Chapter 07: Ride to Heaven

1268 Words
Umiikot ang paningin ni Emma Rose pero klaro pa rin sa kanya ang sinabi ni Matthias. Kung kailangan mo raw ilabas ang libog mo, mag-finger ka para safe. Gusto niyang matawa. Ang pakialamero. Di naman nito alam ang buong kwento. “Tsaka ‘di nakaka-buntis ang pagpi-finger uy!” Isang babae ang tumawa sa kanyang gilid kaya napalingon siya. Shit.  Ang lakas pala ng boses niya. Hindi pa nga pala siya nakakaalis sa beach party na iyon. Nasa labas pa rin siya at hinihintay ang sundo niya. Napatingin siya sa sariling cellphone. May text doon mula kay Rick at kinukumusta siya. Re-reply-an na sana niya kaso nahihirapan siyang tumipa sa keypad. Ang ending ay ibinalik nalang niya sa bulsa ang cellphone at humalukipkip sa gilid ng kalsada. Habang naghihintay ay bumalik sa kanya ang nangyari sa gabing iyon. Simon doesn’t like her dahil may jowa ito. So back to square one siya ngayon. Maghahanap ulit ng bagong prospect. Eh ayaw mo doon sa nag-ooffer ng one night stand? Napailing siya. Ayaw niya kay Matthias. Masyadong nakikialam. Iyon pa naman ang ayaw niya. Ang nakikialam sa buhay niya ang isang lalaki. She’s fine with one night stand pero paano kung makuha pa ng bata ang ugali nito? No no! She witnessed it firsthand kung paano ito mang-inis. Hindi yata siya makakapayag na maging ganoon din ang anak niya. But he cares, Emma Rose! Mabait naman siguro kahit papaano. “Hindi nga. Makulit at nakikialam. Nope! Sakit sa ulo ang ganoon.” Muli ay nakarinig siya ng pagtawa mula sa kanyang gilid. Naroon pa rin ang babaeng pinagtawanan siya kanina. Hays! Nakakahiya. Nagsasalita na siya mag-isa. Bakit ba kasi napainom siya nang marami? Kung hindi siya pinigilan ni Matthias na inumin ang alak kanina ay baka din na siya makauwi. “Are you okay, Miss?” tanong sa kanya ng isang lalaking biglang sumulpot sa kanyang tabi. Tinignan niya ang mga ito. There’s no way kasamahan ito ni Simon at Matthias sa basketball team. Never niyang nakita ang mga ito sa court noong nanood siya. Kaya naman hindi niya sinagot ang mga ito at sinubukang iwasan sila. She tried her best to walk quicker pero medyo nahihilo na siya kaya di man lang niya magawang bilisan ang mga paa. Ganoon nalang ang pagkagulat niya nang dalawang lalaki na ang biglang tumabi sa kanya. “Lasing ka na, miss. Ihahatid ka nalang namin,” anas ng isang lalaki. “Oo nga naman miss. Mahirap na. Di pwedeng gabihin ka sa kalsada. Delikado,” tumawang sabi ng isa pa. “Okay lang ako. Just leave me alone,” matigas niyang sabi sa mga ito. Sa pagmamadali ay bigla nalang siyang natisod sa daan kaya napabagsak siya. Pucha! Ang sakit. Mabilis na tumulong ang isang sa mga lalaki sa kanya. “Naku, lasing ka na nga ate. Ihahatid ka nalang namin.” Pagkatayo niya ay bigla niyang napagtanto ang sinabi nito. Ate? Did he just call her ATE? Nilingon niya ang lalaki. Hindi ito ganoon kabata para mag-ate sa kanya! May bigote at bilbil na nga ito! “Anong ate? Sinong ate? Mas matanda ka pa nga sa akin eh,” anas niya sa tumawag sa kanyang ‘ate’. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. “Ah eh… mukha naman talaga kayong ate ko na. Ilang taon ka na ba? Twenty lang ako.” Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. “Hindi pa ako ganoon ka-tanda para tawagin mong ate. Tsaka di ako naniniwalang twenty ka lang. Nakainom lang ako pero di ako bulag.” Napakamot ang ulo ng lalaki. “Grabe, tumtulong lang naman.” “Pasenysa ka na miss sa sinabi nitong kasama ko. Pero sige na, miss. Ihahatid ka nalang namin. Delikado na ang daan.” Biglang may dumating na kotse sa harap nila at nagbukas ang pinto niyon. “Ihahatid ka na namin miss. Sakay na.” Naramdaman nalang ni Emma Rose ang paghawak sa kanyang mga kamay ng mga lalaki at iginigiya siya papasok ng kotse. She tried resisiting but the two men are stronger than her. Diyos ko! This isn’t good. What the hell should I do?! Bigla nalang ay naramdaman ni Emma Rose ang isang kamay na kumawak sa kanyang braso at hinihila siya palayo sa kotse. Sa lakas ng pwersa nito ay nagawang kunin siya ng lalaki mula sa mga sumubok na tangayin siya. “Sino ka ba?” tanong ng isa sa mga sumubok na pasakayin siya sa kotse. Pero bago pa man nakasagot ang lalaki ay nakita niyang binulungan ito ng kasama nito. “Si Matthias Wright nga ‘yan. Yung player sa FA Builders,” anas nung lalaki. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng isa pang lalaki. “Hala! Idol ko ‘yan. Pwede kayang magpa-autograph?” “Sira! Umalis na tayo,” anas ng isa pa. Pumasok na ang isa sa mga lalaki sa kotse. Ang kasunod naman nito ay lumingon muna sa kanila. “Boyfriend mo ba yan?” tanong nito sa kanya. Mabilis siyang umiling. “Hindi ah!” “Mabuti nalang. Mukha ka na kasi niyang ate,” hagikgik nito. “Aba’t di ka pa talaga tumitigil!” bulalas niya. Pero di na niya ito matamaan dahil mabilis na itong pumasok sa kotse. “Akala mo ang bata-bata para tawagin akong ate.” Tumawa naman si Matthias sa kanyang tabi. “Muntik ka na nang matangay, iyon pa talaga ang concern mo.” She shrugged. “Kaya ko ang sarili ko, Matthias.” Sinubukan niyang maglakad papalayo sa lalaki nang hilahin siya pabalik nito. “Kahit gaano ka kaindependent, you still need help, Emma Rose. You should accept that truth.” “Alam mo? Okay ka n asana eh. Matalino. Gwapo.” Napatingin siya sa katawan nito. “Masarap este maganda ang katawan. Kaso ang hilig mong makialam.” Tumaas ang kilay ni Matthias. “Para saang standards ba ‘yang sinasabi mo?” Nagkibit balikat siya. “Wala.” Lasing siya pero di pa rin niya kayang sabihin na kailangan lang niya ng pwedeng magdonate sa kanya ng seed para magka-baby. “Oh, I know.” “No, you don’t.” “Just like what you wanted with Simon, right?” “Yeah… I mean, no… Not really.” Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Ang tumatawag pala ay ang driver na susundo sa kanya. Sinabi niya sa driver ang lokasyon niya at mabilis naman niya itong lumapit sa kanya sakay ang kotse. “Hey, Emma Rose!” tawag sa kanya ni  Matthias nang maglakad na siya papunta sa sasakyan. “What?” Ganoon nalang ang pagkabigla niya nang halikan siya ni Matthias. Holy s**t! Ang bibig nito ay walang kasing init. Para siyang nahihipnotismo gamit ang lambot ng galaw ng labi nito sa kanya. Halos mapugto ang kanyang hininga. It’s weird in a f*****g nice way. Ilang sandali pa ay humihingal na bumitiw sa kanya si Matthias. “A-ano ‘yon?” utal niyang tanong. Gulat pa rin siya sa halik ni Matthias sa kanya. Sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki. “Gusto kitang makasama buong gabi? Papayag ka ba?” “W-why?” “I’m curious about you. I wanna know…” “W-wanna know what?” “How fun you are in bed.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nakainom siya, oo. Pero naiintindihan niya ang mga sinasabi nito sa kanya. Gusto nitong makipagsex sa kanya! WTF! Magsasalita na sana siya nang biglang lumabas ang driver sa sasakyan. “Uhm… excuse me po? Sasakay po ba kayong dalawa o hindi?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD