Chapter 08: The Decision

1613 Words
“Shunga ka ba, sis? Iyon na ang mismong opportunity na hinahanap mo! Bakit mo pinakawalan!” tila naiiyak na sabi ni Bettie. Dumaan siya sa boutique nito matapos ang kanyang shift sa trabaho. She realized she needed someone to talk to matapos ang buong araw na si Matthias lang lagi ang pumapasok sa isip niya. I wanna know how fun you are in bed… Ipinilig niya ang kanyang ulo. Eto na naman. Naaalala na naman niya ang lalaki at ang sinabi nito. It’s not a good sign! “I know, sis. Pero dinaga ako sa huli eh,” sagot niya rito which is true. She’s drunk. She’s supposed to have shrugged off all her inhibitions pero hindi. Natakot siya bigla sa ideyang hihiga siya sa kama kasama ang isang estranghero. “So ano? Hindi ka na tutuloy sa plano mo?” tanong nito sa kanya. Nagkibit balikat siya. “I dunno. Pero sayang ang chance.” Napahilot ng sentido si Bettie. Ibinaba nito suot na eyeglasses at saka lumapit sa kanya. “Sis, kung hindi ka ready eh wala namang masama roon. Or kung hindi mo itutuloy, okay lang din. Ang ayaw namin ay gumawa ka ng bagay na labag sa kalooban mo,” seryosong sabi ni Bettie. Kahit kailan ay ang kabutihan lang talaga ang gusto ng mga kaibigan para sa kanya. Kaya kahit hindi maganda ang ibang aspeto ng buhay niya ay nananatili naman siyang maswerte pagdating sa mga kaibigan. “Pero siyempre, mas masaya kung magkakaanak ka. Magiging ninang kami,” tuloy na sabi nito. Napatawa siya sa narinig. “Sabi na eh na may punchline.” Tumawa na rin si Bettie. “Pinapangiti lang kita. Kasi para kang nagsisisi nang pumasok ka rito sa boutique ko. Ang gloomy ng hitsura.” Totoo naman. There’s a part inside her na nanghihinayang. Not because she wanna experience s*x pero dahil sayang din ang tsansang pwede siyang mabuntis ni Matthias. “Tama na nga ito. Ang sad ng mood mo.” Huminga ito nang malalim at saka tumayo. “Sa ayaw sa gusto mo, magpapa-IVF ka. Mag-ambagan tayong lahat.” She rolled her eyes. “Eto na naman tayo eh. Magastos nga. At saka di sigurado. Baka masayang lang.” Nagbuntong hininga si Bettie. “Oh eh di anong gagawin mo?” Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam. Bahala na.” “Aww, sis.” Isang mahigpit na yakap ang binigay sa kanya ng kaibigan. Halos di siya makahinga sa higpit. But she appreciates everything her friends do for her. Pakiramdam nga niya ay ang mga ito lang ang meron siya ngayon. Hinintay niyang matapos si Bettie sa ginagawa sa boutique dahil magdi-dinner sila kasama ang mga kaibigan. As usual ay need ng full report ng mga ito tungkol sa nangyari kagabi. Lalo na si Rick na sa boses palang kanina ay gusto na siyang kurutin sa singit. Makalipas ang kalahating oras ay nagsidatingan na ang mga kaibigan sa restaurant. At hindi nga siya nagkamali. Ginisa siya ng mga ito ng tanong. Kesho bakit umayaw siya at umatras. Kesho sayang. Mabuti nalang at naipaliwanag niya nang mabuti ang kanyang panig. Sa huli ay naintidihan siya ng mga ito. “Alam n’yo, may naisip akong paraan para mas makatipid ako,” anas ni Emma Rose. Kunot noong tinignan siya ng mga ito. Lalo na ni Rick na mukhang diskumpyado sa sasabihin niya. “Ano ‘yon?” tanong nito. She grinned. “Kayo nalang ang magdo-donate sa akin ng sperm. Free pa. At saka isang bote lang ng alak ang katapat.” Sabay-sabay na nagmukhang maduduwal ang mga kaibigan sa suhestiyon niya. Bakas sa mga mukha nito ang pandidiri sa gusto niyang mangyari. “Ay grabe! Nasusuka talaga? Magpipiring nalang kayo para di niyo makita ang gagawin natin,” tumatawa niyang sagot. “Ew! Sira ka ba? Kakadiri sis!” hiyaw ni Joey na di maipinta ang mukha. “At saka, sorry sis. I love you with all of my heart pero hindi ko kaya. Hindi ako kumakain ng mani!” Si Bettie naman iyon na mukhang diring-diri din sa ideya. At dahil wala siyang mapala sa dalawa ay nilingon niya si Rick. “Ikaw nalang sis,” nakangiti niyang anyaya. Si Rick naman ay nakakunot ang noo na tinignan siya. “Gusto mo ng kurot? Kukurutin talaga kita sa singit!” Napahagalpak nalang siya ng tawa sa mga reaksyon ng kaibigan. “Eh di ba nga, nagtitipid tayo. Malay n’yo. Isang beses lang at magsucceed agad tayo.” Sunod-sunod na umiling ang tatlo. “Nope! No way, sis. Over my dead and sexy body,” sabi ni Bettie. Tumawa nalang siya dahil mukhang ayaw talaga ng mga ito. At kahit biro niya iyon ay di rin niya alam kung makakaya niya. They’re her friends ay ayaw niyang mabahiran iyon ng masamang experience. Shuta! Baka siya ang need ng piring sa mata pagka ganoon. She can’t unsee things pa naman pumasok na sa utak niya. Isa-isang nagpaalam ang mga kaibigan dahil may lakad pa raw ang mga ito. Ang naiwan na lang doon ay si Rick na hanggang ngayon ay naiinis pa rin ang hitsura. “Huy, ‘wag ka nang mainis, sis,” anas niya. “Hindi ko talaga kinaya kagabi.” “Hindi naman ako naiinis dahil doon. Nasasayangan lang ako sa efforts mo. It could have been a great opportunity for you,” sagot pa nito na medyo nawawala na ang simangot sa mukha. “I know. And I’m sorry. Alam kong you’re rooting for me a lot,” sagot pa niya. Kinuha nito ang cellphone at tila may tinipa. Ilang sandali pa ay nakareceive siya ng isang text message mula rito. Isang cellphone number ang laman ng text na iyon. “Ano to?” tanong niya sa kaibigan. “Number ‘yan ni Matthias…” “Pero sis—” “Hindi ko naman sinasabing tawagan mo para makipag One Night Stand. Basta i-save mo lang at baka need mo in the future.” Nagbuntong hininga siya. She’s trying to ditch the idea pero mukhang binibigyan pa talaga siya ni Rick ng rason para magpatuloy. Kaya naman hinayaan nalang niya ang kaibigan. Tutal wala namang masama. Isi-save lang naman ang number. Nang sunduin na si Rick ni Raymond ay tuluyan na siyang naiwang mag-isa sa restaurant. Kaya naman ay dumeretso nalang siya sa bahay ng kapatid na si Allysa upang di makaramdam ng lungkot. Nandoon ang mga bata niyang pamangkin. Ang mga iyon ay kayang-kayang iboost ang kanyang malungkot na mood. Pagdating sa bahay ng mga ito ay agad siyang sinalubong ng mga bata. Parang mga bata na nakakita ng santa claus dahil sobrang higpit ng yakap sa kanya. Isa-isa niyang kinumusta ang mga bata at pati na rin ang kapatid. Ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makitang nag-eempake na pala si Allysa ng mga gamit. “Ang bilis naman. Empake na agad?” tanong niya rito. “Oo ate. Nakabili na ng ticket si Roger. Kailangan na namin lumipad sa susunod na linggo.” Parang sinuntok sa tiyan si Emma Rose sa narinig. Bigla siyang napatingin sa mga bata na kanina lang ay niyakap siya nang mahigpit. “Di ba pwedeng ipostpone? Di naman madalian yan.” “Ate… kailangan na eh. Di na pwedeng ipagpaliban. Mahal ang pagbili ng ticket. Masasayang lang sa rebooking kapag ganoon.” Hindi na nakasagot si Emma Rose. In the end, she walked out of the house and cried in the garden. Hindi na niya mapipigilan pa ang mangyayari eto na. Sinundan siya ni Allysa pero nagkunwari lang siyang okay. Nagpaalam din agad siya at saka sumakay sa sariling kotse. Pinaharurot niya iyon upang mabilis na makauwi sa condo. Mula sa fridge ay kumuha siya ng isang bote ng alak at uminom mula roon. Sobrang sama ng pakiramdam niya. Hindi kaya ng isang bote ng alak na mawala iyon. Kaya naman nagdagdag siya ng isa pa. Until she felt tipsy again. So pathetic. Ganoon na lang ba talaga ang gagawin niya lagi? Kukuha ng maiinom kapag malungkot? Ganoon na lang ba lagi? Napakuha siya ng cellphone at saka tinipa doon. Gusto niyang tawagan ang mga kaibigan dahil tila ba pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. The terrible sadness crept inside her and she doesn't know how to control it. Pero bago pa man niya magawang tawagan ang mga ito ay natigilan siya. Could it be that these things are happening dahil nagpakaduwag siya? If only she has the courage to do what should have been done ay sana nagkaroon siya ng options pa sa buhay. Emma Rose took a deep breath before looking at her cellphone again. Hinanap niya ang isang pangalan na kanina lang ay nirehistro niya. At nang makita iyon ay agad niya iyong tinawagan. "Hello?" sagot ng lalaki sa kabilang linya. Muli ay narinig niya ang baritonong boses ng lalaki na kausap lang niya kagabi. Mas lalo siyang nakumbinsi na tama ang gagawin. She took a deep breath to muster her strength. "Hello Matthias? It's me. Emma Rose. Can you come to my condo tonight?" "Why?" "I'm thinking about your offer last night. And I think I wanna give it a try." Hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya. Ang naririnig lang niya ay mga kaluskos na di niya maintindihan. "Hello? Matthias?" "Ah yeah, I'm still here." "Is it a bad time to call?" "Ah no. Not at all." "So... are you okay with what I said?" Muli ay hindi sumagot ang lalaki. Mga kaluskos pa rin ang naririnig niya. "Hello? Sa tingin ko hindi tama ang timing. I better--" "Wait! Nasa kotse na ako. Hintayin mo ako!" Ay... di masyadong excited si Mr.Wright.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD