Ten years later...
"Eva?" yumanig ang boses ni Aling Giday at halos magsilabasan na ang ugat sa leeg nito sa kakasigaw. Tinatawag niya ang kaisa-isa niyang anak. Habang tumatagaktak ang pawis sa noo, dulot ng hagupit ng haring araw sa kanilang munting bakuran.
"Eva?" pag-uulit na tawag ni Aling Giday habang nilalagay niya ang palay sa sako. "Kapag hindi ka pa bumaba riyan, pagbilang ko ng tatlo makakatikim ka talagang bata ka! Isa, dalawa, tatlo! Putragis kang bata ka, hindi ka pa talaga bababa? Evangilyn!" Sigaw ulit ni Aling Giday. Pati yata kabilang baryo ay nabulyahaw sa sobrang lakas ng boses nito.
Napamulat ng mata si Eva at kaagad na tumambad sa kanya ang bubong nilang gawa sa pawid. Nagmamaktol na bumangon si Eva dahil sa naririndi siya sa sigaw ng ina.
"Malapit na sana eh! Naroon na ako eh, distorbo naman 'to si Nanay!" Inis na turan ng dalaga sa kanyang maliit na kwarto dahil nahinto ang kaniyang imahinasyon. Bumaba siya ng hagdan na gawa sa kawayan at dalawang baitang lang ito kaya naabutan niya kaagad ang ina na tila hindi maipinta ang mukha.
"Anong kinikibot-kibot mong bata ka? Mag-a-alas tres na ng hapon nakahilata ka pa rin?" singhal nito sa kaniya.
"Inay naman eh! Syempre nagdadalaga pa ako eh. Tumutubo pa ako," pagdadahilan niya at umupo sa bangko.
"Ikaw na bata ka, pala-rason ka talaga! Nagmana ka sa tatay mong walang kwenta! Kunin mo na 'yong mga sinampay at tupiin mo na! Nang ma-e-deliver na sa mansyon!"
Walang nagawa si Eva, kung hindi ang sundin ang utos ng ina habang wala itong humpay sa kakakuda. Kapag nasimulan nitong banggitin ang ama niyang iniwan sila ay aabutin ito ng buong magdamag na ikumpara siya sa tatay niyang sumakabilang-bahay.
Pagkatapos niyang tupiin ang mga kurtina, punda, at kumot, ay lumabas na siya ng bakuran at iniwan ang ina niyang walang tigil sa kakakuda.
Malayo pa lang ay natanaw na niya ang malaki at magandang mansyon ng mga Fuentebella. Bigla na naman siyang nalungkot nang makita niya ang mga ala-alang bakas ng kasiyahan nila ni Senyorito Andrei, habang naghahabul-habulan at bigla siyang yayakapin, panakaw na hahalikan sa labi. Puno ng tawanan nila ang bawat sulok ng bahay.
Ilang taon na rin ang lumipas. Ilang taon na rin siyang nangungulila.
"Eva, pumasok ka na. Palagi ka na lang tulala kapag nakikita mo itong mansyon. Hanggang ngayon parang naninibago ka pa rin." Agaw atensyon ni Tiya Pasing— ang tagapamahala ng Hacienda Fuentebella.
Kahit madalas siyang nakakapasok sa loob ay hindi niya pa rin maiwasang mamangha sa magagandang disenyong mayroon ang buong mansyon. Nanatiling bago at malinis ang mansyon. Dahil alaga pa rin ito ng mga tauhan at patuloy na sineswelduhan ni Donya Isabel kahit na nasa America sila.
Dire-diretsong pumasok si Eva papunta sa isang kuwarto. Itinaas niya ang isa niyang tuhod para doon ilagay ang mga bitbit niyang labada. Inalalayan ito ng isa niyang kamay habang ang isa niya pang kamay ang pumihit sa seradura.
"What the f**k!"
Nawindang si Eva at sobrang nagulat hatid nang malakas na tinig ng isang lalake ay nalaglag ang ibang kurtina. Nagmamadali niyang pinulot ang mga iyon at nilagay sa sofa. Nakayuko niya itong tinupi at nilagay sa lalagyan.
"Don't you know how to knock before entering, woman?" cold na sabi ng lalaki at dismaya nitong tinago ang alaga niyang tinataas-baba sa kamay nito.
Napaigtad si Eva at unti-unti niyang inangat ang ulo para magtama ang kanilang paningin. Naibuka niya nang bahagya ang bibig nang masilayan niya ang lalake. Parang kabayong nag-uunahan sa pagtakbo ang kabog ng puso niya. Marahil ay ngayon lang siya nakakita ng mala-Adonis na lalaki sa buong buhay niya.
Ngunit, hindi nakaligtas sa dalaga ang mapanuri nitong tingin sa kanyang mukha at bumaba iyon sa kanyang labi, pababa hanggang sa dibdib niyang natatabunan ng puti at manipis na tela.
Ikinangisi naman iyon ng lalaki nang makita nito ang malaking hinaharap ng dalaga. Mabilis niya itong sinipat ng tingin. Maputi at makinis ang balat ng babae, idagdag pa ang maamo nitong mukha. Mas lalong nanikip ang short niya hatid ng makamandag na alindog ng nasa harap niya. Akala niya walang silbi ang pamamalagi niya muna ng ilang linggo rito sa boring na mansyon. Subalit may grasya pa lang naghihintay rito sa kanya.
Maraming naglalaro sa isipan ng binata habang pinapasadahan niya ng tingin ang probinsyanang babae. Pasasaan ba't madadala niya rin ito sa kama, sa isip-isip niya.
Mabilis pa sa alas kwatrong niyakap ni Eva ang sarili nang mapagtanto ang malagkit na titig ng lalaki sa dibdib niya lalo na't wala siyang suot nabra. "Hindi ko naman kasi alam na may ibang tao pala rito sa mansyon."
At sino ba kasi ang lalaking ito at ngayon ko lang ito nakita rito sa mansyon. Sa loob ng ilang taon kong paninilbihan dito sa mansyon ngayon lang ito napadpad dito, pagmumuni-muni ni Eva.
"Anak? Ano ang nangyari at bakit ka sumigaw?"
Napalingon ang dalaga sa pamilyar na tinig na iyon ng isang babae.
"Donya Isabel?" naibulalas ni Eva nang lumapit sa kanya ang babae at ngumiti ito nang matamis na para bang hinehele siya dahil sa napakagandang mukha ng donya.
"Eva, hija, ikaw na ba 'yan? Dalagang-dalaga ka na, ah? Lumaki kang maganda at ang kinis ng balat mo, hija. Ilang taon ka na?"
"Tu-twenty-one po," nauutal na sagot ni Eva dahil hindi niya alam at walang nakapagsabi sa kanya na dumating na pala ang mga ito.
Dumating na pala ang matagal na niyang hinihintay na si Senyorito Andrei.
"Andrei?" Sambit niya at nilingon ang lalake kanina. Subalit para itong bula na biglang naglaho.
"Hayaan na muna natin, hija, si Andrei. Marahil may jetlag pa 'yon dahil kadadating lang namin kanina. Hindi na kami nagpasabi pa baka kasi maabala pa namin kayo."
Ngumiti si Eva dahil kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nagbabago ang ugali ng amo nila. Napakabait pa rin.
Mabilis na tumakbo si Eva palabas ng gubat at hindi alintana ang hawak niyang malaking bag na puno ng mga bigay ng donya.
"Inay, Inay, nasaan kayo?" humahangos niyang sigaw sa maliit nilang kubo.
"Oh, ano ang nangyari at para kang hinabol ng mga aso. Naibigay mo ba kay Pasing ang labada?" bungad ni Aling Giday na may hawak na maliit na palanggana na puro papaya ang laman.
"Inay, dumating na po sila Donya kanina. Bakit 'di man lang po ninyo sinabi sa akin na ngayon pala ang dating nila? Hindi ako nakapaghanda. Tingnan mo wala pa akong bra at 'di man lang ako nakapagpolbo. Kahit pagsuklay ay hindi ko nagawa," ngangingitngit na anas ni Eva sa ina at inabot niya rito ang bag.
Kinuha naman kaagad ito ni Aling Giday at bumalik sa loob para halungkatin ang laman ng bag.
"Aba'y hindi ka naman nagtanong. Huwag mo nga akong makunot-kunutan ng noo mo! Kasalanan ko ba kung wala kang bra? Bakit ako ba ang nagdadala riyan sa dede mo?"
"Inay naman eh," napakamot sa ulo niya si Eva.
"Ako, Evangilyn, 'wag mong masisi- sisi riyan sa katangahan mo! Himayin mo 'yong papaya at nang may maiulam tayo!"
Ngunit hindi ito sinunod ni Eva at bagkus ay mabilis siyang pumasok sa silid at naghanap nang magandang susuotin dahil babalik siya sa mansyon upang makausap si Andrie, ang lalaking nangako sa kanyang
pakakasalan siya pagdating ng araw.