa akin sa pisting mundo na sinasabi ninyo. Pero wala akong utang na loobsa lalaking iyan kahit sainyo wala. Bakit ginusto ko ba’ng mabuhay? hiniling ko ba’ng buhayin ninyo ako? hindi dahil ginusto ninyo parehas kaya ako nabuo at—“
"Pak!”
Tumagilid ang mukha ni Eva nang malakas siyang sinampal ni ALing Giday.
"Wala kang kwentang anak lumayas ka rito, lumayas ka!”
°°°°
Malalaki ang hakbang ni Eva habang tumatakbo pa alis ng kanilang bahay.Talagang lalayas ako! Hindi ko kayang makasama ang lalaking iyon. Ang kapal-kapal ng mukha niyang babalik pagkatapos magpakasasa sa ibang pamilya.
Lumaki akong walang ama at ni minsan hindi ko naranasan ng pag mamahal ng isang ama. Hindi ko siya kailangan kung ayaw ni Inay palayasin ang lalaking iyon hinding hindi na ako babalik sa bahay na iyon, magsama silang dalawa!
Kanina pa ako umiiyak habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga. Medyo madilim dahil walang buwan at pondido ang ilaw ng isang poste dito sa gubat. Pero kahit na pumikit ako ay alam ko ang daan dahil kabisado ko na ito.
Naglakad papasok sa mansyon ang dalaga habang bitbit pa rin ang bag at tinanggal ang sapin sa paa nang tuluyan na itong bumuka dahil may kalumaan na rin ito madalas na lang lagyan ng rugby pero ubos na yung rugby kaya hindi na niya ito nalagyan kaya naman ay tuluyan nang nasira dahil siguro sa pagtakbo niya kanina.
Medyo masasakit yung maliliit na bato sa paa niya pero tiniis niya na lang iyon hanggang sa makarating siya sa mansyon.Hindi pa naman masyadong gabi kaya bukas pa ang malaking gate. Hinanap niya agad si Donya Isabel dahil makiki-usap siya na kung puwede dito muna siya magtatrabaho kapalit ng pagtira niya. Mabait naman si Tita Isabel tiyak na papayag ‘yon.
"Eva? anong nangyari sa ‘yo?”
Tawag sa kaniya ni Arya na tagalinis at pinasadahan siya ng tingin. Marahil dahil sa wala siyang tsenelas at hindi pa rin siya nakapag-bihis at medyo magulo din ang buhok niya at mugto pa ang mga mata.
"Nariyan ba ang Donya, gusto ko sana makausap eh," wika ni Eva.
"Ay wala lumuwas sila ng Maynila dahil may business trip sila eh, baka nga palabas pa ‘yon ng bansa, bakit?”
"Ah, gusto ko sanang makiusap kong pwedi dito muna ako. Saad ko.
"Naku, nahuli ka ng dating dahil kakaalis lang talaga nila nag helicopter lang sila eh, pero andito naman si Senorito sa kanya ka nalang magpaalam.
"Sige Eva, at tatawag muna ako sa dyowa ko"
"Sige, salamat," wika ni Eva at kaagad na pumunta sa kwarto ni Andrei para magpaalam.
Kumatok siya ng ilang beses pero walang sumasagot. Nang buksan niya ang pinto ay wala namang tao sa loob. Ang huling pinuntahan ni Eva ay ang veranda kung saan may sikretong kwarto.
Dire-diretso siyang naglakad at hinawi ang kurtina na tumatabon sa dingding.
"Bakit kaya gumawa sila ng sikretong kuwarto rito at para saan naman at kailangan talaga may kurtina pa para hindi mahalatang may kwarto rito?"
Pumasok na sa loob si Eva at tanging kandila lang ang nagsisilbing ilaw. Nakapatong ito isang pabilog na babasaging mesa at sa ibabaw niyon ay may isang garapon na gawa sa marmol. Hindi alam ni Eva kung ano ang tawag roon kasi ngayon palang siya nakakita ng ganitong bagay.
Lumapit si Eva sa mesa at hahawakan niya na sana ang garapon nang may kamay na pumigil sa kanya. Sa sobrang gulat ay napatili si Eva.
"Don't f*****g touch it!" Maawtoridad ang boses kaya kaagad na nag-angat ng tingin si Eva. Sumalubong sa kanya ang madilim nitong aura.
"What the f**k are you doing—"
"Babe? Eva?"
Biglang kumabog ang puso ni Eva nang lumitaw si Catriona mula sa kung saan at bakit hindi sila gumagamit ng ilaw rito?
"Anong ginagawa mo rito, Eva? Paano mo nalaman itong kwarto?" kunot-noong tanong ni Catriona na nagpakaba kay Eva.
"Ah, Cath, matagal ko ng alam. Bata pa ako noon. Madalas kasi kami rito noon ni Andrei—"
"What do you want?" putol ni Andrei sa sinasabi ni Eva. Alam ni Andrei na nagsisinungaling lang si Eva. Kasi ang totoo hindi talaga alam ni Eva. Iyon lang ang rason na alam ni Eva kaya at wala siyang ibang p'wedeng ipalusot. Hindi naman p'wedeng sabihin niyang nakita niya sina Andrei at Catriona na rito habang may ginagawa. Baka mas lalong lumala ang sitwasyon at masabihan pa siyang tsismosa.
Isa pa, hindi p'wedeng banggitin ni Eva ang ano mang nakaraan nila noon ni Andrei dahil tapos na iyon.
"Ahm, ano kasi... ang totoo niyan si And— Senyorito Andrei ang sadya ko," ani Eva habang nakayuko.
"Kasi?" Usisa pa rin ni Catriona.
"Kasi... makikiusap sana ako dapat kay Donya Isabel na kung p'wedeng dito muna ako pansamantala. Kasi may problema lang sa bahay kaya wala akong matutuluyan. Pero magtatrabaho naman ako bilang kabayaran sa pagtira ko rito," wika ni Eva at nag-angat na ng tingin.
"G-ganoon ba? Ano sa tingin mo, babe? Kawawa naman si Eva," wika ni Catriona at tiningnan nitong nakanguso si Andrei. Inakbayan siya ni Andrei.
Pinilit na tinatagan ni Eva ang loob niya kahit ang totoo ay parang nabundol na naman ang puso niya.
"Fine. Dito ka muna mag-stay ngayon gabi. Pero bukas umalis ka na! Hindi ito kwadra para tanggapin ang mga taong pakawala ang buhay!" malamig na sagot ni Andrei.
Walang masabi si Eva. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba sa pagtanggap ni Andrei sa kanya ngayong gabi o ang mainsulto sa sinabi nito na parang walang silbi ang mga kagaya niya.
"Leave! You don't have a place here!" dagdag pa ni Andrei na mas lalong ikinasama ng loob ni Eva. Yumuko lang si Eva at tahimik na lumabas sa kwartong iyon. Lumabas siya ng bahay at huminga nang malalim.
"Bakit lahat na lang ng tao pinagtatabuyan ako? Saan ba ako lulugar? Sino ba ang tatanggap sa akin?" mapait na sabi ni Eva sa kawalan at hinayaan ang luhang kumawala sa mga mata niya.
"Ako!"
Biglang napakurap si Eva nang marinig ang tinig na iyon hanggang sa naramdaman niya na lang ang kamay nitong nasa balikat niya na at hinarap siya nito.
"P-Peter?" mahinang sambit ni Eva nang makilala kung sino ang kaharap.
"I am here, Eva. Handa akong tanggapin ka ano mang oras."
"Peter..."
"Shh, it's alright," sabi pa ni Peter at kinabig siya nito at niyakap.
Pumikit nang mariin si Eva at tinatagan ang loob.
"Ayaw ko nang umiyak. Ayaw ko nang umiyak."
Paulit-ulit na sabi ni Eva sa sarili at pinipigilan ang luhang gustong kumawala. Kaya bago pa mangyari iyon ay kumalas na si Eva galing sa pagkakayakap ni Andrei.
"Hindi na ako iiyak. Matapang na ako, Peter. Kailangan ko nang maging matapang," nakangiting sabi ni Eva kay Peter.
"That's my girl!" sabi naman ni Peter at nginitian din si Eva pabalik.
"Eva, kung wala kang matutuluyan. Doon ka muna sa mansyon ko."
"May mansyon ka rin?" manghang tanong ni Eva.
"Yeah."
"Kung ganoon, bakit nandito ka? Ang ibig kong sabihin..." Napaiwas ng tingin si Eva.
"Spill it."
"Bakit sumisiksik ka rito, eh halata naman na katulad ko ay ayaw rin sa iyo ni Andrei," sabi ni Eva at napakagat-labi. Baka ma-offend si Peter sa kanya.
"Kasi nandito ka, dahil gusto kitang makita," walang alinlangan na pagtatapat ni Peter. "Mahal kita, Eva. Noon paman ay mahal na kita."
Napanganga si Eva dahil hindi niya iyon inaasahan. Akala niya kasi gusto lang siya nito. Magkaiba kasi ang gusto sa mahal at bakas sa mga ni Peter ang sinseridad.
"P-Peter..."
"Come on, Eva. You don't deserve this kind of treatment," wika ni Peter at hinawakan ang kamay ni Eva.
"Teka, saan tayo pupunta?" Palag ni Eva nang hilain siya ni Peter.
"At my house. Doon ka titira."
"Peter."
"Naiintindihan ko kung ayaw mo. I know na hindi mo ako kayang mahalin paba—"
"Sinasagot na kita!" putol ni Eva sa sasabihin sana ni Peter at bahagyang nagulat ang binata.
"W-What did you say?"
"Sinasagot na kita, kaya tayo na. Boyfriend na kita, girlfriend mo na ako," kagat-labing sabi ni Eva.
"Really!" malakas na sabi ni Peter at ngumingiti pa kahit ang mga mata niya. Niyakap niya si Eva nang mahigpit at may sinasabi pa ito, pero hindi naintindihan ni Eva kasi kahit siya ay nabigla sa naging desisyon niya. Sana lang tama itong ginawa ko, sa isip ni Eva.
Gusto niya rin kasing maging masaya. Tama na iyong mga paghihirap na binigay ni Andrei. Masyado nang nadurog ang puso niya.
"So, tara na sa bahay natin?" masayang sabi ni Peter kay Eva. Kaya mas lalong dumagdag ang kagwapuhan nito nang sumilay ang mapuputi niyang mga ngipin.
"Tara?" tugon naman ni Eva at magkahawak-kamay silang lumabas ng gate.